Wednesday, June 8, 2011

Last Friday Night

NOTE:Natatawa nalang ako nung sinusulat ko to. Hahahahaha!



I swear to God. Hindi na ako iinom ng Friday. Shit. Promise Lord, di na po ako iinom. Ang sakit ng ulo ko. Ang gara ng feeling, parang susuka ako any moment. Lord, promise di na po ako iinom ng Friday.

Having thought of it, Last Friday Night was fun. Lord, pwedeng uminom ulit ako this Friday? :p

* * *


“Ano ba? Mag-o-O-bar ba tayo o hindi?”

“Di ba kayo nagugutom? Tatamaan tayo agad pag gutom tayong uminom.”

“Okay. Kakain na nga tayo. Fine.”

“Bakit ba parang bet na bet mo uminom ngayon Criselda?”

“Puki mo. Kain na tayo.”

Nasettle ang issue. Kakain muna kami bago kami magpakalango sa alak. Pumunta kami sa pinakamalapit na burger shop sa loob ng Home Depot Ortigas. Si Kelvin, Chris at ako, ang usual na trio na umaaura sa mga sulok-sulok ng Ortigas. Workmates and friends, ang Powerpuff Girls ng company.

Ako si Buttercup, dahil may pagkamataray daw ako.

Si Chris a.k.a Chriselda Mae naman si Blossom dahil Team Leader sya.

At si Kelvin si Bubbles, dahil pasweet daw sya.

I don't know what's with this Friday. Parang nakaramdam kami ng bonggang desire para magpakalango sa alak. Pagkalabas palang ng office ay agad kaming nagkatinginan, mga titig na alam ng isa't-isa ang ibig sabihin. Gusto naming gumimik.

Sa O-bar kami usually dahil ayos naman ang place at ang crowd. Mura na din naman ang entrance kapag Thursday. Di na rin masama ang 3 Tanduay Ice at ang sayawan, kung makaquota ka ng lalaki why not diba?

Going back, tulad ng suggestion ni Kelvin, kumain muna kami ng burger. Daddy's Big Burger was great. Naglalaban yung juicyness ng beef at yung taste ng mga veggies on it. Sa madaling salita, nakakain kami ng matiwasay, nabusog kami ng husto. At ang next stuff, pupunta na kami ng O-bar.

“Bakla tignan mo maraming tao.”

“Gaga. Paano mo nakitang maraming tao eh tinted yung salamin.”

“Gaga. Kita mo naman sa ilaw yung mga anino nung mga nasa loob. Tonta ka.”

“Sabi ko nga.”

“Chusera.”

Nagdalawang-isip kami kung papasok ba kami ng O-bar o hindi. Ang dami naman kasing tao tapos may gamit pa kami from the office. So hassle masyado at di din kami makakalandi ng husto dahil siksikan.

Ang ending, pumasok kami sa isang bagong bukas na bar para sa mga straight people.

The bar is called ENIGMA. The place was actually okay. Spacious sya at may lugar talaga para sa sayawan. Ang boring lang kasi hindi pa masyadong marami ang tao pag punta namin dahil kakabukas lang daw nila.

Ilang oras pa ang lumipas, nakailang inumin na kami, naramdaman ko na ang tama. Alam mo yun? Parang mainit na yung loob mo at parang nahihilo na ako ng slight lang naman.

Naisipan kong magCR. Ayyy dong! Pak na pak. Akala ko may CR sa loob, wala naman pala. So Todo lakad ako hanggang sa makita ko ang Comfort room. Ramdam na ramdam ko ang hilo sa bawat hakbang. Dama ko ang pag-ikot ng aking paningin. Ako ay ganap ng tipsy.

Bumalik ako sa loob ng Enigma. Patuloy pa rin ang inuman. Mas lumakas ang tugtog ng DJ. Mas naging conducive ang lugar para sa sayawan dala na rin ng malilikot at makulay nitong mga ilaw. Natanaw ko ang dalawang bakla sa table namin, mukhang mayroon na namang heart to heart talk.

“Putang Ina. Nagmamahal lang ako.”

Nangisi ako sa narinig. Tama. Lasing na si Chris. Nagdadrama na naman ang bakla.

“Gaga ka kasi, alam mo namang di ka nga mahal nung tao. Bakit ipilit pa?” sabat ko

“Ewan. Eh mahal ko eh.”

“Gaga. Masasaktan ka lang dyan. Di ka pa ba napapagod masaktan? Kami na ang napapagod para sa'yo beks.”

Tahimik si Chris. Patuloy ito sa pagbuhos ng hinanakit na kanyang nararamdaman sa lalaking kanyang tinatangi.

“Ang sakit-sakit lang.”

Nagtama ang mga mata namin ni Kelvin. We rolled our eyes.

“We know.”

“Cheers.”

Isang toast para sa sakit na nararamdaman ni Chris.

Taena. Nahihilo na ako.

Patuloy din ang pamimigay ng complimentary drinks ng owner ng Enigma. Lalo akong nahilo.

Patuloy ang kwentuhan, office rumors, sexcapades ni Kelvin, ang hinanakit ni Chris, ang mga kaartehan ko. This is exactly what Friday night is. Having fun and getting extremely drunk.



Mga 3am na ata ng matapos kaming mag-inuman. Nag-aya ng umuwi ang mga bakla dahil na rin sa hilo at kalasingan. Sinakay na namin ni Chris sa taxi. Nakakaloka talaga yang baklang yan, warfreak kapag lasing. Going back, naglalakad na kami ni Kelvin papunta sa sakayan ng bus. Nahihilo na rin talaga ako. Hindi pala magandang paghaluin ang Tanduay Ice, Blue Margarita at iba pang Cocktail drinks. Mukhang madadala na ako nito.

Narating namin ni Kelvin ang 7eleven na malapit sa aming building. Uminom kami ng mainit na kape, umaasa na matatanggal nito ang hilong nararamdaman ko. The next thing I know, dumuduwal na ako sa labas ng 7eleven.

Bakas sa mukha ni Kelvin ang pagkataranta. Hindi nito malaman ang gagawin dahil ngayon lang nya ako nakitang nahilo sa kalasingan, take note, sumuka pa. I smiled and instructed him to text someone. I handed him my phone.

“Bakla, i-text mo na si Lex. Dun nalang ako matutulog. Di ko na kaya.”

“Ha? Okay okay.”

Dali-daling kinuha ni Kelvin ang aking cellphone at tinext si Lex na aking na-meet sa O-bar. Lex has shown interest and it turned out na he's into me. We go out once in a while, if time permits, and that's it. I strongly believed na hindi dapat minamadali ang mga bagay. As I get to know him more, Lex turned out to be a well-rounded man. Isa sya sa mga good catch.

I still continued passing out sa gilid ng 7eleven. Seconds after, kinalabit nalang ako ni Kelvin at ngumuso na nandoon na si Lex at ang kanyang kotse.

“Bakla. Keri lang ba na di tayo sabay?” sabi ko

“Oo naman. Kaya ko umuwi. Sige na pahinga ka na.”

Dahan-dahang lumapit si Lex at kita ko ang pagkabigla sa mga mata nito.

“What the hell happened?” sabi nito.

“Nothing. We just had some fun.” sabi ko

Nagngitian si Kelvin at Lex. Ilang segundo pa, nawala na parang bula si Kelvin.

Inakay ako ni Lex papasok sa kanyang kotse. Inupo ako and he made sure na comfortable ako.

“It's okay to drink. Next time, wag sosobra.” malambing na sabi nito.

“I know. Nahihilo na ako.”

“Oo. Ang pula mo na sobra.”

“Nahihilo na ako Lex. I'm really sorry for the trouble though.”

“No worries. You're the sweetest trouble I've ever had.”

He gave me a kiss sa aking noo. Then he started driving.

Patuloy ang aming kwentuhan sa kotse. As usual, lagi namang sensible si Lex. We have the same interest when it comes to music. He knows a lot of genres and songs. He knows a lot. He's a very sensible and intelligent guy.

“Naiihi ako.”

“Ha? Ayan ang Gasoline station, CR ka muna.” sabi ko

Ramdam ko pa rin talaga ang hilo. DEYM.

“Sige sige. Papagas na rin ako.”

“Malayo pa ba tayo sa place mo?”

“Ha? Hindi. Actually in a minute nandun na tayo. Papagas lang ako para di na hassle bukas.”

“Ah I see.”

Nagpark si Lex sa may Gasoline Station. Ibinaba nya ang bintana ng sasakyan para daw makalanghap ako ng sariwang hangin. Ilang segundo pa, lumabas na sya ng kotse at nakita kong papalakad papunta sa Comfort room na nasa likod.

Wala pang isang minuto ay may nagpark na isang Pulang Corolla Altis. Kahit nahihilo ay sinilip ko pa rin ang driver nito. In fairness, ang cute nya.

Nagtama ang aming mga mata. Maganda ang mga mata niya. Makinis ang kanyang mukha at maganda ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Mukhang mayaman.

Sa di malamang dahilan, lumabas ako sa kotse. Sumandal ako sa pinto nito habang patuloy na nakikipagtitigan sa lalaking nasa kotse. Nahihilo pa rin ako. Nagtataka ako sa mga titig nya, all of a sudden he smiled at me.

Nabato-balani ako sa kanyang puti at pantay-pantay na mga ngipin.

Lumabas di sya ng kotse at sumandal sa pinto gaya ng ginagawa ko. Nabigyan ako ng pagkakataon makita ang kabubuuan nya. I was dumbfounded. Muli, sya ay ngumiti sa akin.

With the way he stands and the way he carries himself, wala silang pagkakaiba ng ex ko.

Ako ay napabuntong-hininga. Unconsciously, a teardrop fell.

He then again, smiled at me.

Hindi ko alam pero dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang ako ay makalapit, he instantly gave me a smooch. Keber kahit may mga gasoline boys. The smooch sent me to heaven. He smiled. I smiled back. Hindi ko alam ang mga nangyari, basta ang alam ko, sumakay ako sa kanyang kotse.

Hinawakan nya ang aking mga kamay. Then he drove off.

Last Friday Night.

W A KA S

1 comment:

Anonymous said...

wow sexcapades ni kelvin, that's a good story to hear ;)

dapat makasama kita sa bar at pakalasing tayo....pataasan ng ihi sa quota, harhar

thanks for sharing, mas ok sya pag may details....di pa wakas yan, you left lex hanging.

- di na virgin sa obar