Monday, July 30, 2012

Bullets for my Valentines- Part 4

Salamat po sa mga nakakaoverwhelming na comments....

Sa mga silent readers ko... welcome po.... hehhe.. hope to see your comments soon.. hehehe...

Sorry kung natatagalan mag post minsan.. hirap kasi eh... la net minsan tapos busy pa...

Hope you like my stories... sa mga commentators sa akin.. maraming salamat...

sa mga nalalabuan po... PM lang po ninyo ako....




ingat po kayo lalo na sa bagyo... hahaha

hope to see your comments...

follow po ninyo blog ko...

dylankylesdiary.blogspot.com

Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Here We Go Again – Demi Lovato Song Lyrics


***********************************************

[AJ’s POV]


Sira ang buong araw ko kapag nakikita ko siya. Haixt. Ni hindi ko na lang siya pinapansin. 

Ganun din naman siya. Bahala siyang manghula ng grades niya. Inis talaga ako.

Pilit akong kinakalma nila Rizza pero wala talaga, wala na akong magagwa pa. Kainis talaga. 

Naku, siguro walang magiging matinong girlfriend ito. Iiwan lang siya ng dahil sa ugali niya.

Wala sigurong magiging matinong karelasyon ito dahil hindi matitiis ang natatangi nito asal. Haixt. 

James Arkin Ramos, humanda ka talaga sa akin. Nakakinis ka. Argsh. 

Buong maghapon ko idinaan ko na lang sa pagkain ko. Haixt. Kainis.


“Best friend hinay hinay lang. Kanina ka pa kain ng kain ah. Mamaya tumaba ka na.”


“Nakakainis kasi eh sobra. Gusto kong makapatay talaga.”


“Oh? Ngayon na ba? Teka magready na ako.”


“Tae. Patawa ka talaga. Sige tutulungan mo ba ako?”


“Oo naman. That’s are friends are for.”


“Aysus. Talaga lang ha?”


“Oo naman.”


“hindi ka manghihinayang sa itsura?”


“Ay. Ahm. Teka.”


“Aysus. Wahoy. Tignan mo bigla kang napaisip. Ikaw talaga ay.”


“Joke lang ito talaga siyempre uunahin ko muna ang best friend ko.”


“Sipsip. If I know baka ikaw ang uang humarang sa harapan niya pag may kaaway siya.”


“Che bahala ka nga jan.” at nagtawanan na kami.


Hindi ko pa rin pinapansin si James ng mga panahong yun. Bahala talaga siya sa buhay niya. 

Every Sunday, nag spent ako ng time ko para sa mga bata sa may orphanagena malapit sa amin.


Kasali kasi ako sa isang church organization sa simbahan naming at isa sa mga layunin naming mga kabataan ay ang paglingkuran ang Panginoon at pasiyahin ang mga bata. Nahilig na ako sa mga bata.


Noong nag uumpisa ako, siyempre nahirapan ako. 


Paano ba naman ang kukulit at ang pasaway. Pero habang nagtatagal eh nagiging okay din ang lahat at kahit papano ay nagiging close kami s isa’t-isa.


Ang pinaka-close ko doon sa ampunan ay si Khail. Sobrang cute kasi niya noong bata at isa pa pasaway siya. Ang nagustuhan ko pa sa kanya ay yung pagiging maparaan niya at talentado. Sobra akong natutuwa sa kanya.


Noong una kaming dalawa ang hindi magkasundo. 

Ano man ang gawin ko noon ay pilit niyang nirereject? 


Kapag nagtuturo ako ay marami siyang tinatanong at maraming sinasabi.


Pero nagbago ang lahat ng mangyaring muntikan ng maremata ang ampunan. Isa ako sa nagpetition para hindi mangyari ito.


Nakita ko ang pagkalungkot ng mga bata at agad kong pinawi ito. 

Natatandaan ko pa noon na una kong nakitang umiiyak si Khail.


“Kung talagang mahal mo kami… ikaw ang gagawa ng paraan para hindi mangyari iyon… kung hindi mo magagawa iyon wag na wag ka ng babalik dito.”


Yan ang natandaaan kong sinabi niya sa akin. 


Gumawa talaga ako ng paraan para gawan ng paraan ito. nag karoon kami ng fund raising sa simbahan at malaki ang naitulong nito. 


Pero hindi sapat para sa kinakailangan naming halaga.


Agad akong pumunta kila papa noon at saktong may kilala siyang matulungin at negosyanteng babae na naghahanap ng mga bibigyan nila ng financial na tulong. Lumapit ako sa kanila at agad silang nag donate.


Matagal na daw silang naghahanap ng beneficiary dahil isa yun sa layunin nila matapos makaraos sa isang matinding kahirapan. 


Pasasalamat daw nila sa Diyos ang mga ito at handa silang ipamahagi ang mga bagay na nagkaroon sila.


Matapos ang mga pagsubok na iyon, naging matibay ang relasyon ko sa mga bata. Lalo na kay Khail. 

Matapos ito, nakita ko na lang na lumapit sa akin si Khail at doon na nagsimula ang closeness namin.


Tuwing Sunday ay nagspent ako ng araw ko sa mga bata. Naglalaro kami at iyon na ang isa sa mga kinahiligan ko. Para ng kapatid ang turing ko kay Khail.


Part na ng buhay ko ang ampunan at sobra akong nasisisyahan kapag naroroon ako. Isang araw bumisita sa ampunan ang tumulong sa ampunan.


“Good afternoon po Mam Annie.” Bati ko.


“Good afternoon din iho. Naku tita na lang ang itawag mo sa akin.”


“Nakakahiya naman po.”


“Wag ka ng mahiya. At isa pa bilib nga ako sayo eh akalain mo na sa ganyang edad ay nagsisimula ka na maging isang mabait na tao. Sana nga lang eh maging katulad mo ang anak ko.”


“Bakit naman po?”


“Di ko kasi maintindihan ang anak kong iyon. Nagrerebelde na ata sa akin. Sobra akong nalulungkot. Mag mula kasi ng mamatay ang papa niya, doon nagsimula ang pagiging ganun niya. Close kasi siya sa kanyang papa kaysa sa akin. Kaya noong mawala ito, hindi na nakikinig sa akin ang anak kong iyon.”


“Ah ganun po ba. Im sure naman po na magiging okay din po ang lahat. Di po magtatagal ay magiging oaky din ang lahat. Don’t lose hope po.”


“May hihingin sana ako na pabor sa iyo.”


“Ano po iyon?”


“Dadalhin ko dito ang anak ko. Sana naman matulungan mo siyang magbago.”


Napaisip ako muna. Kakayanin ko kaya iyon?


“Matutulungan mo ba ako?”


“Uhm. Sigurado po ba kayo sa iniisip ninyo?”


“Oo. Alam kong matutulungan mo ako. Please?”


“Sige po. Susubukan ko.”


“Salamat iho. Next week dadalhin ko siya dito. Alam kong matutulungan mo ako dahil mayroon kang mabuting puso.”


“Salamat po.”


Habang dumadaan ang araw ay pinag iisipan ko kung ano bang klaseng tao ang kakaharapin ko. 


Kakayanin ko ba talaga ito?


Ang hirap naman ng kalagayan kong ito. paano ko kaya magagwang baguhin ito. iyan ang mga tanong na sumasagi sa aking isispan ng mga panahong ito. nakakastress ito. sobra.


Nagpatulong ako kay Rizza kung ano ang gagawin ko. Todo support naman siya. Habang papalapit ang araw, hindi ko maiwasn ang kabahan ng sobra. Grabe naman tong nararamdaman ko.


Ilang araw na rin na hindi kami nagpapansinan ni James. Bakit noon ba ay nagpapansinan kami? Hehe. Ipinapakita ko talaga na wala na siyang magagawa sa project niya. Ni hindi man lang siya nag effort na humingi sa akin ng chance.


Napaka self-centered talaga niya. Mukhang walang tatagal sa kanya na babae. Siguro talaga napapagod na ang mga magulang niya sa kanya.


“Alam mo talaga napaka hangin niyang James na iyan. Ni hindi man lang mag effort na tumulong sa project naming. Bahala siya sa buhay niya. Akala niya pera pera lang ang lahat. Naku bahala siya. Sigurado akong walang mararting yang lalaking iyan.”


Ang sinabi ko kila Rizza.ngumingisi naman sila sa akin na hindi ko maintindihan.


“Ano ba? Bakit ba ganyan kayo? Di man lang kayo umaagree sa akin.” Bumulong sa akin si Rizza.


“Ano ka ba? Kanina pa nasa likod mo si James.” Tumingin ako sa likod. Laking pagkapahiya ko sa mga siansabi ko. Ngumiti lang siya at ngumisi.


“bakit kasi kailngan pang sabihin ng patalikod.”


“Pakialam mo ba?”


“Hahaha. Ewan ko lang talaga sa iyo. Nag mamatigas ka pa. alam kong madadaan ka lang din sa mga bagay bagay na tulad ng iba.”


“Ibahin mo nga ako. Kung ano ako at ano sila. Hindi ako tulad ng iba na suhulan mo lang ay gagawan ka na ng project at assignments. Ako yung taong may paninindigan at hindi basta basta. Tandaan mo may prinsipyo ako at walang ano man ang makakapagpabago doon.”


Agad akong tumayo at lumabas ng room. Pero naagapan ako ni James at hinawakan ang kamay.


“Talagang hinahamon mo ako ha.”


“Hindi kita hinahamon kundi sinusubok kita kung hanggang saan aabot yang kayabangan mo.”


“Mapapahiya ka lang.”


“talaga lang ha.”


Bigla siyang lumapit sa akin at simpleng bumulong.


“Kung kakayanin mo ba ako?” Nagpumiglas ako at umalis na sa kinaroroonan mo ako.


Pero di ko maintindihan habang nangyayari ang pagtatalo naming kanina eh may naramdaman ako. 


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang ginawa niyang pagbulong sa akin.


Kakaiba yung naramdaman ko na hindi ko maintindihan.Kinabahan ako o hindi ko matukoy kung kaba yun dahil malakas lang talaga ang kaba ko sa aking dbdib. 

Pagkauwi ko ng bahay iniisip ko pa rin yun.


Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko ng unang beses na lumapit sa akin si James ng ganung kalapit. 


Hindi ko maexplain yung feeling eh. Para ba na biglang nagbago ang lahat.


Bakit ba gising pa ako hanggang ngayon? Ilang oras ng tumatakbo sa utak ko si James. Natatanga ako sa naiisip ko. 


Natatawa ako sa sarili ko, kung anu-ano ang iniisip ko.


Naisipan ko na lang ang mag bukas ng pc at magalaro. Then after ilang minute na paglalaro eh nag punta ako isang social site. 


I checked my e-mails at friend request. Haixt. Nakakatamad talaga ngayong gabi.


Biglang napadako ang mata ko sa profile ni James. Di ko alam na friends na pala kami sa facebook. 


Woah. Talaga? Imposible.now I know  Kelan pa? nagtaka ako kaya I checked his profile.



Nakita ko na sinuggest akong friend ni Rizza sa kanya.now I know na kung paano kami nagging friends. 


Lukaret talaga yung babaeng iyon. Yeah he has too many friends pero ang tanong kilala ba niya lahat yun?


Bakit ba masyado akong inis sa mokong nay un? Ano bang mero at kumukulo ang dugo ko sa kanya? 


After 30 minutes na pagbrowse sa internet ay nag out na ako. Siyempre after nun bumaba muna ako tapos uminom ng tubig bago dumeretso sa pagtulog.


Dumating na yung day na kung saan ipapakilala na sa akin ni Mam Annie yung anak niya. 


How I wish na hindi siya kasing stubborn ni James? 


Naku masisiraan ako ng ulo kung sakaling si James yung anak niya.


Pati imposible no, ang bait bait ni Mam Annie tapos magkakaanak lang siya ng isang stubborn child tapos mayabang pa. 


akala mo makukuha niya sa pera ang lahat. Nagtuturo ako sa mga bata hanggang sa dumating si Mam Annie.


Tinawag niya ako sa labas ng silid-aralan ng mga bata kaya lumabas ako para Makita at makausap siya tungkol sa kanyang anak. 


Medyo kinakabahan pa nga ako dahil dami ko ng iniisip about sa pagkatao ng anak niya.


“Good Morning po Mam Annie. Kasama nap o ba niyo yung sinasabi ninyong na…”


hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng Makita ko ang lalaking nasa likod ni Mam Annie. 


What the heck is going here? 


Bakit? 


Bakit siya pa? 


Sira na ang dignidad ko sa pakikipag away sa kanya. 


Bakit sa lahat ng tao si JAMES pa?


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko bigla.


“Ma? Siya ba? Siya ba yung sinasabi mo?” tanong ni James.


“Teka magkakilala ba kayo?”


“Mam Annie magkaklase po kami. Di ko po expected na siya yung anak ninyo. Well nag fifit po sa kanya yung mga description ninyo. Di na po ako nagtataka kung nahihirapan kayong magpalaki sa kanya.”


Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. My God I did it again. Nakakhiya tuloy sa side ni Mam Annie.


“I’m sorry po Mam Annie.”ako na bahala.


“It’s okay. Well good naman na magkakilala na kayo. Good din na magkaklase kayo. Sayo ko na siya hinahabilin. Please sana lang lagi kayong magkasama. Please lang. sige. ako na bahala. Bibigyan kita ng allowance mo lagi or weekly. Bastaa pinagkakatiwala ko ang anak ko sayo.”


Bigla na siyang umalis ng hindi man lang   hinihintay ang sagot ko. Tinitigan ko ng masama si James. Nagreact naman siya agad.


“Oh bakit?” tanong niya.


“Wala naman. Tsk.”


“So Ikaw pala yung sinasabi ni mama na mabait na magbabantay sa akin.”


“Yeah. Ako nga yung mabait nay un.”


“Di ako naniniwala. Ang alam ko kasi eh Si Arwin Jake Montederamos ay isang masungit at matapang na kaklase na hindi man lang ako ikinoconsiderate sa project namin.” Sabi niya.


“Aba. Ikaw pa tong ganito. Mabait ako sa taong mabait. Napaka irresponsible mo. Napaka yabang, walang magawa sa buhay. Ni hindi man lang pinapahalagahan ang nanay niya dahil napaka pasaway. Alam mo bay un. Oo mayaman ka, may itsura ka, pero para ka ding damong ligaw, mahirap alisin.”


Sa pagkasabi kong iyon bigla niya akong isinandal sa pader at hinila ang swelyo ng aking damit.


“Wala kang kaalam alam sa buhay ko kaya wag kang mag husga. Alamin mo muna yung tungkol sa akin bago ka mag husga ng kung anu-ano.”


Sabi niya bigla sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya. Feeling ko susuntukin niya ako. 


Nakatitig ako sa mga mata niya na nanlilisik. Brown ito. napansin kong may taling siya sa may banadang baba ng mata.


Matangos ang ilong niya at napakakinis ng mukha. Hala ka, bakit ko ba naiisip iyon. 


Ilang dangkal lang ang layo niya sa akin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking mukha.


Nakita ko ang kakaibang titig niya ilang sandal matapos ang tensiyon na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon sa ginawa niya. 


Dapat nagagalit ako diba? Dapat lumalaban ako, pero ano ito? anong nangyayari.


“Daddy Arwin….” Tawag sa akin ni Khail.


Bigla ko siyang itinulak papalayo at agad na pumasok sa room.


“Mga bata sige lumabas na. muna kayo. Mag miryenda na una kayo.”


At unti-unti na silang lumabas. Ng makalabas na ang lahat, napansin ni Khail si James.


“Daddy sino siya?” tanong nito.


“Baby… siya si Jamese. Anak ni Maam Annie. Edi mabait din po siya?”


“Ah eh…” di ako nakasagot.


Agad lumapit si Khail sa kanya at hinawakan ang kamay.


“Mr. Pogi…. Salamat po ah. Salamat po at tinulungan po ninyo kami… nang dahil sa inyo eh naririto pa rin po kami. Salamat po ng marami. Utang na loob po naming sa inyo ito.”


“Wala iyon… kuya James na lang itawag mo sa akin ha…”


Napansin kong nagbago na ang pakikitungo niya. 


Bakit sa kanya ang bait bait niya sa mantalang sa akin ang sama? 


Life is unfair talaga. Haixt. Disaster na ang mangyayari.


Nung magkasolo na kaming dalawa, agad akong humingi ng tawad sa kanya.


“James sorry kanina. Nadala lang ako ng emosyon ko. Nagjojoke lang namana ko pero di ko akalain na seseryosohin mo.”


Di pa rin niya ako pinansin.


“Suplado talaga haixt. Wala ng mababago sa kanya.” Binulong ko sa isang tabi.


“Tignan mo to, ikaw na humihingi ng tawad tapos ikaw pa yung nagagalit.”


“Eh napaka impulsive mo eh. Haixt.”


“Alam mo maging mabit ka lang sa akin eh magiging mabait din ako.”


“Kung gusto mo akong maging mabait sayo, start treating me right. Maging responsible ka nga.”


“Responsible ako no. haixt. Teka, kung ikaw ang makaksama ko, ibig sabihin ba nito magiging alalay kita?”


“Hoy ang kapal mi din…. Hindi ako ipinanganak para maging alalay mo. Ano ka sinuswerte? Napaka gwapo ko para maging alalay ng isang mayabang na tulad mo.”


“Nagsalita ang gwapo. Hamak naman na mas gwapo ako.”


“Wew. No Comment.”


“Aysus. Sige alis na ako.” Sabi niya.


“San ka pupunta di pa tayo tapos.”


“Mag iikot-ikot lang. nga pala, magiging buntot kita mula ngayon.”


Sinabi niya iyon at umalis na. Ha? Buntot? Ano siya sinuswerte. No way!


(End of Flashback)


(Itutuloy)


*************************************

leave your comments ah.....

Sunday, July 29, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 14



             Kamusta po sa lahat ulit? ^_^ Yay!!

             Una sa lahat, ay gusto ko magpasalamat sa mga magagandang feedback na natanggap ko sa chapter 13. Sobrang ikinataba ng puso ko yun. At ano pa masasabi ko. Pasensya na din po sa mga di ko nareplyan sa comments. Pasensya na po talaga.

              Pangalawa po, Gusto ko pong pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn,   _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)


             Pangatlo, gusto ko lang promote blog ko. Lol. Kapalan lang sandali. aahehehehe. Yung mga gusto pong magfollow, maraming salamat po. www.darkkenstories.blogspot.com. Thank you po  muli!


              Pang-apat. Sa mga gusto pa din pong mag add sa akin sa fb, i-add lang po ako - dizzy18ocho@yahoo.com - PAKIUSAP lang po na mag iwan po kau ng message. Maraming salamat po. Oh sya, di na ko magdadaldal pa! Enjoy na lang po.


               COMMENTS AND VIOLENT REEACTIONS HIGHLY APPRECIATED



Thursday, July 26, 2012

Bullets for my Valentines- Part 3

AUTHOR'S NOTE:

Guys sorry medyo natagalan ang update. Makakapag update lang ako once in a week. pinakamabilis na update ko na lang eh 3 days. Sorry kung natagalan. hahaha.

Di na po muna ako makakapag mention ng names. Medyo nagmamadali din po ako eh.

Umpft. Salamat nga po pala sa lahat lahat. natutuwa po ako sa mga comments ninyo. Hayaan po ninyo at gagalingan ko pa po. Asahan po ninyo na mahaba po itong story na ito. hahaha. Maraming salamat po.



Asahan ko po mga comments po ninyo.. salamat po... :))


Always Here,

Dylan Kyle Santos





videokeman mp3
Sa Isang Sulyap Mo – 1:43 Song Lyrics

************************************************************


[AJ’s POV]


“Oh anong pinag uusapan ninyo ni Jaysen?” tanong ni Chad.


“Uhm, wala naman. Nag kwentuhan lang kami habang hinihintay ka. Teka nga pala, bakit ngayon ka lang? Sabi mo maaga tapos eto, malalate ka?” sabi ko.


“Sorry naman. Napuyat ako kagabi eh. Kaya ayon. Sorry.”


“Oh ano bang kalokohan ito at kailangan pa nating pumasok ng maaga?”


“Alam mo kasi, may nakausap ako na kaibigan ni Jaysen. Tingin daw nila eh inlove tong si Jaysen sa kung sino man. Dami na daw kasing tinatago eh.”


“Oh anong gusto mong gawin natin?”


“Kailangan malaman natin kung sino yun. Grabe ang swerte niya ha.”


“Sus. Wag na kasi. Dami pang alam eh. Waste of time lang yan.”


“Ouch naman. So waste of time pala ang pagtulong mo sa best friend mo?”


“Hoy wag kang mag emote jan, batukan kita eh.”


Di siya nag salita. Grabe dadaanin na naman ako sa drama nito.


“Oo na sige na. Dame pang alam na kadramahan.”


“Wala napipilitan ka lang. Wag na. Sa iba na lang ako magpapatulong.”


“Sus. Edi di wag.”


“Tignan mo oh. Haixt. Ganyan ba ang best friend?”


“Oo na sige na. Oo na diba? Paulit-ulit. Ano gagawin natin kapag nalaman na natin?”


“I will make him or her life miserable.”


“Oy grabe ka ha.”


“Joke lang. Basta yun na yun. Kung sino man yun ang swerte niya.”


“Okay na. Sige na.”


“Salamat talaga best friend nga kita.”


“Pa-salamat ka. Teka nga pala, bakit ka napuyat aber?”


“Ah eh may ginawa lang ako.”


“Talaga lang ha.” 


"Chismoso ka.”


“Kapag nagtatanong chismoso agad?”


 “bakit hindi ba?”


“So naglilihim ka na sa akin?”


 “Hindi naman.”


“So naglilihim ka na nga.”


“Basta saka ko na sasabihin yan.”


“I’m sure paglalandi na naman yan.”


“Tama!”


“Kitams, sino naman yan?”


“Basta. I will looking forward for the progress. Saka ko na sasabihin kung sino.”


“Aysus. Kung sinu-sino yan ha. Naku.”


“Oy hindi ah. Basta focus pa rin ako kay crush ko.”


“Sus. Lalakero. Meron ka ng pinagpupuyatan tapos may ganito pa?”


“Basta.”


Determindo nga talaga itong lalaking ito na malaman. Pati ba naman best friend ni Jaysen eh pinipiga.


“Pre, may nililigawan ba si Jaysen?”


“Uhm. Wala naman. Bakit?”


“Wala lang. Eh may nagugustuhan ba siya?”


“Definitely meron kasi super inspired siya. Kaso ayaw nyang sabihin sa akin kung sino. Saka na lang daw pag naging sila.”


“Oh my. Ang daya, kailangan malaman natin kung sino yun.”


“Bakit naman?” tanong ng best friend niya.


“Uhm wala naman.”


“may gusto ka sa kanya no?”


“Wala ah.”


“In denial ka pa jan.”


Bigla namang dumating si Jaysen mula sa kawalan.


“Oh anong ginagawa ninyo dito? Anong pinag uusapan ninyo?” tanong nito.


“Wala naman.” Agap kong sagot.


“Ah okay.”


“Sige alis na kami.” Sabi ko.


“Okay ingat kayo.” Sabi naman ni Jaysen.


Nagmadali na kaming umalis. Haixt pasaway talaga itong si Chad muntikan na kami doon. Tambay na lang muna kami sa cafeteria.

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag nakikita ko si AJ. Para bang lagi ko siyang gustong makasama at makausap. 

Alam ko noong una pa na mabigat na ang loob niya sa akin.


[Jaysen’s POV]


Unang pagkikita kasi namin eh hindi na niya ako kinikibo. Akala ko suplado siya pero hindi pala. May dahilan siya kung bakit at nalaman ko yun kanina noong magkausap kami.


“Tol, mukhang may gusto sayo yung best friend ng type mo ah?” tanong sa akin ni Steve.


“Mukhang hindi naman. Paano mo nasabi?”


“Nagtatanong kasi siya kung sino nagugustuhan mo, bilang isang matapat mong best friend eh di ako nagsalita. Kaya tara na sa cafeteria at ilibre mo ako.”


“Yan, jan ka magaling sa libre. Batukan kaya kita?”


“Kaya mo?”


“Oo.”


Halos anim na buwan ko ng kakilala si AJ. Dalawang buwan mula ngayon ng malaman ko na mag bestfriend na pala sila ni Chad.

 Inaamin ko na may gusto ako kay AJ.

May kakaiba kasi sa kanya na labis kong nagustuhan. Ewan ko ba kung papaano pero siya ang kauna-unahang lalaki na nagpatibok ng puso ko.

 Oo nag ka-crush ako dati, pero siya lang talaga ang natatangi.

Pinag iisipan ko lang talaga kung popormahan ko ba si AJ. Gusto kong makilala siya ng lubusan.


“Tol, andun yung pinopormahan mo oh.” Turo sa akin ni Steve sa kinaroroonan nila AJ.

Ngiti lang ang iginanti ko.


“Tol, bakit ayaw mo bang pormahan?”


 “Alam mo naman na mahirap di ba? Pati, gusto ko munang maging close kami, gusto ko siyang kilalanin.”


“Inalababo ka na ba talaga?”


“Mukha nga tol, grabe, lakas makatama. Siya unang lalaki na nakapagpatama sa akin.”


“Natatawa lang ako tol, yung dating pinagkakagulhan ng babae ngayon eh naghahabol sa iisang lalaki.”


“Tae mo. Tawanan ba naman ako. Ano bang magagwa ko, tinamaan ang puso ko eh”


“Ang drama mo dre, pero payong kaibigan lang, pag isipan mo muna ang gagawin mo ha.”


Maghapon ko na naman siyang iniisip.

Yung tipo ba na sa lahat ng bagay eh siya lang at siya ang nasa isip ko.

Naisusulat ko na nga lang ang panagalan niya sa filler ng note book ko.


“Arwin Jake Montederamos- Pangilinan”


Napapangiti ako kapag inilalagay ko yan sa filler ko. 

Buong maghapon na siya lang ang tangi kong iniisip. 

Nababliw na ata ako sa kakaisip sa kanya.

 Bakit ba si AJ pa?

Haixt. Pag uwi ko sa bahay, inihiga ko ang sarili ko sa kama. Pag pikit ko ng aking mata ay si AJ ang nakikinita ng aking isip. 

Paano ko ba maamin sayo na mahal kita?

Paano ko ba masasabi na gusto kitang yakapin, halikan ang iyong mga labi, madama ang iyong presensiya sa aking tabi? 

Niyakap ko ang unan ko at inipit ko to ng sobrang higpit.

Bakit kaya na babae ang hanap ko dati, pero ngayon lalaki na? Noon naman wala akong alinlangan sa sarili ko. 

Sa tingin ko nangyari ito noon mapasok ako sa isang grupo.

Naging curious naman kasi ako sa sarili ko kaya kung anu-ano ang pinag gagawa ko. 

Inaaamin ko na sa isang pangyayaring iyon, nabago ang sarili ko. Matapos ang isang one night stand kung tawagin ng iba.

Nag iinuman kami noon ng makarating ako sa rurok ng kalasingan. Doon na ako pinatulog ng isa kong katropa. 

Dahil sa sobrang kalasingan, hindi ko na alam kung paano kontrolin ang sarili ko.

Hindi pumasok sa isip ko na ayon na ang magiging hudyat sa pag gulo ng buhay ko. 

Panatag ako na walang mangyayari dahil mag katropa kami noon. Pero sa sandali na halikan niya ako at tuluyan ng may mangyari sa amin, yun na ang pangyayaring tuluyang bumago sa pagkatao ko.

Narinig ko ang boses ni papa kaya agad akong bumaba ng bahay. 

Alam ko ko kasi na tinatawag ako kaya nagmadali ako. 

Sa totoo lang, nahihirapan ako sa sitwasyon ko. 

Isang kapitan kasi sa barko si papa kaya masyado siyang mahigpit sa akin.

Sa totoo lang, hirap akong aminin ang pagkatao ko kasi alam kong maari niya akong ikamuhi at palayasin ng bahay. 

Maging si kuya walang nagawa sa gusto ni papa. Isang Marine Transportation din si kuya.

Graduated na siya at kasa-kasama na ni papa sa barko. 

Sobrang pressured ako sa ginagawa ko dahil lahat ng bagay pansin sa akin. 

Oo mahilig din naman ako sa barko, pero nasa puso ko talaga ang mga makina nito.

Mechanical Engineering talaga ang gusto ko na tulad ni AJ. 

Balak ko nga na kapag may major na si AJ ay magpapaturo ako ng mga basics.


“Pa, dumating na pala kayo?”


“Oo kanina pa. Hinahanap ka ng kuya mo, nandun sa may terrace.” Sagot ni papa.


“Ah sige po.”


“Teka lang. Kamusta na pala yang pag-aaral mo?”


“Ayos naman po. Hindi gaano mahirap ngayong second year pero pahirap na po siya after mag third year ako.”


“Eh scholarship mo?”


“Uhm ayos naman po. Hindi po gaano masyyadong mataas ang maintaining grade kaya yakang yaka.”


“Kahit na! Kailangan mataas ang grado mo. Ayaw kong mapahiya sa ninong mo pag nagkaton.” Galit na sabi nito.


“Opo.” Tangi kong nasagot.


“Nga pala, plano naming magset ng dinner party ng ninong mo.”


“Sino po?”


“Basta. Sige na lakad ka na sa kuya mo.”


“Okay po.”


Nagmamadali akong umalis ng kinaroroonan ko para tuntunin ang kuya ko. Well, sobrang nakakamiss naman talaga si kuya. 

Close kami ni kuya at talaga click na click kami.

Tulad ko gwapo di kuya at maraming naghahbol sa kanya. Pero mas gwapo siya sa akin at hindi ako kokontra doon. 

Pansin ko na alam niya ang pagkatao ko at handa naman akong sabihin sa kanya iyon or aminin kung sakaling magtanong siya.

 Nakatayo sa terrace si kuya kaya agad ko siyang inakbayan. 

Agad niya akong kinulit sa may terrace at tuluyan na kaming nagharutan.


“Oh kamusta ang bunso kong mabantot?” tanong ni kuya.


“Tae kuya ang baho, bunso talaga?”


“Uhm yaan mo na. Ngayon na nga lang ako umuwi eh. Pagbigyan mo na.”


“Weh... Basta ang panget.” At nagtawanan kami.


“Oh kamusta ang Mr. Pogi ng pamilya natin?”


“Ayos lang naman. Sapat lang kung sakali. Hahaha. Ikaw ba kuya? Kamusta ang trabaho?”


“Uhm. Ayon mahirap. Super pressured pero masaya naman. Kahit naman mahigpit si papa, nanjan naman mga bagong kaibigan para makawala ng badtrip. Alam mo na. Ahahaha. Teka si isa pang bunso?”


“Uhm. Nasa school pa siguro yon. Alam mo na baka nag sight seeing sa mga tulad nating gwapings.”


“Aysus. Talaga yung si Princess oo. May nanliligaw na ba yun?”


“Meron ata. Pero di ko alam kung uubra kay papa. Itsura palang ni papa mukhang matatakot na yun. Hahah.”


“Aysus. Loko ka, lagot ka kay papa pag nagkataon.”


“Biro lang naman. To talaga. Tara basket ball tayo?”


“Hinamon mo pa ako.”


“Naman”


Walang kupas ang galing ni kuya sa paglalaro ng basket ball. Kahit na matagl siyang hindi nakakapaglaro, yakang yaka pa rin nito. 

Pare-pareho kaming close nila kuya at Princess.

Pero sa kanilang dalawa, si Princess ang nakakaalam kung ano ako at tanggap niya iyon. 

Wala siyang balak sabihin ito kay papa dahil ayaw niyang magalit ito sa akin. 

Business management ang kinuha ni Princess dahil na rin sa kagustuhan niya.

Close sila ni papa kaya nagawa niyang gawin ito. Pero ayos lang sanay na ako doon. 

Alam ko kasi na miss ni papa si mama dahil kay Princess. Matapos mawala ni mama, doon na nagsimulang magbago ang ugali ni papa.

Sobrang mahal nito si mama at ang pagkawala nito ang labis niyang dinibdib. 

Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa mapagod kaming dalawa.


[AJ’s POV]


Nasa cafeteria kami noon ng biglang pumasok si Jaysen at si Steve. Napapangiti naman ako kapag pumapasok sa isip ko si Jaysen. 

Nahihiwagaan talaga ako sa ginawa niya sa akin.

Pero may halong kilig din yung kanina. Lalo na nang hawakan niya ang aking kamay. 

Kakaibang kuryente ang bumalot sa aking katawan. 

Pilit kong iwinawaksi iyon pero di ko maaalis ang feeling na para bang magkahawak kami ng kamay.

Nakita ko ang lapit ng bibig niya sa akin na animoy nang aakit na sana punan ko ito. 

Kinakabahan ako sa nararamdaman ko dahil ayoko nito. Ayokong humantong ito na magustuhan ko si Jaysen.

Sa tingin ko ay hindi pa ako handa sa mga bagay na ito. Pero ewan ko ba. Sino ang magsasabi ng mangyayari kundi ang tadhana.


“Ang gwapo talaga niya no?” sinabi bigla sa akin ni Chad.


“Sino?”


“Si Jaysen.”


“Uhm. Okay.” Ang nasabi ko lang.


“Ayon lang ang masasabi mo? Hay naku ano ba yan? Pero I’m sure deep inside ay sasabihin mong oo.”


“Hindi ah. Ikaw lang ang nagwa-gwapuhan sa kanya.”


“Aysus pakipot ka pa. Teka nga, ni hindi ba talaga tumatalab sa yo ang charming niya?”


“Bakit ba?”


“Curious lang naan ang iyong best friend malay mo may gusto siya sayo. Eh di swak kayo. Kaso mahuhurt naman ako kaya wag na lang.”


“Aysus. Ang daming alam neto.”


“Basta mag state tayo ng promise na kahit ano mang mangyari, hindi tayo mag aaway ng dahil sa isang lalaki? Deal?”


“Deal. Oo ba. Ayokong mawalan ng best friend eh.” Bigla namang may tumawag kay Chad.


“Hello.” Sabi ni Chad.


“Oh napatawag ka. Saglit lang ha, wait wag mo ibaba yung line.” Sabi nito sa kausap nito.


“Oi wait lang ha.”


 “Oh san ka pupunta?”


 “May kakausapin lang ako sa phone.”


“Sino ba yan at kailangan mo pa na mag punta sa labas ha?”


“Wala.”


“Aysus. Umamin ka.”


“Wala nga. Sige na babalik ako agad.”


“Sige na.” At tuluyan na siyang lumabas.


“Ay naku ano ba yan. Talaga yung lalaking iyon oh. Hahha.”


Kumakain ako ng shrimp wanton ng oras na iyon ng mapatingin ako sa daliri ko. 

Nakita ko ang singsing na ibinigay sa akin ng ex ko. Kahit naman hindi ko aminin sa sarili ko, ramdam ko na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.

Hanggang ngayon di pa rin ako nakaka move on sa nangyari. 

Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari sa nakaraan. Kung papaano ba kami nagkakilala.


(Flashback)


Matagal ko ng schoolmate siya.  Pero 4th year lang kami naging magkaklase. Marami akong nabablitaan tungkol sa kanya na masasamang side. 

Na matapang daw, siga, pero hindi ko alam kung totoo nga.

Pero sa tingin ko eh tahimik, supalado at gwapo ang very quick description ko sa kanya. 

First day of class eh ramdam ko na a hindi kami magkakasundo. Kasi nakikita ko na kapag kinakausap siya ng mga kaklase ko, tanging snob lang, ang ginagawa niya. 

Hindi siya nakikihalubilo sa iba.

Ni hindi ko na nga lang siya nilalapitan. Wag ko nga lang sana siya maging ka-groupmates kung sakali. 

Pati ang bestfriend kong si Rizza di din siya feel makasama.


“hay naku, suplado kasi yang James Arkin Ramos na yan. Akala mo kung sino, oo siya na mayaman. Naku. Kawawa ang magulang niya talaga.” Sabi ni Rizza.


“Easy lang.”


“Hay naku. Best friend ang sarap sapakin  oh...”


“Sige nga gawin mo.”


“Ayoko nga. Pati sayang ang face ha. Effort pa sa pagpapagamot.”


“Hay naku puro ka talaga kalokohan.”


Pero talagang mapag-adya ang tadhana. Wala na akong magawa na nangyari ang bagay na iyon. 

Doon talaga nangyari at nagsimula ang lahat. May group project kami at nakitaan ko na hindi man lang siya tumutulong sa amin.

Noong una ayos lang kasi medyo amhinahon pa ako. 

Pero noong naging gipit na yung grupo namin dahil kailngan na talaga yung cooperation niya, doon na lumalim ang inis ko na siyang dahilan kung bakit ako nagalit sa kanya.



“Hoy James. Sabihin mo nga sa akin, may balak ka ba talagang tumulong?”


“Ano bang pakialam mo? Sabihin mo lang kung kailangan ninyo ng ambag na pera, sosobrahan ko para tumahimik na yang bibig mo.”


“Aba loko ka rin ah. Wag mo akong dadaain diyan. Hindi porket mayaman ka eh madadaan mo ako sa ganyan. Kung ayaw mong tumulong edi wag, umasa ka na lang na babagsak ka.” Ang sabi ko.


Di ko na napigilan ang sarii ko at agad akong umalis ng room habang iniiwan ko siyang nakatulala dahil hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon.

Yun ang una naming pag haharap at hindi ko alam na dahil doon, magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko.


(Itutuloy)

*********************************

Comments lang kayo ah... salamat... :))

pag maraming comemnts mag update agad ako... hahahaha

:p


MYJ