Sunday, July 15, 2012

MInahal ni Bestfriend : Ryan part 11



            Kamusta po muli sa lahat? ^_^ Yay!! Apir!!

            Una sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mambabasa ng story na ito. Ako po ay luos pong natutuwa at sinuportahan nyo pa rin kahit OA sa tagal ako makapagpost. Salamat po sa pag intindi sa aking hectic schedule po. Sana ay wag kayong magsawa ha.. Salamat po!!

             Gusto ko pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn,   _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)


             Actually, natutuwa po ako sa mga comment dahil may mga kanya kanyang opinyon po ang bawat isa, meron pang nagbansag na "RYANDRE" at "LARCAN". natuwa talaga ako dun. wahahaha!! Basta po, sana ay kung ano man ang maging resulta ng story ay abangan nyo po. Di ko na patatagalin, Enjoy na po kayo!!


              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED






Gabi na ng pageant. Halos dagain naman ako. Hindi nga lang ata daga eh. Halos lahat ata ng hayop na pwede magkasya sa sikmura ko ay meron. Halos himatayin ako sa kaba dahil ito na yun eh. Kung hindi ako masyado kinakabahan sa rehearsal dahil kami kami lang ang andun. Eh ngayon ay napakaraming tao na dumalo. Kaya naman halos maging gelatin ang mga tuhod ko sa kaba.

“Start na tayo in 5mins guys!”, sigaw ng isang staff ng pageant. Mas lumakas ang kabog sa dibdib ko. Nakita ko naman lumapit sakin si Chelsea. Napakaganda nya in her teal gown. Mas lumabas ang kaputian nya. Para syang isang prinsesa.

“Good luck Ryan. Kaya mo yan! Tandaan mo lang ang mga tinuro ko sayo.”, ngiting sabi ni Chelsea.

“Kinakabahan ako Chelsea.”, tanging naisagot ko.

“Obviously. Pero kaya mo yan! Oy! Karen, nakahanda nab a ang mga isuosuot nito? Ayusin mong bakla ka, ha! Wag mo ipapahiya tong manok natin!”, Ngiting sabi ni Chelsea samin ni Karen.

“Of course naman yes!”, sagot ni Karen. Niyakap ako nila Karen at Chelsea bago pa man din ako pmunta backstage. Kinakabahan na talaga ako. Ang lakas ng hiyawan sa labas habang tinatawag ang bawat kandidato.

“Contestant number 6! Mr. Ryan Pabalan!”, sigaw ng host. Suskopo! Tulong!

Lumabas ako ng stage wearing my white tailored suit. May dala dala pa akong baston habang rumarampa sa entablado. I was also wearing a fedora hat na may feathers feathers pa. Para akong sinaunang gangster na conyo na hindi ko maintindihan. Napakaraming tao. Parang gusto ko ng bumalik sa backstage at mag pack up na sa kaba.

“Smile. Smile! Project!”, paulit ulit na sigaw ng utak ko. Pilit inaalala ang lahat ng itinuro nila Karen at Chelsea. Nararamdaman ko naman ang pagtagaktak ng pawis ko sa sobrang kaba. Hanggang makapag lakad na ko sa buong stage at tumabi sa katabi kong contestant ay halos himatayin pa rin ako sa kaba.

“Pare, you’re too tensed. Relax ka lang. Hinga. Kaya mo yan.”, ngiting sabi ng katabi kong si Andoy.

Tumingin ako kay Andoy at ngumiti din. Nakakatuwa dahil kung tutuusin ay magkalaban kami pero isa pa sya sa nagchecheer sa akin. Medyo mas kumalma naman ako kahit papaano.

Habang nakatayo ako ay napatingin ako sa madla. Napakaraming tao. Halos buong student body at ang mga kanya kanyang bisita ay andun. Nakakatuwa dahil lahat ng mga bago kong nakilalang mga kaibigan ay andon at nagchicheer para sakin. Andun din ang buong pep squad at basketball team. Nakita ko naman bigla si Andre na kakaway kaway pa sakin. Nginitian ko naman sya.

Pagkangiti ko kay Andre ay biglang parang huminto ang oras. There he was standing. Tahimik. Napatingin ako sa mga mata nya. Its as if gusto nyang umiyak. Mas lalo akong nanlambot. It was Larc. Nakatayo at nakatingin sakin. Kahit pa malayo sya ay alam kong nakikipagtitigan sya mata sa mata. Nang makita nyang nakatulala ako sakanya ay ngumiti lang ito ng bahagya at tumingin sakin na parang nagsasabing, “Kaya mo yan!”

Nagsimula na ang first presentation naming ng matapos kami tawagin isa isa. Medyo mas naging komportable ako ng makita kong todo bigay sa pagsasayaw ang mga kasamahan ko. At lahat pa sila ay nagchicheer na kayak o daw yun! Wag ako kabahan. Nakakatuwa.

Bumalik kaming muli sa backstage after ng first presentation. Meron namang nagiintermission number habang naghahanda kami para sa susunod na segment. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at nakita ang message ni Andre na nagchicheer sakin hanggang sa text. Nagreply naman ako at nagpasalamat at sinabing kinakabahan ako.

“Wow! You did great! Grabe ka Friend!”, masayang bati sakin ni Karen.

“Oo nga! Nung una, para kang tuod sa paglalakad mo, pero nabawi mo naman agad. Para ngang sanay ka na sa ganto eh. Good Luck ulit ah!”, pagyakap din ni Chelsea.

Next segment na, summer wear. Gusto naman mahulog ng panga ko ng ibigay sakin ni Karen ang isusuot ko.

“Hoy! Ito talaga?!”, pag sigaw ko kay Karen.

“Opo! At maka hoy ka dyan, ah! Isuot mo na yan!!!”, galit na sabi ni Karen sabay ngiti.

Pagtapos ko magbihis ay hindi naman ako magandaugaga sa pagkailang. Nakatingin naman sakin si Karen at mga kapwa ko mga contestant sa suot ko.

“Bingo!”, nakangiting sabi ni Karen.

Muli akong pumila sa backstage. Para namang bumalik ang mga hayop ko sa tyan na parang ngayon ay sabay sabay naglulundagan. Nakakailang naman kasi itong suot ko!

“Bahala na!”, sigaw ko sa utak ko ng tawagin na ang aking numero.

Muli akong rumampa sa stage. Naka shades ako at naka polo akong puti na sobrang nipis na halos wala rin akong suot dahil sa sobrang pagkanipis. Nang makarating naman ako sa gitna ay nakita ko si Karen na sumesenyas. Senyas sya ng senyas. Nagdadalawang isip naman ako dahil sa sinesenyas nya. Pinapahubad nya ang polong suot ko.

“Bahala na talaga!!!”, sigaw ko sa utak ko sabay tanggal ng polong sobrang nipis. Agad namang naghiyawan ang mga tao sa tumambad sakanila.

Ngayon ay naka bikini brief na lang ako na may design na leopard. Yung tipong parang balat na lang. Nahiya naman ako dahil never in my dreams na naisip kong magsusuot ako ng ganito sa harap ng napakarami at sangkaterbang tao.

Hindi naman sa pagmamayabang pero may ilalaban ang katawan ko. Kung maaalala nyo ay batak ako sa trabaho noon pa man. Kaya naman toned talaga ang katawan ko. Tipong akala mo ay nagggym. Mas lalo pang bumakat ang mga hindi dapat bumakat dahil sa body oil na pinahid sakin ni Karen kanina. At habang rumarampa naman ako ay lumabas sa screen ang shot ko na kinuhanan sa pool ng Univ namin. Yun kasi ang ipanlalaban naming para sa summer wear photography.

Halos mapanganga din naman ako sa kinalabasan ng picture. Kahit mismo mo ako ay nanibago sa ichura ko sa picture. Suot suot ko doon ang bikini brief na suot ko habang paahon ng tubig at nakatingin sa kaliwa ng bahagya. Naemphasize pa lalo ang ganda ng picture dahil sa lighting at sa sikat ng araw. Kahit  talaga ako ay nanibago at iniisip na parang hindi ako ang nasa litrato.

Mas lumakas ang hiyawan ng tanggalin ko na ang shades at kinindatan ang mga tao. At dahil din sa mga hiyawan na yun ay nanumbalik ang lakas ng loob ko.

“My gawd! Ang hot mo talaga pag suot mo yan!”, pahapyaw na sabi ni Chelsea ng madaan ko sya habang rumarampa ako.

“Loko!”, biro ko sabay ngiti.

“Nice ass at ang umbok ha!”, pilyang sagot ni Chelsea. Pagkabalik ko naman sa pila ay nakita kong sumesenyas si Karen ng aprub. Pataas taas pa sya ng kilay.

“Pare, tunay ba yan?”, biglang biro ng katabi ko sabay turo kay junjun.

“Oo naman noh!”, biro ko.

“Ang laki eh! Kala ko malaki na tong akin, pero sawa eh!”, biro nya sabay tawa. Natawa din ako pero medyo nailang.

Nagpatuloy ang pageant at medyo nawawala na ang kaba ko paunti unti. Muli kaming bumalik sa backstage at nagbihis muli.

“Karen!! Nakita mo ba yung picture ko?! Parang hindi ako!”, unang bungad k okay Karen pagbalik ko ng backstage.

“At yun talaga ang napansin mo pa ha! Magbihis ka na nga at TUMUTURO ang hindi dapat tumuro!”, biro ni Karen. Nailang naman ako bigla dahil pinagtinginan ako bigla ng mga kasama ko kaya agad akong nagbihis.

Habang nagbibihis naman ako ay kinuha ko ang cellphone ko at nakita muli ang text galing kay Andre.

“Witwiw! Sexy!!”, sabi sa text nya. Napangiti ako.

Muli akong naglakad at rumampa sa entablado. Vintage naman ang theme. Para akong modern Jose Rizal sa suot ko. Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang Q&A portion.

“Oh, so here is our rookie for the year na talaga namang maka agaw eksena.”, pagintroduce sakin ng host.

“So, how are you tonight?”, tanong ng co-host nya.

“Kinakabahan po.”, kabadong sagot ko. Nagtawanan naman ang mga tao.

“Don’t be. Sa tingin ko naman ay you’re doing great for a first timer.”, sagot naman ng isang host muli.

“So here’s your question. …………………………”, banggit ng host.

Biglang gusto kong umuwi. Okay, binigyan kami ng set of questionnaires para mareview naming. Pero there was this question na talagang iniwasan ko. Hindi dahil hindi ko ito masasagot. Pero dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Napatingin ako muli sa host, sa mga tao, at huling huli ay napatingin ako kay Karen. Mas kabado pa sya sakin dahil alam nyang iniiwasan ko ang tanong nay un. Bakit ba kasi ito pa ang tinanong eh ang dami dami naman pwedeng itanong.

“So.. candidateNo. 6, What is the meannning of bestfriend to you?”, muling ulit na tinanong ng host. Nagpause ako sandal. Gustong tumulo ng mga luha ko pero nakatingin ako kay Karen at umiling ito. Tama. Kailangan ituloy ang laban.

Sasagit n asana ako ngunit parang automatic na hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonanan ni Larc. Nahuli kong nakatingin sya sa akin na medyo mamasa masa ang mga mata. Kahit pa medyo malayo sya ay alam kong mamasa masa ito. Napansin ko naman nagtinginan sakanya ang mga kateam nya sa basketball. Huminga ako ng malalim. Napakalalim. Sabay sagot.

“Honestly, that is that one question that I’ve been praying for not to be asked. But well, bestfriend…”, sabay napa pause ako. Paano ko nga ba idedescribe ito? Ano na nga ba ang ibig sabihin nito sakin? If I were to be asked before, kayang kayak o ito sagutin. Pero ngayon, pagtapos ng lahat ng nangyari ay hindi ko na alam ang isasagot.

“Yes candidate number 6?”, pagtawag pansin sakin ng host. Bigla ko naman tiningnan si Larc. At from there, lumabas ang mga katagang ito.

“I believe a bestfriend is someone whom your soul can go naked with. No pretentions, no masks that needs to be worn. A bestfriend is someone who is able to be honest to you when the world has been feeding you lies. He will act as a mirror and show you the things you don’t want to see.”, napatigil muli akong sandal dahil tumatagos sakin ang mga sinasabi ko. Huminga muli ako ng malalim sabay sumagot muli.

“I also believe that a bestfriend is not someone who will always be there by your side. Because sometimes in life, you need to take separate ways for each to grow as a person. But it also doesn’t mean that the friendship ends there. Because no matter how far each goes their way, they know that they will still meet somewhere beneath the rough roads of life. Simply put, the friendship is still there and silence between two is comfortable.”, pagtapos ko sa sagot ko. Gusto kong maluha pero I still gave a bright smile.

“Well said. Thank you candidate number 6.”, tanging sabi ng host.

Para akong nablangko sa mga susunod na pangyayari. Pagkabalik na pagkabalik ko naman sa backstage ay niyakap lang ako ni Karen. She knows na gusto ko ng umiyak. Nakita ko rin na lumapit si Chelsea. Wala silang sinabing kahit ano. Yumakap lang sila sakin at dinamayan ako sa nararamdaman ko.

Napapikit ako habang yakap yakap ako nila Chelsea at Karen. Alam nila ang nararamdaman ko. Naalala ko lalo si Larc. Nalungkot ako lalo. Nanghinayang. Kung okay lang sana kami, sya sana ang nandito at nagpapalakas ng loob ko lalo. Sya sana ang karamay ko sa pageant na to. Kung sana lang…..

Sinuot ko na ang huling damit na gagamitin ko. Formal wear. Awarding na ng mga nanalo sa gabing ito. Huminga ako ng malalim at nagbigay ng isang magandang ngiti. Kahit pa ang totoo ay gustong gusto ko ng umiyak.

“Ok, so let’s start off with the minor awards…”, masiglang sabi ng host. Pero wala ng pumasok sa isip ko. Basta ang natatandaan ko ay nakangiti lang ako sa madla at nagbigay ng isang ngiti. Naririnig ko ang palakpakan. Pero hindi ko makuhang maging masaya di tulad kanina. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa backstage.

“Friend, okay ka lang?”, tanong sakin ni Karen.

“Bakla ka! Mukha ba yang okay? Kita mo na ngang lugmok, oh! Ikaw okay ka lang teh?”, pamimilosopo ni Chelsea.

“Gaga! Wag ka ngang agaw eksena. Alam ko namang di sya okay.”, pagsagot ni Karen.

“Ry, wag ka na malungkot dyan. Nanalo ka naman ng 1st place oh. Not bad para sa baguhan na tulad mo. Tapos hinakot mo pa ang mga minor awards.”, pagpapangiti sakin ni Chelsea.

“Nanalo ako…?”, pagtanong ko. Doon lang ako biglang natauhan.

“Ay susme ka! Tulog ka ba kanina sa stage? Nanalo ka kaya oh! Tingnan mo ang dami mong sash at 1st place ka pa!”, gulantang na sabi ni Karen.

“Eh ikaw Chelsea? Nanalo ka ba?”, tanong ko.

“But of course. Ms. University Queen ako, noh! Pero sanay na naman kasi ako sa pageant. Pero para sa baguhan na tulad mo, impressive kaya!”, pagpapalakas ng loob ko ni Chelsea.

I won? Oo nga! Nanalo ako! Bat ngayon ko lang narealize? Nanalo ako!! Agad naman ako yumakap kaila Karen at Chelsea.

“Maraming salamat.”, tanging nasambit ko.

“Oo. Oo. Ok na. Ang hairdo ko masisira. May after party pa tayo. Kaloka ka!”, patawang sabi ni Chelsea na ingat na ingat sa buhok nya.

“Ay sorry!”, ngiti ngiting sabi ko.

“Kalimutan mo na yun… Don’t spoil your night.”, seryosong sabi ni Karen sabay ngiti sakin.
Tama si Karen. Hindi ko dapat sayangin ang mga ganitong sandal. Ni sa pangarap ay hindi ko inakala na pwedeng mangyari to sakin. Kaya dapat i-enjoy ko ang bawat sandali nito. Kaya niyakap ko ng mahigpit si Karen at muling nagpasalamat.

Paglabas na paglabas naman namin ng dressing room ay nakita kong may nagaabang sakin. He was standing there at naka ngiti sakin. Grabe, parang isang eksena sa isang fairytale o tele novela ang eksena ko ngayon. Wala nga lang syang dalang flowers, ha. Hindi naman ako babae noh. Agad syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat naman ako sa ginawa nya.

“Congratulations.”, seryosong sabi nya habang nakayakap sakin. Para namang bumilis ang tibok ng puso ko. I felt loved sa mga yakap na yun.

“Salamat.”, sagot ko naman. Kumalas sya sa pagkakayakap at ngitian ako. Si Andre talaga oo.
Halos lahat ng makasalubong namin ay binabati naman ako ng congratulations. Habang nasa tabi ko si Andre at bitbit naman ang mga ginamit ko sa pageant.

“Akin na nga yan! Kayak o naman bitbitin yan!”, pag aagaw ko sa mga gamit ko.

“Alam ko. Pero ok lang. Minsan lang to.”, paghawak nya ng mahigpit sa gamit ko sabay kindat. Natawa naman ako sa ginawa nya.

“Ang korny mo talaga!”, pagbibiro ko.

“Pare, ang sweet nyo ah! Para kayong magsyota dalawa, ha!”m bigla namang sulpot ng boses mula sa likuran ko. Sila Kulas. Nangaasar as usual. Nahiya naman ako bigla. At napatingin kay Andre. Hindi ito tumingin sakin. Nakatingin lang sya kaila Kulas at ngumiti.

“Alam ko.”, simpleng sagot nya sabay akbay sakin at naglakad palayo.

Aaminin ko. Nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko kasi inaasahan ang sagot nya. Ni wala akong naramdaman ng bahid na ikinahihiya nya kung asarin man sya. Something na hindi ginawa ni Larc para sa akin. Mas napalapit tuloy ang loob ko sakanya.

“Hoy! Bilisan nyo at may party pa tayo!”, nagaapurang sabi ni Chelsea. Nagkaroon kasi ng usapan na magbabar kami pagtapos ng pageant. Pero syempre nagbihis kami ng iba, ha. Mukha naman kaming tanga kung nakasuit at gown kaming pupunta sa bar, diba?

“Uy, bilisan nyo na nga!”, sigaw ni Chelsea sa isang grupo. Napangin naman ako at nagulat n gang mga sinagawan nya pala ay ang basketball team. Napansin ko naman na paalis bigla si Larc. Hinabol ko lang sya ng tingin.

“HHHoyyy! Larc Casanova! Huwag ka maginarte! Captain ka pa naman nggg basketttball team kaya dapat kasama ka.”, pagsigaw ni Chelsea kay Larc.

“Sige next time na lang. May gagawin pa kasi ako.”, simpleng sagot ni Larc sabay tingin sakin. I saw sadness in his eyes.

“Huwag ka ngang maarte!”, sabi muli ni Chelsea.

“Oo nga pare. Sumama ka na.”, nagulat ako ng si Andre ang nagsabi. Napatingin lang ako sakanya sabay tingin muli kay Larc. Tumingin sya sakin.

“Osige. Sasama na.”, simpleng sagot ni Larc.

“Sasama din pala! Dami pang artiiiiiii!!”, pagbibiro ni Chelsea. Napatingin ako kay Chelsea. Tiningnan lang din nya ako at tumango at sinabing “okay lang yan” ng pabulong.

Nakasakay ako sa sasakyan ni Karen at tahimik lang. Bigla naman nyang pinatay ang music na tumutugtog.

“Congrats nga pala. Hindi man lang kita nabati ng maayos.”, masayang sabi ni Karen.

“Nako, salamat din pala ha. Ako naman ang hindi nakapagpasalamat ng maayos.”, nahihiyang sabi ko.

“Ikaw talaga. Wala yun. Kaibigan mo nga ako, diba?”

“Oo naman…”, malungkot na sabi ko.

“Diba bestfriend mo din naman ako?”, biglang tanong ni Karen.

“Oo naman.”, direchong sagot ko.

“So applicable sakin ang isinagot mo kanina na someone whom your soul can go naked with. No pretentions.”, seryosong sagot nya sabay patigil ng sasakyan at tinabi ito sandai. Tumahimik lang ako. Alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito.

“You can be honest to me now. Gawin mo na habang wala pa tayo dun. Pero dito lang sa loob ng sasakyan ha. Paglabas natin ay ngingiti ka muli.”, direchong sabi ni Karen. Agad agad, tumulo ang mga luha ko. Nilabas ko na ang mga emosyong kanina ko pa pinipigilan. Niyakap nya naman ako.

“Alam ko. Nakita ko kung paano mo sya tingnan eh. Mahal mo talaga sya, noh. Dahil hanggang ngayon, nasasaktan ka ng ganyan.”, malungkot na sabi nya.

“Hindi naman dapat, eh. Wala akong karapatan dahil kaibigan lang naman ako eh. Wala akong karapatan masaktan ng ganito.”, umiiyak kong sabi.

“Alam mo, hindi porket wala kang karapatan masaktan ay hindi ka na pwedeng hindi masaktan. Nagmamahal ka lang din tulad ng iba.”, sagot ni Karen.

“Kaya nga mas masakit, eh.”, malungkot at umiiyak kong sagot.

Umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng sasakyan. At finally, tinigil ko ang pagiyak. I was ready to face the rest of the night. Nagbigay lang ako ng isang huling yakap kay Karen bago tuluyang magpunas ng luha.

“Ready?”, nakangiting tanong ni Karen. Ngumiti ako at tumango.

Nakarating kami sa club ng matiwasay. Pero pagbaba na pagkababa naming ng sasakyan ay sinalubong kami ng mga kaibigan ni Larc. Halatang inaabangan ako.

“Ikaw…”




No comments: