Tuesday, July 24, 2012

Never Let Me Go 3


Note:Salamat sa mga nagbabasa. Sana po ay patuloy nyo pa rin itong basahin. Ahihihihi. I apologize if I have to redirect you to the other blog from time to time. Gusto ko lang po rin sanang i-promote ung Wordpress ko. I hope that's not too much to ask. :)


 * * *


Naririnig nya ang mga uwak. Palakas ng palakas ang mga huni nito, wari'y nagbabadya ng isang malaking unos. Hindi pa rin sya apektado. Hindi pa rin sya matinag. Ramdam nya ang hilo. Nilalason na naman sya ng alak. Patuloy syang hinehele ng alon. Patuloy itong tumatama sa pampang. Siya ay nagantanda ng krus.

Patawad. Salamat. Mahal na mahal kita.

* * *

Gumigimik ka ba?”

Pabruskong tanong ni Jonathan sa parloristang kanyang nakita.

Tiningnan sya nito. Inaninag ang kanyang mukha habang sya ay nakatayo sa poste malapit sa 7eleven. Ngumiti ito, may pagsang-ayon.

Ayos ka ah.”


No comments: