Sunday, July 14, 2013

Less Than Three- Part 7

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 7

(The man... that I loved)



[Alex’s POV]


Habang dumadaan ang araw, dumadami na rin ang mga gawain. 


College life, why you so hard?


Maraming bagay tuloy ang kailangan kong gawin. 


Yung research namin on going kaya kailangan naming mag overnight para matapos. 


Natatakot naman ako sa maaring mangyari lalo na sa pagpapanggap ko.


Paano kung biglang matanggal yung props ko?


Paano kung malaman niya pagkaato ko?


Lagot na. Haixt.


“Okay ka lang ba?” tanong ni Ranz.



“Yup. Di nga lang ako sanay na mag overnight.” Sagot ko.


“Ah ganun ba... sorry ah.” Sabi niya


“Okay lang yun.” Sabi ko.



Pero di talaga okay. Kasi, kung di lang talaga kailangan ng research eh di na ako gagawa eh. Haixt. Kainis kahit kailan.


Naagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. 


Tinakas ko yung laptop ni kuya, ang tagal kasi niyang dumating kaya tinakas ko na. Kaya text siya ng text sa akin. Lagot ako dun.



Pinagamit ko na lang yung pc ko sa kwarto. Feeling ko gaganti yun at sigurado ako yung kwarto ko ay kawawa. 


Nagtext naman si bunso sa akin kanina, may hinihiram.


“Madami kang katext ah...” sabi niya


“Ay sorry.” Sabi ko sabay baba ng cellphone.


“No it’s okay, ito naman. Girlfriend mo?” tanong niya


“Nope.”


“Boyfriend?” ngumiti muna ako bago sumagot. 


Mukhang alam na niya yung sa akin.


“Ah... eh.. hindi ano ka ba?”


“Wushu, boyfriend mo ata eh.”


“Ah eh hindi.” Sabi ko.


“Ah... pero nagkaroon ka na?”


Ano kaya isasagot ko?


Baka naman lait-laitin niya ako.


Pero mukhang mabait naman si Ranz eh.


“Maniwala ka man o hindi, umpft, oo nagkaroon na ako.”


“Aysus, iginagaya mo pa ako sa iba jan. Nice. Tell me naman about sa kanya.”


“Nakakahiya eh. Pati...”


“Please... promise wala akong ipagsasabi.”


“Kasi...”


“Friends na naman tayo diba?”


Malapit ang loob ko sa kanya at feeling ko matagal na kaming magkakilala. 


Di ko pa rin matandaan hanggang ngayon kung saan kami nagkita.


“Mahabang storya...”


“Makikinig ako. Saan kayo nagkakilala?”


“Nagsimula ang lahat noon sa simbahan...” panimula ko.



(Flashback)


Sumali ako noon sa isang organization sa simbahan. Feel ko kasi yung magserve kay God kaya napili ko yun. 


I think 3rd year highschool ako nung sumali ako. Yung president kasi nung organitation na yun ay kapitbahay namin kaya mabilis akong nakapasok.


Pero agad ko nang napansin nun yung ex ko, si Blake. 


Nakatitig siya sa akin noon at tila ba pareho kaming palihim na tumitingin sa isa’t-isa.


Nahihiya naman ako kasi nga baguhan pa lang ako. Ayokong maging assuming pero napapansin ko talaga eh.


Gwapo si Blake, mapapansin mo agad yung maamo niyang mukha, kakaiba kasi yung dating niya sa unang kita mo, ang pula ng kanyang labi, medyo matangos na ilong at higit sa lahat kapansin-pansin yung taling niya sa may bandang baba ng kanyang mata.


Ipinakilala ako noon ni Jessie, yung kapit bahay ko, sa mga miyembro ng group na yun. 

They were so close to each other.


Parang nakaka OP nga kasi baguhan pa lang ako.


Paano kung hindi nila ako gusto?


Hindi naman lahat ng tao ma-please mo eh.


“Guys, si Alex nga pala, kapitbahay namin. Gusto daw niyang sumali sa atin kaya heto siya.” Pasimula niya


“Hi. Ako pala si Prince Alex Rosales, 15 years old, 3rd year at gusto kong sumali sa grupong ito. Sana maging ka get together ko kayo bawat isa.” Sabi ko.


"Hello Alex..." sabi nila


Isa-isa silang lumapit sa akin pero so Blake hindi.


Naging close ko halos lahat sila pero naging mailap sa akin si Blake. 


Kapag nagkakatingin kami, lumalakas ang kabog ng dibdib ko.


Aaminin ko gusto ko siya sa unang kita pa lang pero ang masakit lang ay yung hindi niya ako pinapansin. 


Siguro naiilang siya sa akin kasi ang lagkit ng tingin ko. 


Ayaw siguro niya sa mga taong bisexual na tulad ko.


Minsan lang kami magkasama at halos lahat yun hindi kami nag-uusap. 


Hanggang sa isang beses ay naiwan kaming dalawa. 


Apat kami at kailangan namin na maiwan kasi susunduin nilang dalawa yung kasama namin, may practice kasi kami para sa gagawin naming panuluyan.


Ako na ang nag insist na magsalita, pareho kasi kaming hindi nagsasalita eh. 


“Ah eh... sino ba daw mag tuturo sa mga bata ng sayaw?” tanong ko.


“Si Jessie ata.”


“Ah... ilan ba daw tayo?”


“Madami ata eh.” Matabang na tanong niya


Haixt. Sabi nga ng teacher ko, kapag nakipag usap ka at tinanong mo siya, malalaman mong interesado din siyang makipag usap kapag sumagot siya at nagtanong din. 


Kaya nanahimik na lang ako.


Ayoko namang mag assuming na feeling close ako sa kanya.


Di niya siguro tipo mga tulad ko.


Baka nga galit siya sa mga tipo ko.


Sayang... gusto ko siya. Crush ko na nga siya kahit ang suplado niya.


“Your cute.” 


Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. 


Nakatingin na din pala siya sa akin.


Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao.


Ako ba? ako ba yung sinasabihan niya?


Di ko na napansin na napalapit na pala siya sa pwesto ko.


Ang lapit na ng mukha niya sa akin kaya nakaramdam ako ng pamumula. 


“Ah eh... an... ano?”


At bigla siyang tumawa. “Hahaha. Di ka mabiro. Siguro naaasar ka na sa akin no?”



Ay biro lang?


“Hindi naman. Bakit?” ang nasabi ko na lang


"Para kasing lagi ka na lang nadidismaya."


"ha? Ako?"


"Hindi yung black board..."


"Ah eh..." di ko alam kung paano ko ba ihahahndle tong conversation na to.


“Wala sinusupladuhan kita eh.” Sa wakas at kinausap niya ako.


“Ah eh.. hindi naman. Di ka lang siguro nakikihalubilo sa hindi mo kakilala.” Sabi ko. 


Medyo nagsungit na ako.


Alex ano ba yang ginagawa mo?


Daig mo pa ang tanga jan eh.


“Ganyan ako sa taong gusto ko.” Sabi niya


“Ha?” tanong ko. 


Ang gulo niya kausap.


“By the way, I’m Blake...Blake Harone Santos. Same age as you are, nice to talk to you.” Sabi niya tapos inilahad niya yung kamay niya.


“Di ka naman suplado eh, isnabero ka.” Sabi ko at kinuha ang kamay niya.


Tatanggalin ko na sana yung kamay niya nung hawakan niya ng mahigpit ito. “Ah eh yung... yung kamay ko...” sabi ko.



“May girlfriend ka na?” tanong niya


“Ah eh wala... bakit? Yung kamay ko pala.”


“So single ka... interesting...” sabi niya


Natanggal lang yung kamay ko nung dumating na sila. 


Bakit ganun na lang siya makatitig, nakakatunaw, tapos yung kamay niya hanggang ngayon ramdam ko pa rin kaya nag CR ako.


Kinikilig ako putek.


Tinawagan ko si Charlene, bestfriend ko. 


“Best...” sabi ko.


“Oh bakit?”


“Feeling ko may kakaiba akong nararamdaman.”


“Premonitions ba yan?”


“Ano ba yang mag sinasabi mo?”


“Nanonood ako ng Final Destinantion, movie marathon.”


“Sus. Umayos ka nga, problemado ako dito.”


“Bakit, ano na ba ang nangyari sa inyo ni papa Blake?”


“Kinausap na niya ako...”


“Whaaaaat?!” sigaw niya


“OA lang?”



“Oh my God this is it... kayo na ba?”



“PBB teens? Grabe lang ah. Ansabeh nung kami na agad. Agad-agad?”



“Excited lang, finally magkakaboyfriend ka na, too bad hindi girlfriend Okay lang nagkaroon ka na rin naman dati eh.”


“nahawakan ko pa yung kamay niya.” Sabi ko.


“Oh my God, I am so proud of you, ang galing mong dumiskarte... Pwede ka nang mamatay shet.”



“Tangek. Best, feeling ko gusto ko na siya, nakaramdam ako ng drum roll sa puso ko. Natatakot ako, baka, baka kasi magkagulo lang.”


“Bakit kayo na ba?”


“Hindi pa pero iniiwasan ko na nga eh.”


“Sus. Feelingero ka. Okay lang yan, okay na naman kay tita ikaw ah.”


“Kahit na ba. Haixt. Pero kinikilig ako.” Sabi ko.


“Ang lande ng lalaki. Kurutin kita sa singit eh.”


“Batukan kita jan eh.” 


Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap ng may marinig akong boses.


“Alex...” narinig ko na pagtawag sa akin.


“Sige bye na. Hinahanap na ako.” Sabi ko.


Paglabas ko ng CR, si Blake agad ang bumungad sa akin. 


Kinabahan agad ako kaya nagmadali akong lumabas pero hinarangan niya ako. 


"Blake... punta na ako dun."


"Teka lang...."


“Ah eh bakit?” tanong ko.


“Bakit ka nagmamadali?”


“Mag practice na ata tayo eh.”


“Can I...?”


“Ha?” napasandal ako sa pader at iniharang niya yung kamay niya.


“Can I get your number?”


“Ah yun ba... kunin mo kay Jes...”


“Blake....” nagulat kami pareho nung maabutan kami ni Jessie.


Kinuha niya ang kamay ko at hinila. 


Sobrang bilis ng mga yabag namin ni Jessie.


“Okay ka lang ba?”


“Oo naman.”


“Mukhang namumutla ka ah.”


“Hindi naman.” At nagtungo na ako ng ulo ko.


"Anong ginawa sayo nung lalaking yun?"



"Wala naman."


"Uhm... somethings going on..."


"Ah eh.. wala ah."


"Sus nagsikreto ka pa."


"Wala nga."



(End of Flashback)


“So that’s how it started. Amazing. Gwapo ah, nice.” Sabi niya


“Yup. Im sure di ka maniniwala.”


“Adik to maniniwala ako siyempre. Alam ko naman na hindi ka nagsisinungaling eh.”


"Salamat."



"We are friends right?


"Oo naman."


"Kaya don't worry." sabi niya



“Ikaw ba?”



"Anong ako?"



"Love life?"



“Im sure alam mo na naman na bi din ako, pero wala akong boyfriend ngayon. Ay meron pala?”


“Oh. Ang gulo ah. Pero nagkaroon ka na?”


“Oo isang beses.”


“Wow. Anong nangyari?”


“Hindi pwede eh.”


“Paanong hindi pwede?”


“Ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Hindi kasi pwede na maging kami.”


“Ayaw ba ng parents mo at parents niya?”


“Ewan ba.  Ilang taon din bago kami matanggap, pero that feeling na hindi talaga pwede.”


“Kung ayaw mong pag-usapan ayos lang.”


“Hindi okay lang. Nakipag hiwalay ako kasi ayaw ni papa sa kanya.”


“Akala ko ba okay na kayo?”


“Yup okay na kami kaso nagkaroon pa ng problema, problema sa negosyo ni papa at ng papa niya.”


“Ah kaya pala. So yun ang dahilan?”



“Oo. Nag-away kasi yung papa namin. Naapektuhan ang negosyo kaya nagkanya-kanya. Dahil dun, napilitan ako. Ayoko namang magkagulo din ang pamilya namin. Pero masakit, hanggang ngayon kasi mahal ko siya eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa taong yun na mahal na mahal ko siya, na sana hindi na muna niya ako ipinagpalit, sana ako pa rin. Pero kasalanan ko naman eh, dahil sa akin kaya nagdusa siya. Ni hindi ko siya sinipot sa mga usapan namin, hinayaan ko lang na magalit siya sa akin. At ngayon, nakatakda akong ikasal right after namin na mag graduate.” Sabi niya



“Ha? Fixed marriage? Hanggang ngayon pala ay uso yan?”


“Oo. Pero ang nakakatuwa, sa isang lalaki ako fixed marriage.”


“Ha?! Ang weird.”


“Yup. Bisexual din, ang sabi ni papa kung lalaki din naman daw ang gusto ko, yung best friend niya ay may anak din na bisexual. Yun na lang daw ang pakasalanan ko para tanggap nila lalo. Since gusto din ng magulang namin na maging partner sila sa business. Alam ko naman na hanggang ngayon dissappointed sila sa akin, paano ba naman unico hijo ako at wala ng pagpapasahan ng lahi namin.”


Napatawa kami pareho. 


“Bakit hindi ka manligaw at anakan mo. Para may lahi na susunod sayo.” Biro ko.


“Sira ka. Hahahah. Pero that’s a good idea.”


“Oi adik ka joke lang yun.”


“Haixt. Sana may kapatid na lang ako, yung marami para masaya.”


“Masaya magkaroon ng kapatid.” Sabi ko.


“Buti ka pa. Sana nga may kapatid ako na tulad mo.”


“Pero yung lalaki, kakilala mo? I mean... magkakilala na ba kayo?”


“Oo. Bestfriend siya ng ex ko, yun nga ang masaklap eh.”


“Oh my... hirap nga niya.”



“Sobra.”


"Daig mo pa pala ang nasa telenobela."


"Exactly."



“Pero sa tingin ko dapat hindi mo siya hiniwalayan. Dapat ipinaglaban mo.”



“May sakit kasi si papa at makakasama sa kanya ang labis na galit at problema kaya iniiwasan kong magpasaway.”



“Ah... malala nga yan. Pero dun sa guy, dapat kinakausap mo siya, kasi naman mahirap din sa kanya.”


“Haixt. Humahanap pa ako ng tiyempo. Pero hindi ko magawa."


"Di ka ba mag effort na balikan siya?"


"Im trapped with this situation."


"Pero dapat nagbigay ka ng warning dun sa guys... Masakit yun.. nagmukha siyang tanga."



"Alam ko... pero umaasa pa rin ako na magiging kami...."



"Ano bang ginawa mo sa kanya?"


"Ilan beses ko siyang pinagtabuyan...."


"Dapat hindi mo ginawa yun."



"Pero kailangan...."



"Para sa akin hindi dapat."



"aLam ko..."


"Hay hirap nan."


"Oo nga eh. At isa pa. Nabalitaan ko kasi talaga na mayroon na siya  na bagong boyfriend kaya masakit.”



“Tanggapin mo kasi nangyari na eh.”



“ikaw ba? Anong nangyari sa inyo nung ex mo? Bakit kayo nagkahiwalay.”



“Kasi... hindi naman talaga kami maghihiwalay kung hindi nangyari yun.”


“Bakit ano ba ang nangyari?”


“Kasi iniwan niya ako... hinayaang mamuhay mag-isa... kasi pa...” at biglang nagring yung cellphone ko. 



“Sorry sagutin ko lang to.” Sabi ko.


Ano kaya ang nasa utak ni Kieth at napatawag to. -_-


“Hello... napatawag ka?”


“I miss you babe.” Sabi niya


“Umayos ka nga nakakdiri ah.” 


Napatingin ako kay Ranz kaya hininaan ko boses ko nakakahiya.


Ang alakas pala sobra nung boses ko. Nakakahiya. O///O


“Sus kinilig ka naman. Saan ka?”


“Sa bahay ng classmate ko.”


“Teka anong ginagawa mo dyan? Wag mong sabihing nakikipag ano ka... Alam mong akina ka kaya wag kang maging two timer jan.”



“Hoy kurimaw gusto mong mabugbog? Kung anu-ano yang sinasabi mo eh.  Ang kapal ng mukha mo na sabihin yan. Mahiya ka nga sa balat mo! Ano bang kailngan mo?!”



“Gawin mo assignment ko ha, sinend ko na sa fb. Thanks. Love you.” At ibinaba niya yung phone.


Grabe talaga, ang sama ng ugali nito. Akala ko ba okay na tapos ganun. Grabe talaga yun makakarma din yun.


Assignment? Makapang bully talaga eh.



Sana mabilaukan siya. Kainis.




Bumalik na ako sa pagkakaupo at binuksan yung fb ko. May wi-fi naman kaya nakakapag net ako. 



Biglang nagtanongsi Ranz. “Sino yun?”



“Ah wala, asungot.”


“Boyfriend mo?”


“Ah eh... not really... ewan.. magulo.”


“So may boyfriend ka?”


“Ewan. Basta mahabang kwento.”


“Ang swerte mo naman.”


“Sus hindi ah. Lagi akong kinakawawa nung mokong na yun. Kung laitin ako ng panget wagas. Tapos kung anu-ano pinag gagawa sa akin.”


“Dapat hindi ka pumapayag na ganunin ka.”


“Aba hindi talaga, lumalaban ako.”


“Hahaha. Pero alam mo mas magugustuhan ka niya kapag nag-ayos ka.”


“Kasi naman...”


“Walang kasi kasi. Naku time na para mag ayos ka. Kapag nag-ayos ka tingin ko mas maugutsuhan ka niya, mabibighani siya sayo.”


Hindi ko naman kailangan mag-ayos eh. Haixt. 


Ipinagpatuloy na lang namin yung ginagawa namin. 


Pinagpuyatan din namin yun at nakatulog ng mag-a-ala una na ng umaga. 


Natapos namin lahat, konting edit na lang bukas.


Kinabukasan nagising kami sa katok. 



“Sir, kakain na daw po.” Sabi nito


Bumangon kami pareho. 



Nagunat-unat ako at naghilamos. 



Siyempre tinanggal ko lahat ng nakapasak sa akin. 



Nagulat na lang ako nang pumasok si Ranz sa banyo. Oh my.


Kinuha ko lahat ng gamit ko at tinakpan ang mukha ko. 


Hala ka, baka makita niya. 


Agad akong lumabas ng banyo at isinuot lahat ng nakapasak sa bibig ko. 



“Okay ka lang?” sabi niya


“Ah oo... tara na...” sabi ko. 



Bumaba na kami at naabutan namin yung papa niya at mama niya.


Di ko maiwasan ang tumitig sa papa niya. 



May kakaiba akong naramdaman sa kanya. 



Feeling ko kilala ko siya. 



Feeling ko nakita ko na siya dati.


“Good morning po...” bati ko.


“Good morning din iho. Kamusta yung ginagawa ninyo na project?” tanong ng papa niya


“Okay naman po.” Sagot ko.


“Anak, dito ba kayo magtatanghalian?” tanong nung mama niya


“Opo mama.”


“Nakakahiya naman po.” Sabi ko.


“Hindi yan anak. Masaya kami at mayroong nakakasama ang anak namin.” Sabi ni tita.


“Feel at home.” Sabi ni tito.


Feeling ko hindi close si tito at si Ranz. 


Madalas kasing isnabin ni Ranz si tito eh. 


Alam ko naman na nagtatampo lang siya sa papa niya.


Kinahapunan umuwi na ako, tumanggi akong ihatid pero hindi sila pumayag. 


Yung papa niya ang naghatid sa akin, aalis din kasi yung papa niya kaya isinabay na ako.


“Iho san ka ba?”


“Dun lang po sa may Akasya.” Sabi ko.


“Ah... sige...” sabi nito.


“Ah dito na lang po...” sabi ko.


“Ayan na bang bahay ninyo?”


“Opo tito... maliit lang po.” Sabi ko


Ngumiti lang siya. Natanaw ko na lumabas si mama. 


“Ah... si mama po pala.” Sabi ko.


Tumingin si tito sa may gate at agad siyang bumaba. 


Nakita ko yung reaction ni mama at nakita ko na parang natigilan silang dalawa. 



“ma?” awat ko sa kanila.


[RD’s POV]


Kasama ko ngayon si Arjay. 


Badtrip na naman siya dahil sa papa niya. Haixt. Lagi naman. 



“Ano, di ba talaga tutuwid yang sambakol mong mukha?” tanong ko.


“Si papa kasi.”


“Kamusta pala yung research ninyo?” tanong ko.


“Okay naman. Alam mo ang bait bait niya. Ang sarap magkaroon ng kapatid na tulad niya. Sana nga makilala ko siya eh.”


“Aysus. Mamaya naman di naman mabait siya.”


“Kapag nakilala mo siya matutuwa ka. Hayaan mo ipapakilala ko siya soon.”


“Kayo ba ni Kieth?”


“Paanong kami ni Kieth?”


“Kamusta na kayo?”


“Ganun pa din.”


“Alam mo ang suplado na nun.”


“Paanong di magsusuplado yun... tayo na diba?”


“Hay naku Ranz Joseph Bautista, masasanay din tayo.”


“Alam ko. Simula nang ipagkasundo tayo nila papa alam na natin mga consequences.”


“Pero nakilala mo na ba yung bago niya?”


“Nope. Pero sana wag na, baka di ko makaya. Feeling ko there’s something sa taong yun kung bakit naging interesado si Kieth.”


“Sa supladong si Kieth, di ko maimagine na ganun na lang kadali sa kanya na magkagusto.” Sabi ko.


“Haixt. Ang masakit lang ay yung makita sila na okay sila. Makita na nagmamahalan sila. Di ko ata kayang makitang may ibang minamahal si Kieth. Ang sakit, ang sakit-sakit.” Nakita ko na tumulo ang luha niya.


"Baka naman pinagseselos ka niya."


"sana nga." pero di ko mapigilang mapaluha



“Hey tahan na. Wala naman tayong magagawa diba?”



“Naawa na ako sa sarili ko... pati sayo... kasalanan ko lahat ng ito.”



“Hay naku, wala namang magagawa kung sisishin mo ang sarili mo. Nangyari na ang lahat kaya cheer up na.”



“Haixt. Alam mo ba nung nabalitaan ko ang nangyari sa kanya, di ko maiwasan ang maguilty. I made his life miserable.”



“Pero sa nakikita ko okay na naman siya eh.”



“Dahil dun sa bago niya?”



“Tingin ko. Nakita ko na masaya siya, nakangiti at sayang-saya sa kanya.”



“Ouch.”




“Pero parang kilala ko yung guy. Parang nakita ko na siya dati eh.”




“Baka naman kilala mo na siya dati pa.”



“Teka... di ko matandaan eh. Some other time tanungin ko yun.”




“Buti nagkakausap kayo.”



“Bihira na din. Si Kieth seloso.”



“Haixt. Ipinagpalit na talaga niya ako.”




“Pero mukhang mahal ka pa rin niya eh.”




“Paano mo nasabi?”




“Feeling ko lang.... alam mo naman yun, seryoso sa lahat ng bagay. ikaw ata nakapag pabigay sa kanya.”



“Loko ka.... sana nga... pero..”



“Pero ano?”



“Unfair naman dun sa guy.”



“Ay ewan.”



“Birthday na ni Jake sa ikalawang linggo ah?”



“Oo nga eh.”



“Invited ba tayo?” tanong niya



“Yup. Tinawagan niya ako. May invitation daw siya.”


“Naks naman. Ay got to go na pala.”



"Saan ka pupunta?"


"May aasikasuhin lang ako."


"Ano naman yun?"


"Wala."


"Naglilihim ka na sa asawa mo ah."


"What the..."


"Joke lang..."


"Siya siya alis na ako."


“Ah sige. Ingat”


At umalis siya. 



Dumeretso ako sa may cafeteria at nakita ko doon si Alex. Hmmpft. 


Pumunta ako sa kanya at tumabi. Wala naman siyang kasama eh.


“Nag-iisa ka ata Mr. Lover Boy.” Sabi ko.


“Yup. Vacant ko kasi, si Kieth naman hindi nagtetext.” Sagot niya



“Ah mamaya makita niya tayo at bugbugin ako nun.” Biro ko.


“Bakit naman kasi sa hinagilap ng mundo eh inagaw mo sa kanya yung Arjay niya?” sabi niya habang itinutuloy ang pagkain.


“Change topic na nga...”


“Sus lumulusot ka pa eh.”


Natawa naman ako dun. 



He reminds me of something, yung gwapo kong classmate nung elementary. 


Actually bestfriend ko siya. 


Nagkahiwalay kami noon nung lumipat siya ng school.


I already forgotten his name. Sayang gusto ko pa naman siya. 


Pero that was in elementary days. To think of it, he was very special to me, siya kasi ang nagtatanggol sa akin.


I’m so fat and ugly back then at siya lang ang tanging savior ko. 


Ang cheesy at ang girly ng kwento pero the bottomline is, I like him. That was the first time I realize na bisexual ako.


Nagkagirlfriend naman ako pero sadyang ganito eh. 




Kaya pinangatawanan ko na at inamin sa magulang ko. 



Wala na naman silang magagawa, palayasin man nila ako, sila din ang mawawalan, solong anak ako eh.



“Hoy natulala ka jan.” Sabi nya sa akin.



“May gagawin ka ba sa Saturday?” tanong ko.



“Wala naman, bakit?”



“Gala tayo. Treat ko.”



“Ah eh teka, hindi ba magaglit sila...”



“I don’t care, basta gala tayo... hihintayin kita.” 



Kinuha ko yung notebook niya at isinulat ang number ko.



“Aantayin kita. Sige bye.” Sabi ko at umalis na ako.



[Alex’s POV]


Gulong-gulo ako sa mga nangyayari, magkakilala pala si mama at ang papa ni Ranz. 


Nakita ko kung paano matigilan silang dalawa, para bang kay tagal na nilang naghahanapan.


“Ma... papa pala nung classmate ko... tito mama ko po...” pakilala ko sa isa’t-isa.


“Siya... siya ba?” sabi ni tito.


“Anak pumasok ka sa loob.”


“Pero ma...”


“Isa... sabi ko pumasok ka sa loob!” ngayon ko lang nakitang nagalit si mama ng ganito.



Agad naman akong pumasok sa loob pero sumilip pa rin ako. 



Hindi ko maiwasan ang macurious sa nangyayari. 



Nakarinig na lang ako ng sigawan sa labas at nang sumunod na sandali ay umiiyak na si mama.


(Itutuloy)


No comments: