Saturday, July 20, 2013

Less Than Three- Part 9

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


I dedicate this part to Mhi Mhiko for being an outsandig commentator... HAHAHAH thank you bro. :))


Chapter 9


(Pusong Lito)



[Kieth’s POV]


Nasaan ako? 


Kaninong kama to? 


Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. 


Inilibot ko ang aking mata at nakita ko sa aking tabi si Kian. 


Anong ginagawa niya dito?


Kinusot ko ang aking mga mata. 


Ang pagkakatanda ko ay kila Alex ako pumunta. 


Nakausap ko pa nga siya eh, tapos nahilo ako. 


Naalimpungatan ako tapos hinali... 


Nag ki-k-i-kiss kami? 


Napabalikwas talaga ako ng tayo at nagising si Kian.


“Ano ba?!” sigaw nito.


Kahit bagong gising gwapo pa rin. He's such an angelic face.


“B-bakit ka nandito?” sigaw ko.


Napatitig lang siya sa akin at parang may malalim na iniisip. 


Tumitig siya sa akin na para bang nagtataka. 


Agad ko namang hinanap si Alex.



“Si Alex? Nasaan si Alex?” tanong ko.


“Ah eh.... kasi...”


“Ano?!” sigaw ko.


"Wag kang sumigaw! bahay mo to?!" sabi niya


"Magsalita ka kasi..."


“Binilin ka niya sa akin. May pinuntahan siya eh.” pahayag niya.


“Bakit kaanu-ano ka ba niya ha?”


Nakita kong nag-iisip siya at natigilan.


"Huy..." sabi ko


“Pinsan niya ako...”


“Di man lang niya sa akin sinabi. Yung panget na yun. Oh bakit ikaw ang pinagbantay niya sa akin? Diba niya alam mga pinag gagawa mo?”


"Anong bang mali sinasabi mo?"


"Wag ka nang magmaang-maangan..."


“Mali ka sa iniisip mo.”


“Hindi ako bulag.”


“Bakit ano ba ang nakita mo? Naghalikan ba kami? Nagyakapan ba kami? Sige sabihin mo ang kasalanan namin?!”


“Nakita ko kayong magkahawak ng kamay.”



"Wow ha... kapag magkahawak ang kamay may ginagawa na agad? Ang kitid ng utak mo!"


"Makitid agad ha? Eh ano ba ang dapat kong isipin ha!"


“Hindi mo alam ang nangyari kaya wag kang manghinala. Jan ka magaling eh, sa maghinala ng mag hinala, mali naman yung inaakala.”


“Bakit kilala mo ba ako?”


“Bakit kilala mo rin ba ako? Maaring si RD kilala mo pero yung husgaan mo ako... mag isip-isip ka muna nga bago ka manghusga ng tao. Hindi lahat ng tao manloloko tulad ng ginawa ng ex mo!”


Bigla siyang tumalikod para luambas pero naagapan ko siya. 


Hinila ko siya pabalik sa akin kaya napalapit siya sa akin. 


Bigla akong natigilan nung makita ko ang kanyang mata.


Pamilyar sa akin ang mapupungay na matang iyon, ang kulay brown na mata, mahahabang pilik mata, makinis na balat, parang lahat ng ito nakita ko na.


Nakaramdam ako ng parang magnet na humihila sa aking ulo para halikan siya. 


Hindi ko mapigilan ang aking sarili. 


Unti-unti nagtagpo ang aming mga labi at nasasarapan ako sa aking ginagawa.


Shit this is bad.


Eto ang tagpo kapag hindi ko mapigilan ang sarili ko.


Naramdaman ko ang pagtugon niya sa aking mga halik. 


Naging mapusok ang aming paghahalikan. 


Pilit kong pinapasok ang kanyang labi. 


Ngayon lang ako naging agresibo ng ganito.



Ganito na ba ako kahasa pagdating sa mga bagay na ito.


Oo lalaki ako pero bakit ganito? Daig ko pa ang sabik sa mga bagay na ito.


Di ko mapigilan ang panggigilan ang kanyang malambot at mapulang labi. 


Nakaramdam ako ng kaunting sensitibong pakiramdam. 


Unti-unting gumagala ang aking mga kamay sa kanyang likod.


Natigil lang ang aming paghahalikan ng kumalas siya at mahawakan ko ang kaniyang likuran. 


Ramdam ko ang pagahahabol ng kanyang hininga. 


Shit, bakit ganito, nakakramdam ako ng init sa aking katawan.



Dala ba to ng alcohol kagabi? 



Ang lakas ngayon ng loob ko an gawin yun...



“Kieth... wag...” narinig kong sabi niya.


Nakakaakit ang boses niya.


Lalo akong nahahalinang halikan siya.


Ang inocente ng mukha niya.


“Shit…” ang nautal ko at hinalikan ko ulit siya.


Di ko alam kung dala pa rin ba ito ng alcohol na nainom ko o dala to ng bagong gising kong diwa. 



I hugged him so tight at mas madiin na ang paghalik ko sa kanya. 



Kusa na akong kumalas.


Tumigil na din siya sa paghalik.


I'm back to my senses kahit papano.


“You look so wonderful, di ko mapigilan...” sabi ko. 


Ano ba ang nangyayari sa akin? 


Parang all I want is to get him.


All of him.


Napatungo siya ng ulo pero kinuha ko ang kanyang baba at muli inangkin ko ang kanyang mga labi. 


Shit! 


I want him, I want to get him so eagerly. 


Alam ko nagugustuhan niya yung ginagawa ko.



Itinulak ko siya sa may kama at pumatong ako sa kanya. 


Naramdaman ko na nanginginig siya, feeling ko magiging first time niya ito dahil kapag hinahawakan ko ang sensitibong parte niya ay naiilang siya.


Again, our lips met. 


Di ko na talaga mapigilan ang sarili ko. 


Bahala na si batman. 


Di man siya ang una ko, ako naman ang magiging una niya. 



Pero isang parte sa utak ko ang nagbalik tanaw, bigla na lamang itong lumitaw sa aking isip.


“Sige pumapayag ako pero may kundisyon, sige papayagan ko na hawakan mo ako sa aking kamay, yakapin pero wag na wag mo akong hahalikan...”


Yan ang naalala kong sinabi ni Alex sa akin noon at hindi ko maintindihan kung bakit naalala ko sya ngayong kasama ko si Kian. 


Napatigil ako sa ginagawa namin at napatayo.


“S-Sorry...” tangi kong nasabi.


Tumayo siya mula sa pagkakahiga at pumunta sa may tapat ng bintana. 


Nagpaalam ako sa kanya. 


“Alis na ako... sorry kanina...”


Parang napahiya siya sa ginawa ko.


Tama naman diba?


Parang kinukunsensyan ako ni Alex.


“Ingat...” mapait na sabi niya


Habang papauwi ako sa bahay, di ko mapigilang mapaisip. 


Naalala ko yung labi ni Alex kasabay nito ang sensasyong nararamdaman ko kay Kian. 


Nalilito ako bigla?


Bakit ko nararamdaman ito? 


Hindi naman ganito katindi ang nararmdaman ko kay Arjay noon. 


Mahal ko pa ba si Arjay? 


Pero sino ang pumalit sa puso ko sa pwesto niya? 


Si Alex? Si Kian? 


Ah takte yan.


Masakit ang ulo ko habang tulala na naglalakad. 


Di ko namalayan na halos isang kilometro na ang nalalakad ko. 


Sumakay na lang din ako pauwi pagkatapos kong mahanap ang sakayan.


Buong maghapon yun lang ang nasa isip ko. 


Nalilito na ako. 


Gusto ko na ba talaga si Alex kaya parang nagtaksil ako sa kanya nung halikan ko si Kian? 


Takte gusto ko nang basagin ang ulo ko.


Bakit parang nagui-guilty ako? 


Nakakainis. 


Di naman kami ni Alex diba? 



Nagpapanggap lang naman kami diba? 


Pero bakit nagseselos ako kay RD kapag nakikita kong lumalapit siya kay Alex? 


Bakit nung nakita ko si Kian na hawak ni RD ang kamay ay nagselos ako?


Shit!


Ano bang meron sa pagkato nila? 


Namamangka ba talaga ako sa dalawang ilog? 


Maari nga kaya na dalawa ang tinitibok ng puso? Argsh. 


I am begging for my life, give me this damn answer.


Bakit kasi pinabayaan akong mag-isa ni Alex? 


Nasaan ba siya? 


Gusto ko siyang makita. 


Gusto kong makausap silang dalawa ni Kian.


Tinawagan ko si Jake. 



“Oh pre...”


“Pre... may problema ako...” sabi ko.


“Oh ano problema?” tanong niya


“Nalilito ako.”


[Alex’s POV]


Nakakahiya talaga ang nangyari kanina. 


Pagkaalis na pagkaalis ni Kieth at nahawakan ko ang aking labi. 


What in the world happened?


Nakadalawa siya sa akin. 


Nakakainis, pero bakit ganun, parang nagustuhan ko? 



Bakit parang hinahanap-hanap ko yung mga labi niya na nakadikit sa akin.


At for the first time, french kiss. 


Simple kiss lang kami ni Blake pero si kieth, grabe, muntikan na. 


Yeah tama kayo sa iniisip ninyo, I AM VIRGIN! 


Sa lahat ng bagay pwera lang sa kiss. 


Yung hawakan niya yung sensitibong parte ng aking katawan, hindi ko mapigilan ang mailang.


Grabe, yun pala ang pakiramdm ng may humahawak ng sa iyon. 


Nakakatanga lang. 


Umagang-umaga pa naman. 


Pero nakakainis si Kieth, bakit niya ginawa yun?


Buti nga at hindi siya nakahalata about sa amin ni Alex. 


Muntikan na din yun. 


Paano ba naman, hindi ako pwedeng matulog ng nakapang disguise, baka malunok ko yung ginagamit ko.


Buong maghapon nakakulong lang ako sa kwarto ko. 


Nag-iisip sa mga nangyari. 


Unang kiss ko ay kay Blake. 


That was the sign nang pagbigay ko sa pag-ibig. 


Yun yung time na umamin siya sa akin na gusto niya ako, na mahal niya ako.


(Flashback)


Dahil sa alam nga ni Jessie na bisexual ako, may inireto siya sa akin. 


Ang sabi niya, may gusto daw ito sa akin matagal na at ipinakilala siya sa akin.


Pamangkin siya nung may-ari nung binibilhan namin ng french fries. 


Gwapo siya, pero mas gwapo si Blake, grabe makapag compare lang ako wagas. 


Crush ko si Darwin pero gusto ko si Blake.


Magkatext kami noon ni Darwin at ni Blake. 


Silang dalawa lang ang gabi-gabing bumubulabog sa akin. 


Pero isang araw, dahil sa lokohan, doon nalabas ang lahat ng saloobin ng bawat isa.


Magkakasama kaming grupo na kumakain at magkatabi kami ni Dawrin sa may upuan. 


Medyo malayo naman si Blake. 



Kanina ko pa nahahalatang parang badtrip siya.



Ni hindi siya umiimik sa akin eh.


Nung nagsimula nang magtuksuhan, doon na lalong uminit ang ulo ni Blake. 


Nanliligaw sa akin si Darwin at tinatanong nila kung kelan ko daw sasagutin.



“Oi Alex, kamusta ba ang score ni Darwin sayo?” tanong ni Jessie.


“Hala ka.. adik tong mga to.. secret...” hahaha. Ang nasabi ko na lang.


Nagulat na lang ako nung hinawakan ni Darwin ang kamay ko. 



“OH para saan to?”


“Para maramdaman mo na seryoso ako...”


“Ramdam ko naman eh...”


Kaya naghiyawan silang lahat. 


Halos kahat botong-boto sa kanya pero si Blake hindi maipinta ang mukha. 


Agad siyang tumayo at nag walk out. 


Binulungan ako ni Jessie na sundan ko.


Ang bilis niyang maglakad grabe. 



“Oi Blake!” tawag ko.


Di siya lumingon kaya tumakbo ako. 


Tumakbo rin siya kaya lalong lumaki ang agwat nung layo namin. 


Bigla naman kong natalisod at lumagpak sa lupa. 



Ang lampa ko grabe.


Ang ganda na ng momentum tapos madadapa ako. Panira tong pesteng batong ito.



Agad niya akong binalikan. 


“Ayos ka lang ba?” tanong niya


Tinulungan niya akong magpagpag nung panahong yon. 



“Ikaw ba ayos ka ba?”



“Ah eh...wala ako sa mood. Masama ang pakiramdam ko.” Sabi niya



“Parang di naman...”


“Lakad ka na doon.”


“Di ako aalis dito..”


“Isa...”


“Ano ba kasing problema mo?”


“Dalawa...”


“Marunong akong magbilang.”


“Umalis ka na...”


"Itinataboy mo ba ako?"


"Please..."


“Ano ba kasing problema mo? Para kasing ang bigat. Kung gusto mo nandito lang ako, pero kung ayaw mo ayos lang. Nandito pa din ako.”


“Please umalis ka na.. nahihirapan lang ako...”


“saan ba?”


“Di ka naman manhid? Alam mo naman siguro ang nararamdaman ko...” sabi niya


Natahimik ako. 


Sana mahal niya ako, sana yun yung nararamdaman niya. 



Sana sabihin niya na, Alex, mahal kasi kita....



“Blake....” 


may sasabihin pa sana ako sa kanya nung hagilapin niya ang aking labi at ito ay inangkin.


“B-Blake...”


“Gusto kita Alex... mahal kita...”


Nalingid ang luha ko nung sinabi niya iyon. 


“Salamat.... salamat at natauhan ka...” niyakap ko siya


“Di ako makapaniwala.... mahal mo din ako?”


“Gusto kita... mahal kita Blake...”


“Mahal din kita...”


“Ang torpe mo kasi...”


“akala ko okay na kayo ni Darwin.”


“Oo crush ko siya... pero ikaw ang gusto ko...”


“Paano natin ito saasbihin sa kanila?” tanong niya


“Handa ako anumang oras... hihintayin kita....”


“I love you Alex...”


“I love you too Blake...”


(End of Flashback)


Biglang tumunog yung telephone sa kwarto ko, may tawag na dumating. 


Galing kay Ranz. 


“Pwede ka bang pumunta dito?” tanong niya


“Bakit may problema ba dun sa papers natin?” tanong ko


“Need ko lang ikaw... please... for me...”


“Ah sige... sa bahay ninyo ba?”


“Hindi wala ako sa bahay, nandito ako sa Glenn Forbes Park... alam mo ba tong lugar na ito.”


Teka, dun ako dinala ni RD at ni Kieth dati ah. 


“Ah oo alam ko yan...”


“Sige hintayin kita... salamat ng marami.”


Binaba ko yung phone at nagbihis ako. 


Nagpaalam ako kay mama at nagbilin siya sa akin na dumaan daw sa sm para bilhin yung pinapabili niya.


Tatlumpung minuto nang makarating ako sa lugar. 


Agad ko siyang hinanap at ilang sandali lang din ay nakita ko siya, nakaupo, nakatulala at marahil malalim ang iniisip.


“Ranz...” sabi ko.


“Salamat...” sabi niya tapos niyakap niya ako.


“Anong problema ba?” tanong ko.


“Wala...”


“Wala ka jan... di ka naman magyaya kung wala kang problema eh.”


“Anong nangyari sa braso mo?”


“Ah wala nadapa lang ako. Ang lampa ko no?” palusot ko.


“Haixt. May problema lang sa puso kaya ganito. Isabay pa yung sa pamilya at kung anu-ano pa. Pumunta nga kanina yung boyfriend ko kaso pinauwi ko siya. Parang ayaw ko muna makipag-usap sa kahit sino maliban lamang sayo.”


“Kaya naman pala eh. Wag ka nga magmukmok jan, cheer up!” sabi ko.


“Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng pamilyang ganito?”


“Di mo naman masisisi ang Panginoon. Ikaw talaga.”


“Biro lang, sana maging maayos ang lahat. Nahihirapan na kasi ako eh, sobra akong nahihirapan.”


“Wag ka kasing masyadong hot.” Sabi ko.


“Nakakainis kasi eh.”


“Wag na muna natin isipin yan. Let’s have fun.” Sabi ko.


“aixt. Paano mo pala nalaman yung lugar na ito?” tanong niya


“I’ve been here twice.”


“Ah. Nice naman. Sino kasama mo dito?”


“Mga kaibigan lang. Sila nagdala sa akin dito at ikaw ang third person na nakasama ko dito.”


“Wow naman. Hahaha. Alam mo ba na ito ang pinaka-favorite place ko sa lahat?”


“Bakit naman?”


“Ito yung lugar kung saan lagi akong dinadala nung ex ko.”


“Alam mo dito rin dinadala nung boyfriend ko yung ex niya dati.” 



Boyfriend? 



Ang lakas ng loob kong sabihin yun ah.



Eh naka halik na siya sa akin ng dalawang beses.


Pero ang sarap....


Nagustuhan ko...


Waaah


teka bakit ganun?


Erase erase erase...


“Oh? What a coincidence? Ang galing naman. Pero di na nakakapagtaka, this place was a wonderful.”


"Yaan mo ipakilala ko siya sayo soon." sabi ko



"sure..."


“mahal mo pa ex mo talaga no?”


“Sobra. Di ko naman siya hihiwalayan kung wala talagang mabigat na dahilan.”


“Everything happens for a reason.”


“Like you and your Blake?”


“Yeah. Ayt pinaalala mo pa siya.”


“Nasaan na ba siya?”


“Hahaha. Kaw talaga. Basta...”


“Pasecret-secret ka pa jan.”


Halos isang oras din kaming magkausap. 


Kumain din kami hanggang sa dumating ang alas siyete ng gabi, nagpaalam na kami sa isa’t-isa. 


Agad naman akong dumeretso sa SM para bilhin yung pinapabili ni mama.


Madali ko rin naman nahanap yung pinapabili ni mama pero natigil ako nung makasalubong ko si Jake at si Kieth. 


Hindi ako makatingin ng diretso kay Kieth kaya nagtungo ako ng ulo.


Kung pwede lang talaga mag disappear dito, matagal ko ng ginawa. 


Di ko alam ire-react ko matapos ang lahat-lahat. 


Palapit siya sa akin, Oh my God, ano kaya ang sasabihin niya sa akin? 


Ano yung sasabihin ko? 


Hindi ko alam ang gagawin ko.


Isa, dalawa, tatlo, apat... lima? Anim?.... sampu? 


Nakailang bilang na ata ako pero wala ring nangyayari. 


Nilagpasan lang niya ako. 


Totoo ba ito?


Daig ko pa ang hinampas ng hallow block sa sakit na nararamdaman ko. 


Totoo ba ito? 


Nasasaktan ako sa nangyayari? 


Pero bakit? 


Paano?


Nilingon ko siya pero tangin si Jake lang ang lumingon. 


Nagsorry siya sa akin gamit ang kanyang bibig. 


Hindi ko maintindihan ang nangyayari. 


Bakit?

Pagkauwi ko sa bahay, iniiyak ko lang ito. 


Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? 


Bakit ganito na lang kung magreact ang puso ko? 


Nasasaktan ako!


[Kieth’s POV]


Magkasama kami ni Jake ngayon at sinasabi ko sa kanya ang problema ko. 


Never to think na mangyayari sa akin to? 


I actually confused with my feelings.


“Pre… anong gagawin ko kay Arjay? Nalaman ko na ang totoo.”



“Alam mo pre… nasa sa iyo yan kung ipaglalaban mo. Kung mahal mo siya talaga, go for it!”


“Naawa ako kay Alex.”


“Pre... iba talaga gayuma ni Alex...” sabi nito.


“Pre, bakit ganun? Bakit ako na-attract kay Alex?”


“Di natin matuturuan ang puso natin pre... to think of it, may gusto ka at the same time kay Kian.”


“Pre, bakit ganito? Parang pareho lang naman silang dalawa eh.”


“Sino ba mas gusto mo?”


“Di ako makapaniwala na yung panget na yun, magkakagusto ako. Takte pre!”


“Karma lang yan. Makapanglait ka sa kanya eh.”


“Pre naman.”


“Ang gulo mo kasi. Mamili ka nga sa tatlo, Arjay, Alex o Kian?”


“Come on pare, kay Arjay pa rin ako.”


“Gayong ikakasal na siya?”


“Ipaglalaban ko siya!”


“Paano si Alex?”


“Magbreak kami.”


“Ganoon na lang kadali yun?”


“Pre… usapan lang naman naming ang magpanggap.”


“Pero pre kahit na, ginamit mo yung tao kaya you should end that in a proper way.”


“Sabagay tama ka.”


“Cheer up.”


“Pero pre di ko na alam ang gaagwin ko.”


“You should settle all of these muna kay Arjay. Bago kay Alex.”


“Pero…”


“You should know your priorities…” ang sabi niya.


“Pre… naguguluhan na talaga ako. Gusto kong ipaglaban si Arjay pero parang minsan nawawala kapag naiisip ko na si Alex.”


"Tara na nga...."


"Saan tayo?"


"Uuwi."


"Pero."


"Mag isip-isip ka muna..."


Pauwi na rin kami. 


Kanina pa kami dito. 


Isang malaking tanong na lang sa akin, 



MAHAL KO BA SI ALEX? 



Bakit nagdadalawang isip na ako kay Arjay?



Napansin siguro ni Jake na natahimik ako. 


“Pre, kung ako sayo, stress free.”


“Ano yun?”


“Mag-isip ka ng mabuti.”


Di ko inaasahan na makakasalubong ko si Alex. 


Naalala ko yung gabing yun. 


Di naman siguro ako nagi-ilusyon na nahalikan ko siya.


Hindi siya makatingin sa akin ng ayos. 


Kinulbit ako ni Jake at binulungan. 


“Ano pre di mo malapitan boyfriend mo?”


Tinulak niya ako kaya napilitan akong lumapit sa kanya. 


Pero, pero nahihiya ako. 


Ayan na, malapit na ako. 


Nakayuko siya kaya hindi ko alam ang reaksiyon niya.


Isang hakbang na lang ako sa kanya ng hindi sinasadyang magtuloy-tuloy ang lakad ko. 


Shit! 


Ano ba to? 


Kaya agad akong nagmadaling umalis. 


Sumunod sa akin si Jake at nung nasa first floor na kami, agad niya akong hinila.


“Pre, para saan yun?”


“Hindi ko alam.”


“Gago ka... di mo nakita, may tumulong luha sa kanya?”


“Shit!”


Akma akong babalik pero pinigilan niya ako. 


“Loko ka pre, ano gagawin mo babalikan mo siya?”


“Oo pre!”


“tangek ka! Napahiya na yung tao, di mo man lang pinansin. Ang sakit nun.”


“Pero...”


“Tara na! Itulog mo na lang yan.”


Ano pa ba magagawa ko?


Pagkauwi ko, kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya. 


Pero di niya sinasagot. 


Text ako ng text pero wala din. Argssssh.


Hanggang sa school hindi ganun ka init ang paguusap namin. 


Kung mag-usap kami parang casual lang.parang magkaibigan lang. Ayt.


“Nga pala sor...”


“Ha? No... wag....” sabi niya


“Pero..”


“Wag mo ng ituloy? Adik lang to.”


“Please... sorry.”


"Di mo kasalananan kaya okay lang ako.”


“Parang di eh.”


“Believe me.”


“Kamusta ka pala?” tanong ko


“Wag ka nga magpakabait. Di bagay sayo.” And he laugh


Pero nakikinita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagkalungkot. 



“You’re not okay eh.” Sabi ko.


“Wag mo akong intindihin.”


“Yung isang gabi pala.”


“Ano yun?”


“Yung naglasing ako... yung nagawa ko....”


“Alin yun?”


“Yung hinalikan kita.”


“Ako hinalikan mo? Hindi ah. Baka nananaginip ka. Ano ba naman yan pinag iinteresahan mo ako.” Sabi niya. 


Nakangiti siya pero ang totoo, hindi ganun ang nararamdaman niya.


“Sorry...”


“Wala kang dapat i-sorry, wala namang nangyari eh.”


“I know meron...”


“Wala po...”


“Pero nalabag ko yung pinag-usapan natin...”


Nakita ko na natameme siya. 


Bakit ganun, gusto ko siyang yakapin pero sadyang torpe lang talaga ako.


“Ah yun ba inaalala mo? Yung USAPAN natin? Wala yun? Usapan lang naman un. Wala ka namang pakialaam dun diba?”


“Umayos ka nga.” 


Medyo naiinis na rin ako sa sinasabi niya.



"Umayos? Ako?"


"Oo."


“Okay naman ako ah.”


“Wag mo akong iwasan.”


“Ikaw iniiwasan ko?”


“Oo. Sorry na kasi. Alam ko napahiya ka. Alam ko nasaktan ka sa ginawa ko. Nagui-guilty ako.”


“Alam mo ang laki ng problema mo!”


“Hindi lang ako sanay na ganito.”


“Ikaw ang umayos. Ano bang inaarte mo? Ano ngayon kung iniiwasan kita? Masama ba yun? Pwede pa naman tayo magpanggap kahit ganito ah? Wala naman tayo sa harapan ni Arjay. Ni hindi ko nga kilala kung sino siya eh!”


“Ikaw lang naman ang inaalala ko eh. Yung pagpapanggap natin...”


“Lahat namang ng ito dahil lang sa pagpapanggap eh. Wag kang mag-alala, hindi ako nakakalimot na napapanggap lang tayo. Kung iniiwasan mo ako, so ano ngayon? Di mo ako gusto? Di mo ako type? Nadidiri ka sa akin? Fine. Pero yung daan-daanan mo lang ako at tapak-tapakan na parang di ako nag  eexist, masakit yun!”


Hinawakan ko siya pero nagpumiglas siya. 


“Kieth, tao din naman ako eh, may damdamin naman ako. Nasasaktan din naman ang ego ko. Ang sakit na nga sa loob, ang sakit pa rin sa puso! Kieth ayoko na, kumakalas na ako sa usapan natin.” nakita ko siyang umiiyak. 



Lumuluha siya at gusto kong pahiran yun. 


Pero wala akong magawa.


Nagtatakbo siya at hindi ko na napigilan. 


Walang tao at tanging kaming tatlo lamang ag nadoon nila Jake. 


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. 


Naguguluhan ako sa nangyayari.



[Alex’s POV]


Kieth sana lubayan mo na ako. 



Iniiwasan kita hindi dahil napahiya ako, iniiwasan kita kasi nasasaktan ako. 



Feeling ko ang lahat ng ito ay puro pagpapanggap lang.


Ni hindi nga niya alam na si Kian at ako ay iisa. 


At isa pa, nahihirapan ako. 


Nahuhulog na ako sayo. 


Ayoko ng nararamdaman ko sayo.


Tapos na ang klase ko kaya napagdesisyunan ko na pumunta kay Blake. 


Di ko alam kung makakaharap pa ba ako sa kanya ngayong may iba ng naglalaman sa puso ko.


Tinext ko na rin si Charlene na samahan ako para alalayan ako. 


Sususnod na lang daw siya kasi may class siya.


Habang naglalakad ako papunta sa kanya, nakita ko na medyo maraming tao din ang bumibisita sa kinalalagyan niya. 


Mga pamilya at kaanak ng ibang taong kasama ni Blake sa lugar na iyon.


Nakita ko na rin kung nasaan si Blake. 


Umupo ako sa tabi niya. 


Tinitigan ko siya saka unti-unti napapaluha ako. 


Sa muling pagbabalik ko, muling paghampas ng luha ko. 


Tuwing pupunta naman ako dito ay napapaluha lang ako.


Napakatahimik ng paligid. 



“Mahal ko, kamusta ka?” tanong ko.



Pero hangin lamang ang sumagot. 



Wala pa ring sagot akong marinig mula sa kanyang bibig.



Ayoko namang umasa habang buhay pero eto ako, di nawawalan ng pag-asa.


“Sorry ngayon lang ako nakadalaw ulit ha. Madami kasing ginagawa pati medyo maraming conflicts. Hayaan mong kwentuhan kita.” Sabi ko.


Nanatili lamang na tahimik ang paligid. 


Tinitignan na ako ng ibang tao pero go lang ng go. 


Parang globe lang. Go lang ng go.


“Hindi pa rin nila alam ang tunay na Alex. Haixt. Ginaya ko yung sabi mo dati na mag disguise ako at ayon, lumalabas ang tunay na ugali nila. Alam mo ba ang sakit nila magsalita. Kaya kapag nasasaktan ako, iniisip na alng kita kasi nawawala lahat ng sakit na nararanasan ko.”


Natahimik ako ng bahagya. 


“Alam mo, may kasalanan ako sayo...” sabi ko.


Hinaplos ko lang ang mga damo kung saan ako nakaupo. 


“Sorry kung di ako nag-ingat. Sorry kung medyo nadisgrasya ako. Di ko naman sinasadya eh. Mahal pa rin naman kita, kaso may problema.....


Di ko alam kung dapat ko pa bang ituloy eh....



"Ang alam ko kasi nagpapanggap kami, ang alam ko wala lang yun kasi nanjan ka, mahal na mahal pa rin kita. Pero sa di inaasahang pagkakataon, nahulog ako, kasalanan ko mahal ko, di dapat ako nagpabaya.” 




Sa puntong yun, unti-unting tumulo na ang luha ko.


Humiga ako sa tabi niya at niyakap kung saan siya naroroon. 



“Sorry kasi minahal ko siya. Patawarin mo ako kasi lagi na lang akong pabaya. Blake, mahal ko, pasensiya na kasi minahal ko si Kieth. Feeling ko sasabog na ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makawala sa nakaraan. Hanggang ngayon mahal pa rin kita pero ginugulo ako ni Kieth. Anong gagawin ko? Dapat kasi di ka na lang nagkaganyan. Dapat kasi di ka nawala. Hanggang ngayon natatakot pa rin kasi ako. Ayaw ko namang mawala ulit ang taong mahal ko. Blake, sana bumalik ka na. Sana lang. Nakikiusap ako...”



Wala na akong pakiaalam kung pag-usapan man ako ng mga taong nakakakita sa akin. 



“Blake, tatanggapin ko naman kung magagalit ka sa akin. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako...”


Tanga na kung tanga.


"Magsalita ka nga! Naiinis na ako sayo! Naguiguilty lang ako sa nangyari!"


“Alex...” narinig ko na tawag ni Charlene. 


Agad niya akong niyakap. 


“Ano tong sinasabi mong mahal mo si Kieth?” tanong niya


Napatungo ako bigla.


"Naguguluhan ako..."


"Best..."


“Gusto ko siya... mahal ko na siya. Pero hindi pwede. Pinipigilan ko ang sarili ko na mahalin siya kasi...”


“Gawa ni Blake?!”


“Oo...”



“Ano bang gagawin ko para magising ka? Tignan mo si Blake ngayon. Hindi mo na mababalik ang dati. Ang lahat ay nangyari na kaya tanggapin mo na. Gumising ka sa katotohanan at harapin ang kinabukasan!”


(Itutuloy)

No comments: