Sunday, November 4, 2012

Bullets for my Valentines- Part 36


Author's Note:

*****************

Good Day! Salamat po sa mga comments po ninyo. Nag oover flow ang pasasalamat ko sa inyo.

Di ko po siya matatapos agad-agad, magiging panget po kasi kapag minadali ko po. expect po na di po siya matatapos by chapter 40 or 50. Mahaba ba? hahaha. Daig ko pa gumawa ng teleserye. Pero pinagbubutihan ko naman po.

Hope You'll understand.

Sorry pala kung di ako makakapag update agad agad. Baka po once in a week ako makapag update. Pero try ko na maging twice a week. Promise kapag makapluwag luwag.

Thank you again. :)) Enjoy reading!

******************


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.

Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)




Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 36
"Year of our hearts" 


Always here,

Dylan Kyle Santos




videokeman mp3
I Want It That Way – Backstreet Boys Song Lyrics

************************************************************

[AJ’s POV]


Kasama ko ngayon si Princess. 

Hindi ko inaasahan na bibisita siya. 

Nag uusap kami ngayon. 

Tungkol sa nangyari sa amin ni Jaysen. 

Hula ko ay naikwento na ni Jaysen ang lahat. May dala siyang mga pagkain sa akin.


“Kamusta ka na ba?” tanong niya.


“Ayos na ako.”


“Good to hear.”


“Yeah. Ikaw kamusta?”


“Ayos ako.. pero...”


“pero ano?”


“Si Kuya...”


“Ayokong pag usapan to.”


“Pero...”


“Please.”


“Naawa na ako kay kuya...”


“Mas maawa ka sa ginawa niya sa akin.”


“Hindi ko alam yung katotohanan pero naawa na ako sa kalagayan niya. Gabi gabi pag umuuwi siya lasing.. hindi siya kumakain lagi.. nagkukulong.. nakakaawa na yung itsura niya....nabubugbog na siya ni papa dahil sa tuwing uuwi ito lasing at wala sa katinuan.. please... ayusin ninyo to..”


Hindi ko alam ang dapat maramdaman. 

Dapat ba na maawa ako o makadama ng pagkamuhi. 

Nasaktan ako, hindi lang si Jaysen.


“Princess, nasaktan ako ng kuya mo... kung alam mo lang ang ginawa niya sa akin.. sobrang sakit yung naramdaman ko nung makita ko siya kasama yung hayop na lalaking yun... kung ikaw ang nasa kalagayan ko magagawa mo bang harapin pa ang kuya mo? Takte yan. Masakit yun lahat lahat ginawa ko. Isinakripisyo ko ang lahat para lang maging maayos kami pero ano ang ginawa niya? Imbis na intindihin ako, ginawa pa niya yung kalokohan na yun! Malaking kalokohan yung mag sakripisyo ako para sa kanya dahil worthless lang lahat lahat yun!” mahaba kong sabi.


“Pero ano ba ang nangyari at nagkaganyan kayo? Ano ba ang nangyari sa inyo at ngayon ay ang gulo ninyo?”


Ikinuwento ko lahat, lahat lahat ng nangyari. 

Ipinaintindi ko sa kanya ang sakit na dulot ng kanyang kapatid. 

Halos mapatulala na lang siya ng malaman ang katotohanan. 

Masakit man sa kalooban niya pero tinanggap niya. Napaluha na lang siya.


“Sorry... akala ko ikaw ang may mali... I was wrong... ako na ang humihingi ng tawad...”


“Galit na galit ako sa kuya mo..”


“Pero hindi gagawa si kuya ng ganun kung walang dahilan.”


“Anong dahilan yun ha? Ano?!” galit kong tugon.


“Pero sana magkaayos kayo.. hindi ko kayang makita si kuya na nagkakaganun... magkakasakit siya.. please.... para sa akin..”


“Princess, di kon pa kayang humarap sa kuya mo.. pero..”


“Pero ano?”


“Sabihin mo sa kanya na okay ako... sabihin mo na sa takdang panahon mag uusap din kami.. hindi lang talaga ngayon.. di ko pa kaya.... hintayin niya yung panahon na yun.. yung panahon na kalmado ako at handa na siyang harapin.”


Yun na lang ang sinabi ko at niyakap ako ni Princess.


“Maraming salamat... magpagaling ka ah... sana mag kaayos pa kayo ni kuya... gustong-gusto kita para sa kanya..” sabi niya.


“Mukhang hindi na mangyayari yun...”


“Kung sakali man na hindi.. hope na kayo ni James ang magkatuluyan... I assure you na kung si kuya man ang magsasabi nun ay siya rin ang i-rerecommend...” ngumiti lang siya at tumayo na.


“Aalis na ako.. umaasa ako na sooner or later magkakaayos kayo..”


“Sana...” sabi ko.


“Pagaling ka ah.. hihintayin ka ni kuya.”


Nginitian ko na lang siya. 

Lumabas na siya ng pinto at saka naman pumasok si James.


“Ayos ka lang ba?” tamong niya sa akin.


“Yeah..”


“Okay.”


“Gutom na ako... penge pagkain..” sabi ko.


“Kukuha ka..”


“Sumbong kita kay mama.”


“edi sumbong mo.”


“Amp ka... gutom na ako.. ano ba?”


“Oo na.. baka gumapang ka pa jan...”


“Amp. Bilis nga..”


“Makapag utos wagas.. ano ako yaya mo?”


“Oo.. bagay sayo... halata sa itsura...”


“Sa gwapo kong ito?”


“Saan ang gwapo? San banda?”


“Sa mukha siyempre.. may gwapo ba na ang pagkagwapo ay nasa paa? Common sense... talino mo pa naman.”


“Grabe ka.. pilosopo..”


“Weh di nga?”


“Amp mo. Ewan sayo.”


“Love you babe.”


“Maka babe ka jan.. babe mo nguso mo...”


“Nye.”


[James’ POV]


“Anak... okay na ba a ang lahat?” tanong ni mama.


“Opo... ready na.. so ano ma, alis na tayo?”


“Sige sige..”


“Si baby ko?”


“Ayun nauna na sa sasakyan.. excited na nga eh..”


“Naku yun talagang batang yun..”


“Sabik na talaga yun masanay ka na.”


“Yeah.. mana sa daddy niya...”


“Baka sayo..”


“Ma naman.”


“Oh sige tara na at ng makaalis na tayo.”


“Okay.”


Papunta kami ngayon sa bahay nila AJ. 


Napagdesisyunan kasi namin na mag cecelebrate kami ng New Year doon.

Mag celebrate na rin kami ng home coming para kay AJ. 

One day ago eh lumabas na siya so isasabay na rin namin yun sa pagsalubong sa bagong taon.

Niluto ko yung favorite na pagkain ni AJ. 

Sinarapan ko yun at dinamihan ng cheese. Well well well. Hahaha. 

Konting minuto lang ang byahe at nakarating na kami sa kanila.

Ayon, si baby ko ay agad na bumaba at sumalubong sa dady niya. 

Tong batang ito, nakapagseselos na talaga grabe.

Paano ba naman, mas nasama sa daddy niya amp. 

Baka iniimpluwensiyahan siya ng daddy niya haha. Joke lang.


“Happy new year..” bati ko.


“Mamaya pa excited.” Sabi niya.


“Taray mo pa din eh.”


“Ano ngayon?”


“Bagong taon na eh..”


“Hahaha. Joke lang..” sabi niya at tumawa.


I am happy na okay na siya. 

Pasaway lang talaga kasi galaw ng galaw sa bahay nila. 

Hindi siya mapakali sa isang sulok. 

Sarap ngang asarin ito eh. Haahha.


“Babe.. relax lang ano ka ba? Nandito lang ako di ka na mapakali jan.” Sabay ngiti.


“Hoy lalaki, kapal din ng mukha mo.”


“Matagal na ngayon mo lang nalaman.”


‘Hindi... 10,000 years ago na.”


‘So matanda ka na pala.” Ngumiti na lang siya at nagpatuloy sa pag gawa.


“Simba tayo mamaya ha.” Sabi ko.


“Magsisimba kaming lahat, maiwan ka dito.”


“Bakit ba init ng dugo mo sa akin ngayon? Magbabagong taon na eh.”


“Just keep your mouth closed at umupo ka na lang jan.”


“Paano kung ayoko?”


“Bugbugin kita.”


“Ng halik?”


“Ng kamao ko.”


“Tapos wrestling tayo sa kama?”


“Bastos mo.” Binato niya ako ng basahan.


“Easy pikon ka agad eh.. I love you.”


“I hate you..”


“The more you hate, the more you love.”


“Neck neck mo..”


“Wow, ang sweet mag away.. tignan mo pamangkin ko, yung dalawa mong daddy ang sweet oh.” Sabi ng ate ni AJ.


“Oo nga po. Hehehe. Yehey magkakakapatid na ako.” 


Natawa ako sa sinabi ni Khail at nakita ko ang kakaibang tinigin ni AJ.


“Baby ano ba sabi ng daddy mo? Kung anu-ano ata yung pinagsasabi niya sayo.” Sabi ni AJ.


“Kasi sabi ni daddy magkakaroon lang daw ako ng kapatid kapag naging sweet na kayo sa isa’t-isa... sabi ni tita, sweet daw kayo kaya magkakakapatid na ako.. yehey.”


Nakita kong tumitig sa akin si AJ at lumapit. 

Agad akong tumayo at tumakbo. 

Hinagad niya ako ng tambo at nag ikutan kami sa buong bahay. 

Alas-otso ng gabi ang simba kaya lahat kami pumunta ng simbahan.

Nakagawiaan na sa namin na mag simba tuwing sasapit ang bagong taon. 

Naging payapa yung pagsisimba pero medyo nainis ako dun sa lalaking katabi ni AJ. 

Kasusot eh. 

Kaya tumabi ako sa tabi niya.


“Oh anong nangyari sayo?” tanong niya.


“Dito na ako.”


“Bakit?”


“Wala.” Bigla siyang napatingin sa katabi ko.


“Kaya naman pala.. nagseselos ang mokong.”


“Ako nagseselos? Excuse me.”


“Dadaan ka?”


“Ewan sayo.”


“Ang cute mo magselos.. wala ka naman dapat pagselosan.”


“Eh paki ba.. wag kang maingay nga..”


“Hahaha.. lagot ka sa akin mamaya.”


“Nye...”


“Bleh.” 9:15 ng matapos ang misa.

Umuwi na rin kami pagkagaling sa simbahan at nagsimula ng kumain. Waaah. 

Ang sasarap ng nasa harapan ko. Imba oh. 

Katakam takam. 

May Carbonara, bake mac, chicken, pizza roll, madaming desserts, leche flan at marami pang iba. 

Yumm yum yum yum yum!!!


“Oi.. kaya ka tumataba lakas kumain.” Sabi ba naman sa akin ni AJ.

Naghubad ako ng t-shirt ko at pinakita ang maganda kong katawan. 

Nakita kong natigilan siya at tumungo.


“Ganito ba ang tumataba?” sabay kindat sa kanya.


“Oo.. yan o bilbil.”


“Sus... paano mo nasabi? Nakita mo na? Nahawakan mo na?”


“Oo. Dati pa.”


“Eh ngayon?” natatawa ako.


“Oo.” 


“Hawakan mo nga.”


“Ewan sayo..” tumayo siya at umalis.


Nagsuot na ulit ako ng damit at itinuloy ang pagkain. Hahaha. galing ko talaga.

Dumaan ang mga oras at nagkaroon na ng kasiyahan. 

Party party kumbaga. Napakasaay namin kasi parang isang pamilya lang kami. Haixt. 

Unti-unti ng napapalapit ako kay AJ muli.

Sa oras na mging settle na ang lahat, wala na akong pro-problemahin pa. 

Magiging masaya na ulit kaming lahat. Hanggang sa dumating ang punto ng countdown namin. 

Magpapaputok sana ako kaso pinigilan ako ni AJ.


“Bakit?” tanong ko.


“Wag.. ayoko... please...” nakita ko yung pangamba sa mukha niya.


“Salamat...” sabi ko at saka ngumiti ako.


Hinawakan ko ang kamay niya.


“Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayong kapiling kita... Na kasama kita.. mahal na mahal kita...” di siya umimik at nakarinig ako ng countdown.


“5.... 4... 3... 2... 1...” niyakap ko siya at hinalikan sa labi.


“Happy New Year!” kasabay nito ang pagbagsak ng luha ko.


“Happy new year din.” Sabi niya at niyakap niya ako.


Bumalik na kami sa pagsasaya kasama sila. 

Sasalubungin ko ang bagong taon na masaya, cheer up at positive. 

Aasamin ko na magiging okay na ang lahat.

Todo party party ang ginawa namin. 

Sayawan dito, kantahan at ano pa. 

Masaya ang pamilya namin sa isa’t isa at komportable ako.

Matapos ang isa’t kalahating oras na pagsasaya, nagsimula na kaming mag ayos ng sarili at matulog. 

Magkakatabi kami nila Khail matulog. 

Advantage talaga ako kapag tinuturuan mo ang bata. Hahaha.

Tinakpan na lang namin yung mga handa namin kasi sigurado na kinabukasan eh kakain na naman kami. 

Hindi pa ako inaantok kaya nasa veranda na muna ako.

Si AJ naan eh pinatulog na si Khail. 

Nakapag palit na ako at hinihintay ko na lang si AJ. 

Siguro pauunahin ko na lang muna siya na matulog.

Nandito ako at nag iisip isip. 

Ano bang gagawin ko para makuha kong muli ang loob ni AJ? 

I love him so much at alam kong ganun din siya. 

Mukhang matatagalan nga lang yung sugat na ginawa sa kanya ni Jaysen. Haixt.

Gago kasing lalaking yun, gumagawa agad ng kamalian ng di iniintindi ang pagkakataon. 

Habang nandun ako sa labas kumanta na lang ako ng torpedo. Haixt. 

Ang torpe ko kasi kabago bago. Hahah.

Di ko masabi agad na pwede bang ligawan ka. Haixt.


“Wag mo na akong pilitin... ako ay walang lakas ng loob... para tumanggi... wala kang dapat ipagtaka ako ay pinanganak na torpe.... sa ayaw at hindi...”


“Pasensiya na.. kung ako ay hindi nagsasalita..” nagulat ako ng makarinig ng tinig mula sa aking likuran.


“Kala ko tulog ka na.” Sabi ko.


“Eh narinig kitang kumanta kaya nagising ako.” Sabi niya.


“Sorry..”


“To naman di ma biro.” Sabi niya.


“Sus...”


“Oh bat nag drama ka jan?”


“Wala lang...”


“Sus.”


“Masaya lang ako.”


“May masaya bang nagmumukmok?”


Niyakap ko siya ng mahigpit. 

Nakatalikod siya sa akin at nasaharapan ko siya.


“Oi ano ginagawa mo?”


“Let’s stay like this for a while.. na miss ko to ng sobra...” napatigil siya at hinawakan ang kamay ko na nakayakap.


“Sobra mo ba akong na-miss?” tanong niya.


“Sobra sobra. Araw-araw inaasam ko na mayayakap kitang ganito... alam mo ba yun.. everyday is killing me without the presence of you... akala mo ba na napakadali nito sa akin?” di siya umimik.


“Hanggang ngayon nag hihintay ako.” Sabi ko.


“Di ko sinabing mag hintay ka.”


“Mahal kita eh.”


“Kahit na.”


“Arwin.. alam kong mahal mo pa ako.. sana naman bigyan mo ako ng chance na patunayan muli ang sarili ko sayo..”


Hinintay ko yung sagot niya.


“Bigyan mo ako ng chance.. please...” sabi ko ulit.


“Masakit pa eh...”


“Handa akong maghintay.. basta wag mo lang akong pagbawalan... wala na naman kayo ni Jaysen diba? Kaya pwede na akong umeksena.”


“Alam mo. Napaka tamis talaga niyang mga dila mo... nadadala ako ng mga salita mo..”


“Wala ka ng magagawa... hehe.” 

Tatanggalin ko na dapat yung kamay ko pero pinigilan niya ako.


 “Let’s stay like this.. please... I want your presence on me...” sabi niya.


“Sabi na at namiss mo ako.”


“Kapal mo din.”


“Sus. Inamin mo na nga kanina.”


“Hoy wala akong inaamin.”


“Okay sabi mo eh.” I hugged him so tightly kaya nagsalita siya agad.


“Sabi ko hug lang.. hindi panggigigil.. pati merong tumutusok sakin.. wag kang naughty...”


Natawa ako nung sinabi niya yun. 


Yeah. I can’t help myself to have my flesh alive.


“Sorry... madaling arw na naman diba?”


“Anong connect?”


“Alam mo naman kung anong kasabay ng araw na bumabangon..”


“Midnight pa lang..”


“Kahit na.”


“Easy lang.. napaghahalataan yung pagiging ano mo eh..”


“Oy hindi ah.. nung ginawa nga natin yun ikaw jan yung agresibo.”


“Hoy ang kapal ng budhi mo....”


“Joke lang...”


“Ikaw kaya yun...” Nanahimik kami ng ilang saglit.


“Let’s do it again.” Sabi ko.


“Grabe ka. Di ka nahiya sa akin.” Sabi niya.


“Well nakita mo na naman lahat lahat. Wala na akong naitatago sayo diba?”


“Oh anong gagawin ko? Di dahilan yun.”


“Alam mo nakita ko na rin naman yan eh. Nadilaan ko na nga buo mong katawan eh.”


“Kadiri ka.”


“Hahaha. Kasi naman eh.


“Ang libog mo.”


“Nadadala lang.. pati bagong taon naman ngayon eh kaya pwedeng makisabay sa mga putukan..”


“Ayoko na nga.. tutulog na ako..” sabi niya.


“Joke lang... di ka mabiro.”


“Che..”


“Pero alam mo... may kasabihan na kung sino yung mga magkakasama sa bagong taon, sila din yung magkakasama sa buong taon.. kaya masaya ako kasi magkasama tayo.”


“Sus talaga lang ha.”


“Oo naman.”


Nakayakap pa rin ako sa kanya. Haixt. 

Feeling ko mag asawa kami sa itsura nain ngayon eh.

Pinapanood na lang namin yung mga fireworks. 

Ang gaganda kasi eh. 

Hanggang sa maya maya may narinig kaming kalabog sa baba.


“Ano yun?” sinilip ko yun at nakita ko sila tita, mama at ate.


“Anong ginagawa ninyo jan?” tanong ni AJ.


“Ah eh nagliligpit lang.”


“Palusot ninyo... nakikinig kayo sa usapan namin?”


“Hindi ah.. wala kaming narinig.. diba diba?”


“Oo naman wala..”


“ma naman eh pasimuno ka pa jan.” Sabi ni AJ.


“Anak.. ano ka ba.. tinitignan lang namin kung okay kayo..”


“Edi inamin ninyo na pinapakinggan ninyo kami.”


“uhm.. oo na.”


“So narinig ninyo lahat?” tanong ko.


“Lahat lahat.” Nagtawanan sila.


“Nak naman ikaw talaga.”


“Nagsi-alisan sila pero si ate nantili doon.”


“Grabe ka utol... nag ganyunan na pala kayo ni James... ang landi...” saka umalis.


Si AJ naman ay pumasok sa loob at nahiga.


“Good night.” Sabi ko.


“Di na good night”


“Edi good morning... I love you.” Saka ako nagtalukbong.


Sana pag gising ko, okay na ang lahat, yung wala na akong pro-problemahin.


[AJ’s POV]


Haixt. Ano ba naman tong tanghali na to? 

Ang init-init. Woah. 

I need air to breathe grabe lang. 

Haixt. 2nd week na ng January at grabe, sunod-sunod na naman ang mga exams. Haixt buhay.


“Ano gagawin dito AJ?” tanong sa akin ni Angel.


“Kunin mo muna yung formula ng surface area ng rectangular prism tapos i-derive mo yan.” Sagot ko.


“Ah okay.thank you.” Sabi niya.


“May bayad yan. Kitkat.” Sabi ko.


“Wag na.”


“Hahah. Joke lang. Teka, ano assign natin bukas?” tanong ko.


“Wala naman. Hahahah. Okay na yun tapos na natin eh. Di na tayo nagparevision.” Sabi ni Mikel.


“kakain ba kayo?” tanong ni Kent.


“Uhm.. ano kayo ba?” tanong ko din.


“Tara.. tagal pa naman class natin eh... punta tayo sa North Point..” sabi ni Angelo.


“Sa cafeteria na lang.” Sabi ni Angel.


“Mahal dun eh kahit malamig.”


“Okay sige.”


Bangayan nila. 

Doon kami nagpunta. 

Wow ang init. 

Buti na lang at kakaunti ang tao. 

Paupo na sana ako ng may biglang narinig akong nagsalita sa videoke.

Yeah. Merong videoke sa North Point. 

Bondingan kasi dito ng professors at students.


“These song is dedicated to the person who wears blue polo-shirt with black stripes.”


Lahat ay nagtinginan sa akin. Amp.

Eksena na naman, at ako ulit.

(Itutuloy)



1 comment:

Lawfer said...

awkward naman nun, pnakikinggan ng family m ung intimate talk nio ng partner m x.x
kung aq un bka nanliit nq sa hiya x.x

cnu naman ung asungot? wg naman sna c jeysen