Monday, November 19, 2012

Bullets for my valentines- Part 39


Author's Note:

*****************

Hi Guys! Good News:

natapos ko na po yung Bullets for my Valentines.... hahahah

it took me to create 4 chapters na sunod-sunod... hahahha

Hope you like it....

Mag eedit na rin ako para sa mga sablay... hahaha

Sana magustuhan ninyo....

Sa mga sumali pala sa discussions... maraming salamat po.. love you guys.... :))

Salamat sa mga nagbabasa ng mga stories... tapos sa mga comments po.. maraming salamat po... :))))))

Hope to see your comment again....:)))

******************


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Thanks everyone for having your comment and for reading my story.
This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.
Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 39
"Mr. Dreamboy" 


Always here,

Dylan Kyle Santos


******************************************************************


[AJ’s POV]


(Flashback)

February 28, yun yung araw ng JS Prom namin. 

14 araw matapos yung nangyari sa amin ni James. 

Halos hanggang ngayon masakit pa rin kapag naalala ko yun.

Kasali ako ngayon sa Search for Mr. Dreamboy And Ms. Dreamgirl. 

Every year eto yung pinaka highlights ng event lalo na sa JS Prom namin.

Alam na ng lahat ng nasa school yung pagkatao ko. Dahil dun kay Cyrus. 

Akala ko kaibigan ko siya, pinagkatiwalaan ko siya ng sobra at sa tagal naming magkasama, hindi ko inakala na siya pa ang gagawa nito sa akin.

Kapartner ko sa pageant si Rizza. 

Siya ang dahilan sa pagsali ko, paano ba naman eh inilista ako doon kasi wala daw siyang kapartner.

Nagsimula yung JS namin ng maayos. Tulad ng naka-tradition ay isa-isang tinawag yung  mga kasali sa JS Prom.

Magkakaroon kami ng isang entance ceremony. 

Masaya ako sa kapartner ko sa JS Prom, yung pinakamaganda sa buong batch namin. 

Sobra niyang ganda at crush ko siya.

Si Rizza sa pageant at si Sarah sa Prom. 

Oh diba? 

Letter M ako kaya nasa kalagitnaan ko. 

Nung nasa table na ako, hinintay na lang namin na tawagin din ng iba.

Pero ang lahat ay nakuha ang atensiyon ng tawagin na si James. 

Halos lahat namangha dahil sa angkin nitong kakisigan. 

Yeah he is handsome sa suot niyang puting tuxedo matching with his new hairstyle.

Kapartner niya si Rizza at kuminang din yung ganda ni Rizza. 

Todo effort talaga siya at gusto niyang manalo sa search. 

Grabe talaga siya, tinakot pa nga niya ako para lang makasali noon eh.

Habang papalapit na sa table niya si James, tumingin siya sa akin at kumindat. 

Ewan ko pero di ko maiwasan ang mapatingin sa kanya. 

He is 5 tables away sa akin at pagkapunta nilang dalawa ni Rizza sa table nila, agad na pumunta sa akin si Rizza.


“Oi, handang-handa ako ah.” Sabi ni Rizza.


“Oo nga nahiya nga ako sayo eh.”


“Dapat manalo tayo, aba todo effort ako.”


“Siguro ikaw mananalo... eh ako? Talo na at alam na ng lahat ng tao yung sa akin.”


“Alam mo hindi hadlang yun.”


“Kahit na.”


“Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Pati dapat ipakita mo dun sa bano kong kapartner na hindi ka dapat niya ipinagpalit.”


“Yeah... you are right.”


“Cheer up.... we can do this...”


“Kung sakali lang na manalo tayo... tayo ang kauna-unahang partner team na mahihirang.”


“Kaya dapat tayong manalo.” Sabi nito.


Nginitian kami ng katable ko. 

Si Sarah ang last time na nanalo at todo cheer siya sa amin. 

Sayang lang at 1st runner up lang yung kapartner niya.

Maayos ang pagdiriwang ng Prom. 

Masaya at sobrang enjoy. 

Senior high na at last year na namin to at kailangan i-enjoy. 

Kahit na sariwa pa rin yung nangyari, medyo okay okay na ako.

Habang nag didinner, kakaunti lang ang nakain ko, paano ba naman tong kapartner ko napaka praning. 

Pero kailangan na din namin mag ayos kasi konting oras na lang at magsisimula na yung search.

Tatlo yung kailngan naming ihandang isusuot. Rockstar, cashual at formal. 

Todo effort ako at si ate lang ang tumulong sa akin.

Habang palapit ng palapit yung search, di ko maiwasang kabahan. 

Kaya lumabas ako sa dressing room at nagpahangin. 

Nakatulala ako sa langit at pinagmasdan ito.

Punong-puno ng bituin ang langit. 

Natatawa nga ako sa kakahanap ng hikaw. Siguro lahat sila magugulat sa itsura ko.

Nakahikaw ako ngayon pero magnet lang naman. 

Nagbalak nga ako na magpabutas eh kaso nagdadalwang isip din ako.

Maya maya nakaramdam ako ng may yumakap sa likuran ko. Agad naman akong nagulat at hindi nakagalaw agad.


“Good luck.”


Isang malamig na boses galing kay James. Isang halik ang ginawad niya sa aking pisngi at umalis na.

Sa totoo lang mahal ko pa rin si James. Gusto ko nga siyang makasama kahit saglit lang.

Alam mo yun, matapos yung nangyari, naisip ko pa rin na gusto ko siyang yakapin. 

Nasaktan niya ako ng sobra pero hindi ko maiwasn ang mahalin pa rin siya.

Tanga na kung tanga pero mahal ko talaga siya eh. Yun nga lang napangungunahan lang ako ng galit. 

Tinawag na nila ako at magsisimula na yung pageant.

Halos lahat natensiyon dahil mga bigatin yung kasali. 

Halos lahat magagaling. Kaya habang hinihintay ang resulta, todo ngit na lang kaming dalawa.


“Kaya natin to. Kita mo yung hiyawan sa atin.. oh diba?” si Rizza


“Oo nga eh...”


“Kaya dapat lang na magka confidence ka.” Sabi niya.

Tama siya, tamang confidence lang. Maayos ang sagot ko sa Q and A portion. Yeah. We rock. Hahaha.

Hanggang sa i-announce na yung mga winners.

Pareho kami ng nakuha ni Rizza, best in cashual, best in Formal wear at best in Rockista wear. Mr. And Ms. Valentines din kami.

Hanggang sa i-announce yung mananalo


“And our Ms. Dream Girl is no other than... candidate no...... candidate no..... candidate no. 5.”


Halos lahat nagsitilian. Woooah. Kung di man ako manalo, ayos lang at least I try my best. “And our Mr. Dream Boy is no other than... candidate no...... candidate no..... definitely her partner....candidate no. 5.”

At ito na ang pinakamasayaang sandali sa araw ko ngayon. 

Pareho kaming nanalo. Pero to make the story short, sa unang pagkakataon, nanalo kami pareho.

After ng pageant, nag ayos na kami. 

At susunod na event ang pagsasaayaw. 

Third part to ng program. 

At sa mga susunod na nangyari, ang mga nakaw na sandali. 

Sandali sa buhay namin ni James.


(End of Flashback)

“Oi natigilan ka jan.” Sabi sa akin ni James habang nagmmaneho siya.

“Naalala ko lang yung nangyari noon.” Sabi ko.

“Yung time na sinayaw kita?”

“Yeah.”

“Na-miss mo?”

“Hindi.. naasiwa ako.” Biro ko.

“Grabe ka naman.”

“Joke lang.”

“So pupunta tayo ah.. di ka pwedeng humindi... sabay na tayo pag punta ha...”

“Okay...”

“Bakit parang nagdadalwang isip ka?”

“Natatakot lang ako..”

“Saan?”

“Wala.. never mind... kinakabahan lang.. sana di ko makita yung kabit mo.”

“Saklap... makakabit wagas...”

“Totoo naman.”

“Oo na lang...” at di na siya umimk.

Ilang linggo ang lumipas at Valentines day. I am not excited sa araw na ito. May tatlong bagay, una, dahil kinakabahan ako, second single ako at pinakahuli eh dahil yung araw na ito ang pinakamasaklap na araw sa akin. Bullets for my Valentines kumbaga. Black valentines.

“May date kami mamaya.” Sabi ni Angel.

“Edi ikaw na.” Sabi ni Angelo.

“Wooh.” Ganyan kami habang naghihintay ng proof.

May program nga ngayong valentines day yung student council. Kaya habang nagclaas kami eh may mga pumapasok at nag excuse tapos bibigyan ng mga gifts. How sweet? Ang awkward nga lang kapag sa lalaki nangyari yun. Hahah.

“Hay naku... kayo talagang mga kabataan ngayon..” ang nasabi na lang ng prof namin.

Tawanan naman kami. Haixt. Bakit ba naiinggit ako sa kanila? Haixt. Dahil ba single ako? Amp naman. Sana wala na lang valentines.

Nagsosolve kami ngayon sa calculus ng biglang may interuption na naman. Hay, ang swerte ng mga napagbibigyan.

“Excuse po... ibibigay lang po kay Arwin Jake Montederamos.”

Halos malaglag ang panga ko. Lahat sila naghiyawan. “Ayieh....”

“Pinabibigay po ni Mr. James Arkin Ramos....”

At lahat sila nagtatanong ang mga mukha. “Huh? Teka... si James?”

Agad namang umalis yung nagbigay. May boquet of flowers, teddy bear at maraming chocolates including kitkat. Wow.

“Ang swerte mo boy...” sabi nila.

“Nabigla lang ako.”

“Sino yung James na yun?”

“Ex ko.”

At ang facial expression nila, 0.0 >>>>> o.0 >>>>>> -_- Oh di ba amazing. Mamaya may kumatok na naman.

“To Arwin Jake Montederamos po.. pinabibigay ni Jaysen Marvin Pangilinan.... I love you daw po.” At halos lahat nagtilian na naman.

Eksena ng dalawang lalaking ito grabe. Para na tuloy ako nag shopping neto. Maya maya sunod-sunod na.

Madami akong nakuha na para bang may malaki akong shopping cart. (Hahaha. Pinangarap ko lang to kaya pagbigyan ninyo na ako... by. Author. Hahaha :p)

After ng class pinagtitintginan ako ng tao kasi naman eh dami kong dala, nagpatulong na nga ako sa mga classmate ko. 

Hindi ko mahagilap si Chad, busy yun ngayon kasi nga peek season hahahna.

Maya maya may nagtext sa akin, si James. “Ei... andito ako ngayon sa may North Point.... hintayin na kita ha..... hope you like my gift.” 

Hay naku kung alam mo lang babatukan kita. Pero sweet pa rin tignan yung ginawa niya. Napasaya ako.

“Ei... dun tayo sa may North Point... naghihintay driver ko...” sabi ko.

“Okay.” Sabi naman nila.

Agad kaming nagmadli na pumunta doon at yun nga ankita nila si James. “Ang gwapo ng driver mo ah.” Sabi nila.

“Kailan mo pa naging driver ang asawa mo?” sagot naman niya.

At nag troll face silang lahat. Parang timang tong si James kahit kailan. Haixt. “kailan pa yan AJ ha? Di ka nagsasabi ha.” Sabi nila.

“Naniwala kayo sa mokong na to? Sige alis na kami.”

Nagbyahe na kami. Di na sinama ni James si Khail kasi may pasok pa kinabukasan. Nakarating kami doon ng alas singko ng hapon kaya may time pa kami para makapag prepare. Medyo mahaba habang preparation din to.

Kakanta din kaming banda. Ibabalik namin yung band namin dati. Wew, band member ako, kami ng mga katropa ko. Ako yung drummer at paminsan minsan vocalist. Hahahha.

“Ei ready ka na jan.. kain na tayo sa baba... binili ko yung favorite mo.” Sabi ni James.

“Sige po... sabay na tayo ah.” Sagot ko.

“Subuan mo ako ah.”

“Mag isa ka.. may kamay ka kaya.”

“Eto naman naglalambing lang... binigyan na nga kita jan ng flowers para naman maging sweet ka sa akin.” Pagtatampo niya.

“So may kabayaran pala yun.” Pagbibiro ko.

“Wala. Sige na. Kakatampo ka grabe. Sobra!” pagmamaktol niya.

“hahaha. Ang cute mo kapag ganyan ka.”

“Ewan.. tara kain na. Humpft.”

“taray mo ah. Tsk. Sige ka, magbago pa isip ko.”

“Ano namang iniisip mo?”

“Basta.”

“Tss. Kain na lang tayo.” At tinawanan ko na lang siya.

“Happy Valentines...” nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Six o-clock nung nag ayos na ako. Well, dahil sa tulong ni James, napadali ang mga bagay bagay. Halos lahat ng gamit ko binitbit niya.

Grabe nga, imba ata ang tingin niya sa akin eh. Pero ang sweet niya kanina pa, kung alam lang niya na sa ginagawa niya kinikilig ako ng sobra.

Seven o-clock ng magkita kita na kami sa may school namin dati. Nag sama sama na naman kami after 1 month. Etong si Rizza grabe ang kasungitan kay James. Daig pa niya ako.

“Oi Rizza, ako ang ex at hindi ikaw. Makapagtaray ka wagas ah.” Sabi ko.

“Oi. Grabe ka. Nakalimutan mo na ba yung times na nagpakamatay ka, yung times na halos akala ko sa kabaong na kita makikita at yung times na halos pasanin mo na yung mundo?” sabi niya.

“Grabe ka. Tapos na yun at saka forgive and forget.”

“Magpatawad... pwede pa.. pero yung makalimot... yan ang di ko masasangayunan.”

“Yung totoo... may relasyon kayo dati ni James no?”

“Eww... nakadiri.” Sabi ni Rizza.

“Grabe naman tong baabeng ito.. maski ako di papatol sayo... kay Arwin lang ako.” Sabat ni James.

Natatawa na lang ako sa dalawang ito. “Grabe ka. Dati type kita pero nung patulan mo ang best friend ko, na degrade na ako sayo.. eww.” Sabi ni Rizza.

“Eh ano ngayon.. ang mahalaga sa akin yung feelings ni Arwin hindi sayo.”

“So what... basta di ako papayag na magkabalikan kayo.. over my dead body...”

“Okay sabi mo... wala akong magagwa.” Sagot ni James.

“Kita mo di ka man lang ipaglalaban Arwin. Yan ba, yan ba yung mahal ka? Yan ba yung taong pagkakatiwalaan ko?”

Parang mga timang tong mga ito. Pinagtitinginan na sila ng tao at akala mo magkagalit talaga.

“haha. Sinong may sabi na di ko ipaglalaban si Arwin. Ang sabi ko okay sabi mo.. wala akong magagwa... di pa ako tapos.. wala kaong magagawa kundi ang dumaan sa bangkay mo. Yaan mo papa murder kita.” Sabi ni James.

“Woooh.. talaga lang ha.. tara na nga Arwin.. iwanan na natin yan.”

“Naku.. sayang si Arwin lang yung may support from us.. sayang wala ka man lang fans jan.”

“Kapal mo din... dami jan naglalaway sa akin.”

“Aso?”

“Che.”

“Oi kayong dalawa parang timang.” Sabi ko.

“Mahal ko.. tara na nga....” sabi ni James.

“Don’t you even touch him...”

“But I already touch him. Di lang touch.. more than touch.” Sabay tawa.

“Grabe ka. I hate you. Best tara na.. baka makapatay pa ako ng tao.” Sabay irap.

Yeah masanay na kayo, ganyan si Rizza kay James pero nagbibiro lang yan. Don’t worry parehas silang harmless.

Nag umpisa yung prom ng 6 pm at 8 pm pa naman kailngan kami. Pero yung iba naming kasama eh nagayos na para sa band.

Nakita ko si maam kaya lumapit ako. “Maam musta na po?” tanong ko.

“Ang laki na ng pinagbago mo ah. Ayon, okay naman ako. Yung gamit mo dalhin mo dun sa AVR room sa taas. Doon kayo nmagbibihis ng mga banda. Magkakaibigan naman kayo eh. Pati special room yun hinanda ko para sa inyo. Wag kayong mag alala may libre kayo pagkain. Kahanay namin kayo sa tabel ng faculty.” Sabay kindat.

“Naks naman maam, special talaga treatment sa amin.”

“Ganun talaga. At isa pa, principal na ako kaya dapat yung mga favorite students ko eh special treatment. Guest namin kayo eh. Kaw talaga.” Sabi ni maam.

“Congrats pala maam.” Sabi ko.

“Magkasama kayo ni James, kaya ibig sabihin okay na kayo? Naks naman ah.”

“Maam... were getting to know each other...” sabat ni James.

“Oi ikaw ayos ayusin mo na kasi.”

“Maam naman...”

“Sus. Sige punta na kayo doon sa may taas.”

Nagpunta naman kami doon at naabutan ko yung ibang miyembro ng banda. Nagkamustahan kami at nag usap para sa tutugtugin namin.

“Arwin... long time no see na... may mga bagong miyembro kami ng band...” sabi ni Eric.

“Pansin ko nga... mukhang sikat na kayo ah.” Sabi ko.

“Di naman.. medyo maraming gigs.... pero mas madami to kung andito kayong dalawa ni James.”

“Woah. Bolero ka talaga. So ano set up natin mamaya. Namiss ko yung pag drums eh.”

“Mamaya ka na mag drums. Hahaha. Ayun, lead vocalist ka na muna... tayong lima ako, Kian, Alex, ikaw at si James. May kakantahin tayo.”

“Baka di ko alam yang kantang yan ah.”

“Yun yung tinext ko sayo.. yung sa one direction.”

“Ah. One thing ba o what makes you beautiful?”

“Mas okay kung what makes you beautiful.” Sabi ni Eric

“Ah okay sige. Tanda ko naman... bale eto yung kopya.. tignan mo kung alin dun kakantahin mo ah.”

“Sige sige.”

“James.. pre... handa handa mo na yang pisngi mo ah...” sabi ni Alex.

“Naku pre... di pwede... magagalit yung isa jan.” Pagnguso niya sa akin.

“Adik mo.. kahit makipag halikan ka sa harapan ko wala akong pakialam.”

“Nasasabi mo lang yan.. pero deep inside nasasaktan ka.”

“Oo na lang.”

“Ang sweet naman dito nakakainngit grabe.” Sabat ng iba.

“Mag prepare na tayo.” Sabi ko na lang.

Si Rizza maraming dalang mga taga ayos. Aba, career na career niya yun. Bumaba na kami nila James.

Pero pagababa ko, isang bangungot ang humarap sa akin. Isang nakaraan na nagdulot sa akin ng kalungkutan at kadalamhatian. Muli kong nakita si Cyrus, ang taong sumira ng lahat.

Ngumiti siya na para bang may binabalak siya, ewan ko. “Ei... wag mo na siyang pansinin.” Sabi sa akin ni James.

“Yeah. Opo.”

Kahit di ko pinapansin, siya na mismo ang lumapit sa akin. Nag hahamon ata ng gulo. May mga kasama siyang kaibigan ata. Haixt.

Ano ba tong gagawin ng mga ito? Pansin ko lang na ibang-iba na siya. Di na siya yung dati kakilala ko.

“Kamusta na yung naagawan?” sabi niya.

Di ko siya pinansin. “So nabinge ka na pala...”

“Pwede ba Cyrus, tigilan mo na kami.” Lumapit siya kay James.

“Hey sweetie... kamusta ka na.. bakit ba dumidikit ka sa kanya? Lumayo ka na sa kanya.”

“Wag kang lumapit sa akin.” Sabi ni James.

“Kawawa ka, nagtitiis ka sa isang basura. Better go. Salamat pala sa pang aakit sa boyfriend ko dati.” At umalis na siya.

Nang nakaalis na siya, sunod-sunod na ang mga tanong sa akin ni James. Natandaan ko pa yung nangyari dati, kung bakit nagkaganun si Cyrus. Ako pala ang sinisisi niya.

“Saka na yun. Saka ko na ikwento.” Sabi ko kay James.

“Okay sabi mo.”

“Mag CR lang ako.”

At humiwalay ako sa kanya. Pumunta ako sa CR namin at yun, nagulat ako sa suddenly change. Ang dami na ngang pinagbago dito.

Paano ba naman, di ko akalain na gaganda ng ganito yung CR na to. By the way, pumasok na ako sa cubicle para mag CR.

Palabas na sana ako ng biglang may narinig akong mga boses.

Kilala ko yung boses na isa. Kay Cyrus. Di una ako lumabas ng cubicle.

“Nakakairita na makita ko yung mukha ng lalaking yun.” Sabi ni Cyr.

“Mukhang malaki talaga ang galit mo dun ah.”

“Sobra talaga. Mang aagaw ng boyfriend.”

“Ano bang nangyari?”

“Basta, malandi siya. Inagaw niya ang boyfriend ko.”

“Mag kwento ka.”

“Mamaya na.”

“Hahah. Ganun ba. Pero mukhang kawawa yung guy dun sa ginawa mo. Mukhang mabait naman siya ah.”

“Oo. Kawawa talaga. Paano ba naman, may LQ ata sila nung boyfriend niya at Valentines day pa yun. Grabe. Mga kaartehan sa buhay.” Sabi niya.

Susugudin ko to. Grabe mga pinagsasabi sa akin ah. Sarap suntukin sa mukha eh. Ang kapal ng mukha.

“Tapos nag inom kami.. kung alam lang ninyo ang ginawa ko.. may nilagay ako dun sa pinainom ko sa bf niya at ayun, sinamantala ko yung panahon. Nag laro ako ng apoy. Grabe ang macho kasi nito si James. Ang sarap, alam mo na. At yun, naabutan kami nung lalaking yun, magkahalikan. Well, at least nakahalik ako. Wala namang nangyari sa amin nung guy eh. Pinalabas ko lang. Di ako ganun ka desperado. Gwapo si James, sarap ngang gawin yun sa kanya eh, nakita ko yung kabuuan niya, kaso, wala bangenge ako, nahilo ako at sukang suka na dahil sa pagkalasing kaya di ko na nagawa. Kawawa yung lalaking yun, hiniwalayan niya yung lalaking mahal niya kahit wala siyang ginagawang masama. Kawawa talaga.”

“Sobra ka naman ata.”

“Tama lang yun... karma yun sa kanya.”

Halos masabugan ako ng bomba sa tenga.

Ibig sabihin all this time, naniniwala ako sa mga pangyayari na hindi pala totoo.

Pinahirapan ko yung sarili ko at inilugmok ang sarili sa mga bagay na wala pa lang katuturan.  

Napaluhod ako sa sahig at tumulo na yung mga luha sa aking mga mata.

Gusto kong sisihin ang sarili ko, naging mahina ako sobra.


(Itutuloy)

1 comment:

Lawfer said...

yan kse react agad d pa alam ung kwento
tsk
asan na ung bullet at nang mabaril q na yng cyr na yn