Thursday, November 15, 2012

Bullets for my Valentines- Part 38


Author's Note:

*****************

Good Day! Salamat po sa mga comments po ninyo. Nag oover flow ang pasasalamat ko sa inyo.

Di ko po siya matatapos agad-agad, magiging panget po kasi kapag minadali ko po. expect po na di po siya matatapos by chapter 40 or 50. Mahaba ba? hahaha. Daig ko pa gumawa ng teleserye. Pero pinagbubutihan ko naman po.

Hope You'll understand.

Sorry pala kung di ako makakapag update agad agad. Baka po once in a week ako makapag update. Pero try ko na maging twice a week. Promise kapag makapluwag luwag.

Thank you again. :)) Enjoy reading!

******************


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.

Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)




Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------

Bullets for my Valentines
Part 38
"As long as you love me" 


Always here,

Dylan Kyle Santos



videokeman mp3
As Long as You Love Me Feat. Big Sean – Justin Bieber Song Lyrics

**********************************************************


[Chad’s POV]

Heto kami ngayon at hinihintay si AJ. 

Kahit kailan talaga tong lalaking ito. 

Kanina pa namin siya tinetext at tinatawagan at yun, tinanghali siya ng gising. Hahaha. 

Kasama ko si Arkin ngayon at, nakakinlove suot niya.

Well di naman sa ganun ka bongga pero labas yung mga muscles sa katawan niya. Grabe talaga. 

Tapos yung pagkabad boy look pa niya yung nakadagdag doon. 

Wow talaga.


“Kabadtrip talaga yung panget na yun..” sabi ni Arkin.


“Ganun ba yun dati pa?” tanong ko.


“Ay naku.. Di naman. Lagi ngang nauuna yun.. laki ng pinagbago nung panget na yun... pero ayos pa rin naman..” sagot niya.


 “gaano ba kayo ka-close ni AJ?” natigilan siya sa tanong ko at saka nag isip.


“sakto lang.” Sagot niya.


“Paanong sakto lang?”


“Basta ang hirap ipaliwanag.” 


Maya maya dumating na si AJ.


“Sa wakas.” Sabi ni Arkin.


“Sorry... bakit ba naman kasi napasama pa ako dito.” Sabi ni AJ.


“Gagawin kitang alalay.” Sabi ni Arkin.


“Alam ninyo.. ginagawa pa ninyo akong chaperon.. magdate na nga lang kayong dalawa.” Sabi niya.


“Oi... buti nga hinintay ka namin jan.” Sabi ko.


“Oh san tayo pupunta? Teka libre mo ako panget.” Sabi niya kay Arkin.


“Ang dupang mo kahit kailan.”


“Kapal mo naman... aalis ako sige..”


“Opo kamahalan... ililibre kita.... buong araw.” Sabi nito.


Di ko maintindihan kung bakit pero nagseselos ba ako. 

Bigla akong nakaramdam ng inis kay AJ sa hindi ko malamang dahilan. 

Hindi ko pwedeng pagselosan si AJ.


“Teka bakit ang panget mo ngayon?” nakikinig lang ako sa usapan nila.


“As if naman na gwapo mo ngayon.. kapal ng ngipin mo.”


Kung titignan sa pagbabangayan nila, daig pa nila mag syota eh. Haixt. 

Taena to, nagseselos na ba talaga ako? 

Pero bakit?

Wala naman dapat pagselosan. 

Magkaibigan lang naman sila eh pati... teka... magkaibigan? 

Ano ba talaga lagay nila? 

Magkaibigan lang ba talaga?


“Oi kayong dalawa tara na... nood muna tayo ng sine.” Yaya ko.


“Oh right... teka... ano gusto mo panoorin?” tanong ni Arkin kay AJ.


“Kahit ba na ano... ikaw ba Chad?” naiinis ako bakit ganun?


Kapag nakikita ko silang dalawa na naguusap naiinggit ako. 

Dapat ba na isinama ko si AJ o hindi? Haixt. 

Naiirita ako promise.


“Kayo na bahala.” Tapos smile na pagka-plastic.


“Tara dun.” Nakita ko na hinigit ni Arkin si AJ.


“Ei ano ba? May paa ako.. kaya ko maglakad mag isa... kung makaladkad ka wagas..”


“Arte mo kahit kailan.”


“Behave... chuuu..” sabi ni AJ.


“Rawr...”


Ako ang nagmumukhang alalay dito sa amin. 

Ano ba eksena mo AJ eh. Arghsh. 

Gagawa din ako ng sarili kong eksena.


“Aray.” Pakunwaring natalisod ako. 


Agad na lumapit si Arkin sa akin.


“Okay ka lang ba..”


“Oo eh.”


“Ui.. ano ayos ka lang?” lumapit si Aj.


“Yeah..” mapait kong sagot. 


Grabe ang harsh ko. Amp.


Buong maghapon ganun ang set up namin. 

Agawan ng atensiyon. 

Di ko alam kung bakit nakikipagkumpetensiya ako sa kanya. 

Di ko malaman kung ano ang dahilan ng pagseselos kong ito.

Hanggang sa nagkauspa kami ni AJ ng kung anu-ano. 

Nabili kasi si Arkin ng pagkain namin. 

Di ko alam kung bakit pero parang ang bitter ng pakikitungo ko kay AJ. Haixt.


“Teka.... pupunta ka ba kila Jaysen?” tanong ko.


“Yeah. Pinapupunta niya ako.. pati mag uusap kami.”


“Di na ba talaga kayo magkakabalikan?”


“Di na siguro... tama na muna siguro for now... pati.. we need each others time para maka move on.. kung mag uusap kami.. maayos namin yung alitan namin at di ba sabi nila.. yung pagbabati ng isang tao yung paraan para makawala ka sa nakaraan.” Sabi niya.


“sabagay.”


Nanhimik siya. Ilang sandali lang eh nagsalita siya.


“May sasabihin ako...” nakinig lang ako.


“Kasi.. tungkol to... sa...”


“Saan?”


“Sa ex ko.....”


“Anong tungkol sa ex mo?”


“Kasi ganito.. ahm... kasi eh...”


“Ano nga?”


Bakit ba di makapagsalita si AJ.


“Oh heto na order natin.”


Biglang sabi ni Arkin. 

Di ko na namalayan na dumating siya. 

Tumabi siya kay AJ na nagpainit na naman ng dugo ko. 

Ano ba naman yan?


“Usod.”


“Ano ba? Dun ka nga.. laki laki ng space doon eh.”


“Grabe ka naman.. sa payat mong yan nasisikipan ka pa dito sa pagtabi ko.”


“naalibadbaran lang ako.”


“Arte mo.”


And here we go again. 

Minsan nga parang mas maganda kung magdissolve na lang ako dito. 

6pm na nung makauwi ako ng bahay.

At inihiga ko na lang yung sarili ko sa kama. 

Nagtatanong pa rin ang isisp ko kung bakit, bakit ganun na lang ang pagseselos ko?


[AJ’s POV]


I wear my favorite ¾ sleeves. 

Yeah porma ko ngayon. 

Birthday ni Jaysen at may regalo ako. 

Ngayon na yung araw na magkakaayos dapat kami. 

Sana makapag usap kami ng masinsinan at maayos.

 I am hoping na maging maayos ang lahat. 

Kasama ko nagyon si Chad. 

Nakakpanibago lang kasi nawala yung kadaldalan niya sa akin.

Dati rati pag nagkikita kami di matigil ang bibig nito kakasalita. 

Nakakahalata na din ako na madalas akong sungitan nito.

Noong last na gala namin napansin ko na na para bang ang bigat ng pakikitungo niya. Haixt. 

Sasabihan ko na rin sana siya na si James ang ex ko. 

Pero pasaway tong si James grabe.


“happy birthday!” bati ko kay Jaysen ng makita ko siya.


“thank you at nakapunta ka.”


“Walang anuman.”


“Kain na muna kayo doon.”


“Sige.. salamat...” isinama ko na si Chad. 


Text ng text tong mokong na to grabe.


“Sino bang katext mo at napapangiti ka jan?”


“Secret...”


“Sus pasecret secret ka pa jan.. mamamya yung tamabay dun sa kanto ah.”


“Wag ka nga.. yun mga type mo.. eww grabe...”


“Tara na... kain na tayo... tom guts na ako...”


“Kdot.” Sabi nito.


Kami kami lang ang tao. 

Yung kapatid niya, mga kasambahay at mga kaibigan. 

Wala yung papa niya. Nakita ko rin si Bianca.


“kamusta?” bati ko.


“Ayon ayos naman... ikaw ba?”


“Okay din.”


“nabalitaan ko yung nangyari.”


“Hehehe.... di rin pala kami magtatgal. Kaya ayon.”


“Sayan naman.”


“Pero chance mo na rin to.. kaya grab it”


“Adik mo... pero yung totoo okay ka lang ba?”


“Yeah I am alright... pati mag uusap kami ni Jaysen mamaya.”


“Hope mag kaayos pa kayo..” ngumiti lang ako.


“Sige I’ll go ahead.. kakain na muna ako..”


“Sige sige...”


Party party. 

Ang ingay nga eh gawa ng music. Mga kabarkada niya ayon, nag iinom. 

Isinasama pa nga kami. 

Aba itong si Chad tumador pala. 

Grabe. 

Kailan kaya kami magkakausap ni Jaysen? 

Eh mag iinuman pa tong mga to. Haixt. Hahaha.

Pumunta na lang ako sa may garden nila. 

So peaceful naman dun at maraming halaman. 

Pangarap ko pag nagpatayo ako ng bahay, may garden din at artificial falls. 

Para masaya diba? Hahaha.

Siguro yung mama nila Jaysen ang nagpatayo nito. 

Karaniwan kasi mga babae ang mahlig dito at isa pa maganda yung pagkakaayos nito.


“Nag iisa ka ata.”


 Narinig ko na lang na may nagsalita sa likod ko. Nakita ko si Jaysen na nakatayo doon.


“Dalawa na tayo ngayon.” Sabay ngiti.


“I am happy na nag smile ka na.”


“Oo nga pala.. may gift ako sayo..” kinuha ko yung regalo ko sa aking bulsa.


“Ingatan mo yan eh.”


“Di ka na dapat nag abala.”


“Tanggapin mo yan.. magtatampo ako pag di mo tinanggap yan.”


“Salamat.” 

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. 

Pinabayaan ko lang siya na hawakan ito.


“Mamaya makita ka ng mga kasambahay ninyo na hawak ang kamay ko.”


“Ngayon lang naman to.. pati busy sila sa loob.”


Di na lang ako nagsalita. 

Naramdaman ko na pinipisil niya yung kamay ko.


Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.


“Sorry.” Sabi niya.


“It’s okay... tapos na yun..”


“Pero.. tayo?”


“Jaysen... tapos na din tayo... tulad ng sinabi mo noon na pag umalis ako sa bahay ninyo eh nangangahulugan yon na wala na tayo...”


 “Kaya nga nag so-sorry ako.. di ko intensiyon na sabihin yun..”


“Pero nangyari na yun eh...”


“Sorry na.... please... gagawin ko lahat.. mabalik ka lang sa akin... pinag sisishan ko na yung ginawa ko please.”


Nag angat ako ng ulo at humarap sa kanya. 

Nakita kong mga luha sa kanyang mukha.


“Jaysen... mabait ka... mapag alaga.. at mahal kita... lahat ginawa ko pero nasaktan ako... di ko na alam kung mababalik pa yung dati...”


“Bigyan mo ako ng second chance please...” lumuhod siya sa harapan ko.


“Jaysen tumayo ka jan.”


“Mahal kita AJ please.. nagmamakaawa ako...” habang nakikita kong nagmamakaawa siya parang nadudurog ang puso ko. 


Umupo ako at niayakp siya.


“Jaysen... patawarin mo ako... di na pwede... di pa handa ang puso ko... di ko alam kung bakit pero... ayaw ko na muna ngayon...” nagpunas siya ng luha saka humarap sa akin.


“Alam ko yung tunay na nangyari... sinabi sa akin ni James. Nagkamali ako.. kasalanan ko.. ang tanaga tanaga ko.. kung alam ko lang na ganun ang ginawa mo para sa akin... di ko man lang narealize na ganun mo ako kamahal para iwanan siya para sa akin...” hinawakan ko ang kamay niya.


“May pagkakamali din ako Jaysen... inilihim ko ang lahat sayo.. alam ko at ramdam ko na nung malaman mo yun di ka na mapakali.”


“AJ.. salamat sa lahat.. yung totoo.. mahal mo pa siya diba?” di ako nakasagot.


“Alam ko yun kaya nagpakahirap ako para lang mabaling sa akin ang pag ibig mo. Hanggang ngayon mas matimbang pa rin siya. Di ko alam kung bakit? Pero the way na iniwan mo siya para lang sa akin, the best yun. Napatunayan ko din na may taong handang ipagpalit ang lahat para lang sa akin.”


Tumayo siya at tumalikod.


“Tandaan mo na mahal na mahal kita” niyakap ko siya ng patalikod.


“Nandito lang ako para sayo..”


“Mahal din naman kita eh.. kaso mas matimbang lang talaga siya.” Humarap siya sa akin.


“Mahal kita.. at ikaw ang kahuli-hulihang lalaking mamahalin ko...” hinawakan niya yung mukha ko at hinalikan.


Muli namin pinagsaluhan ang mga labi ng isa’t isa. 

Ramdam ko ang mga halik niya na kung saan nagbibigay sa akin ng kasiyahan.


“Nandito lang ako para sayo... handa kang mahalin.... mag hihintay ako..”


“Pero..”


“Hangga’t hindi ka ikinakasal... mamahalin pa rin kita at maghihintay ako... let’s enjoy the party.... friends?”


“Friends...” niyakap ko siya ng mahigpit.


Okay na rin to. 

Mas okay na to kesa sa hindi kami magkasundo. 

Bumalik kami doon ng nakangiti. Sana maging ayos na ang lahat ng bagay.

[James’ POV]

Narito ako ngayon kasama ang baby ko sa school. 

As usual pinagtitinginan ako ng tao. Hahaha. 

I am wearing a plain white t-shirt at jeans.

Ang masculine kasing tignan. 

Pati alam ko na attracted sa akin si AJ kapag ganito ang damit ko. 

Mas okay kasi sa kanya yung white plain t-shirt.


“Daddy... punta tayo kay daddy.”


“May gagawin lang ako anak ha.”


“Bilisan mo daddy.. miss ko na si daddy.”


Ay tong batang to, mas love na niya yung daddy niyang masungit kaysa sa akin nakakapagtampo. 

Kinukuha ko na yung requirements ko.

Kinukumpleto ko na. 

May summer kasi ako sa lilipatan kong school. 

Para makahabol agad ako sa kinukuha ko.

After kong matapos yung requirements, nagmadali na kaming pumunta sa school ng mahal ko. 

Aba at nakanta pa tong bunso namin.


“Makikita ko na si daddy kasama pa isa pang daddy.. kakain kami sa labas.. ang saya saya...” tapos susubo ng chocolate.


“love ko si daddy.. love ko rin si daddy....” kanta siya ng kanta. Grabe tong batang to.


After a several minutes nakarating na kami doon. Tinawagan ko muna si AJ.


“baby wait lang ah... tatawagan o ang daddy mong panget.”


“Isusumbong kita kay daddy niaaway mo.”


“baby nakakahalata na ako ah.. sino mas love mo?”


“Parehas lang...”


“Di ako naniniwala...”


“Daddy naman po eh..”


“Eto na sige.” Nagring lang phone niya. Ang tagal sagutin ah grabe.


Maya maya nakarinig ako ng bell. 

Naka ilang tawag pa ako at d pa rin siya sumasagot. 

Come on. 

Marami ng estudyante yung lumalabas.


“Ui ang gwapo oh...”


“Oo nga.. diba siya yung player dun sa kalaban nating school?”


“Oo nga eh..”


“Sayang may anak na ata...”


“So what.. gwapo oh.. macho pa.”


“Sabagay.”


“Diba siya yung sumundo kay AJ dati?”


“Oo..”


“Ah...” maya maya sumagot na yung tinatawagan ko.


“Asan ka?” tanong ko.


“Kakalabas ko lang ng class ko. Bakit?”


“Punatahn mo kami sa tapat ng North Point bilis...”


“At bakit?”


“Eto oh.” Binigay ko kay Khail yung cellphone.


“Sabihin mo sa daddy mo na bumaba dito.”


“Daddy.. andito kami.. punta ka dito please...” tapos binalik sa akin yung phone.


“Grabe ka panakot mo baby ko. Amp.. sige I’ll be right their..”


“Okay...”


After 5 minutes eh nakita ko na siyang tumatakbo.


“Ano bang ginagawa ninyo dito?” nakita niya si Khail na kumakain ng ice cream.


“baby ko.. I miss you so much.... I love you..”


“I miss you too.. mwah...”


“Kung anu-ano na pinapakain mo dito.. lumolobo na oh.”


“Ibig sabihin di ko siya pinapabayaan...” pumasok ako sa kotse.


Pumasok din siya, alam kong mahihiya yun kasi nakikita nung iba ako. 


Pinaandar ko yung kotse at agad siyang nagreact.


“Oi san tayo pupunta?”


“Kakain.. gutom na kami ng anak natin.”


“Grabe..may class pa ako.”


“Mag cutting ka muna...”


“Pero..”


“yang anak mo miss ka na.. di mo ba pagbibigyan?”


“Opo sige na po. Makapang konsensiya ka wagas.”


“Yeah. Hahah.”


Habang nagmamaneho ako, kalong kalong ni AJ si khail. 

Tapos biglang kumanta si Khail.


“May daddy ako at isa pang daddy... Mahal ko sila.. at mahal nila ako.... gagawa din sila ng kapatid ko...” bigla akong nasamid nung sinabi yun ni Khail.


“Oi lalaki... tignan mo tinanim mong kalokohan sa anak ko.”


“Oi wala akong sinasabi ah..”


“daddy... gusto ko ng kapatid...”


“Anak...” mapapaliwanag sana si AJ.


“Anak... yaan mo.. as soon as possible gagawa kami ng kapatid mo ah... ano ba gusto mo boy o girl?”


“Hoy adik mo.. sapatusin kita jan.”


“yeah right.”


Kumain kami sa isang resto house. 

Ang aliwalas ng feeling dito. 

Daming puno at masarap ang hangin.

Umorder ako ng kakainin namin.


“Oh kamusta birthday ni Jaysen?”


“Ayos lang.”


“Nagkausap kayo?”


“Yeah.. okay na kami.. in fact...” di ko pinatapos yung sinasabi niya.


“In fact ano? Kayo na ulit?”


“Shhh.. ang ingay mo.” Kinabahan ako. Nakaramdam ako ng galit.


“Paan...”


“Teka... okay na kami.. in fact we are friends na.. okay na yun tapos na okay? Wag OA.”


“Akala ko kayo na ulit eh... mag rerebolusyon ako.”


“Weh?”


“Oo.”


“Haixt.”


“Nga pala.. tinawagan ka naba nila?”


“bakit? Saan?”


“Pinababalik ka ah.. diba ikaw yung nanalo nun dati?”


“Ah sa Mr. Dreamboy? Oo nga pala ipapasa yung title. Kelan?”


“Sa february 14.”


Valentines Day yun diba? 

Diba yun yung time na kung saan, saan nangyari ang lahat ng ito?



(Itutuloy)

2 comments:

Lawfer said...

dti i dun like chad, bt nw im starting to hate him na

valentines, bullets, tsk tsk mgkakaron b ng patayan sa pglilipat ng title?

Dylan Kyle said...

hahaha... :)) abangan po..