Wednesday, August 7, 2013

Less Than Three- Part 14

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 14

(The Playful Truth...)





[Alex’s POV]


“Ganyan pala kayo.” Ang nautal ko.


“Totoo ba itong nakikita ko?” tanong nung isa.


“Oo. Ako at si Kian ay iisa. Wala naman talagang Kian eh, Alex ang totoo kong pangalan at nakakadisappoint na malaman ko na ganyan ang pakikitungo ninyo sa isang tulad ko.”


“Hindi namin sinasadya... akala namin.”


“Akala ninyo panget?! Ayon ba ang basehan ninyo sa lahat ng ito?! Hindi ko alam kung ano ang napasok sa kokote ninyo para manglait ng ibang tao! Kala ninyo kakaganda niyo!” Ang nasabi ko.


Lahat sila napahiya. 


Agad kong inayos ang basa kong damit. 


Halos lahat sila napatingin sa akin. 


Nababadtrip na ako sa oras na ito. 


Nakita ko si Ate Kate at nilapitan ko.


“Okay ka lang ba?” tanong niya


“Sapat lang ate.. pero kailangan kong makausap si Kieth.”


“Ayon siya oh..” sabi nito.


Nandito siya?


Ibig sabihin nakita niya ang lahat?


Agad akong lumingon sa direksyon niya. 


Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. 


Nakatingin lang siya sa akin at para bang nangungusap sa kung ano ba ang nangyayari.


Nakita ko sin si RD at si Arjay. 


Kita ko naman ang galit sa mukha ni Arjay. 


Lalapitan ko na sana si Kieth pero nagmadali itong tumakbo. 


Tinawag ko ito pero di sumagot.


“Kieth!” humihingal akong tumakbo papunta sa kanya pero hinarangan ako ni Arjay. 


Isang suntok ang iginawad niya sa akin. 


“Manloloko!”


“Please.. wag ngayon.. kailangan kong...”


“Ano makiusap kay Kieth? Akala ko totoo ka! Walang hiya ka!” akma sana akong sasampalin ni Arjay pero naharangan ito ni RD.


“Ano ba?!” sabi nito.


“Wag mo akong pigilan RD.”


“Wag kang makialam.” Sabi nito.


“So magkasabwat kayo?”


“Wag kang gumawa ng eskandalo.” Sabi ni RD.


“Oy Kian o Alex… tandaan mo ito, babawiin ko si Kieth sayo. Babawiin ko siya!”


Agad naman akong tumakbo. 


Hinanap ang kinaroroonan ni Kieth. 


Lumabas ako ng bahay at nakita kong nakatayo sa may parking lot si Kieth. 


Umiiyak ito.






“Kieth...” mahinahon kong tawag sa kanya.







“Wag kang lumapit.” Ang sabi nito.


“Hayaan mo akong magpaliwanag.”


“Para saan pa? Para lokohin ako? Para paikutin ako?”


“Hindi sa ganon.”


“Kung hindi ganon ano? Alam mo kung gaano kita kamahal pero ito ang igaganti mo?!” sigaw niya


“Mahal naman kita eh.”


“Pero ano to?! Anong ibig sabihin nito?! Akala ko ba walang lihiman? Akala ko ba magpapakatotoo tayo sa sarili natin? Bakit mo ako niloko?! Ang sakit!” sigaw niya


“Hayaan mo kasi akong magpaliwanag.” Ang sabi ko.


“Wag na wag kang magpapaliwanag dahil hindi ako humihingi ng paliwanag sa isang sinungaling na tulad mo!” ang sabi niya.


Nakakatakot siya. 


Hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko. 
.
.
.
.

“Kieth...” naluluha na ako ng mga panahong iyon.


“Wag kang lalapit sa akin.” 


Pero matigas ang ulo ko. 


Lumapit ako sa kanya at itinulak niya ako.


“Wag kang lumapit sa akin!”


Natumba ako. 


Agad namang lumapit si RD sa akin. 


Di ko namalayan na naroroon na pala siya. 


Nakita ko si Arjay na lumapit kau Kieth. 


“Bagay yan sayo.” Sabi ni Arjay.


“Tama na yan.” Sabi ni RD.


“Umalis ka nga jan RD!” sabi ni Arjay.


Napatingin siya sa braso ko. 


“Ngayon alam ko na...” utal ni Kieth.


Lahat kami napamaang sa sinasabi ni Kieth. 


“Alam ko na kung bakit ka nagsinungaling.” 



Tapos tumawa siya.


Pero bigla siyang umiyak...


Nasasaktan siya...


Nahihirapan siya....


Kasalanan ko lahat...


“Napaka walang kwenta ko kahit kailan. Napaka uto-uto. Ginamit mo lang siguro ako. Ginamit mo lang ako Alex... or may I say Kian...”


“Hindi totoo yan.”


“May relasyon kayo ni RD kaya ginamit mo ako. Bakit ba lagi ninyo na lang ako gusto na nasasaktan? Hindi na ba kayo naawa sa akin?!” 



Nakita ko ang muling pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.


“Kaya ba nahuli niya kayong magkayakap noon sa park?” sabi ni Arjay.


“Wag kang makialam Arjay!” sabi ni RD.


“Ikaw ang wag makialam. Alam mo ba na napaka pakialamero mo! Lahat na lang inagaw mo! Una si Arjay! Ngayon si Alex!!!” sabat ni Kieth


"Mali yang iniisip mo..."


"Langhiya naman yan.. mali pa rin? Lagi na lang akong mali..."


"Pre... pakinggan mo muna sasabihin ni Alex..."


"Tangina mo pre... mamatay ka na!"


Nakita ko ang galit ni Kieth. “Kieth... please.”


“Umalis ka na.”


“Kieth pakinggan mo ako!!!”


“Bakit pa kita papakinggan?! Para lokohin pa ako?! Alam mo kung gaano kita kamahal pero eto ang ginawa mo!”


“Sabi ko pakinggan mo ako. Wag mo nga muna ako talakan at makinig ka sa akin!” di ko mapigilan na sumigaw.


“Hoy ang kapal mo din na magalit.” Sabi ni Arjay.


“Wag kang makialam dahil hindi ka kasali dito!”


“Wag na wag mong gaganyanin si Arjay.”


Ouch, ang sakit. 


Mas pinagtanggol pa niya si Arjay. 


Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Arjay na sigurado akong nagbubunyi siya.


“Ang sa akin lang.. sana pakinggan mo ako.... may dahilan naman ako kung bakit ako nagpanggap...”


“Tama na yan... sawang-sawa na ako sa mga lumang excuses na yan...”


“Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Bakit ba lagi ka na lang ganyan?” ang sabi ko.


“Dahil hindi ako katulad mo na manloloko. Siguro kaya ka iniwan ng ex mo kasi ganyan ka. Wala kang kwenta... kaya ka niya ibinasura kasi sinungaling ka at manlolok...”


Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nung suntukin ko siya. 


Itinulak naman ako ni Arjay pero nasalo ako ni RD.


“Ganyan ba ang tingin mo sa akin ha?! Kieth ganyan ba ang lagi mong iniisip sa akin?!” ang sabi ko.


Di siya makaimik. 


“Wala kang alam sa lahat ng nangyari sa akin. Wala kang alam kung ano ang pinagdaaanan ko. Wala kang alam kung bakit niya ako iniwan, kung bakit ako nagpanggap, kung bakit ako malungkot at kung bakit ako umaasta ng ganito! Wala kang karapatan para husgahan ako dahil wala kang alam sa buong buhay ko!” ang naisigaw ko.


Di ko mapigilan ang mapaluha. 


Nakaagapay naman sa akin si RD. 


“Kieth.. mahal kita.. mahal na mahal kita... nung nawala si Blake sa akin, naghirap ako ng husto. Sobra akong nasaktan dahil sa iniwan niya ako. Pero ikaw, sinasaktan mo ako. Unti-unti mong pinapatay kung ano ang mayroon ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ngayon, kung ayaw mong maniwala or makinig sa akin, nasa sa iyo iyan... pero tandaan mo... nasaktan mo na ako...”


Tumayo ako at umalis sa lugar na iyon. 


Unti-unti kong tinahak ang daan palayo sa kanila. 


Tinatahak ko ang daan na yun habang ang puso ko ay luhaan.


Di ko namalyan si RD sa aking likuran. 


Nang makalayo na kami, niyakap niya ako at doon na ako tuluyang umiyak. 


Pinagsusuntok ko ang dibdib niya.


“Bakit bakit ayaw niyang makinig?”


“Baka naman naguguluhan lang siya.” Sagot nito.


“Pero bakit ganun ka harsh ang sinabi niya sa akin?”


“Nabigla lang yun...”


“Ang sakit.. ang sakit-sakit.”


“Be with me..” sabi niya.


Napatingin ako sa kanya at ang sunod na nangyari ay ang isakay ako sa kotse ko at umalis kami papalayo sa lugar na iyon. 


Iniiyak ko lang ng iniiyak ang mga nangyayari sa akin.


Habang tinatahak namin ang kung saan ay hindi ko mapigilan ang humagulgol ng iyak.


Ang tanga-tanga ko kasi...


Bakit ba kailangan na mangyari pa ito?


Kasalanan ko ito.


Dinala niya ako sa may condo niya. 


Bingyan niya ako ng damit na maari kong gawing pamalit. 


Agad naman akong pumasok sa bathroom upang magshower at magbihis.


Habang nasa loob ako ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa nangyari sa amin kanina. 


Hindi ko na lubusang maisip pa ang gagawin ko sa mga nangyari. 


Kaya ko pa bang humarap sa harapan ni Kieth ngayon nangyari na ang lahat?


Ibinabad ko ang sarili ko sa ilalim ng shower at iniiyak ang lahat. 


Wala akong pakialam kung marinig man ito ni RD pero sige lang ako ng sige. 


Mayamaya nakarinig ako ng sunod-sunod na mga katok mula sa pintuan.


Masyado na ata akong matagal sa loob. 


“Alex...” sabi nito.


“Yup palabas na ako.. sorry.” Sabi ko.


“Don’t be... baka lang mapano ka jan kaya awat na.”


Nagsimula na akong magbanlaw at ayusin ang sarili. 


Nagsuot na muna ako ng damit. 


Medyo na consious ako sa damit na ibinigay sa akin. 


Sando at fitted boxer, tsss.


Nang lumabas ako ng banyo, nakita ko na napatigil si RD sa ginagawa niya at natuon ang atensyon sa akin. 


Nagtagal yung pagkakatitig niya hanggang sa gumawa ako ng paraan para basagin ang katahimikan.


“Pwede bang makahiram ng ibang shorts or boxers?” tanong ko.


“Lahat ng boxers ko ganyan.” Ang sabi niya


“Ah ganun ba.. sige sige.. salamat.” Ang nasabi ko na lang.


“You have a nice body.” Sabi niya tapos ngumiti.


“Feeling ko tumaba ako. Fitted tong boxer na to eh.”


“Mataba ka pa ng lagay na yan?” sabi niya


Argsh nakakahiya. 


Nakita ko na hinahalikwat niya ang gamit ko. 


Natulala na lang ako ng makita ko na ang lahat ng gamit ko ay basa. 


Pati cellphone ko ay basa kaya nangihinayang ako, pinagipunan ko iyon at napakasentimental ng value na iyon.


Si Blake pa ang pumili nun para sa akin at lahat ng laman ng cellphone na yun ay importante. 


Kinuha ko ito at pinilit na buksan, pero wala na.


Nahalata siguro ni RD ang pagkalungkot ko kaya kinuha niya ito.


 “Kaya ko tong ayusin.” Sabi niya


Pinanood ko na lang yung ginawa niya. 


Kumuha siya ng blower at blinower ang cellphone ko. 


Di ko alam kung aasa pa ba ako na magagwa yun pero ano pa bang magagawa ko kundi ang paasahin ang sarili ko.


Ngumiti siya sa akin at ibinigay ang cellphone ko. 


“Okay na.” At nagulat ako.


“Astig.” Ang nasabi ko.


“Mukhang wala kang bilib sa akin eh.”


“Hindi naman. Feeling ko lang kasi ay imposible kaya ayon.”


“Galing ko no? Kaya cheer up na.” Ang pilit niyang pagpapangiti sa akin.


“Salamat.” Tapos ngumiti ako. 


Ang problema lang ay sira ang sim.


“Alam ko malaki ang problema mo. Ramdam ko yan kaya pwede mong ilabas yan sa akin.” Ang sabi niya


Lumapit siya sa akin at wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya at iiyak ang lahat-lahat. 


Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang ginawang pagpapatahan sa akin.


“ganun ba talaga ako kasama para pag-isipan niya ng ganun? Ang nagawa ko lang naman ay ang magpanggap at magsinungaling pero ang mahalin siya, yun yung pinakatama kong ginawa. Hindi ko naman siya niloko for my own sake. Nakakainis, ni hindi man lang niya ako pinakinggan... huhuhu.” Ang iyak ko.


“Mahirap din kasi sa side niya...”


“Naiintindihan ko.. p-pero yung kampihan pa niya yung magaling ninyong ex boyfriend... nakakasakit at nakakawala ng dignidad. Ang sakit na ipinapamukha niya na mas handa siyang makipagpatayan para maprotektahan si Arjay! Huhuhu.”


“So nagseselos ka?”


“Sino bang hindi magseselos doon? Nakakainis kasi, nakakainis sobra!”


“Sige lang iiyak mo lang.” Sabi niya


“Hindi ba niya ako mahal? Rebound lang ba talaga ako? Ilang beses ko yan pinag-iisipan. Nakakainis lang siya. Nakakainis ang isang Kieth Jerickson Lee. Huhuhu.”


“Mahal ka nun.. alam ko...”


“Sabihin mo nga sa akin.. ganun na ba ako kasama para kamuhian niya?”


“Hindi naman...”


“So masama nga ako.”


“Hindi nga sabi eh.”


“Bakit ganun? Nakakainis! Nakakainis!”


“Paulit-ulit ay. Kaya ayaw kong magmahal eh kasi ganito ang nangyayari.” Ang sabi niya


“Diba mahal mo si Arjay? Diba gusto mo siya? Bakit hindi mo man lang siya binawi?”


Di siya sumagot. 


“Nahihili ako kay Arjay, sobrang swerte niya. Dalawa kasi kayong nagmamahal sa kanya.”


Binatukan niya ako kaya kumalas ako.


 “Grabe ka ha namemersonal ka na.” Ang sabi ko.


“Para ka kasing timang. Ikaw pa ang nainggit jan. Gusto mo sapak?”


“Ang brutal mo. Para kang si Kieth.”


“Mag bestfriend kami kaya ganun. At isa pa, wag ka nga, mas hamak naman na mabait ako dun.”


“Mas gwapo nga lang siya.”


“At sinong may sabi?”


“Ano bulag lang? Siyempre ako. Ang hina eh.” Pambara ko.


“Okay ka na?”


“Hindi pa...huhuhuhu.”


“Wag ka nga umiyak. Para kang sirang megaphone eh.”


“Ganun ba talaga kalakas ang boses ko ha? Si Kieth negaphone ang tawag sa akin. Nakakainis. Ganun na ba ako kahalintulad ng isang wangwang ng megaphone?” tanong ko.


“Seriously..”


“Ayusin mo ang sagot mo!”


“Ano ba? Nakakabinge ah.”


“Ano nga?!”


“Ang kulit mo.”


“Ang panget mo.”


“Wag mong sabihin na gwapo ka na eh gaganyanin mo na ako.”


“Bakit ha? Gwapo naman talaga ako ah. Model pa nga ako eh.”


Bigla niya akong hinigit at hinila papalapit sa kanya. 


Napatitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin. 


Namula ang mukha ko sa ginawa niya kaya pinilit ko na kumalas sa kanya. 


Ang weird ng taong to talaga kahit kailan.


“Bakit pala may blower ka dito?” tanong ko.


“Wala lang. Naiwan ata ng kapatid ko.”


“Wala ka namang kapatid eh.”


“Ah eh yung pinsan ko…”


“Aysus. Nagamit ka pala ng blower ah. Ayiieh.”


“Tumigil ka jan halikan kita jan eh.”


“Shut up. Alam kong kissable ang lips ko kaya wag kang manyak.” Ang sabi ko at binato siya ng unan.


Nakita ko siyang umupo sa sala  niya at binuksan ang TV. 


Seryoso ang pagkakaupo niya doon kaya binasag ko na naman ang katahimikan. 






“Thank you.”


“Para saan?” tanong niya


“For making me better.”


“Your not better. Your good palang. Wag kang excited.”


“Im okay na.”


“You are not. Hangga’t may natitira pang luha jan sa iyong mga mata ay di ka pa okay.”


“Alam mo ngayon ko lang nalaman na ang corny mo pala.”


“Ganyan talaga ang mga gwapo kaya you don’t belong to the clan.”


“Whatever.” Ang sabi ko.


Napatingin ako sa drawer niya. 


Binuksan ko ito at napatigil ako sa nakita ko. 


Nakita niya yung ginawa ko kaya lumapit agad siya.


“Sorry.” Ang sabi ko.


Lumayo ako sa kanya ng bahagya. 


“Bakit ka kasi nagingialam ng gamit?”


“Ang seryoso mo kasi eh!”


“Gusto mong gamitin ko sayo to?”


“Ang manyak mo!.” Napatigil ako. 


Hindi kaya kaya niya ako dinala dito aya dahil... 



dahil... 



dahil...


“Hoy anong iniisip mo?”


“Wala.” Ang sabi ko.


“Ano nga?”


“Wala nga. Paulit-ulit.”


Nagulat ako nung binuksan niya iyon.


 “Sige, gagamitin ko to kapag di ka nagsalita.”


“Wala nga. Manyak.”ang nasabi ko.


“Kung anong iniisip mo mali yan.”


“Wala nga ang kulit.” Sabi ko.


“Eh bakit ka namumula?”


“Eh ewan. Lumayo ka nga... baka kung ano pang gawin mo sa akin eh.”


“Ano bang nasa isip mo?”


“Change topic.”


“Bakit hindi ba ninyo ginawa yun ni Kieth?”


“Shut up!”


“So Virgin ka pa?


“Stop..”


“Hahaha. I can’t believe this.” Tapos tumawa siya.


“Shut up. Nakakinis ka!”


“Interesting...” sabi niya


“Eh ano ngayon?”


“Hahaha. Wala lang.”


“Ewan sayo. Siguro kayo nung jowa mo ginagawa ninyo yun? Yuck.” Ang sabi ko.


“Ang arte mo.”


Pumunta ako sa may sala at ako na lang ang nanood ng TV. 


Habang nanonood ako ng TV ay napansin ko ang picture ng isang batang lalaki. 


Pamilyar sa akin ang lalaki at unti-unti naalala ko kung sino yung lalaking yun.


Siya yung taong mahalaga sa buhay ko...


Ang taong unang minahal ko bago si Blake...


Ang taong pinangakuan ko ng habang buhay...


“Babs...” ang nautal ko.


Lumapit sa akin si RD at inagaw ang picture na nakadisplay. 


“Wag ka nga makialam sa gamit ko. Mamaya mga DVD na porn na Makita mo eh.” Ang pabirong sabi niya.


“Yung bata...”


Nakita kong tumingin siya sa akin at napatitig. 


Nagtatanong ang mga mata niya at parang naguguluhan.


 “Ba-bakit... bakit nasayo yan?” tanong ko.


“Malamang picture ko to kaya nasa akin to...”


Natigilan ako. 


Siya yung batang yun?


Imposible....


Pero paanong...


RD ang pangalan niya diba?


Naguguluhan ako...


“Babs... ikaw... ikaw yan?” ang nasabi ko.


Napatulala siya sa akin ng gayon na lamang at di nakagalaw. 


“Yats...” ang nautal niya.


(Flashback)


“Wag ninyo nga siyang asarin!” tutol ko sa mga classmate ko na nang-aasar sa kanya.


“Pakialam mo ba payatot ka?” sabi ng mga ito.


“Ang yabang ninyo ah! Mga wala kayong utang na loob. Matapos niya kayong bigyan ng pagkain at mga gamit ganito ang gagawin ninyo?”


“Ano bang mapapala namin jan sa baboy na yan ha?”


“Wag ninyo siyang tawaging baboy!” at sinugod ko sila.


Nakipagsuntukan ako habang si Dan ay nakaupo lang at umiiyak. 


Puro sugat ito gawa ng pagkakadapa. 


Natigil lang ang aming suntukan ng mapabagsak ko sila.


Lumapit ako kay Dan at hinila siya palayo sa kanila. 


Iyak pa rin siya ng iyaka kaya sinigawan ko siya. 


“Ano ba?! Iiayak ka na lang ba ng iiyak jan?” tanong ko.


“huhuhu.”


“Kaya ka nila inaasar eh!”


“Bakit ka ba nakikialam ha?!” sigaw niya


“Ikaw na tinutulungan ganyan ka pa...”


“Di ko naman sinabi na tulungan mo ako ah!”


“Akala ko sila ang baboy ng ugali, ikaw rin pala. Wala kang utang na loob.” Ang sabi ko at tinignan siya ng masama.


Umiyak lang siya ng umiyak. 


Niyakap ko siya at nagulat siya sa ginawa ko. 


“Alan mo... hindi naman sa katawan nasusukat ang kabutihan ng tao. Dapat kasi hindi ka nagpapauto sa kanila.”


“Lagi na lang akong talunan.”


“Hindi ka naman talunan eh... hindi ka lang lumalaban.”


“Bakit? Bakit mo ako tinutulungan?” tanong niya


“Gusto ko lang... gusto ko lang na maging kaibigan ka...” ang sabi ko.


“Bakit ako?” tanong niya


“Wala lang. Feel ko lang. Bakit ba? Kaya ngiti ka na.”


“Salamat.” Ang sabi niya at niyakap niya ako.


“Ang dumi mo.” Sabi ko.


“Sorry.”


“Siya umalis na tayo at magbihis ka na.” Ang sabi ko.


“Di ako makapaniwala na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo.” Sabi niya


“Kasi magkaiba tayo.” Sabi ko.


“Diba dapat kapag magkaibigan eh magkatulad?”


“Mali ka doon. Hay naku. Tumigil ka na kakatalak jan at umalis na tayo.” Sabi ko.


“Bakit ang tapang mo? Sa payat mong yan?”


“Makapag payat ka ah. Proket taba mo lang.”


“Payatot.”


“Taba.”


“Alam ko na itatawag ko sayo.. Yats..” sabi niya


“Ang kapal mo. Gusto mong suntukin kita ha?”


“Edi gawin mo. Sa taba kong ito di uubra yan.”


“Alam ko na. Pag tinawag mo akong Yats... ang itatawag ko sayo ay Babs...” at nagtawanan kami.


Naging mag bestfriend kami. 


Sanggang diit nga kami eh. 


Lahat ng kalokohan ginawa namin. 


We were so young nung time na yun at di namin namamlayan kung ano ang nangyayari sa aming paligid.


Dumating yung time na kailangan naming maglipat ng bahay dahil namatay si papa. 


Sobrang nalungkot ako kasi aalis na ako at magkakahiwalay kami ni Dan.


Noon ko na lang siya ulit nakitang umiyak mula noong nangyari yung insedenteng yun. 


Siya lang ang nag-iisa kong best friend.


“Wag kang.. wag kang aalis...” sabi niya


“Di pwede.. kailangan eh..”


“Babalik ka pa ba?”


“Di ko alam...”


“Yats... wag mo akong kakalimutan ha.. wag na wag mo akong kakalimutan...” sabi niya


“Oo Babs... ikaw lang ang nag-iisa kong best friend...”


“mamimiss kita...”


“Ako din.. wag ka ng magpapaapi ah. At isa pa magpapayat ka para pag nagkita tayo di ka na inaaway.” Tumango siya


“Yats... may sasabihin ako...” seryosong sabi niya.


“Ano yun?”


“Wag kang magagalit... baka magalit ka... sabi niya


“paano ko malalaman kung ayaw mong sabihin sa akin...?”


“Pakasalan mo ako pag nagkita tayo!” nagulat ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita, ako ay napatulala.


“Alex tara na.” Sigaw ni mama


“Sige alis na ako...” ang sabi ko.


Nakita ko naman na nalungkot siya. 


Hinalikan ko siya sa pisngi na siya namang nagpangiti sa kanya. 


Niyakap niya ako ng mahigpit at muli tmulo ang luha niya.


“Hihintayin ko ang pagkikita natin.” Ang tangi kong nasabi.


(End of Flashback)


Di pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. 


Pareho kaming natigilan, napatulala at nanatiling tahimik. 


Tinitigan ko siya at pinaniwala ang sarili na ganun na nga ang nakikita ko.


Ang dating mataba ay ngayon ay fit at sexy na. 


He had muscles and chest. 


Mula baba pataas ko siyang sinipat at gayon din naman siya.


Nakita ko siyang ngumiti kaya nagtaka ako. 


Sumunod ng ngiti ay ang unting pagpatak ng luha. 


“yats...Yats.... Na-Nakita... nakita na rin kita...  Sampung taon... Sampung tao kita hinintay...”


Hinawakan niya ang mukha ko...


Kinapa niya ito...


Sumunod na dun ay ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit. 


Umiiyak siya. 


Ngayon ko lang siya nakita na umiyak. 


“Babs... ikaw ba yan? Ikaw ba talaga yan?” tanong ko.


“Oo Yats.. ako to. Si Dan... ang tagal kitang hinanap. Ang tagal kita hinintay...” sabi nito


“Masaya ako..” ang sabi ko.


“Mas masaya ako.. nakita ko na ang best friend ko.. nakita na rin kita...” ang sabi niya


“Anong nangyari sayo?” tanong ko.


“Eto gwapo na.. pumayat na ako tulad ng panagako ko.” Sabi niya


“Halata nga eh. Nawala na yung bilbil mo. Macho mo na Babs. Hahaha.” Sabi ko.


“Ikaw nga di na payatot eh... hahah.. kaya pala pamilyar ka sa akin.. kaya pala iba ang dating mo sa akin... kasi... ikaw ang nag-iisang Yats ko..” sabi niya


“Hahahaha. Masaya ako na nakita kita at nakasama. Akalain mo, unexpected to.” Sabi ko.


“Di ako makapaniwala. Akala ko ba kababata mo sila Kieth?”


“Yup. After mong lumipat, 3 taon matapos yun ay lumipat din kami.”


“Ah kaya pala. Now I know.”


“Tinadhana lang talaga na magkita tayo.” Sabi niya


“Ang korny. Hahaha.” Sabi ko.


“Kwento ka naman sa nangyari sayo.” Sabi niya


“Naku mahabang kwento.” Sabi ko.


“Makikinig ako.. namiss ita eh...”


“Basta mahaba... hahaha.”


“Kamusta si Kuya Hamilton?”


“Okay naman ang ugok na yun.”


“Si Tita ba?”


“Okay lang din.”


“Eh yung mama mo? namiss ko mga luto nun.”


“Miss ka na din ni mama. Alam mo ba na kinukulit ko si mama para lang makita ka.”


“Sorry nawalan tayo ng communication.”


“Ayos lang... ang mahalaga magkasama na tayo.”


Niyakap niya ako ng mahigpit. 


Nagulat ako nung halikan niya ang noo ko. 


Ayaw niya akong pakawalan sa kanyang mga bisig. 


Niyakap ko din siya at nakaramdam ako ng kapanatagan.


“Tanda mo pa ba? Tanda mo pa rin ba yug napag-usapan natin?”


“Ha? Alin? Alin dun?” pag mamaang ko.














“Na magpapakasal tayo kapag nagkita tayo..” di ako nakasagot sa tinanong niya.


(Itutuloy)

No comments: