Wednesday, August 14, 2013

Less Than Three- Part 17

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.


The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.


This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.


The stories I've written are for 18 years old and above.


No animals are hurt in this story.


The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.


The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.


You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.


Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.


Enjoy everybody and thanks for reading my stories.


Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:

1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)


2. Blog:


Dylan Kyle's Diary (blog)


3. e-mail:


dylan.kyle.santos@gmail.com


4. Facebook:


Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)


5. Twitter:

Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos


....................................................................................


Chapter 17

(Moment of Truth)



[Alex’s POV]


Narinig ko na namang tumunog ang aking cellphone. 


Binuksan ko ito at nakakita ng isang text message galing kay Kieth. 


“<3 data-blogger-escaped-o:p="">


Siguro bored na naman ito ngayon at walang magawa. 


Nireplyan ko ang text niya. 


“Morning bad boy.” Text ko.


“I’m a good boy now :/”


“Hahaha. You are so cute.”


“Handsome. Pick you up later.” Sabi niya.


“Miss yah.” 


Inireply ko at kinuha bigla ni Charlene yung cellphone ko.


“Kaya naman pala. Naglulumande ang lalake.” Sabi nito.


“Akin na nga yan. Maghanap ka ng jowa.”


“Grabe. You forgot me na.”


“Di pa naman. Pero malapit na.”


“Aagawin ko yang bf mo.”


“Di yan. Tiwala lang.”


“Grabe ka. Kung di dahil sa akin di kayo magkakaayos eh. Kaya utang mo sa akin yan.”


"Oh tapos..."


"Yun lang yun?"


“Di ko kasalanan yun. Hmpft.”


Narinig ko yung ringtone kapag may natawag. 


Siguro si Kieth na yun. 


Paano ba naman di ako nakapag reply agad. 


Ganun siya lagi kapag matagal ako bago magreply. 


Nakita ko na sinagot yun ni Charlene.


“Hello.” 


Nakita ko na nakangiti pa si Charlene.


Maya-maya nakasimangot na. 


Alam na, sinumpong na naman si Master. 


Hinablot ko kay Charlene yung phone at saka tumawa. 


Nasungitan siya siguro ni Kieth.


“Meron siguro yang boyfriend mo. Ang sungit ah.”


“Hahaha. Ako lang gusto niya makausap.” At nginitian siya. “hello.” Bati ko sa kabilang linya.


“Ditch ka na ng class.” Sabi niya


“Hay naku. At bakit? Give me a valid reason.” Giit ko.


“Di na kailangan yun. At isa pa gusto kitang makasama. Ang sweet ko no? Siguro kinikilig ka na no. I know you. Kaya tara na. Please.” Sabi niya


“You are such a cry baby. Adik mo lang. May class na ako. Sige na. Kita na lang tayo mamaya. Antayin mo na lang matapos ang class ko.” Sabi ko.


“Ang hina ko pala sayo di mo man lang ako mapagbigyan.” Pagmamaktol niyal.


“Grabe ka talaga. Give me one reason kasi. Yung valid ha, ndi yung kung anu-ano lang.”


“Let’s make baby!” at namula ako sa sinabi niya.


“Oi best tara na...” sabi bigla ni Charlene. 


Tinitigan niya ako bigla at nagsalita. 


“Bakit namumula ka jan?” tanong niya


“Ah eh.. una ka na. Susunod na lang ako.” Sabi ko kay Charlene.


"Bilisan mo ha. mamaya maglumande ka na naman jan."


"Oo na..." sabi ko.


Binalikan ko si Kieth.


“Hoy ang adik mo. Hala papasok na ako. Mga iniisip mo.” Sabi ko.


“Boyfriend na naman kita diba? Kaya pwede na. We can make sex. Wag mong sabihin na seryoso ka na virgin ka pa?” sabi niya


“Oh ano ngayon kung virgin pa ako. Grabe ka. Siya siya aalis na ako. Bye na. Grabe ka I hate you!” sabi ko.


“Shit!” sigaw niya.


“Anyare sayo?”


“So ako makakauna sayo? Great!” at tumawa siya.


“Pinagnanasaan mo ako? Grabe. Wag kang magpapakita sa akin!” sabi ko.


“Hahaha. Bakit pinagnanasaan mo naman ako diba?”


“Ewan sayo. Wag ka ngang magisip ng kung anu-ano. Nakakainis. Sige na. Bye na. Love you!” sabi ko.


“Hahaha. Im just kidding. I love you. Can’t wait to see you.” Sabi niya


At ibinaba na namin yung phone. 


It’s been 5 months nung nagkaayos na kami. 


Magulo pero masaya ang relasyon namin. 


Nagiging okay na rin naman si Kieth at ang tatay niya. 


They been hanging around this past few days.


Nakakaadjust na rin ako sa bago kong katauhan. 


Minsan pinagtitinginnan ng tao at nakakarinig ako ng maraming chismis pero ayos lang, tanggap ko. 


Masaya naman ako na marami pa rin ang nakakaintindi sa akin at nagiging kaibigan ko.


Ang hindi ko lang maramdaman ay ang presensya ni Arjay. 


Matapos ng mga pangyayari ay hindi na kami nagkausap. 


Nagkikita kami sa ibang subjects pero walang pansinan. 


Gusto ko siyang makausap para maging maayos na ang lahat pero alam kong mahihirapan lang ako.


Kay bilis ng isa’t kalahating oras na klase ko. 


Paglabas ko ay nasilayan ko agad ang mukha ni Kieth. 


Nakangiti siya sa akin at agad akong sinalubong.


“Finally.” Sabi niya


“Excited ka talagang makita ako.”


“I miss you a lot.”


“Baka mamaya magsawa ka na lang sa akin.” Sabi ko.


“Don’t say that! Babatukan kita eh.”


“Ang haras ah. Saan tayo pupunta ha?” tanong ko.


“Magda-date tayo. I want to be with you tonight. Para naman dumami ang memories natin. Hahaha.”  


Niyakap ko agad siya.


“Hep hep. At dito pa kayo nag loving loving ah. Kinalimutan mo na agad ako best? Grabe ka.” Sabat ni Charlene. 


Nakapamewang pa nga siya sa akin.


“Hahaha. Di ako sasabay ah. May date kami ni Kiethpot.” Sabi ko.


“Okay. Oi yung assignment natin ah. Wag mong kakalimutan. Kakalbuhin kita pagnagkataon. Ingat kayong dalawa. Pakarami kayo ha.” Biro nito.


“Makinig ka sa best friend mo.” Bulong sa akin ni Kieth.


Pinisil ko ang mukha niya.


 “Hay naku. Humanap ka pa ng kakampi. Tara na nga.” Yaya ko.


Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit pababa ng building namin. 


Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. 


Ibang saya ito. 


Palabas na kami ng building ng makasalubong namin si ate Kate.


“How sweet?” sabi niya.


“Pasabi kila mama gagabihin ako ng uwi ah.” Pamamaalam ni Kieth.


“Hoy lalaki. Wag na wag mong pipilitin si Alex na gawin mga kamunduhang kagustuhan mo ah.” Babala nito sa kapatid.


“Ate naman.”


“Anong ate naman?” 



nilakihan ng mata ni ate si Kieth. 


“Alex... wag na wag kang magpapaubaya sa kanya ah. Naku, sabihin mo lang kapag hinaharas ka niyan at ako ang bahala. Ingat kayo. Have a wonderful date.” Sabi nito.


“Ay si ate. Naku. Nakahanap pa tuloy ng kakampi tong si Alex.” Ungot nito.


“Naku. Kabata-bata pa eh.”


“Malaki na ako.” Sabi pa nito.


“Kahit na! Gawin ninyo yun kapag legal na kayo.”


“Matagal pa yun ate. Kapag kinasal kami saka pa namin gagawin yun? Ang hirap magpigil.” Giit pa ni Kieth.


“So may plano ka talaga na gawin yun sa akin?” sabat ko.


“Yup.” 


At biglang kinurot ni Ate Kate si Kieth.


“Ang bad mo. Naku wag na wag kang sasama jan kay Kieth kapag nakakaramdam ka ng kaba. Alam na.” Sabi nito.


“Hay naku. Tara na nga.” At hinila ako ni Kieth.


Dinala niya ako sa park. 


Ewan ko kung ano ang naisipan niya kung bakit niya ako dinala dito. 


Maganda dito at masaya ako lagi kapag nagpupunta kami dito. 


Panatag kasi ang kalooban ko dito eh.


Magkahawak kamay kami ni Kieth na tinatahak ang daan. 


Wala kaming pakialam kung may magtaas man ng kilay sa nakikita nila sa aming dalawa. 


Sa panahon ngayon, normal na ang makakita ng dalawang lalaking magkahawak ng kamay.


“Bakit ang tahimik mo?” tanong niya sa akin.


“Wala lang. Bakit mo naitanong?”


“Napansin ko lang. At hindi ako sanay. Hindi ka ba masaya ngayon na kasama mo ako?” pagmamaktol niya.


“Masaya ako ngayon. Nanahimik ako kasi dinadamdam ko tong moment na ito. Ilang buwan na tayo at masayang-masaya ako. Di ko akalain na aabot tayo ng ganito.” Sabi ko.


Bigla siyang napangiti.


 “Bakit ka nakangiti?” tanong ko.


“Wala.” Sabi niya. 


Lumaki pa lalo ang ngiti sa kanyang mga labi kaya naintriga ako.


“Ui bakit nga?” tanong ko.


“Wala nga sabi. Kulit.”


“Nagtatanong lang makulit na agad?!” pagtatampo ko.


Tinanggal ko ang kamay ko at nagpatiuna sa paglalakad. 


“Ay nagtampo ang baby.” Sabi nito.


“Ewan sayo. Humanap ka an ng iba! Yung hindi makulit!” kainis.


Nagulat na lang ako nung bigla niya akong niyakap. 


“Kapag nagtatampo ka ng ganyan, lalong nagiging gusto ko na makasama ka. Ang cute mo kasing magtampo, parang bata eh. Haixt.”


“Ikaw nga jan ang parang bata eh. Isip bata.”


“Di ko lang mapigilang mapangiti.” Sabi niya


“Kinikilig ka no?” pang aasar ko.


“Ako? Never!” sabi niya


“Aysus. Kinikilig ang boyfriend ko!” sabi ko.


“Hey! Hindi ah. Babae lang?”


“Bakit kinikilig din naman ang lalake ah!”


“Di bagay kaya, enough.” Sabi niya


“Aysus. Mahuhuli ko rin pala ang kiliti mo eh.” At hinalikan ko siya sa pisngi.


Natulala naman siya agad sa akin at hinawakan ang aking mukha. 


“Everytime you kissed me, It makes me feel that you are with me. Na akin ka lang.” Sabi niya


“So I will not stop kissing you. I’m yours.” Sabi ko.


Hinatak niya ang mukha ko at hinalikan sa labi. 


Mabilis lang iyon pero makahulugan. 


Di ko mapigilan ang yakapin siya. 


God sobrang mahal ko itong taong ito.


“Tara kain tayo. Kwek kwek.” Sabi ko.


“Sure.” Sabi niya


Habang nakain kami nun nagsalita siya. 


“Anong balak mo ngayon?” tanong niya


“Saan?”


“Birthday mo.”


“Tagal pa ah. Next Year pa. Paano mo nalaman?” tanong ko.


“Boyfriend kita kaya dapat alam ko ang birthday mo. Teka, wag mong sabihin na hindi mo alam ang birthday ko?” sabi niya.


“Next year pa din ang birthday mo. Wag kang mag gawa ng issue. Kaw talaga. Oh say ah.” At sinubuan ko siya ng kwek kwek.


Habang nginunguya niya ang kwek kwek ay nag-iisip siya ng malalim. Nakatingin siya sa di kalayuan pero ramdam mo na may mabigat siyang iniisip.


“Wag kang ngang masyadong seryoso jan.” Sabi ko.


“Di naman. Iniiisip ko lang kung ano ang isusuot ko.” Seryoso niyang sabi.


“Ha? Isusuot? Para saan? Sa birthday ko? Hindi naman ako nag cecelebrate ng bongga eh.” Sabi ko.


“Will you prepare brief o boxer? Sando or topless? Para pag natulog ako sa inyo, alam ko na isusuot ko. Then you and me... make baby.” Sabi niya


“Grabe. Akala ko pa naman kung ano. Daming alam. Paseryoso face ka pang nalalaman.” Sabi ko.


“Gusto lang kitang patawananin.” Sabi niya


“Thank you. Oo dapat mo lang akong patawanin. Kapalit ng pagsusungit mo sa akin.”


“Kawawa naman si Blake.”


“Bakit naman?”


“Hindi ka man lang niya natikman. Poor boy. Hahahah.”


“So big deal naman ata sayo yan?”


“Lalaki tayo pareho kaya alam mo ang pinagdadaanan ko. Wag kang magpakainosente jan.” Sabi niya


“Pinagnanasaan mo talaga ako?” tanong ko.


“More than that.” Sabay kindat.


Hinawakan niya ang kamay ko. 


Bigla akong kinabahan. Waaah. 


“Namumula ka ata.” Sabi niya sabay tawa.


“Ihhh. Kakainis ka eh.” Sabi ko.


“Sus. Nung isang araw lang nakita kitang inaamoy yung damit ko.”


“Oi grabe ha!”


“Pwede mo naman kasing amuyin ako eh. Wag ka ng mahiya.” At tumawa siya.


“Ewan ko sayo.”


“Hahaha. Aminin mo na kasi. Naku. Deep inside pinagpapantasyahan mo ako. Wag mo ng ideny.”


“Waaaah.”


Tumayo ako bigla. 


Nahihiya na ako. 


Pero bigla niya akong hinatak at pinaupo sa lap niya. 


Nakatalikod ako sa kanya habang nakakandong sa kanya. 


He hug me so tightly at nararamdaman ko ang bawat hininga niya.


“Yan ang nagustuhan ko sayo, so simple at innocent. I love you so much.  Wag mong iisipin na sex lang ang habol ko sayo. Oo minsan napapasok sa isip ko yun pero tandaan mo na hindi kita pipilitin. Wag ka nga lang magpapakita sa akin ng motibo kung hindi magsisisi ka. Wag na wag kang aalis sa tabi ko. Wag kang kakawala sa mga bisig ko. Mahal na mahal kita Alex. Ayokong mawala ka sa akin.” Sabi niya


“Ikaw lang ang kilala kong lalaki na lantaran kung makapagnasa sa akin. Pero mas ayos na yun kaysa naman sa iba ka pa mag pahiwatig ng pagnanasa. Masaya ako kasi di mo ako hinahayaang malaglag sa bisig mo. Masaya ako kasi ikaw ang nasa tabi ko. Minsan di ko maiwasang tignan ang mga pandesal mo sa tiyan. Kaya pagnatutulog ka, doon ko na lang hinahawakan para di mo ramdam. You were so damn hot little boy. Walang tao ata ang hindi mabibighani sayo.” Sabi ko.


“Ang dali mo talagang hulihin. Haixt. Alam ko na nananansing ka sa akin kapag tulog ako. Hahaha.” Sabi niya


“But why you are not responding?”


“Ayokong pilitin kita sa ayaw mo. Alam ko nangako ka sa mama mo at hindi ko hahayaang mapako iyon. Maghihintay naman ako eh. Hindi ako nagmamadali kaya don’t worry. I love you so much. Pati isa pa, kaya kong magpigil. Magpaparaos na lang ako sa ibang paraan.” Sabi niya


“What do you mean?! Makikipag one night stand ka ha?! Sabihin mo! Nako malaman ko lang talaga eh puputulin ko yan! Wag na wag mong susubukan!” sabi ko.


“Hahaha. Parang di ka lalaki eh. Naku. Ginagawa mo yun kapag pinagnanasaan mo ako.” Sabi niya


“Ah... kala ko naman kung ano na.”


“So huli ka na hahahah!” sabi niya


“Huh?”


“Pinagnanasaan mo pala ako ah. And worst is naiisip mo ako kapag ginagawa mo iyon! Hahaha.”


“Hey wala akong...”


“Huli ka na. Huli na huli pa tanggi pa! Naku. Ang isda nahuhuli sa bibig.” Sabi niya


“Sama mo talaga!”


“I can’t imagine.” Sabi niya


“Ewan ko sayo. Naku!”


“Minsan sabay tayo maligo ah.” Sabi niya


“Shut up. Grabe!”


“Hahaha.” Then he hugged me.


He kissed my cheeks at hinawakan ang mga kamay ko. 


He was so sweet as ever. 


I can’t imagine myself without him. 


Di ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa puntong mawawala siya sa akin.


[Arjay’s POV]


I am a loser. 


Lahat na ata ng bagay nawala sa akin. 


Nakakainis, bakit ba kasi kailangan pang dumating ang Alex na yan sa buhay ko? 


Talunan na ako at wala na akong magagawa.


Habang nakikita ko silang dalawa na masaya, lalong nabubuo ang galit ko kay Alex. 


Nakakainis! 


Sobra akong naiinis. 


Di ko nga alam kung kakampi ko pa si RD dahil umayaw siya sa kasunduan namin.


Nalaman ko galing sa kanya na magkababata pala sila dati ni Alex. 


Matapos kong ibigay sa kanya yung gusto niya, ganoon lamang pala ang gagawin niya. 


Pero nevermind, alam kong mali iyon.


Nawalan na ng saysay ang pakikibaka k okay Kieth. 


Ni hindi na niya ako kinakausap, lagi siyang busy. 


Narito lamang ako at nakatanaw sa kalayuan. 


Ang ganda ng bungad sa akin. Paano ba naman, silang dalawa ang nakita ko at nakakasuka ang sweetness nila.


Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko matanggap ang lahat. 


Pero ayoko ng gumawa ng paraan para paghiwalayin sila. 


Kahit anong gawin ko naman ay wala rin naming mangyayari eh. 


Pero kay Kieth pa rin ako, kahit walang kasiguraduhan, maghihintay ako.


Ang sakit Makita silang dalawa sa ganung kalagayan. 


Naalibadabaran ako pero somehow deep in my heart, nakaramdam ako ng koonting saya. 


Nakita ko na ulit kung paano ngumiti si Kieth.


Okay na rin siguro kung silang dalawa. Haixt, ang bilis magbago ng nararamdaman ko. 


Pero the fact nag alit ako kay Alex remains. 


I don’t know if mag give up na ba ako and move on. haixt. 


Naguguluhan na ako. 


Can I be dead na lang? para naman okay na.


Suddenly, naramdaman ko na nagring ang phone ko. Si papa. 


“Hello.”


“You better come quick here at our house!” galit na sabi nito.


“Bakit po? May problema po ba?”


“Just go here!” at ibinaba niya ang tawag.


Huling sulyap sa kanila at nakita ko na nakatingin si Kieth sa kinaroroonan ko. 


Ngumiti siya at napangiti din ako. 


My heart stomps and aches at the same time. 


Shet. 


Napaiyak ako ng di oras.


I miss his arms, his hugs, kiss at comfort. 


Ako kasi ang tanga ko eh. 


Pero pamilya ko ang pinili ko. 


Mahalaga naman sila para sa akin eh. 


Kahit na minsan hindi ko nararamdaman na mahal ako ni papa.


Nagmadali naman akong umuwi at hinarap si papa. 


Nagulat ako sa nadatnan ko. 


Si mama, si papa, si tito at si RD. nagkaroon ako ng idea kung ano ang nangyayari.


“And here he is.” Sabi ni papa.


“Ako na po ang nagsasabi na wala po siyang kasalanan.” Sabi ni RD.


“Anong nangyayari dito ma?” tanong ko.


“Anak, hinahon lang ha. Baka magkagulo kayo.” Nakita ko ang malungkot na mga mata ni mama.


“Iho.. itong anak ko, gustong magback out sa kasal ninyo.” Sabi ni tito.


Agad naman akong napatingin kay RD. 


“Anak… alam kong may kinalaman ka dito. Ano bang nangyayari?” tanong ni papa.


“Pa… tito.. kanina ko pa po sinasabi na ako ang may kagustuhan nito. Ayaw kong may maipit pa. ayaw ko na makulong ako sa kasal na hindi ko naman gusto…” ang sabi ni RD.


“Pero iho.. it was perfect… okay na naman ang lahat diba? Bakit ngayon pa? alam kong magkasundo kayo ng anak ko. Sabihin mo sa akin, ano bang pinag gagawa sa iyo ng anak ko para magi sip ka ng ganyan?”


Ako na naman? 


Ni hindi niya ba ako ipagtatanggol? 


Ang sakit ha. 


Ang sakit-sakit. 


Napakuyom na lang ang kamay ko.


“Sorry po…” ang tanging nasabi ko.


“No Arjay.. you need to be sorry.” Sabi ni RD.


“Anak wag mo kaming ganituhin. Okay na naman ang lahat diba? You were so…”


“Pa…”


“Pero…”


“Noon yun papa. Hindi na ngayon. At isa pa, mas sasaya ako kapag nakita ko si Arjay na Masaya. Wag na po nating ipilit ang lahat. You were best friends with tito kaya pwede naman kayong magshare ng business.”


“Pero iba pa rin kapag talagang united.. yung kasal ba.”


“Pa naman eh…”


“Hindi.. itutuloy natin ito. Nakakahiya sa tito mo. Kay Arjay.” Sabi ni tito.


Hindi ako makasinget sa paguusap nila. 


Umupo na lamang ako sa tabi ni mama at nakikinig sa kanilang pag-uusap. 


Nagbangayan sila ng nagbangayan hanggang sa sumigaw na si RD.


“Pa… tama na! ayoko na! may mahal akong iba kaya ayaw ko ng magpakasal.” 



At lahat kami ay natahimik.


Maging ako ay nagulat sa narinig ko. 


Hindi ko alam na may minamahal pa lang iba si RD. 


ang pagkakaalam ko kasi ay ako. 


Pero mali pala. 


After all walang nagmamahal sa akin.


“Ano?” lahat sila nagtatanong.


“Pa sorry. May mahal na akong iba. Kaya ayaw kong magpakasal kay Arjay. Ayokong maipit sa kasunduan ninyo dahil gusto ko ng kalayaan!” sabi nito.


Pero bakit ganun. 


Parang may iba sa kanya? 


Pilit kong tumitingin sa kanya pero naiilang ako. 


Habang sila nagkakagulo, tumayo ako. 


Hindi na rin naman nila ako kailangan doon at wala na akong pakialam. 


At least Malaya na ako.


“Sino? Sabihin mo kung sino?!” sigaw nila


Tuloy pa rin ako sa paglalakad ko. 


Kailangan ko pa bang marinig ang sasabihin niya? 


Wala na akong paki-alam sa kanya. 


He stop caring me after all.


 Akala ko I can rely to him. 


Pero some part of my mind say that I should stay.


“Si Alex…” napatigil ako ng bahagya.


Nasa may hagdanan na ako nung nagsalita siya. 


lumingon ako sa kanya at tumingin siya sa akin. 


Bakit ganun na lamang ang naramdaman ko nung sinabi niya iyon? 


Lalo akong nainis kay Alex.


“Si Alex? Prince Alex Rosales?” tanong ni papa.


“Opo…”


“Pero… bakit siya? paanong?”


Bakit ganun na lamang ang reaksiyon ni papa sa sinabi ni RD? 


anong meron ba sa Alex na iyan at binubulabog ang buong pagkatao ko? 


Nakakirita na ang lahat.


Biglang umalis si RD. 


“Pare.. sorry ka na sa anak ko.” Sabi ni tito.


“Ayos lang pare.. usap na lang tayo sa ibang araw.. may kailangan akong sabihin sa iyo.” At umalis na sila.


Itutuloy ko na sana ang pag akyat ng nagsalita si papa. 


Siguro ikaw ang nagbigay ng dahilan para sabihin yun ni RD.”


“Pa?” tanong ko.


“Lahat na lamang tinataliwas mo sa akin!”


“Pa… wala akong ginawa. Handa naman akong magpakasal sa kanya pero siya naman ang sumuko eh!”


“Dahil siguro yan sa pagmamahal mo sa lintik na KIETH na yan!” sigaw ni papa.


“SIYA NA NAMAN PA?! siya na lang ba lagi? Hirap na hirap na ako pa! hirap na hirap! Wala na sa akin si Kieth dahil diyang sa letseng kasal na yan. Lahat na lang ginawa ko! Lahat na lamang papa! Naging sunud-sunuran ako sa inyo dahil MAHAL ko kayo.. para naman mapansin ninyo na nagmamalasakit ako sa pamilyang ito at para mapansin ninyo ako! Pero hinding-hindi ninyo ginawa iyon dahil lagi na lamang ninyong iniisip yang pera ninyo!!!” ang sigaw ko.


“Ang… ang kapal ng… muk.. mukha mo…mong sab…sabihin yan…” at nakita ko si papa na nahihirapan huminga.


Kinabahan agad ako kaya pumunta ako sa kanya. 


Inalalayan agad siya ni mama. 


Pinakuha naman ako ng tubig at nagmadali ako. 


Agad naming nakainom si papa. 


Ilang minuto din ng kumalma si papa.


“Sorry pa…” ang nasabi ko.


“Di ko alam.. di ko na alam ang gagawin ko…”


“Kailangan ko munang mapag-isa papa.”


Di siya sumagot sa sinabi ko. Umalis ako at umakyat ng kwarto ko. 


Inihiga ko ang sarili ko at umiyak ng umiyak. 


Buong magdamag akong ganun lamang ang posisyon.


Kinagabihan, nakatanggap ako ng tawag mula kay RD. sinagot ko iyon. 


“hello.” Garalgal kong sagot.


“Sorry.” Sabi niya


“Okay lang ako.”


“Yung kanina…”


“Wag ka ng mag explain.”


“Nasaktan ka…”


“Bakit ako masasaktan?” ang assuming nito.


“Gawa ng papa mo. Sorry kung pabigla-bigla ako.”


Ayos lang. Dapat nga may pasabi ka para di ako ganun nagulat.” Ang nasabi ko.


“Gusto ko lang naman na lumaya ka eh. Na maging Masaya ka.”


“Pero okay na naman ako. Wala na rin naman akong babalikan.”


“Move on.” sabi niya


“Kaya ba nakamove on ka na sa akin? Or may I say, kaya ba mabilis kang nakahanap ng kapalit?” tanong ko.


“naipit lang ako ng pagkakataon.” Sagot niya.


“Wag mo ng linisin yung sarili mo. Wala yun sa akin. Sanay na naman ako jan.”


“Your such a cry baby.” Sabi niya


“Better get going.” Sabi ko naman.


“Wag ka ng umiyak jan. hindi bagay sayo.”


“Siya good night na.” sabi ko.


“Night. “ tugon niya at ibinaba na niya yung tawag.


And I am still wondering sa dapat kong gawin sa buhay ko.


[Alex’s POV]


“Babe… anong ginagawa mo jan?” tanong ko kay Kieth.


Kanina pa siya focus na focus dun sa cellphone ko eh. 


Ano bang meron doon at hindi niya mabitawan yun? 


Kaya lumapit ako sa kanya at tinignan yung pinagkakaabalahan niya.


Nung lumapit naman ako sa kanya, inihagis niya sa kama yung cellphone ko. 


Napaka-stubborn talaga ng lalaking ito. 


Ano bang sumpong mayroon ito?


“Anyare sayo?” tanong ko.


“Ewan.”


“Ang weird mo. Para kang timang.” Sabi ko.


Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ko ito. 


Nakita ko ang mga pictures naming ni Blake na sobrang sweet. 


Now I know kung bakit. 


Naku, itong lalaking ito.


Magseselos na nga lanag para pang bata.


Lumapit ako agad sa kanya at ipinulupot ang kamay ko sa braso niya. 


Naka sando lang siya that time kaya nahahawakan ko ang biceps niya sa braso. 


I kissed his neck, his weakes point.


“Hey.” Awat niya.


“Nagseselos ka lang pala eh. Napaka immature ng pagseselos kahit kalian.”


“Immature? Ouch ah. Ako pa talaga?”


“Oh. Tignan mo to. Mag tatampo pa. nilalambing na nga eh.”


“Eh ewan. Bakit hindi mo pa ba binubura yung mga pictures na yun ha? Nakakinis.”


“Alam mo ang adik mo. Alam mo naman kung bakit. At isa pa, wala na naman yang magagawa sayo ah?”


“Meron! May kaagaw ako sa atensyon mo!”


“Di ko na yan tinitignan.”


“Bakit kayo may ganyan? Tayo wala?” then nag pout siya ng bibig.


“Eh alam ko naming di mo hilig yun eh.”


“Kahit na. you should ask me.”


“So yun nay un? Yun yung pinagseselos mo.”


"Ewan!” Sabi niya


“Hay naku.” 


Kinuha ko yung pisngi niya at kinurot.


“We have many time to do that. Starting from now, kukuha na tayo ng mga pictures. Para kung magkalayo man tayo, titignan mo lang yan at di ka malulungkot.” Sabi ko.


“Bakit lalayo ka ba?” niyakap niya ako patalikod sa kanya. 


Yan ang paborito kong pwesto kasi ramdam ko yung mga yakap niya.


“No… hinding-hindi ako lalayo. Ayokong mawala sa tabi ng mahal ko.”


“I thank Him for giving me you as mine.” Sabi ko.


I kissed him in his lips. 


Matagal yun at ramdam ko na gusto niya iyon. 


Di ko mapigilang manggigil sa lalaking nasa harapan ko. 


He hugged me so much.


“Wag na wag kang lalayo sa akin. Wag na wag mo akong iiwanan. Hindi ko kaya na mawala ka pa sa akin. Hindi ko kaya na hindi kita Makita. I want to marry you.”


“I want to marry you too… pero not this time ha.”


“I know. Kailangan ko pang maghanda. Siyempre hindi ka ibibigay ni mama agad sa akin.”


“Hahaha. Buti at alam mo.”


“More than know.”


“I trust you naman eh.”


“Salamat.”


Ilang minuto lang ay nag beep ang cellphone ko. 


Tinignan ko ito at nakita ko na may text sa akin si Arjay. 


Agad ko naming binuksan yung message at binasa ang nakalagay doon.


“Ano yan?” tanong ni Kieth.


“Nagtext si Arjay.”


“Anong sabi?”


“Gusto niyang makipag-usap sa akin.”


“Tungkol saan?” tanong niya


“Di ko alam.”


“Sasama ako.”


“Wag na.”


“Hindi sasama ako.”


“Okay sige pero ako na lang ang makikipag-usap ah.”


“Yes boss.” Sabi niya


“Tara tulog na tayo.” Sabi ko.


(Itutuloy)

No comments: