Saturday, October 19, 2013

Less Than Three- Part 34


NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Guys...

Tuwing sabado na lang po ako makakapag update. Sorry po kung ganito ang nangyari.


Medyo nagigipit na rin po ako sa time na makapag update at tapusin yung story.. Senxia na po.


Gagawin ko naman po ang lahat kung may time ako. :)


Sorry kung medyo maikli yung phasing... :))


Hope you'll understand...


---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 34

(My own birthday...)






[RD’s POV]


Bukas birthday na ni Alex pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap. 


Pakiramdam ko naman ay iniiwasan na niya ako simula pa lang nung umamin ako. 


Haixt. 


Mali ba ang hakbang kong sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko? 


Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya, pigil lang naman ang dapat kong ginawa.


“Hay Alex… ang lang hiya ko kasi… hinalikan kita, inamin ko sayo ang lahat at may payakap-yakap pa ako. Paanong di mo ako iiwasan? I ruined everything sa kung anuman ang meron tayo. Ang laki kong tanga. Kahit kalian hindi ako nag-isip ng tama.” Buntong hininga ko na lang.


Inihiga ko ang sarili ko sa damuhan at hinarap ang malawak na ulap. 


Ilang beses ko na siyang inabangan sa room nila pero sadyang mailap siya sa akin at alam ko namang pinagtataguan niya ako. 


Yats, ano ba ang dapat kong gagawin para mapansin mo ako kahit konti lang?


Sa pagmumuni-muni ko ay di ko akalain na paparating si Jake sa kinaroroonan ko. 


Kay Minsan lang kami magtagpo ng ganito at kung sakali man ay magkakwentuhan pa. 


Noon ay sobrang lapit ng loob naming sa isa’t-isa at partners in crime pa kami tulad ng sabi ng iba, pero nagbago ang lahat nung maging kami ni Arjay.


“Yow bro…” Bati niya


“Ui.” Sagot ko.


“Bakit mukhang emo ang Mr. Lover boy? Ang lalim ata niyang iniisip mo ah. Ilang metrong lalim bang balon yan?”


“Adik mo talaga. Exage lang, hindi naman ganun kalalim. Ang taas nga eh.”


“Sus, Emo ka jan oh. Pre wag na tayong maglokohan. Alam ko naman na may iniisip kang malalim. Parang iba naman ako sayo. Tagal na nating magkakilala oh.”


“Pre naman, ako na ang nagsasabi sayo na wala. Ikaw talaga.”


“Sus. Broken hearted ka no? Tsurang haggard at lonely boy ka ngayon eh. Oh, wag kang magdeny.”


“Pre, hindi ah.”


“Alam mo isa pang deny susuntukin kta.”


“Easy lang. Katakot ka naman pre.”


“Umayos ka kasi. Di bagay sayo nag-iinarte. Halikan kita jan eh.”


“Loko.” At nagtawanan kaming dalawa.


“Pero pre ano bang meron?” tanong niya


Di ko alam kung nakakahalata ba siya sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. 


Haixt. 


Ano bang gagawin ko? 


Sasabihin ko ba? 


Wala rin naman akong maitatago pa sa kanya. 


Kilala niya ako at kanilang tatlo, si Jake ang siyang maykatangi-tanging abilidad na makabasa ng kilos o galaw ng isang tao kaya alam niya kung ano ang bumabagabag sa isang tao.


“Pre… ewan ba.” Nasabi ko na lang.


“Tungkol sa pag-ibig ba yan? Tama ba ang hula ko?”


“Uhm. Parang. Wala naman kasi akong maitatago pa sayo. Takte naman, bakit kasi may kakayahan ka na ganyan. Shemay.”


“Tss. Nahiya ka pa. Pre, state it. Sige na.”


“Hahaha. Sige na, oo na. May magagawa pa ba ako? Wala na diba? Hahahaha”


“Try mo kasi ako.”


“Ha? Wag mong sabihin pre na…”




“Loko. Ang ibig sabihin ko subukan mong sabihin sa akin. Try me. You can trust me. Wala naman si Kieth ngayon kaya free na free ka na kausapin ako.”


“Bakit ilag ka pa ba sa akin? Sinabihan ka ba niya na iwasan ako? Pati ba naman ikaw mawawala na sa buhay ko?”


“Siyempre biro lang yun. At isa pa, bakit sobrang drama mo ngayon pre? Naalibadbaran ako. hahaha”


“Haixt. Oo na.”


“Pero alam mo pre, namiss ko yung dati-rati nating kulitan. Sa ating tatlo nila Kieth. Bale apat pala tayo to be exactly. hahahah”


“Matagal ko ng napapansin to pero parang ilag ka kay Arjay? Meron ba kayong nakaraang dalawa?”


“Yow… wala ah. Sigurado ako sa sarili kong kasarian. Pero, ewan. Hahaha.  Hindi ko alam kung bakit ganun ang pagkalayo ko sa kanya. Dati naman okay pero nung naging sila ni Kieth, parang nailang ako sa kanya.”


“Baka naman nagseselos ka.”


“Tungunu naman pre. Di ako ganun.”


“Hahah. May Charlene ka nga pala.”


“Oo naman. Kahit madaldal tong babaeng ito eh mahal ko yan. Nga pala, ikaw ba? Kalian ka may ipapakilala sa amin? Simula pa noon ni hindi ka na nagpakilala sa amin.”


“Ewan ba. Baka nga wala na akong maiharap sa inyo. Baka nga hindi na ako umabot sa panahong iyon/”


“Bakit anong meron? Kung magsalita ka anamn akala mo katapusan na ng mundo.”


“Wala naman. I just wanna be sure.”


“Pero yung totoo, nagtapat ka na ba s  kanya?”


Mabilis naman ang sagot ko.


 “Oo, nagtapat na nga ako sa kanya, kahit na wala sa timing eh nagapat na ako.”


“Eto ang isa pang tanong, anong sagot sayo nung lalaking iyon?”


“Wala. Plain. Nabigla siguro siya. Pero di naman kataka-taka na ganun yung isasagot niya. Komplikado ang lahat eh.”


“Ano busted?”


“Baka nga. Ang malas ko sa pag-ibig kahit kailan. Gusto ko lang anman makahanap ng aong magmamahal sa akin. Yung makaka-appreciate sa kung ano meron ako.”


“Sa tingin ko nga. Baka naman may balat ka sa pwet?”


“Loko.Yung totoo, may alam ka ba sa nangyayari sa buhay ko?”


“Wala.”


“Okay sabi mo eh.” Pero di ako kumbinsido.


“Eto lang ang masasabi ko, ingat lang din pre. Payong kaibigan, wag mo ng ulitin yung nakaraan. Wag mo ng ulitin yung nangyari dati sa inyo.”


Sabi na at alam niya. 



“Alam ko. Pero…”


“Mahal mo?”


“Oo.”


“Sobra?”


“Oo, sobra-sobra.”


“Kahit na alam mo na ang pagmamahal nay an ay makakaisra ng isang relasyon?”


“Haixt. Akala ko ba wala kang alam? Adik ka di ano? Pero may naisip akong kalokohan, try ko din kaya makisali sa kanilang relasyon? For a change lang.”


“Tss. Mahirap yan pre eh. May sabit. Di bale kung wala. Ayoko namang sabihing, antayin mo na lang siya kapag wala na sila. Ang sa akin, masasaktan at masasaktan ka lang. kahit anong gawin mong pag-iingat, may masasaktan at may masasaktan din.”


“Shet lang talaga. Bakit ba kasi nagmahal ako sa taong minamahal din ng karibal ko?”


“Maybe destiny?”


“tanginang destiny yan.”


“gago kasi yang buhay mo? Try mong ireset. Lagi ka na lang napaglalaruan ng tadhana eh. Mamaya mawala ka sa mundong ito ng hindi man lang nakakaramdam ng saya sa pagmamahal.”


“Hahah.” Tumawa na lang ako.


“Nga pala… birthday na niya bukas. So ano ang plano mo?”


“Alam ko na birthday na niya pero tuod pa rin ako ngayon. Gusto ko siyang kausapin, kaso nga lang, wala akong magawa. Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya ko sinasagot. Ilang beses ko siyang inabangan pero mabilis siyang pumupuslit patago sa akin. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.”


“Puntahan mo?”


“Para saan pa? Wala rin namang magagawa pa.”


“Para ayusin ang lahat. Para tanggalin ang gusto na ginawa mo.”


“Ayos? Lagi na lang ba akong kontrabida? Lagi na lang ba akong magmumukhang mang-aagaw? Tanginang buhay na ito. Sana mamatay na talaga ako. Sana kunin na ako ni Lord. Shit!”


“Tanga ka ba? Yan ang iniisip mo agad?Kung gusto ong mamatay na, sabihin mo lang sa akin at ako mismo ang kikitil jan sa buhay mo. Cheer up men. Gawin mo yung tama.”


“Palibhasa di mo nararamdaman ang nararamdaman ko. Pero ang hirap kasi…”


“Sawa na ako sa pag-aaway ninyo ni Kieth. Alam mo ban a nangangarap ako n asana minsan eh magkasama-sama tayong tatlo? Yung parang magkakapatid ulit? Ayoko na na makita na nagkakasakitan kayo. Ako ang pinaka nasasaktan. Oo ganito ako katarantado, pero mahal ko kayong mga kaibigan ko. Kayo lang ang kaibigan na mayroon ako pero nag-aaway pa kayo.”


“Haixt. Bakit ba kasi ang kumplikado ng lahat? Bakit ang hirap mabuhay ng nagmamamahal sa kanya. Ako naman ang nauna na makilala siya pero bakit wala? Wala akong nagawa. Lagi na lang akong inaagawan ni Kieth.”


“Eto ang tatandaan mo pre, nagmamahalan silang dalawa. Isipin mo kung tama ang gagawin mo kung papasok ka sa relasyon nila.”


Tumawa na lang ako, pero kasabay noon ay ang pagtulo ng mga luha sa aking mata. “Kailan mo pa nalaman ang nararamdaman ko kay Alex?”


“Napansin ko lang.”


“Baka naman nagsumbong sayo si Charlene.”


“Hindi ah.”


“Naku nakichismis ka ano?”


“Hindi ah. Parang iba naman ako sayo, diba nga magaling akong bumasa ng tao?”


“Pre pwede bang ikaw na lang?”


“Madiri ka pre. Di tayo talo.”


“Pre, isang gabi lang oh. Makalimutan ko ang lahat. Promise ko naman gagalingan ko eh.”


“Tangina pre, nakakadiri eh. Lumayo ka nga.”


At nagtawanan kami.


 Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


 “Salamat.” Sabi ko.


“Pre… wag kang ganyan. Baka may makakita sa atin at pagkamalan ka pa nila na kabit ko.”


“Yaan mo na pre. Nang magselos si Charlene. Tapos pag nagbreak tayo, susungkitin kita at hindi kita papakawalan.”


“Oi wag ka. Loko talaga to.”



“Hahahah. Pero salamat. Seryoso ako, salamat ng marami. I awe you a lot. I love you pre.”


“Yiieh. Siya, bitaw na. Mamaya nan halikan mo pa ako eh.”


“Oo na. sige na.”


“Nga pala, tawagan mo si Charlene mamaya. May sasabihin sya sayo.”


“Tungkol saan?”


“Basta.”


“Okay.”


“Alis na ako.”


“Sige. Ingat.”


“Yung sinabi ko sayo.”


“Oo na. pag-iisipan ko.”


“Shet pre, anong pag-iisipan?”


“Basta yaan mo na ako.”


“Ang gulo mo kahit kalian, nakakaasar na pre.”


“Tsss. Give me time.”


“Tara nga.”


“Saan tayo pupunta? Teka nga bitawan mo ako, may klase pa ako oh.”


“Wag ka ng maarte. Pupunta tayo doon sa mahal mo.”


“Pre naman oh.”


“Ayusin mo na ang lahat. Wag ka ng magdalwang isip.”


“Di ko pa kaya.”


“Kailan mo pa makakaya ha, kapag nalaman na ni Kieth?”


“Haixt. Oo na.” 



Wala na akong nagawa kundi ang sumunod.


Ilang minuto lang din ay nakarating kami sa bahay nila Alex. 


Parang may kung anong bomba na mayroon sa akin at anytime at the moment ay sasabog ito. 


Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. 


Kanina ko pa iniisip sa utak ko ang mga salita na dapat kong sabihin.


“Pre nakakatuwa yang mukha mo. Mukha kang bibitayin ngayon eh, chill lang ano.” Sabi niya


“Pre naman, ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko?”


“Ang arte eh parang di lalaki.”


“Oo na sige na papasok na po. Mamaya sabihin mo na puta na ako.”


“Hahaha. Di naman ganun pre.”


“Tsss.” At pumasok na ako ng bahay.


“Hello po tita. Good evening po.” Sabi ko kay tita.


“Good evening din iho. Oh iho, nagkausap na ba kayo ni Charlene?”


“Pupuntahan ko na lang po siya mamaya sa bahay po nila.”


“Mahalaga kasi yun.”


“Mukhang may idea na nga po ako eh.”


“Hahahah. Sumunod ka na lang kay Charlene ha.”


“opo. Tita, nariyan po ba si Alex ngayon? Gusto kop o sana siyang makausap eh.”


“Nasa taas siya anak. Alam mo naman, nagmomongha na, naghihintay ng tawag ni Kieth.”


“Ah ganun po ba. Sige po aalis na lang ako.”


“Naku iho dumito ka muna. Makikiusap lang sana ako sayo.”


“Ano po ba iyon?”


“Kung pwede samahan mo muna ang anak ko. Kailangan ka niya ngayon. Pasiyahin mo siya. Sobrang lungkot na niya eh. Marami atang iniisip na kung anu-ano.”


“Ano po bang nangyari?”


“Alam mo na,  ayon nagmumukmok at malungkot. Namimiss ang boyfriend.”


“Okay po. Sige po ako na po ang bahala.”


“Salamat iho. Kumain ka na ba?”


“Hindi pa po eh.”


“Yaan mo ipaghahanda kita ng hapunan”


“Salamat po.” Sabi ko.


Nasa may pintuan ako ng kwarto ni Alex nung marinig ko ang boses niya. 



May sinasabi siya kaya pinakinggan ko ito.


 Sinilip ko siya at nakita na nakahiga siya sa may kama.


 Pinagmasdan ko siya habang nagsasalita.






“Kieth please naman magparamdam ka na, kung alam mo lang nahihirapan na ako dito. Haixt. Gusto na kitang makasama, mahal na mahal kita, at nahihirapan na akong malayo ka sa akin.”


Habang pinakikinggan ko siya, di ko maiwasang maawa sa kalagayan niya pero sa kabilang banda, ang sakit sa parte ko. 


Ano pa bang magagawa ko eh wala naman talaga akong puwang sa puso niya. 


Hanggang ngayon eh nangungulila pa rin siya sa boyfriend niya.


“Pero mahal… sa pagkawala mo may nagagawa akong kasalanan…” sabi niya


Kasalanan? 


Ano yun? 


Interesado akong malaman. 


“Kasalanan na hindi ko sinasadyang magawa. Maniwala ka sa akin, pinilit kong labanan, pero nabihag na ako ng aking nararamdaman.”


Nakita ko siyang nagpagulong-gulong sa ibabaw ng kanyang kama. 


He look so stressed, tired and haggard. Haixt. 


Kawawa naman si yats. 


Gusto ko na siyang sunggaban ng yakap dahil sa gusto kong maramdaman niya na narito lang ako at hindi siya iiwan. 


Hindi nga ba?


“Mahal… sorry kung nagkakaganito ako. Kung bakit nahahati yung nararamdaman ko sa inyong dalawa ni… Ni RD…”


Ako? 


Nararamdaman? 


May nararamdaman siya sa akin? 


Hindi kaya, may puwang ako sa puso niya? 


Hindi kaya mahal na din niya ako? 


Nakaramdam ako ng tuwa sa aking dibdib.


 Patuloy ko pa rin siyang pinakinggan.


“Nalilito na ako kung ano ang nararamdaman ko. Minsan iniisip ko na ikaw siya. Eto ba ang resulta ng pagkakalayo mo sa akn? Alam kong mali pero hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ito? Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko.” Sabi niya


Hindi, hindi mali yan. 


Mahal din naman kita eh. 


Ipaglaban natin yang nararamdaman mo. 


Ipaglaban natin please, sabihin mo lang sa akin na handa kang ipaglaban yan.


 Haixt. Pero tama ba to?


“RD… nakakainis ka… bakit pa? Bakit kasi ako pa ang minahal mo? Bakit ganyan ang pakikitungo mo? Nahuhulog tuloy ako. Mali naman to diba? Pero ayaw kitang saktan. Gusto kitang bigyan ng chance pero si Kieth… siya ang buhay ko ngayon. Siya ang baga ng apoy ko. Siya ang dugo ng katawan ko, kapag wala siya, wala rin ako ngayon.”


Wala ba talaga akong panama kay Kieth? Haixt. 


Ano bang meron siya na wala ako? 


Ano bang dapat kong kainin para lang matumbasan siya?


 Lahat ng imposible naman sinusubukan kong gawin eh. 


Bakit ba hanggang ngayon eh hindi ko maunahan si Kieth?


“RD!!!!” sigaw niya


Nagulat naman ako kaya pumasok na din ako. 


 Nabigla na rin ako sa ginawa ko kaya wala ng atrasan ito. 


“Miss mo ako?” ang tangin nasabi ko.


Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. 


Agad siyang kumuha ng unan at itinakip sa mukha niya. 


Nahiya tuloy ako sa ginawa ko.


 Nag earsdrop ako sa kanya at alam kong mali ito.


“Anong ginagawa mo dito?” sabi niya


“Gusto ko lang sanang makipag-usap eh.”


“Ah eh… ka-kanina ka pa jan?”


“Medyo.”


“Nari…ri…rinig mo lahat?”


“Medyo nga.”


Tinanggal niya ang unan niya at ibinato sa akin.


 “Napaka manhid mo! Nakakainis ka.”


“At ang manhid mo din!”


“Nakakainis. Ayaw nga kitang makita diba? Ayaw kitang makasama! Kaya iniiwasan kita pero nandito ka! Argsh. Ala mo ba lalo mo akong pinapahirapan?”


“Ayaw mo akong makasama pero sinisigaw mo ang pangalan ko.”


“that’s different.”


“Miss mo ako diba?”


“No!”


“Gusto mo ako diba?”


“Of course not!”


“At… mahal mo ako diba?”


“Defenitely not!”


“Don’t deny it… Narinig ko nga diba?”


“Dahil tsismoso ka!”


“If you deny it… I will kiss you and … make you mine.”


Tumahimik siya bigla. 


He’s such a cute angel. 


Napatingin ako sa mukha niya. 


Kakaibang bomba na ang nasa katawan ko ngayon.


“Nagpunta lang ako dito para makipag-ayos.”


“Okay.”


“Pero Masaya ako sa nalaman ko. You make me happy this night.”


“Do we really need to talk?” tanong niya


“Definitely.”


“Di rin ako sanay eh.”


“Kasi you miss me.”


“Ewan.”


“Don’t deny it… or else…”


“Okay… then I miss you. I miss your hug.. I miss your touch.”


“My kiss?”


“Next topic please.”


“Hahaha.”


“Wag kang ganyan… lalo akong naiilang.”


“Nagwa-gwapuhan ka sa akin ano? Shit yats, kinikilig ako ngayon.”


Tangina this feeling, daig ko pa ang mamatay sa kilig eh. 


Bakit ganito ang nararamdaman ko? 


Napapangiti ako ng sobra.


“No.”


Lumapit ako sa kanya ang using my sexy voice. 


Alam kong naattract siya sa sexy voice ko. 


“Are you?”


“Please get away from me.”


“hahaha. If you see your face. Namumula ka oh.”


“It’s your fault.” Nakita ko siyang nagtungo. “But I think I love you…” nagulat ako sa sinabi niya


Natahimik kaming dalawa sa sinabi niya. 



Nakatingin lang siya sa akin at kitang-kita ko na any moment ay tutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.


“Hey.. don’t cry.”


Umiyak siya simula noong niyakap ko siya. 


Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak niya at walang humpay ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Am I too over for this?


“Napaka-makasalanan ko.” Sabi niya


“I feel guilty sa mga nararamdaman mo.” Sabi ko.


“Hindi… ako to eh. Ako ang nakakaramdam. Alam kong mali ang lahat ng ito pero heto pa rin ako, niyayakap ka..”


“Isa lang ba akong pagkakamali sayo?”


“Hindi… hindi yun ang ibig sabihin ko. Ang sa akin lang… mali ang ginawa ko.”


“Yan ang nararamdaman mo kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Nagmahal ka lang naman eh, ginulo lang kita kaya wala kang kasalanan.”


“Sorry… sorry kung hindi ikaw ang pipiliin ko.” Sabi niya


Sobrang sakit nung sinabi niya. Kailangan ko naman talagang tanggapin na kahit kalian ay hindi niya ako pipiliin. 


Mamatay man ako ngayon eh hindi niya ako pipiliin.


“Handa naman akong maghintay.” Ang nabitawan kong linya.


“Wag… maghanap ka ng iba…” sabi niya


“Gusto kitang ipaglaban pero naduduwag ako… naduduwag ako na baka sa bandang huli, magsisi kang mahalin ako.”


“RD…”


“Yats… mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero eto ako duwag na humaharap sayo. Mahal kita bilang kaibigan… bilang kapamilya… pero higit pa sa isang kaibigan… maghihintay ako… maghihintay ako sayo.”


“Maraming iba pa jan… mas okay sa akin… mas bagay sayo… mas mabait sa akin… mas okay sayo…wag na lang ako.. masasaktan ka lang sa akin.”


“Hindi mo maipipilit ang isang bagay. Lalong nagtibay ang nararamdaman ko sag a nalaman ko. Kung alam mo lang gusting-gusto na kitang angkinin ngayon para wala ng babalikan si Kieth sayo.”


“RD naman…”


“Yaan mo na… I just fell in love in the right person at the wrong time…”


“Mahal din naman kita…”


“Pero mas mahal mo siya…”


Di siya nakasagot. “Alam mo… isa lang ang masasabi ko… Distance is just a test… on how far Love can travel.”


Nakita kong nag taas siya ng tingin sa akin at hinawakan ang kamay ko.


 “Di ko alam ang sasabihin ko sayo…” sabi niya


“Malakas ako yats..m kaya ko sarili ko. Sana kaya mo rin ang sarili mo.”


“Na-aalala ako sa nararamdaman mo.”


“Immune na to ano ka ba. Sabi ko nga sayong malakas ako.”


“Kung malakas ka bakit ka umiiyak ngayon?”


“Hindi ah… uhhm.. di ako umiiyak… ah eh.. napuwing lang ako.” Pinahid niya ang mga luha ko.


“Kahit na sobrang nasasaktan ka na… minahal mo pa rin ako… mahal pa ng sobra sobra.”

“Alam mo naman kung ano ang kaya kong gagawin  para sayo.”


“Pakatatag ka ha.”


“Malakas ako… malakas na malakas… yung tipong iiyak ko ang lahat buong gabi… at pag gising sa umaga… sasalubungin ko ang araw na may ngiti.”


“Please… dito ka lang sa tabi ko ha.. best friend kita…. Ano man ang mangyari?”


“Oo naman. Ikaw pa. more than best friend pa nga tatanggapin ko eh.”


“RD naman oh.”


“Just kidding. Tawa ka na oh. Smile.”


“Salamat. Di ko alam kung paanong gagawin ko kung wala ka.”


“Isang kiss nga jan.” sabi ko.


Di naman siyang nag-atubili at hinalikan niya ako sa labi. 


Ikinagulat ko naman ang ginawa niya at napatulala na lang sa kinatatayuan ko.


“Natulala ka na jan.”


“Pwede na akong mamatay.”


“Timang ka kahit kalian.”


“Hindi ko pinagsisishan ang aksidenteng nangyari sa akin… ang mahulog sa yo…”


“Kahit kailan ang corny.”


“Alam mo tandaan mo lang to… maraming bagay ang mabilis na nawawala sa panandaliang panahon.. pero ako, mananatilit sa tabi mo anuman ang mangyari at gaano man katagal ito.”


“And that’s why I am great to have you in my side.”


“Tama na nga ang drama… birthday mo na bukas eh nagdra-drama ka pa din.”


“Haixt.” Napabuntong hininga siya.


“Dahil na naman kay Kieth?”


“Di pa rin siya nagpaparamdam.”


“Kaya dapat ako na lang ang pinili mo eh.”


“LOL.”


“Just kiding. Yaan mo nandito naman ako. Dito na lang ako matutulog, para kung sakali man na hindi siya nagparamdam, narito naman ako para iparamdam na hindi ka nag-iisa.”


“Salamat.” Ngumiti siya ng pilit.


“My heart will always be yours.” Sabi ko.


“Dumali ka na naman ng mga linya-linya.”


“Para naman ma distract ka.”


“Kumain ka na ba tabs? Namamayat ka na oh? Mahirap na, wala kaming kakatayin sa fiesta. May feeds ata kami jan sa baba oh.”


“Oh? Di nga? Weh? Adik lang,  teka bakit may feeds kayo? Wag mong sabihing ginagawa mo ng candy yun?”


“Wew. Tara na nga.”


“Hahaha. Oo nga pala pinaghanda ako ni tita.”


“Tara na nga. Haixt.”


Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Charlene.


 “Hey.”


“Hoy!’ sagot niya


“Di ako makakapunta. May problema ang magaling mong best friend.”


“Aww. Bakit?”


“Si Kieth.”


“Okay na ba kayo? Ang sweet ha, to the rescue ka pa din.”


“Maybe. Hahah. Ako pa, magaling ako sa mga bagay-bagay.”


“Ang showiz ng sagot.”


“Ganun talaga.”


“Great! Basta mag-uusap tayo sa phone bukas ha. I will give you instruction.”


“okay.”






[Alex’s POV]




Kasama ko ngayon si RD sa kama ko at naghihintay sa pag online ni Kieth. 


11:45 na at ang usapan namin ni RD na matutulog na kami kapag di pa rin siya nagaramdam hanggang alas dose ng gabi. 


Umaasa ako kahit imposible na. 






Nakakainis, nadudurog ang puso ko.






“Wag mo ng hintayin.” Sabi nito.


“Konti pa. Alam ko susurpresahin niya ako… alam ko…”


“Haixt. Eto o chocolate.”


“Salamat.”


“Pwede favor?”


“Ano yun?”


“Higa ako sa lap mo ah.”




 Mabilis naman siyang kumilos at naiayos ang sarili niya.


“May magagawa pa ba ako? Mabilis pa sa alas kwatro yang galaw mo.”


“Wala ka ng magagawa. Pagbigyan mo na ako, minsan lang to.”


“Nagpaalam ka pa.”


“Formality lang yun. Hahaha.”


“Sus. Mamaya mag enjoy ka jan ng sobra at mahalin mo ako ng sobra.”


“Oo susulitin ko na to. Uhhm. Kahit naman di mo sabihin, mahal na mahal na mahal kita ng sobra.”


“Wag ka nga, dumadali ka na naman jan sa mabubulaklak mong salita. Teka nga, bakit inaamoy mo yung lap ko?”


“Wala lang.”


“Loko ka.”


“Hahahah. Para masanay na ako. Later on di lang yan maamoy ko.”


“Bastos.”


“Di ah. Yung katawan mo pwede kong maamoy diba?”


“Ewan sayo.”


“time check.”


“11:50…”


“10 minutes na lang…”


Ang tagal niyang mag-online. 



Tinatawagan ko na rin siya pero di siya sumasagot.



 Di kaya may masamang nangyari sa kanya?


“Inaantok na ako…” sabi niya


“Tulog ka na.”


“Alam mo namang hindi kita pababayaan.”


Kung alam mo lang RD, gusto kong umiyak ng umiyak ngayon. 


Nakalimutan ba nya na birthday ko? Haixt. 


Di ba niya naisip na nag-aalala ako sa nangyari sa kanya. 


Nakakainis siya kung yun ang mangyari.


“If there comes a time when we can’t be together, keep me in your heart and I’ll stay there forever.” Nagulat ako nung magsalita siya.


“I’m hurt…” ang nasabi ko na lamang sabay ng pagtulo ng mga luha ko.


“One day this will all be memory and you will fine.”


“Nasasaktan ako ng sobra… nasasaktan ako… ayoko ng ganito.. ayoko nito… ayokong mag-isip ng ganito. Tungunu! Sobra. Taena ng lahat ng ito!”


“everything happen for a reason.”


“Kinalimutan niya ako… kinalimutan niya ako!”


“Trust me… I’m sure there’s a reason behind this.”


“Let’s sleep…” patuloy pa rin ako sa pag-iyak.


“Di mo na iya hihintayin?”


“It’s already 12:00” sabi ko.


“Pero alam kong aantayin mo siya hanggang umaga.”


“Ang sakit na… ang sakit sakit na.” humagulgol na naman ako.


“Psssh. Tahan na… ayokong nakikita ka ng ganyan.”


Pinahid niya ang mga luha ko at niyakap ako ng mahigpit. 



“Happy birthday…” bulong niya sa akin.


Humarap naman ako sa kanya at ngumiti kahit papaano.



 “Salamat. Tulog na tayo.”


“Tahan na ha.. ang panget tignan. Mamumugto ang mata mo bukas.”






“Pwedeng payakap?” ngumiti siya sa akin at niyakap niya ako ng sobrang higpit. 



Hinawakan ko ang mukha niya sabay inilapit ang aking mukha sa kanya at idinampi ang aking labi sa kanyang mga labi.




(Itutuloy)

No comments: