Saturday, October 22, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 20)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.


            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)


            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html
           
             Pangalawa, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)



             Muli ay gusto ko pong magpasalamat kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, Jeffrey Paloma, Erwin Fernandez, yamiverde, MM, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, iNNOH, Jayzon13, flashbomb, jazzmotus, blue, RGEE, Coffee Prince, Free Movie Downloads, Andrei, jesome colagong,  JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, psalm, sesylu, maakujon, bluecho13, Neon, nick.aclinen, Jhay L, rheinne, jesome, Uri_KiDo, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILDJIAN, Dave17, Ako si 3rd, Steffano, Ross Magno, M.V, JC, roman (roohmen), kokey, Brian_stephens, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J



             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!

>>>> Sya nga po pala, tulad ng ipinangako ko sa lahat, na magpapakilala ko sa inyong lahat. Well.. ito na po ako. :)



>>>>> dark_ken





Si Jerry…..


            Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay naramdaman ko nlng ang pagbagsak, at pagsalo sakin ng di ko alam kung sino. Nakayakap lang xa at napayakap na din ako ng mahigpit. Hindi ko na tiningnan kung sino pa man yun at nagiiyak na ko. Basta gusto ko lang ng makakapitan sa ngayon. Dahil napakasakit para sakin ng nasaksihan. Nakatakip pa rin ang aking mga kamay sa bibig habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Hindi pala madali. Akala ko pag naamin ko na sa sarili ko ang lahat, okay na. Pero hindi pala. Dahil kahit anong pilit ko di isipin ay paulit ulit ang eksenang nakita ko; Ang paghahalikan ni Art at ng gf nya.

            “Tama na.. Tahan na..”, sabi ng sumalo sakin. Dun ko napagtanto na di ko kilala ang taong sumalo sakin. Nang maisip ko ito ay agad akong tumingin sa mukha ng taong nakayakap sakin. Ngunit nabigla ako at napaatras ng makita ko kung sino pala ang nakayakap sakin.

            “Philip…..?!”, nagulat ako ng makita na sya pala ang sumalo sakin.

           “Jerry…..”

            “Anong ginagawa mo pa dito?!”

            “Kasi Jerry gust..”

            “Anong gusto mo? Na makita kong ganto? Masaya na kayo? Ikaw?! Masaya ka na?! Masaya ka na, na ako na ngayon ang nasasaktan? Na ako na ang kawawa? Na ako na ang magisa at napagiwanan?”

            “Jerry, no.. let me explain..”

            “Explain?! Sige! Alam mo, yan ang matagal ko ng hinihintay marinig sayo! Ang paliwanag mo!! Bakit ba kailangan pa humantong sa ganto?! Di ka ba naawa sakin?!”

            Natahimik lang si Philip.

            “BAKIT DI KA MAGSALI…!!”, pagtataas ko ng boses. Na bigla naman nyang cinut. Naramdaman ko nalang na hinalikan nya ko. Nilapat nya ang mga labi nya sa labi ko. Hanggang sa naramdaman ko din ang pag agos ng luha nya. Tinulak ko sya ng papalayo ng buong lakas. Pagod na pagod na ko. Puro nalang ba halik ang sagot nila sakin?! Gusto ko marinig ang sasabihin nila!!

            “Would you guys stop kissing me without permission!!! Ngayon, magpaliwanag ka!”

            “Jerry, bago ang lahat, pwede buksan mo muna ang regalo ko sayo?”, pagmamakaawa nyang sinabi sakin. Nagisip ako kung pagbibigyan nga ba sya o hindi. Pero ano pa bang mawawala?! Ito rin naman ang gusto ko. Kaya kinuha ko sa bulsa ang reglaong ibinigay nya at binuksan ito.

            Nang mabuksan ko ito ay mas lalo akong naiyak. Humahagulgol na ko dahil sa laman ng regalo nya.

            “This was the same exact bracelet I gave you ng birthday mo diba..”, umiiyak kong sinabi. Nanginginig ang mga tuhod ko at kalmnan ko. Napahalik ako sa bracelet na binigay nya sakin. Hanggang sa napasabunot sa sarili at napasandal na nakaupo. Hiniga ko ang ulo sa aking mga binti habang umiiyak. Tandang tanda ko ang mga tagpo nung binigyan ko sya ng ganto nung kaarawan din nya. Naalala ko ang tingin ko saknya at ang mga malamang tingin nya sa akin habang sinusuot ko ang bracelet sakanya.

            “Jerry, binili ko yan matagal na. Binili ko yan nung panahong nagkita tayo sa mall bago mag prom. Uuwi na sana ako ng gutumin ako at nagkita tayo sa Mcdo. I was also about to talk to you ng magkita tayo sa cr ng hotel nung prom..”, sabay may nahulog sa likod ni Philip na parang isang papel.

            “Philip! Hindi yan ang gusto kong marinig! Ang gusto kong malaman ay ang lahat ng paratang mo sakin! Kung bakit ganun ang mga salitang binitawan mo sakin?! Kung bakit nakuha mo kong ipahiya sa lahat!! Kung paano mo ko nagawang saktan ng ganto!”

            Hindi sumagot si Philip at sa halip ay muli itong lumapit at niyakap ako ng mahigpit. Nilock nya ang mga braso ko upang di ako makagalaw sabay hinalikan nya ko sa labi. Umiwas ako at pilit na tumitiwalag sa pagkakayakap nya. Ngunit sadyang malakas sya kaya di ako makawala. At sa twing sisigaw ako ay tinatakpan nya ang labi ko gamit ang labi nya. Naging mapanghangas ang mga halik na yun. Malakas sya at di ako makawala. Hinahalikan pa rin nya ako. Dala ng pagkahilo sa alak, panghihina ng tuhod sa pagiyak ay mas nawalan ako ng lakas kaya di ko tlga magawang kumalas sa yakap nya. Nagulat na lang ako ng makarinig ako ng isang “BLAAAGAAG!”

            Ang sunod na naalala ko nalang ay nakita ko si Art na biglang pumasok at sinuntok si Philip. Di ko na madetalye ang nangyari dahil sa bilis nito. Basta naalala ko na lang na andun din sila Jenny, Ben, Leah, Cherry, James, Erwin, Gab at ako na inaawat silang dalawa sa pagrarambulan.

            Nahawakan ni Ben, Leah, Cherry, at si James si Art at kami naman ni Jenny, Gab at Erwin ang pumigil kay Philip.

            “Tang ina mo pre!”, pasigaw na sabi ni Art kay Philip.

            Tahimik kaming lahat bukod sakanilang dalawa.

            “Ano bang problema mo?!”

            “IKAW!! Ikaw ang problema ko!! Ano ba sa tingin mo ginagawa mo kay Jerry?!”

            Nagulat ako sa sinabing yun ni Art.

            “Wala kang paki! Ano bang paki mo?!”

            “Anong paki ko?!  Eh siraulo ka pala talaga ee!!! Bat mo hinahalikan si Jerry?!! Diba ikaw tong may sabing bakla kami dahil nahuli mo kaming magkayakap ni Jerry!!!!!! Dinala ni Jerry lahat ng pananakit na ginawa mo sakanya!! Tapos ngayon, hahalikan mo sya?! E Gago ka pala ee!!!”

            “Huh!!! Magmalinis ka!! Magmalinis ka na ako lang ang nanakit kay Jerry?!!! E ikaw?!! Diba ikaw din tong nangiwan sakanya?! Wag mong sabihing ako lang ang nanakit sakanya dahil alam mo rin ang ginawa mo!!”

            “Eh gago ka pala tlga ee!!!”, sabay buong lakas na kumawala sa mga pumipigil at sumuntok uli kay Philip. Nabitawan naming si Philip ng sinuntok sya kaya nagsimula nnmn ang rambulan ng dalawa.

            “TAMA NAA!! TAMA NAAAA!!! TAMA NAAAAAAAAAAA!!!!!”, biglang sigaw ko at suntok sa pader. Ramdam ko bigla ang pamamanhid ng kamao at alam kong may sugat ito dahil sa twing natutuluan to ng pawis ko ay kumikirot ito.

            Mukha namang effective ang ginawa ko dahil tumigil ang lahat. Lahat ay nakatingin sakin habang umiiyak ako at nagdurugo ang kamay. “Tama na.. please.. tama naaaaa…. Ayoko na…..”

            “Philip…. Bakit nga ba?”, umiiyak kong tinanong kay Philip.

            Tumahimik ang lahat. Si Philip naman ay nagpunas ng luha at ng dugo na umaagos galing sa ilong nya.

            “Oo! Gago na! Siraulo at tanga na ko!! Ako na lahat!!”

            “Sagutin mo ang tanong ko Philip!!”, sabay lumapit sakin si Philip.

            “OO!! Nasaktan ako!! Nasaktan ako ng mapansin kong iba ang pagkasweet sayo ni Art! Nasaktan ako nung panahong nakikita kong sweet kayo ni Art!! At mas nasaktan ako ng makita kong magkayakap kayo ng hayop na yan!!”

            “Nasaktan…?”, bulong ko.

            “Jerry! Oo!! Hindi ako tanga para hindi isipin na cinocomfort mo lang xa nung mga panahon na yun!! Pero masisisi mo din ba ko na masaktan dahil kita ko na sweet kayo?! At ng mga nagdaang araw ay puro Art nalang ang bukambibig mo! Magkasama man tau, Art pa rin ang laman ng bibig mo! Puro na lang sya! Pano naman ako?!! Hindi ko na din alam ang gagawin ko non. Taena naman Jerry MANHID KA BA?!!!”

            Natulala ako sa sagot ni Philip. Hindi ko inaasahan ang mga sagot na yun mula saknya. Mula sa iyak ay tulala at windang ang reaksyon ko.

            “Manhid…..?”

            “Jerry, tanga ka ba?! Bakit sa tingin mo hinahalikan kita noon??!! Bakit sa tingin mo ibang atensyon ang ibinibigay ko sayo kaso sa iba nating mga kaibigan?!  Tinatanong mo ko kung bat ako nasaktan?! KASI NAGSESELOS AKO!!!”

            Natameme ako sa sagot ni Philip. Actually, may ideya naman talaga ako na nagseselos sya. Pero ngayong nakumpirma ko na ay di ako makapaniwala. Hindi ako nakasagot.

            “OO Jerry! Nagpakatanga at nagpakagago ako kasi nagseselos ako!! Nasaktan ako kasi nagseselos ako!! At nagseselos ako KASI MAHAL KITA!!! NOON PA LANG MINAHAL NA KITA!!! Kaya nasasaktan at nagseselos ako kasi mahal kita!! Hindi mo ba makuha yun!!! Jerry, mahal kita!!”

            Sa sinabi nyang yun ay napahawak ako sa bibig at napaluha ako. Sa totoo lang, yun ang mga katagang pinangarap ko sa sarili ko na sabihin nya sakin. Pero humantong na kami sa ganto.

            “Ikaw ang naging rason kung bakit nakalimot ako agad kay Emily!! Ikaw ang naging rason ko kaya bat naging masaya ulit ako!!! Hindi ko man sinasadya pero pagkatapos nun ay ikaw na ang pinangarap ko na makasama palagi. Ayoko aminin sayo noon na mahal na kita dahil di pa rin ako sigurado noon! Pero nung nakita kong magkayakap kayo ni Art, nakumpirma ko na sa sarili kong nagseselos nap ala ako. Bakit?! Kasi mahal nga kita. Pero nung makita kong sobrang sweet nyo ni Art ay akala ko ay wala na akong pag asa sayo. Kaya sinubukan ko palitan lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sayo ng galit. Alam ko mali Jerry! Alam kong mali!!”

            Tahimik ang lahat. Walang ni sino man ang nagtangkang magsalita. Nakita ko na medyo confused ang girlfriend ni Art sa mga nangyayari. Kita naman kaila Ben, Leah, James at Jenny ang pagka taranta, at si Art naman ay gulat ang reaksyon. Ako? Di ko alam, umiiyak lang ako, pero di ko alam kung ano nga ba nararamdaman ko o ang dapat maramdaman ko. Galit? Dahil eto, gulo nanaman? Masaya, dahil finally, narinig ko na mismo mula kay Philip ang dati ko pang gustong marinig? Lungkot? Pagkagulat? Hindi ko na alam. O sabay sabay ko siguro nararamdaman yun.

            “Jerry, naduwag ako. Naduwag akong sabihin sayo na mahal kita. Pero totoo, noon pa lang minahal na kita!!”

            “Alam mo Philip.. Hindi ako naniniwala sayo. Kahit sa totoo lang, gustong gusto kong maniwala sayo. Gustong gusto kong maniwala na mahal mo nga ako. Pero pagmamahal ba ang tawag dito? Look at us.”

            Lumapit sakin si Philip.

            “Jerry, mahal na mahal kita. All I need to know is kung mahal mo din ba ako.”

            Napaiyak ako sa ginawa nya. Tiningan ko lang sya sa mga mata nya at nagiiyak. This was the scenario Ive been dreaming to myself sa twing nagkakatinginan kami. Sa twing nagtatagpo ang aming mga nangungusap na mata. Ang ipagtapat nya na mahal nya ako. Pero ayan pinagtapat nya na. Pero when things were already at its worst.

            “Philip, kung alam mo lang kung gaano ko gusto sabihin sayo na mahal din kita. Pero pag sinabi ko ba sayong mahal din kita. Happy ending na? Na lahat ng sakit mawawala na? As much as I want to tell you I do too, hindi ko magawa.. Masyado akong nasasaktan ngayon..”

“Jerry, patawad. Im so sorry..”, ito ang tanging nasabi ni Philip habang umiiyak.

“Philip… Sorry? Ganun ba kadali mawala yun pag nagsorry na? Pag naamin na sa mali? Ganun ba un kadali? Dahil ba pag nagsorry na, kailangan ok na ang lahat? Kaya ban g isang sorry tanggalin ang lahat lahat ng sakit na nagawa?”

Nagsimula nanaman ako umiyak.

“Jerry alam kong di ganun kadali mawala ang lahat ng sakit na dinulot ko sayo. Pero hayaan mo kong patunayan sayo na gusto kong bumawi sa lahat. Alam kong kulang ang sorry sa mga nagawa ko sayo.. Pero I think it’s a start..”

“Philip, hindi ko alam kung deserve mo pa ba yun. Tintrato kita ng maayos at wala akong pinakitang mali sayo. Pero kung gusto mo talagang malaman.. Oo. Oo Philip.. Minahal kita at kahit ngayon na sobrang sakit pa rin, minamahal pa rin kita. Pero hindi na rin sapat ang mahal lang kita. You literally shattered me into pieces..”

“Alam ko.. Kaya nga gagawin ko ang lahat para makabawi. I don’t care kung pulutin kita isa isa even if it means cutting myself from the broken pieces of you. Ako ang may gawa, kaya ako din ang aayos.”

“Philip, this is not something na kayak o pagdesisyunan agad. I just want to be alone for now..”

“Naiintindihan ko.. Pero kung para sayo, hindi ka pa makapagdesisyon.. Pwes ako, ngayon pa lang, nagdedesisyon na ko. At yun ay ang bumawi sayo simula ngaun.”

Tiningnan ko lamang sya habang tumutulo pa rin ang mga luha ko. Gusto ko sya yakapin, pero dahil din siguro sa mga sunod sunod na sakit na naranasan ko ay natatakot ako.

“Jerry.. Listen when I say this to you.. Hinding hindi na kita isusuko.. Not anymore..”

Tumungo lamang ako sakanya. Hinila naman sya nila Ben at Leah at pati na rin si James. Lumabas muna silang apat.

Nilapitan ako ni Art. Niyakap nya ako. Pero tumiwalag ako.

“Jerry…..”, mahinang sabi ni Art.

“Jerry what?! Ano?! I’m sorry din?! Gago ka Art!! Iniwan mo ko ng biglaan! OO! Alam ko, that time, ako ang may mali sayo! Nagsinungaling ako, made up excuses para umiwas. Pero enough reason ba yun? Was it enough reason for you to leave me hanging?”, sabay hawak sakin ni Jenny. Nilayo nya ng onti si Art at umiling.

“Jerry? Hanging?”

“What did you expect me to feel after telling me na mahal mo ko, then malalaman ko kinabukasan na paalis ka na ng Amerika? And leaving me with nothing but a gaddamn letter! Hindi mo alam kung gaano kadami ang iniyak ko. Bumaha ng luha nung mga araw nay un and the next days was hell!! Hindi mo alam na araw araw kong pinagdasal na bumalik ka. At ano ngayon?! Nagbalik ka na! Pero ano?! Malalaman ko, may girlfriend ka na! Alam mo, wala naman talagang problema kung may mahal ka ng iba. Pero para iwasan mo ko ng ganito? Knowing na may mahal ka ng iba is too much for me. Pero ang iwasan mo ko ng tuluyan?”

“Jerry, nasaktan ako nung mga panahon na yun. I had to get over my feelings for you. I know mali, pero I assumed na di mo ko kaya mahalin.”

“So now youre speaking in my behalf? Pinangunahan mo ko. Did you know how devastated I was when you left?! Hindi mo alam kung gano ako nasaktan sa ginawa mo.”

Natahimik lang si Art.

“Just so you know Art… Minahal kita..”

Nagulat si Art sa sinabi ko.

“Minahal mo ko?”

“Oo Gago ka! Art.. Minahal kita. I was ready to tell you that nung bigla kang umalis.”

“Shit! Is that true? Pero si Philip?

“Oo, kung yung totoo ang gusto mo marinig, minahal ko si Philip before you. Pero I saw your efforts, ang pagtyatyaga at paginitindi mo sakin. Im lucky enough to have you because of the things you did for me. But I was luckier to know that you love me.”

Nagiiyak si Art at di alam ang sasabihin.

“Alam nyo, kung ako papipiliin, mas pipiliin ko na maging magkakaibigan na lang tayo. Na walang ganto, ng walang nasasaktan.”, pagiiyak ko.

“Jerry.. Hindi ko alam…”

“Oo.. Kasi hindi mo inalam…..”

Nakita ni Jenny na hindi ko na nakakayanan ang mga nangyayari kaya lumapit na sya sakin. Pinaupo nya ko sa kama.

Sinabihan ko si Jenny na sya lang sana ang gusto ko munang makausap. Kaya pinauwi na muna ni Jenny ang mga natirang tao at nagpaiwan muna sya. Umiiyak lang ako habang sya naman ay pinapatahan ako.

“Jen, how did it come to this? And why like this?”

“Jerry, kahit ako nabigla. Pero atleast you got what you wanted. Narinig mo na ang side ng bawat isa at nasabi mo na ang gusto mo.”

“Oo, pero bat di nya pa noon sinabi..”

“Aaminin ko sayo Jerry, I knew about it. I mean, ang nararamdaman para sayo ni Philip. And I guess, alam mo naman din siguro yun. Takot lang kayo aminin sa isat isa.. Sabi ko naman kasi sayo noon pa. Pakatotoo na kayo. Get over stupidity and just do what you have to do. Things would’ve been easier if you guys just admitted it to each other earlier. Pero hindi nga ganun ang nangyari. Pero Jer, I understand them both. They were competing against your love. Buti ka nga ganyan ee. Dalawa dalawa pa naiinlove sayo dba. That alone, dapat thankful ka na.”

“I am indeed thankful for that Jen,pero kung sana noon ko pa inamin sa sarili ko..”

“Jer, huwag. Don’t dwell in the past. Don’t live a life with “what ifs”. Yan na ang sinasabi sayo ng realidad so deal with it. Jer, direchong tanong, sino nga ba ang mahal mo sakanilang dalawa?”

Natahimik ako sa sinabi ni Jenny. Pinilit kong inisip ang lahat. Sinariwa ang lahat. Sinet aside ko muna ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

“Jen, if I would choose. Gusto ko sana bestfriends nlng talaga kami. Sana we were just plain bestfriends. Walang ganto. Pero given the situation. Jen, noon pa lang minahal ko na si Philip. Kahit pa alam kong mahal din ako ni Art. Kaya nga pinipilit kong magkaayos kami. Kaya nga ba pinuntahan ko sya that time sa malate kahit pa pinahiya nya na ko noon. But then, nung wala na kong nakitang pag asa between us. Dun ko na nakita at binuksan ang puso ko para kay Art. Panahon nlng ang hinihintay ko para magkaroon ako ng lakas para sabihin kay Art na mahal ko rin sya. Pero when that moment finally came, wala na sya. You know how much pain I was in when he left.”

“I know Jerry.. I know..”

“Now Jenny, you tell me.. How am I suppose to choose between them?”, mangiyak ngiyak kong sinabi.

“Ahm… Jerry, like nung una kong sinabi ko sayo. Start with yourself. Ngayon alam mo na ang nararamdaman nila para sayo. Its time for you na alamin naman kung ano ang nararamdaman mo. Get over this muna and fix yourself. I advice you not to choose between them. I mean not now.”

Tama si Jenny. Now is not the right time for me to choose between them. Siguro nga I have to estimate myself and evaluate kung sino nga ba ang nararapat. And besides, I can only choose one of them.

Gumaan na rin ang pakiramdam ko kahit papano. Kahit pa hindi ko inaasahan how things turned out. Masaya na rin ako, kasi nalaman ko na ang gusto kong malaman. Sa ngayon okay na ko dun. Nagpasalamat ako kay Jenny for being there for me. Niyakap ko sya bilang pagpapahiwatig how thankful I am.

“Jer, patawarin mo na ang sarili mo. Para mabuksan mo na uli yang puso mo. Tanggapin na natin kung ano mang mga nangyari. Let them start off with a clean slate. At ganun ka din. Alam ko hindi madali, pero yun ang pinakamagandang gawin mo sa ngayon.”

“Alam mo Jen, I always trust your judgements. May katigasan lang talaga ulo ko. Salamat. Siguro nga, patawarin ko na ang sarili ko. Masyado ng maraming galit ang inipon ko. Kailangan ko na isantabi yun dahil hindi rin naman to nakakatulong sakin.”

“Tama yan. Why cry over spilled milk when you can start with a cup of tea?”, nakangiting sabi sakin ni Jenny.

“Tama.. Ayoko na rin pahirapan ang sarili ko. Nakuha ko na rin naman ang mga sagot sa tanong ko.. Tama na siguro ang pagkakalugmok ko sa kalungkutan. Ayoko na rin patagalin to. Papakatotoo na ko….”

“Atleast, you know where to start..”

“Yeah..”

Pagtapos naming magusap ni Jenny ay inatid ko na siya sa labas at sinakay ng taxi. Bagong tuluyang sumakay ay niyakap nya ko ng mahigpit. At sa yakap nay un ay naramdaman ko ang pakikidalamhati sakin ng isang tunay na kaibigan. Ramdam ko sa mga yakap nya na para na rin nyang sinasabi na “Andito lang ako.” Pagtapos nya ko yakapin ay medyo gumaan at lumawag lalo ang dibdib ko. Pagbalik ko sa bahay, kahit pagod ay nilinis ko muna ang mga kalat. Ayaw ko muna din kasi magi sip. Gusto ko pagurin muna ang sarili para pag akyat ko sa kwarto ay makatulog na ako. At tagumpay naman ako, dahil pag tapos ko maglinis ay bagsak ako sa kama.

Nagising ako at gabi na pala. Malamang dahil sa sobrang pagod kaya ako nakatulog ng ganun kahaba. Pagkagising ay tumayo ako at naghilamos at toothbrush. Nang matapos ay agad kong naramdaman ang gutom. Maghapon ba naman ako walang kain.

Pagbukas ko ng kwarto ay nagulat ako ng bukas ang ilaw sa baba at rinig ko din ang tv. Agad agad akong bumaba. Pero pagbaba ko ay nagulat ako sa nakita.

“Philip?”

“Uy, gising ka na pala.”

“Anong ginagawa mo dito?”

Natahimik lang sya.

“Philip?”

“Ha.. Ah ee. Alam ko gutom ka na. Tara na sa kusina.”

Agad akong nagpunta sa kusina. Napansin ko na ang mga naiwan kong di naayos ay naligpit na. Pati ang mga basura ay wala na.

Menudo. Yan ang ulam ko. Sa dami dami ba naman ng pwedeng ulam. Ito pa. At after pa tlga ng nangyari kanina ha. Napaisip tuloy ako sa mga nangyari at sa mga nalaman ko. Finally, ngayon.. Alam ko na na mahal ako ni Philip. Alam ko na rin ang rason ni Art. Pero sapat na ba yun? Sapat ba na alam ko na?

Habang kumakain ako ay tahimik lang kaming dalawa.

“Jerry….”

Hindi ako tumugon. Gusto ko, pero di ko magawa. Ni hindi ko man lang sya matingnan. Bigla nyang kinuha ang kamay ko pero binawi ko agad.

“Jerry, hayaan mo kong bumawi….”

Tiningnan ko sya. Nakita ko ang pagmamakaawa sakanyang mga mata. Gusto ko maawa. Pero deserve nya ba ang awa ko? Deserve ba nya na bigyan ko pa sya ng chance? But then, naalala ko ang sinabi sakin ni Jenny bago sya umalis. Start with a clean slate. Patawarin na ang sarili.

“Jerry, I don’t care if you won’t talk to me. I don’t care kung dedmahin mo ko. Wala akong paki kung isnobin mo ko. Pero Jerry, hayaan mo sana ako na nasa tabi mo. I’ll prove to you na babawi ako.”

Natouch ako sa sinabi nya. Actually kinilig ako. Pero ayoko magreact agad. Hindi sa pakipot ako. Pero after so much pain? Ayaw ko maging easy. Pero kahit pa ang tagal na ng lumipas, kahit binaon na sya ng galit sa puso ko. Everytime na tinititigan nya ko, di pa rin maiwasan ang paglambot at ang pagtunaw ng puso ko para saknya. Napatunayan ko na I know somewhere deep inside me.. Sya pa rin ang tinitibok nito.

Natapos akong kumain at sya ang nagligpit ng aking pinagkainan. Agad akong pumunta sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Bumaba rin ako pagtapos. Naupo kami ni Philip sa sofa habang nanonood ng tv. Magkabilang dulo. Hindi kami naguusap. Tahimik.

Mas lumalim ang gabi at alam kong inaantok na si Philip. Halata din kasi na wala syang tulog at pahinga.

“Pahinga ka na.”, payak kong sinabi.

“Hindi. Hindi.. hindi pa naman ako pagod. Kaya ko pa. Ok lang ako.”, sinabi nyang nakatingin sakin na kinakabahan.

“Philip, kita nlng tayo sa school bukas.”

 “Jerry, please.. Ok lang ako.”, mas nagmamakaawa sya.

Naawa ako sa ichura nya. Halatang halata kasi na wala pa talaga syang tulog at pagod na talaga ito. May pasok pa man din bukas at may training pa sya. Kaya nilapitan ko sya at tiningnan sa mga mata.
“Sige na..”, sinabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.

“Jerry ok pa ko. Promise.”, pamimilit nya.

“Magpahinga ka na. (sabay ngiti ng konti) I’ll see you in school tomorrow.”, hanggang sa ngumiti na ko ng tuluyan.

             Pagka kita nya ng ngiti ko ay di na ito nagpumilit. Medyo masaya xa sa nakikita ko dahil yun naman siguro din ang hinihintay nya buong gabi. Ngumiti din ito sakin.

            “Sige, kita tayo bukas, ha.”, inaassure nya sakin. Tumungo lamang ako.

            Pagkahatid ko kay Philip sa gate ay agad akong pumasok sa kwarto. Pagpasok na pagpasok ko ay mejo maginhawa ang pakiramdam ko. Alam ko sa sarili ko na malaking parte ng sakit ay nawala na. Im not saying na wala na, pero siguro it doesn’t really matter anymore. This was what I wanted, maybe not exactly how I wanted it to be. Pero I guess, we really cant have it all..

            Gumising ako kinabukasan at naghanda para sa school. This time, handang handa na ko ayusin ang mga bagay bagay sa buhay ko. Hindi ko mamadaliin, uunti untiin ko. Slowly but surely ika nga.

            Pagpasok ko pa lang ng gate ay nakita ko na si Philip. Sa ichura nya ay halata mo na kanina pa sya naghihintay ng kung sino. Hindi naman kasi nya tambayan ang gate noh..

            “Good Morning….?”, nahihiyang sabi ni Philip na may ngiti sa mukha.

            Hindi ako sumagot. Instead, ngumiti lang ako ng bahagya at tuloy tuloy na paakyat ng room.

            Pagpasok ng room ay nakita ko si Art, pero hindi nya ko pinansin. At hindi ko rin sya pinansin. Siguro nahihiya sya o naghihintay ng timing o.. ewan.. di ko din alam ang rason nya. Pero sa ngayon, wala na muna kong paki. Mamahalin ko muna ang sarili ko.

            Tumunog na ang bell. Lunch break na. Agad nagbabaan ang lahat at nagtungo sa cafeteria. Kasama ko as usual sila Jenny at sila Ben sa lunch table. Pero ang kinagulat ko ng sumabay samin si Art at si Philip. Halata ang saya sa mukha nila Jenny. Kahit ako, masaya din naman, kasi after a long time, para kaming nag reunion. Its been a long time since nagsama sama ulit kaming buo at sabay sabay kumain sa lunch. Namis ko yun.. :)

            Dumaan ang buong maghapon at natapos ang klase. Pagkatapos ay agad na kaming dumirecho ni Jenny para sa training namin. Nakita ko nanaman si Philip sa dulo ng bleachers na nakaupo, tulad ng mga huling bwan. Hindi ko talaga alam ano bang ginagawa nya dun. Para syang may hinihintay na wala. Kung ako man yun, malabo.. Kasi kung ako talaga, edi sana nilalapitan nya ko after ng training.

            Natapos ang training at sumabay si Pusa samin ni Jenny pauwi. Kaso hinatid na muna naming si Jenny dahil gusto niyaya ako ni Coach Mingming na magdinner sa labas. Pumayag naman ako. Pumasok kami sa isang kainan malapit sa school.

            Pagpasok namin ay pinaupo nya ako at sya ang umorder ng pagkain habang naghihintay lang ako. Maya maya ay dumating na sya at hinain ang pagkain.

            “Wow! Menudo!! Paborito ko to ah!”

            “Talaga? Edi ayos! Hindi ko kasi alam gusto mo ee. Buti na lang tama napili ko.”

            “Oo! Saktong sakto! Ito talaga paborito ko ihh!! Marami nanaman akong makakain panigurado! Salamat ha!”

            Ang sarap talaga ng kain ko.After a hard day, nothing beats a good meal. :) After kumain ay hinatid nya ko sa bahay. Pinapasok ko muna sya sa loob at nagkape muna kami sa sofa habang nagpapatugtog ng music. Napansin ko naman ang biglaang pagbabago ng mood nya. Parang naging malungkot ito.

            “Ui, Mingming! Ok ka lang ba?”

            “Oo… ok lang ako….”

            “Nako Mingming, ako pa ba lolokohin mo? E mukhang sambakol yang mukha mo jan oh!”

            “Jerry..”

            “Hmmmm?”

            “Natatakot ako….”

            “Natatakot? Saan?”

            “Jerry.. I was there nung gabing yun diba?”

            At dun naaalala ko, andun din nga pala si Pusa nung gabing nagkaalaman sa kwarto ko. Nawala na sa isip ko na kamustahin sya dahil nakalimutan kong andun din sya.

            “Yeah….”

            “Jerry.. Natatakot ako na I might lose the chance na mahalin mo din ako..”

            Natahimik lang ako.

            “Jerry, I saw in your eyes nung sinabi sayo ni Philip na mahal ka nya. It tormented me. Alam ko kasi na mahal mo pa din sya after all this time. Sa twing kinekwento mo sya sakin, nakikita ko na lage ka paring umaasa na sana magkaayos na kayo. Aaminin ko, I always prayed na sana di dumating ang araw nay un, alam ko selfish, pero natatakot kasi ako mawalan ng pwesto sa buhay mo.”

            “Mingming, thankful ako anjan ka. Iniintindi mo ang issues and drama ko in life.. Isa ka sa mga taong tumulong sakin para maging ok ulit ako. At kung ano man meron tayo sa ngayon, masaya ako. Though hindi pa kita napagbibigyan sa gusto mo, hindi ibig sabihin na ayaw ko. Gusto ko lang pag tama na ang lahat. Tulad ng sabi mo,  nakikita mong mahal ko pa si Philip, na umaasa pa rin ako araw araw na magkaayos kami. Magsisinungaling ako pag sabihin ko sayong hindi. Kasi ang totoo, alam kong may bahagi pa rin sya sa puso ko. At alam kong hindi mo gugustuhin na pumayag ako sa gusto mo na may lamang iba ang puso ko. At ayoko maging panakip butas ka lang..”

            “I know Jerry.”

            “Ming.. pero that doesn’t mean na sinasarado ko ang puso ko para sa iba. Hindi lang muna sa ngayon. Sana maintindihan mo.”

            “Jerry, kahit ano, iintindihin ko para sayo. Magkaron lang ako ng puwang sa puso mo……..”

            Simula noong gabing yun ay nagbago na ang takbo ng buhay ko.. Si Philip, araw araw nya kong sinusuyo kahit pa di kami naguusap masyado. Bumabawi sya in every way he can. Sabay na rin kami pumasok sa umaga. Sinusundo nya pa ko sa bahay. Kadalasan, dinadalhan nya pa ko ng almusal sa bahay at sabay kami kumain bago pumasok. Napapansin ko pa rin sya tumatambay sa gym tuwing training naming, pero di ko parin lubos maisip ano nga ba ginagawa nya dun. Si Art naman, unti unti na rin ako kinakausap. Masaya ako, kasi I missed both of them ALOT!!! Things are finally falling into place. Si Mingming naman, hindi rin sya tumitigil sa paghihintay sa pagsagot ko sakanya. Matyaga syang nanliligaw sa akin. Sya rin ang naghahatid sakin pauwi ng bahay.

            Isang hapon, sabado, wala kaming klase ay biglang napasugod sa bahay sila Jenny sa bahay.

            “Uy, pasok kayo.”

            “Uy par, musta?”

            “Ok lang. Toh naman, kahapon lan tayo nagkita ah!”

            “Teka Jerry, naglalaba ka? HIMALA!! E lage kang nagpapalaundry ng damit ah!”, pagtatakang tanong ni Jenny.

            “Ahhh.. kasi…..”

            “Hi Jenny”,sabay singit ng isang boses. Napatingin si Jenny at halata ang pagkagulat nito.

            “Ikaw?!!”

1 comment:

Ross Magno said...

hayan nagiging malinaw na ang lahat sa buhay ni jerry...
gustong gusto ko ung linya na sinabi ni Philip kay Jerry na... he will pick-up every pieces of Jerry to make him whole again as a person and if there are some missing pieces he is willing to cut some of his
...