Puro mga hikbi na lang ang maririnig mula kay Symon. Nagtext siya kina Coleen nang medyo humupa na ang nararamdaman. Nag-alibi na lang siya at sinabing nahilo at nasuka kaya nauna na sa kwarto. Alam na naman nila kung saan sila matutulog. Sobrang nanghihina na siya.
Dahil siguro sa sobrang pagkabalisa ni Symon ay hindi niya naramdaman ang pagpasok ni Jeric sa kwarto. Dahil silang dalawa lang ang lalaki sa grupo, sila ang magkasama sa pagtulog. Habang sina Coleen, Shane at Lexie naman ay sa kwarto ni Hanna matutulog. Si Hanna ay sa kwarto muna ni Maxine natulog.
'Yeah. I'm okay. Ayoko kasi ng nagsusuka e.', ang pagsisinungaling ni Symon.
'Sure ka? Namumugto na 'yang mata mo o.', ang sabi ni Jeric.
'Oo. Matulog ka na.', ang utos ni Symon.
Nagtungo muna ng CR si Jeric upang mag-wash up. Si Symon naman ay hindi na bumangon at hinayaan na lang ang kaibigan na maging at home sa kanyang kwarto. Naghilamos muna si Jeric bago mag-shower. Medyo hilo na rin ito sa antok at sa alak na nainom pero nahihiya naman siya kung hindi maglilinis ng katawan bago matulog. Matapos makaligo ay nagbihis na ito at itinapon ang ilang mga kalat sa bag sa trash can sa loob ng CR ni Symon. Doon niya nakita ang isang hindi pa bukas na regalo. Kinuha niya ito at binasa ang card.
'To: Symon
Happy, happy birthday!!:)
From: Darrel'
Hindi pa bukas ang regalo kaya't dinala niya ito palabas ng CR. Nagtataka siya kung bakit nandoon ang regalo ni Darrel.
'Symon, nakita ko 'to sa trash can. Bakit nandon 'tong gift sa'yo ni Kuya Darrel?', ang tanong ni Jeric.
Bumilis ang tibok ng puso ni Symon at hindi alam ang isasagot sa kaibigan.
'Ah. Eh. Kanina kasi nung nagsusuka ako, hawak ko 'yan. Hindi ko na naibaba. Akin na nga!', ang sabi niya bago mabilis na hinablot kay Jeric ang regalo.
Pinipigilan pa rin ni Symon ang pag-iyak dahil ayaw niyang mapansin ito ng kaibigan. Pero sobrang halata na may dinadamdam ito dahil nanginginig ang boses niya habang nakikipag-usap kay Jeric.
'Sy. I know we just met, I mean all of us. But, I'm your friend. What's bothering you? Alam kong hindi ka okay. Inaway ka ba ni Kuya Darrel? You can tell me.', ang sabi ni Jeric.
Natulala naman si Symon sa tinuran ng kaibigan. Habang tumatagal ang panahon ay unti-unti na niyang nakilala ang mga kaibigan. At syempre, unti-unti na rin siyang nakikilala ng mga ito. Si Coleen ay lumabas na ang pagiging conyo at buhay-mayaman. Si Lexie naman ay ipinakita na ang pagiging dedicated sa academics at extra-curricular activities. Si Shane ay ipinamalas na ang pagiging happy-go-lucky. At si Jeric? Sa kanilang lima, hindi niya inakalang si Jeric pa ang magiging listener. Siguro dahil in-expect ni Symon na parehas silang lalaki at hindi sila mag-uusap about mushy or cheesy things.
'You can trust me.', ang panigurado ni Jeric nang umupo na ito sa side ng kama kung saan siya matutulog.
Ipinatong ni Symon ang regalo ni Darrel sa kanyang study table. Umakyat na siya sa kama at nag-indian sit sa tabi ni Jeric. Nagsimula na naman siyang umiyak na parang bata.
'Come on, tell me.', ang sabi ni Jeric habang hinahagod ang likod ni Symon.
'I saw Kuya Darrel and Ate Dana kissing in the kitchen.', ang pag-iyak ni Symon.
***
Tulog si Dana sa tabi ni Darrel habang nasa taxi sila papunta sa bahay nito. Hindi niya mawari kung bakit siya hinalikan sa labi ng kaibigan.
'Wala lang siguro 'yun. Baka sobrang thankful lang talaga siya. Pero bakit ko in-expect na sasabihin niyang may feelings siya para sa akin?', ang sabi at tanong ni Darrel sa sarili.
Tiningnan niya si Dana na himbing sa pagtulog at nakasandal na sa kanyang balikat.
'May nararamdaman ba ako para sa'yo? Bakit ganito? Baka nadadala lang ako ng mga pang-aasar sa atin.', ang pakikipag-usap pa rin ni Darrel sa kanyang sarili.
Nakarating na sila sa tapat ng bahay nina Dana at marahan niya itong ginising. Agad naman itong naalimpungatan at pinilit si Darrel na siya na ang magbabayad ng pamasahe pero hindi pumayag ito.
'Thanks sa paghatid.', ang sabi ni Dana na medyo namumula pa ang mga mata mula sa pagtulog.
'It's okay.', ang sabi ni Darrel.
Gusto niyang tanungin ito sa nangyari kanina pero nahihiya siya. Parang ang bastos kasi ng dating. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Parang naiilang siya na ewan.
'So, I gotta go. Medyo late na.', ang paalam ni Darrel habang pilit na nakangiti.
'Sige. Ingat ka ah. Thanks ulet!', ang sabi ni Dana bago ito pumasok sa gate.
Naglakad naman si Darrel palayo sa bahay at naghanap ng masasakyang jeep pauwi. Punong-puno ang kanyang isip ng mga tanong. Naguguluhan siya sa sarili. Mahal niya ba si Dana? O akala lang niya?
***
'Okay. So?', ang tanong ni Jeric.
Hindi niya mawari kung ano ang nakakaiyak sa nakita ni Symon. Akala naman niya ay may masama itong balita na narinig o di kaya ay may nakalimot na bumati dito. Pero hindi na naisip na dahil sa nakita niyang naghalikan sina Darrel at Dana kaya siya umiyak.
Hindi naman makasagot si Symon. Hinihintay niyang maintindihan ni Jeric ang sitwasyon by himself. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ng kaibigan. Pero nandito na 'to e. Kung totoo namang kaibigan si Jeric ay matatanggap siya nito.
'May gusto ka kay Ate Dana? Ngayon pa lang kayo nagkita ah.', ang tanong ni Jeric.
Umiling si Symon bilang pagsagot ng hindi.
'E ano? Wala naman akong makitang nakakaiyak sa nangyari maliban na lang kung may gusto ka kay...', ang hindi natapos na sasabihin ni Jeric nang maintindihan nito ang sinasabi.
Lalo namang naiyak si Symon nang mapansin niyang nag-iba ang mukha ni Jeric at parang naguguluhan. Pilit siguro nitong inaayos sa isip niya ang mga pangyayari.
'Symon, may gusto ka kay Kuya Darrel?', ang tanong nitong walang panghuhusga.
Tiningnan ni Symon sa mga mata si Jeric habang tumutulo ang mga luha nito. Hindi na niya kailangang sumagot pa ng oo dahil naintindihan na ito ni Jeric.
'Okay. I didn't expect that. Okay.', ang sabi ni Jeric habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Nahihiya si Symon sa kaibigan kaya't humiga na ito at nagtalukbong ng kumot. Hindi siya gumawa ng kahit anong ingay. Habang si Jeric naman ay parang istatwang hindi makagalaw sa kinauupuan. Hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang nalaman ngayong gabi.
Matapos ang ilang minuto ay kinausap na ni Jeric si Symon.
'Hey.', ang pagtawag ni Jeric dito.
'Jeric, it's okay if you wanna leave. Or kung ayaw mo na rin ako kausapin. Okay lang.', ang sabi ni Symon.
'What are you talking about? You're my friend and I'll accept you kahit ano ka pa. I admire your courage na sabihin sa akin kahit na you let me figure it out by myself.', ang sabi ni Jeric.
Hindi naman nagsalita si Symon dahil hindi niya alam ang isasagot dito.
'May balak ka bang sabihin 'to kina Coleen?', ang tanong ni Jeric.
'Oo. Pero hindi pa ngayon. Can you keep this for a while?', ang tanong ni Symon.
'Sure. Pero I didn't notice na you're not straight. Akala ko nga dati type mo si Coleen e.', ang sabi ni Jeric.
Napangiti naman si Symon sa sinabi ni Jeric at nagsimula na niyang ikwento ang pagka-crush niya kay Darrel.
'Sorry ha. Baka nandidiri ka.', ang sabi ni Symon.
'Ano ba 'yang isip mo? Bakit naman ako mandidiri? I have an uncle who's gay. So, medyo sanay na ako. Akala nga nila dati susunod ako sa yapak nun e.', ang natatawang kwento ni Jeric.
'E may Coleen ka na. So you're definitely straight.', ang sabi ni Symon.
'Alam mo 'yan, te!', ang baklang sagot ni Jeric.
Napamura naman si Symon sa ginawa ni Jeric. Nagulat siya na kaya nitong lumambot ng ganon.
'Joke lang! Oo naman. Seryoso ako kay Coleen.', ang seryoso nang sabi ni Jeric.
***
Malaki ang pasasalamat ni Agapito kay James na talagang gumawa ng paraan para mapagaan ang pakiramdam niya. Pero talagang sobrang sariwa pa ng sugat sa puso ni Agapito dahil isang buwan pa lang simula nang sumakabilang-buhay ang ama nito. Inatake ito sa puso habang nasa gitna nang isang meeting sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Nakaabot pa ito sa hospital pero masyado nang malala ang lagay ng puso nito kaya bumigay na din agad.
Wala pang isang taon simula nang ma-diagnose ang sakit nito sa puso. Kahit na patuloy naman ang pagpapa-check up at pag-inom ng gamot, masyado naman itong stressed sa trabaho. Sobrang malapit si Agapito sa ama. Tatlo lang sila sa pamilya dahil nag-iisa itong anak. Kaya naman laking lungkot nilang mag-ina nang mawala ito.
'If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I’d play a song that would never, ever end
How I’d love, love, love to dance with my father again'
Paulit-ulit niyang pinatugtog ang kantang iyan pagkahiga niya sa kama. Hinayaan niyang malunod siya sa sariling mga luha. Alam niyang darating ang panahon na makakayanan na niya na wala ang ama.
***
Tahimik lang si Symon habang nasa sasakyan papasok sa MSCA. Nakatingin lang siya sa labas habang malakas na tumutugtog ang kanyang iPod sa kanyang tenga.
'Am I crazy or falling in love
Is it real or just another crush
Do you catch a breath
When I look at you
Are you holding back
Like the way I do'
'Seriously?', ang inis na sabi ni Symon nang malaman ang kantang tumutugtog na panama sa kanya ngayon.
***
Habang lunch break ay pinag-usapan nila Lexie at Jeric ang posibilidad ng pagre-rehearse sa parating na Biyernes sa auditorium ng school na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Si Symon naman ay hindi pa rin humuhupa ang pagkalungkot at pagkainis sa araw na iyon dahil kahit saan siya magpunta ay nakikita niya si Darrel o di kaya si Dana.
'I'll ket you know by tomorrow.', ang sabi ni Jeric kay Lexie.
'O sige. Basta we should start rehearsing this week. Less than 2 months na lang before our presentation.', ang sabi ni Lexie.
Tahimik lang si Symon. Hindi na siya tinatanong ng mga kasama. Marahil kinausap na ito ni Jeric na hayaan na lang muna siya.
'Kuha lang ako ng water.', ang paalam ni Symon sa barkada.
Tumayo siya at tinungo ang drinking fountain na sana kanang bahagi ng cafeteria. Nakatulala siya sa umaagos na tubig habang pinupuno nito ang kanyang baso. Dalawa ang kanyang pinuno upang hindi na siya bumalik. Agad naman siyang tumalikod mula sa fountain para makagamit na ang susunod at para makabalik na siya sa kinauupuan nang magkabanggaan sila ng estudyante sa kanyang likod. Natapon ang dalawang basong tubig na hawak niya at nabasa siya pati na ang taong nabangga niya. At the same time, natapon din ang spaghetti na nasa tray na hawak ng nasa likod niya at tumapon din ito sa kanilang dalawa.
'FUCK!!', ang sigaw ni Symon nang makita ang sariling basa at puro mantsa ang uniform.
'Ano bang problema mo sa akin? HA?', ang pagtulak sa kanya ng nabangga niya na kasing-basa at kasing-dumi din niya.
Natigilan ang lahat ng tao sa cafeteria nang itulak ni Agapito si Symon. Napaupo ito sa sahig. Agad namang nakabawi si Symon at tinulak din si Agapito.
'Your name sounds funny!', ang sabi ni Symon.
Nang makatayo si Agapito ay binigyan niya ng isang malakas na suntok si Symon. Inihagis naman ni Symon ang sarili kay Agapito upang makaganti. Napahiga si Agapito sa sahig dahil sa lakas ng pwersa ni Symon. Nasa ibabaw si Symon at binigyan niya ng sunod-sunod na suntok si Agapito. Nakatayo naman si Agapito at nakabawi ng suntok kay Symon. Parehas nang duguan ang mga mukha nang dalawa. Nagtitilian na ang mga tao at walang makapigil sa dalawa. Natigilan lang ang dalawa nang may isang sumigaw. Nakakatakot ang malaking boses na narinig nila. Nakakapangilabot dahil sobrang galit ito.
'STOP IT, BOTH OF YOU!!!', ang sigaw ni Darrel.
Salubong ang kilay nito at buong pwersa niyang hinablot sina Symon at Agapito palabas ng cafeteria papunta sa Discipline's Office.

'When you're gone it feels like
My whole world's gone with you
I thought love would be my cure
I thought love would be my cure
But now it's my disease
I try to act mature
But I'm a baby when you leave
How can i ever get used to being without you?'
'Symon!', ang sigaw ni Grace sa anak.
'What??', ang inis na baling ni Symon sa ina.
'What's with the gloomy face? Lunes na Lunes, nakasimangot ka.', ang pagpansin niya sa malungkot na anak.
'Nothing. I just got up on the wrong side of the bed.', ang malamig na sagot ni Symon bago muling ibalik ang headset sa tenga.
Nag-vibrate ang phone niya at nagtext si Coleen. Niyayaya siya nito mag-breakfast in 15 minutes kasama si Jeric. Pumayag naman siya dahil sobrang malapit na siya sa school. Pagkababa niya ay sa cafeteria siya muna dumiretso at doon hinintay sina Coleen at Jeric.
'O, aga mo ah.', ang bati ni Jeric sa kanya.
'Tinext ako ni Coleen. Breakfast daw.', ang sabi ni Symon.
'Grabe. Bakit ang lungkot mo?', ang tanong ni Jeric.
Tiningnan lang ni Symon si Jeric para maalala nito ang nangyari noong birthday niya.
'Come on, Sy! Cheer up.', ang sabi ni Jeric.
Pilit na ngumiti si Symon. Lumapit nang kaunti si Jeric sa kanya at bumulong.
'And kung ako tatanungin mo, puppy love lang 'yan.', ang sabi ni Jeric.
'What? Bakit naman? So, yung sa inyo ni Coleen, puppy love lang din?', ang tanong ni Symon.
'Iba naman 'yun. Pero tingnan mo yung sitwasyon mo. Crush mo lang siya. Baka na-infatuate ka lang. Hindi nga kayo ganoon magkakilala pero kung umakto ka ngayon parang nag-break kayo.', ang walang prenong sagot ni Jeric.
Hindi naman nakasagot si Symon dahil sapul naman siya sa sinabi ni Jeric. Buti na lang at dumating na si Coleen at naiba na ang topic.
'Nasaan sila Lexie? I texted them din e.', ang sabi ni Coleen pagkaupo nito.
'I don't know. But for sure, they're coming.', ang sabi ni Jeric.
'Hi, Symon! Your sad aura is oozing. What's up?', ang sabi ni Coleen.
'Ewan ko sa'yo, Coleen.', ang inis na sagot ni Symon.
'What's wrong with you?', ang tanong ni Coleen.
'Hayaan mo muna siya. Tara, let's order na.', ang yaya ni Jeric kay Coleen.
Nagpa-order na lang si Symon kay Jeric para may magbantay ng gamit nila sa table kahit na wala pa naman masyadong tao sa cafeteria dahil maaga pa. Kinuha niya ang iPod sa bulsa matapos ilagay ang headset sa tenga.
'Hi, Symon! Ang aga ah!', ang sabi ng pamilyar na boses.
Napalingon si Symon sa papalapit na estudyante bago pa mapindot ang play button.
'Kuya Darrel.', ang medyo masaya ngunit biglang lungkot niyang bati dito.
'O, nabuksan mo na ba 'yung regalo ko sa'yo?', ang tanong nito.
Ang fresh ni Darrel nang umagang iyon. Parang halos kakatapos lang nito maligo at medyo basa pa ang buhok. Ang linis niya tingnan sa plantsadong polo at sa slim cut na pants. Hindi pa rin nagbabago ang nakakatunaw nitong ngiti at ang mga nangungusap na mata.
'Uhm. Hindi pa po e.', ang sagot ni Symon.
'Ganon ba? Tell me kapag nabuksan mo na.', ang sabi nito sa kanya.
'Sige po.', ang sabi ni Symon.
Kumaway naman kay Darrel si Jeric mula sa kabilang dulo ng cafeteria. Halata ang pag-aalala sa mga mata nito dahil kay Symon.
'O kasama mo sila?', ang tanong ni Darrel.
'Opo.', ang maikling sagot ni Symon.
'O sige. I'll see you around. Bili lang ako ng coffee.', ang paalam ni Darrel.
'Sure.', ang sagot ni Symon na may pilit na ngiti.
Ibinalik niya ang atensyon sa iPod at pinindot na ang play sa kanyang headset. Nagsimula na ang bagong kanta.
'Am I crazy or falling in love
Is it real or just another crush
Do you catch a breath
When I look at you
Are you holding back
Like the way I do'
'Seriously?', ang inis na sabi ni Symon nang malaman ang kantang tumutugtog na panama sa kanya ngayon.
***
Habang lunch break ay pinag-usapan nila Lexie at Jeric ang posibilidad ng pagre-rehearse sa parating na Biyernes sa auditorium ng school na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Si Symon naman ay hindi pa rin humuhupa ang pagkalungkot at pagkainis sa araw na iyon dahil kahit saan siya magpunta ay nakikita niya si Darrel o di kaya si Dana.
'I'll ket you know by tomorrow.', ang sabi ni Jeric kay Lexie.
'O sige. Basta we should start rehearsing this week. Less than 2 months na lang before our presentation.', ang sabi ni Lexie.
Tahimik lang si Symon. Hindi na siya tinatanong ng mga kasama. Marahil kinausap na ito ni Jeric na hayaan na lang muna siya.
'Kuha lang ako ng water.', ang paalam ni Symon sa barkada.
Tumayo siya at tinungo ang drinking fountain na sana kanang bahagi ng cafeteria. Nakatulala siya sa umaagos na tubig habang pinupuno nito ang kanyang baso. Dalawa ang kanyang pinuno upang hindi na siya bumalik. Agad naman siyang tumalikod mula sa fountain para makagamit na ang susunod at para makabalik na siya sa kinauupuan nang magkabanggaan sila ng estudyante sa kanyang likod. Natapon ang dalawang basong tubig na hawak niya at nabasa siya pati na ang taong nabangga niya. At the same time, natapon din ang spaghetti na nasa tray na hawak ng nasa likod niya at tumapon din ito sa kanilang dalawa.
'FUCK!!', ang sigaw ni Symon nang makita ang sariling basa at puro mantsa ang uniform.
'Ano bang problema mo sa akin? HA?', ang pagtulak sa kanya ng nabangga niya na kasing-basa at kasing-dumi din niya.
Natigilan ang lahat ng tao sa cafeteria nang itulak ni Agapito si Symon. Napaupo ito sa sahig. Agad namang nakabawi si Symon at tinulak din si Agapito.
'Your name sounds funny!', ang sabi ni Symon.
Nang makatayo si Agapito ay binigyan niya ng isang malakas na suntok si Symon. Inihagis naman ni Symon ang sarili kay Agapito upang makaganti. Napahiga si Agapito sa sahig dahil sa lakas ng pwersa ni Symon. Nasa ibabaw si Symon at binigyan niya ng sunod-sunod na suntok si Agapito. Nakatayo naman si Agapito at nakabawi ng suntok kay Symon. Parehas nang duguan ang mga mukha nang dalawa. Nagtitilian na ang mga tao at walang makapigil sa dalawa. Natigilan lang ang dalawa nang may isang sumigaw. Nakakatakot ang malaking boses na narinig nila. Nakakapangilabot dahil sobrang galit ito.
'STOP IT, BOTH OF YOU!!!', ang sigaw ni Darrel.
Salubong ang kilay nito at buong pwersa niyang hinablot sina Symon at Agapito palabas ng cafeteria papunta sa Discipline's Office.
1 comment:
sa story na yan feeling ko, it's different...
but it was remarkably amazing!
Post a Comment