FR kept on smiling sa t'wing naiisip nya ang mga nangyari kanina. Para syang timang na ngumingiti sa t'wing naaalala nya yung amoy ng pabango ni Daniel. Tila ba nageemote sya sa saliw ng isang longing na kanta sa t'wing naaalala nya kung gaano kabigat ang braso ni Daniel noong inakbayan sya nito. Patuloy din ang himas ng kanyang mukha, he was trying to imagine how soft Daniel's hand was. He beamed a smile.
“Franco, anong nangyari? Parang kinikilig ka na ewan.” wika ni Mr.Mercado na amo ng kanyang ina
“Ha? Kuya,wala lang po.”
“Batang to. Unahin muna ang pagaaral. Pagkagraduate ka na mangbabae.”
Babae? FR thought
“Opo naman Kuya. Kayo talaga.”
Si Mr.Mercado ay isang mautak na businessman. Kilala nya na ito ng ilang taon dahil doon nga namamasukan ang nanay nya bilang isang mayordoma. Mabait si Mr.Mercado sa kanilang mag-ina. May mga panahong ito ang nagbibigay ng kanyang allowance at pangtuition. Lagi din silang sinasama nito sa t'wing sila ay magsisimba sa Manaoag.
“Franco. Bakit di ka pa tumigil sa pagtatrabaho? Magfocus ka nalang muna sa pagaaral mo. Tutal kaya naman ng nanay mo ang tuition mo at di din naman umaabot ito ng libo.”
“Kuya ayoko. Paano nalang kung may mga projects ako? Syempre di agad makakapagbigay si Mama. At syempre alam mo naman ang kabataan ngayon, maluho. Syempre dapat may nightlife ako.”
Napatawa si Mr.Mercado.
“Ikaw talagang bata ka. So dapat talaga laging may gimik? Eh gimikan na nga yung pinagtatrabahuan mo. Gusto mo pa laging gumimik.”
“Kuya, you've been there, you've done that.”
Napangiti ito sa kanyang tinuran.
“I know. Fine, I understand.”
Ngumiti si FR.
Ilang oras na din silang nagbabyahe. Nakaramdam na ng pagkangawit si FR. Patuloy ang kwentuhan nila ni Mr.Mercado tungkol sa mga bagay-bagay. Tinuturuan sya ni Mr.Mercado kung paano dumiskarte sa mga businesses. Marami syang natututunan dito. Marami rin itong kalokohang taglay. Mr.Mercado, at 50, ay malupit pa rin sa pangbababae. May mga pagkakataon na tatawagan nito si FR at magpapasama sa mga clubs.
Pumatak ang 11:00 ng gabi. Malapit na rin sila sa kanilang nayon. Magpapalit lang si FR ng damit at agad na luluwas para naman sa kanyang trabaho sa lounge. Kahit nakakaramdam na ng matinding pagod dahil sa byahe, kailangan pa rin nyang kumayod sa ngalan ng pera.
Matatapos din ito. Makakagraduate din ako at magiging okay din ang lahat.
Nakarating sila ng matiwasay sa kanilang mga bahay. Binaba sya ni Mr.Mercado sa kanto at nagmadali na syang tumakbo papasok sa kanilang bahay. Dinukot nya ang cellphone sa kanyang bulsa at nakita nyang wala na itong battery. He charged his phone and ate a light snack. Nagmadali na syang naghilamos at nagbihis. Nagpaalam sya sa kanyang inang nanunuod ng TV at sya ay umalis na sa kanilang bahay.
Daniel felt sad nang makitang papalayo ang sasakyang kinalululanan ni FR. Sa loob ng kulang isang oras nilang pagsasama ay pakiramdam nya ay masyado na syang naattach dito. Alam nya sa sarili nya na napakachallenging na tao ni FR. He had an insight that FR is a difficult guy. Naramdaman nya na dapat nya yong mapatunayan.
Sa sandaling panahong kanilang pinagsamahan, naging masaya sya at nakalimutan nya ang tampong nararamdaman nya sa kanyang nobya.
Sumakay sya ng kotse at nagmaneho patungo sa pinakamalapit na bar.
Wala pa masyadong tao dahil naguumpisa palang ang gabi. He took a bottle of beer at yun na. Ayaw nyang umuwing lasing dahil magmamaneho pa sya. Mahirap ng madisgrasya.
The bar was just fine. Daniel found it a bit okay. Sakto lang ang mga ilaw, okay naman ang mga upuan at medyo mabilis naman ang service. Mabilis na naabot sa kanya ng lalaking nakapula ang beer na inorder nya at ang chicharong bulaklak na paborito nya.
Nasaan na kaya si FR? Sana makauwi sila ng maayos.
He grabbed his phone and dialled FR's number. Nagriring ito pero di ito sumasagot. Daniel sighed. Ayaw nyang magisip ng kung anu-ano kaya pinilit nya nalang na siniksik sa kanyang isip na baka tulog si FR sa byahe.
He took the first sip of his beer. It was bitter. He felt a bit different. He then realized na hindi pa pala sya kumakain kaya parang humahapdi ang sikmura nya. He waved at the waiter, asked for his bill, paid, then went out.
Fuck.
He went to his car and drove his way home.
Natapos ang gabi ni FR. He received a big round of applause after delivering a good rendition of “Someone to watch over me”. He felt euphoria hearing the roars and cheers of the crowd. Alam nya sa sarili nya na ito talaga ang hilig nya. Gusto nyang sumikat pero alam nyang mailap ang kasikatan sa mga baguhan. Masaya na syang may nakakaappreciate ng ginagawa nya. As long as he did his best, okay na sya nun. No regrets.
FR hurriedly picked his things up and decided to go home. Tapos na rin naman ang trabaho nya at gusto nya ng magpahinga sa bahay. Papalabas na sya ng lounge nang tapikin sya ng isa sa kanyang mga katrabaho.
“Franco!”
“Uyy! Kuya!”
Isa sya sa mga pinakabata kaya Kuya at Ate ang tawag nya sa mga ito.
“Nice performace!”
“Salamat po.” Nahihiyang sabi nito
“Uuwi ka na ba? Sumabay ka na sa akin. Dala ko yung auto ko.”
Napaisip si FR.
Game na to. Libre eh.
“Sige kuya. Saan mo ako ibababa?”
“Paano bang way mo? EDSA kami eh.”
“EDSA? Tapos saan kayo papunta?”
“Hmmmm. Letre ako.”
“Ahh sige. Mag-Rizal Avenue nalang tayo Kuya, para di ka na iikot ng malayo.”
“Ahh Oo! Pwede!”
“Baba mo nalang ako ng Monumento.”
Mabilis ang naging usapan. Wala pang limang minuto ay nakasakay na si FR sa pulang Altis ng kanyang katrabaho. Napagkwentuhan nila ang ilang mga bagay na di nila napaguusapan. Masaya at matured ang kanyang kasabay. Nagmistula syang sponge na sumisipsip sa lahat ng ideolohiyang pwede nyang marinig on how to live life.
Naging masaya ang kanilang diskusyon. Yan ang gusto ng tao kay FR, despite his very young age, he knows how to listen and he speaks with sense. Marami syang napepeke sa edad nya. Napakamatured nyang magsalita.
Mabilis ang pagpapatakbo nito ng kotse. Wala pang 45 minutes ay nautas na nila ang kahabaan ng Rizal Avenue. Naibaba na si FR sa Monumento at doon sya nagabang ng bus pauwi ng kanilang lugar.
Lumipas ang limang minuto ngunit wala pa ding bus na dumadaan. Nababato na sya. He took his cellphone at nagulat sya nang makita ang isang unregistered number na maraming missed call. He texted the number at ilang segundo pa, tumawag ito.
“Hello?”
“Hello?” FR was trying to recognize the voice.
“FR! Nasaan ka?”
“Sino to?” nagtatakang tanong nito
“Daniel.”
Namula si FR.
“Ahh D-Daniel. Pauwi palang ako galing ng lounge. Bakit?”
“Ahhh. Malapit na akong lumabas ng expressway. Saan ka na banda?”
“Ahh nasa MCU Monumento ako.”
“Ha? Sige. Antayin mo ako sa McDo, FR. Andyan na ako.”
“Ha? Wa-wag----”
Naputol ang tawag. Pumasok si FR sa loob ng McDonals. Nagantay. Nagabang. Naexcite.
Naramdaman ni FR ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi sya mapakali. Pumasok sya sa comfort room ng McDonald's at agad na inayos ang sarili. Naging conscious sya sa amoy nya. Ilang ulit syang naghilamos. Hindi talaga sya mapakali.
Whew. Ano ba to. Bakit ba ganito?
He sighed one last time and got out of the comfort room.
Pabalik na sa inuupuan nya nang makita si Daniel na papasok. Nagtama agad ang kanilang mata at muli nyang nasilayan ang magandang ngiti ni Daniel.
Upon seeing FR again, Daniel felt very happy. He saw how simple FR was. He was stunned on how he carries himself kahit na White T-shirt at shorts lang ang suot nito. Kahit bakas sa mukha ni FR ang pagod, he was still amazed dahil nakita nya pa rin ang ngiting iyon.
Daniel drew himself closer to FR. Inches away, he extended his hands and pinched both cheeks of FR.
“Ang cute cute mo!” he exclaimed
Nagtinginan sa kanila ang tao sa McDonald's.
Pinanlakihan sya ng mata ni FR.
I T U T U L O Y . . .
12 comments:
nice one rovi. i have been reading your stories for quite some time now.
one of my all-time-faves - unbroken 1.
pero tila mas nakakakilig itong U2...hahaha
thank you for your stories and for touching our lives through your creations.
regards,
R3b3l^+ion
kaka inlove talaga yung love story nila.
ang sarap balikan ang nakaraan nila. pero tuwing maiisip mo kung anong kahihinatnan ng pag-ibig nila sa bandang huli ay parang nakakalungkot...how nostalgic...
mixed emotions talaga....
Ohhh Yeah!!! there it goes... hehehe nkaka-kilig tlga!!! grrrrr!!! MORE! MORE! MORE!!! i miss this story so much!!
-Ian =)
Sana nauna tong past nila para di nakakalungkot basahin as the story progress.. =(
Pero how the story was written was great. Umaapaw ang kilig factor. Keep it up!
-icy-
oo ga na kakakilig pero kapag na aalalako ung ng yari sa kanila ung kilig napapalitan nag lungkot a ewan.....
hello po :] hahaha!! grabe!! nakakatuwa po ung story na ito :D sarap basahin =)
d nakakasawang basahin ang kwento.... sarap ulit ulitin... nakakainspire and xciting .... ha ha ha... i love it...
ramy from qatar
naku .. kuya Rovi ahihi .. Sa McDo pa talga.. haha
Paul
Hello! ISahang sagot nalang po ha? Haha
@R3b3l^+ion, oo nga. dati pa kita nakikita,hehe salamat ng marami at hanggang ngayon, nandyan ka pa rin para sa unbroken series. :)
@Ross Magno, hello po! :)
Minsan ganun talaga, may mga bagay na perpekto, pero hindi nagtatagal. :)
@Ian. yan ha? Sinabihan kita. :)
@Icy,@Darkboy actually, aim ko yan. Para marealize nyo kung bakit kayo naiyak noong una. :)
@Chris, hello. salamat po! Keep on supporting po :)
@Ramy hi! Salamat din po. ingat ka jan sa gitnang silangan :)
@PAUL chusera ka, jan talaga nangyari yn no hahaha
nakakaloka.. kaya pala nung nasa mcdo ka nung tnxt kita nagdadrama ka kuya.. :p
saludo ako dun sa isa ganda ng kwento pero pag alam mo na kung ano an kahihi natnan pangit na basahin parang sarap sabihin WHAT FOR iwish iba nalang ang mga character pero galing mo parin MR. author
tama po kayo.. some good things never last...
pero isa lang masasabi ko...
magaling kayong author dahil nagagwa nion kantihin yung emosyon ng mga mambabasa...
Congrats!
Post a Comment