'Hey.', ang walang emosyon nitong bati.
Hindi masyadong makapang-asar si Symon dahil naroon si Darrel. Ayaw naman niyang sabihin nito na masama ang kanyang ugali. Nagkwento si Symon tungkol sa kanilang exam kay Ms. Ellie matapos itong magtanong sa kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
'We did the same thing when I was in first year. I played the lead female character.', ang natatawang sabi ni Darrel.
'Seriously?', ang hindi makapaniwalang sabi ni Symon.
Magsasalita na sana si Agapito nang bigla siyang i-cut ni Symon. Nagpakwento ito sa kung ano ang nangyari nung sila ang nag-present dati.
'It was awful! Ang awkward mag-heels. Feeling ko madadapa ako.', ang sabi ni Darrel.
Sobrang kinikilig si Symon at tinanggal niya sa eksena si Agapito. Sa tuwing magsasalita ito ay tatabunan niya ang sasabihin nito. Tuwing isasama siya ni Darrel sa usapan ay iniiba niya ang topic. Agad namang nadadala si Darrel at tuluyan nang nawala si Agapito.
'I gotta take this. Excuse me.', ang paalam ni Darrel bago sagutin ang cellhphone.
Pagkatayo ni Darrel ay naka-receive na siya ng text mula sa mommy niya dahil nasa baba na ito. Tumayo na siya at magpapaalam na kay Darrel nang matigilan siya nang magsalita si Agapito.
'Naka-isa ka sa'kin ngayon. Wait for my turn.', ang banta ni Agapito.
'Oooh. I'm scared.', ang pambabara niya sa seryosong sabi ni Agapito.
Sinalubong niya na si Darrel sa gitna ng coffee shop at nagpaalam na.
***
Over the weekend ay naging busy si Symon sa pag-aaral dahil midterms week na. Na-finalize na niya ang mga props na kelangan pati na ang mga material sa paggawa nito. Napag-usapan nila ni Lexie na sa Friday, pagkatapos ng huling exam sila magsisimulang gumawa.
'Symon! Ang pangit naman ng birthday mo, midterms week!', ang komento ni Hanna na kanyang nakatatandang kapatid.
Iba ang schedule kapag midterms week. May ibang exam na mas maaga sa nakagawiang oras. At meron naman ibang mas late. Lunes ang napag-usapan na araw ng pagpapasa at pagpe-present ng final story kay Ms. Ellie. Agad namang tinanggap ng professor ang kanilang proposal at binigyan na sila ng go-signal para magsimulang mag-rehearse.
'Lexie, lip-synch ba 'to or live?', ang tanong ni Symon sa kaibigan.
'Lip-synch lang. Pero kelangan pag-aralan din nila yung kanta.', ang sagot ni Lexie.
'Ah. Okay.', ang tanging sagot ni Symon.
'Uy, magpapatulong ako sa inyo nina Coleen sa rehearsals ah.', ang sabi ni Lexie.
'Sure. No problem.', ang sagot ni Symon.
Nadatnan nila sina Coleen, Shane at Jeric sa cafeteria. Hysterical si Shane sa sobrang saya at halos hanggang tenga ang ngiti ni Jeric.
'What's up?? Sinagot mo na??', ang tanong ni Lexie kay Coleen.
'Pumayag na si Coleen to take my part sa musical!!!', ang malakas na sabi ni Shane.
'So, kayo na ba?', ang tanong ni Symon.
'Hindi pa, dude.', ang sagot ni Jeric.
'Maka-hindi pa to, Jeric. Parang sigurado kang sasagutin kita ah.', ang sabi ni Coleen.
'Oh, my God! May pinakitang video sa akin si Jeric!! Kikiligin kayo.', ang sabi ni Shane.
'Jeric!!!!', ang protesta ni Coleen.
'What?? Nakatayo ka lang naman dito e.', ang sabi ni Jeric habang inilalabas niya ang laptopg galing sa bag.
Nagkumpulan silang lahat at pinanood nila ang performance ni Jeric sa kanilang high school auditorium. Kilig na kilig naman si Shane. Hindi naman maikakaila sa video na kinikilig si Coleen.
'He really caught me off guard!', ang sabi ni Coleen.
'But how did you convince the school na magamit mo yung audi?', ang tanong ni Lexie.
'Hay, Lexie! He's the son of the school's owner.', ang sabi ni Coleen.
Nalaman lang niya ito nang kumain sila ni Jeric sa isang malapit na resto sa school dahil tinanong niya ang tanong ni Lexie.
'Wow!! You own that school?? Most of my friends sa village dyan nag-aaral!', ang sabi ni Symon.
'Baka naman pwede natin magamit 'yan for rehearsals.', ang sabi ni Lexie.
'Seriously, Lexie?', ang pagpansin ni Shane sa dedication ni Lexie sa pagiging director.
'What?', ang sabi ni Lexie kay Shane.
'Sure! Magpapaalam ako. Once a week?', ang sabi ni Jeric.
'Yup! Yey! Thanks!', ang sabi ni Lexie.
'Uhm. Guys, before ko malimutan, you're all invited this Saturday at my house.', ang sabi ni Symon.
'Why? Anong meron?', ang tanong ni Coleen.
'It's my 17th birthday.', ang sabi ni Symon.
Nagkagulo naman ang apat sa sinabi ni Symon. Naghalo ang excitement dahil sa party at inis dahil late na niya sinabi na birthday na nito.
'How am I suppose to buy you a gift with barely a week left tapos midterms pa?', ang tanong ni Coleen.
'Aww. Pwede namang to follow na e.', ang biro ni Symon.
'No! Hindi 'yun pwede. I hate you, Gonzales! Wala pa akong isusuot!', ang sabi ni Coleen.
***
'You're so amazing!', ang komento ni Darrel matapos kumanta ni Dana.
'Thanks!', ang sagot nito.
'Kamusta? Hindi na kita masyadong nakakausap. Busy ka na. Paano na lang pag sumikat ka? Kakalimutan mo na ako.', ang drama ni Darrel.
'Uy, OA ka! Hindi no. Sorry, ang dami ko lang ginagawa.', ang sagot ni Dana.
'Obviously. You're skipping classes! What's up? Nakakatampo ka na. Di mo man lang ako tinetext. Kung hindi ka pa siguro nandito sa PJ's, baka di na kita talaga nakita.', ang paglalabas ni Darrel ng hinanakit sa kaibigan.
'Sorry naman. Nakakatulog na agad ako pagkauwi ko. Hindi ko na natitingnan phone ko.', ang sabi ni Dana.
Hindi naman sumagot si Darrel sa sinabi ng kaibigan. Uminom siya ng iced tea na kanyang in-order at kumagat sa burger na katabi nito.
'Uy, seryoso ka bang nagtatampo ka?', ang tanong ni Dana.
'Oo. Ikaw kasi e. Masyado kang nagpapa-miss.', ang malungkot na sabi ni Darrel.
'Sorry naman. Babawi ako sa'yo.', ang pag-aamo ni Dana kay Darrel.
Hinila ni Dana ang braso ni Darrel at ihinilig ang ulo dito. Normal ito sa kanilang dalawa. Walang malisya o kung ano man.
'Okay. Sama ka sa akin sa Saturday. In-invite ako ng isang volunteer sa birthday party niya.', ang yaya ni Darrel.
'Ang sweet naman!! Ano, official na ba?', ang tanong ni Sharmane nang napadaan ito sa harapan ng dalawa.
Agad namang umayos ng upo si Dana at bumati kay Sharmane. Napangiti lang ito sa tinuran ng schoolmate at hinayaang si Darrel na ang magsalita.
'Nako, that's what you always say. Good luck!', ang sabi ni Sharmane bago dumiretso sa CR.
'It's so weird how everyone thinks na tayo no? Bakit kaya di na lang natin sabihin na tayo nga para matahimik sila?', ang komento ni Dana.
Natawa naman si Darrel sa sinabing ito ng kaibigan. Alam niyang nag-exaggerate lang ito dahil sa lagi silang natatanong tungkol sa pagkakaibigan nila.
'Ano? Sa Sabado?', ang pagbabalik ni Darrel sa invitation niya kay Dana.
'Okay! Pero sunduin mo ako.', ang pagpayag ni Dana.
***
'Whoooooo!!', ang sigaw ni Shane habang umiindak kasabay ng malakas na tugtog sa malaking garahe nina Symon.
Alas-nuebe na nagsimula ang party ni Symon. Busy ang kanyang mommy sa pag-aasikaso ng pagkain at mga inumin. Pumayag ito na magkaroon ng alak pero limited lamang. At dahil sa policy ng village, hanggang alas-dose lang ng hatinggabi pwede magpatugtog ng malakas. Marami ang dumalo. Karamihan ay mga high school friends ni Symon. Siyempre, kumpleto naman ang kanyang college barkada at ilang mga kaklase. Lahat naman ay inimbita niya maliban kay Agapito.
'Kuya Darrel!! Akala ko po hindi kayo makakapunta!', ang masyang sabi ni Symon nang makita si Darrel na pumasok sa gate.
'Happy birthday!!', ang bati ni Darrel sabay abot ng regalo.
'Wow! Thank you po.', ang kinikilig na pagtanggap ni Symon sa bigay ni Darrel.
'Symon. Si Dana nga pala.', ang pakilala ni Darrel sa kasama.
'Hello po. Tara! Kain na po kayo.', ang yaya ni Symon.
Inasikaso ni Symon sina Darrel. Pinaupo niya ito sa table kasama ang mga college friends. At pinaabutan niya ito ng pagkain sa waiters na kasama sa catering service.
Ang isang part ng garahe nila ay parang naging mini-bar dahil dito nagsasayawan ang ilang mga imbitado. May mga lights rin na talaga namang nag-set sa mood nila na mag-party. Masaya ang lahat at kabi-kabila ang bati kay Symon na nag-eenjoy sila sa party nito.
Bandang 10.30 na ng gabi ng ilabas ng mommy ni Symon na si Grace ang cake at ang lahat ay kumanta ng happy birthday. Itinigil panandalian ang music at ibinigay ang momnet na iyon kay Symon.
'Thank you, guys, so much! Thanks for coming!! Let's party!!!!!', ang sabi ni Symon bago muling ibalik ang malakas na tugtog.
***
'Anak.', ang sabi ng kanyang ina habang kumakatok sa pinto.
Marahan nitong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto habang siya naman ay mabilis na nagpupunas ng mga luha sa mata.
'Nandyan si James sa baba.', ang sabi ng ina.
'Paakyatin niyo na lang po.', ang sabi ni Agapito na hindi tumitingin sa ina.
Halata sa boses nito ang lungkot. Nakaramdam naman ang ina sa hirap na dinadala niya. Pero hinayaan na lang niya muna ito kahit alam niyang itinatago nito sa kanya ang mga luha.
'O sige. Mag-aakyat na din ako ng pagkain.', ang sabi nito bago muling isara ang pinto.
Muli siyang humiga at wala pang isang minuto ay naramdaman niya na ang pagsalampak ni James sa kama niya.
'Dude.', ang pagtawag sa kanya nito.
'Hmm?', ang paos niyang sagot.
'Bakit para kang iniwan ng chicks dyan sa itsura mo?', ang tanong nito nang mapansing hindi man lang ito gumalaw nang dumating siya.
'Wala. Bakit? May kelangan ka ba?', ang tanong ni Agapito.
'Wala naman. Wala ako magawa. Umalis silang lahat. Palaro ng Wii.', ang sabi ni James.
'Sige lang. Ikaw na mag-set up.', ang pagpayag ni Agapito.
'Yun!', ang tuwang-tuwang pagtayo ni James.
Nagtalukbong ng kumot si Agapito habang naglalaro si James ng Wii. Sobrang bigat ng pakiramdam niya ngayon at mukhang walang ideya ang kaibigan dito. Nang kumatok ang kanyang ina dala ang isang tray na puno ng pagkain ay nag-pretend si Agapito na nakikipaglaro kay James pero pagbaba nito ay bumalik ito muli sa higaan. Itinigil ni James ang paglalaro at umupo sa sahig. Kinuha niya ang tray ng pagkain at nagsimulang kumain.
'JR.', ang pagtawag niya dito.
Inilabas naman ni Agapito ang ulo sa kumot at tiningnan ang kaibigan na sarap sa pagkain.
'Ano?', ang tanong nito.
'Ayaw mo ba kumain?', ang tanong nito kahit puno ang bibig.
'Ubusin mo na 'yan.', ang matamlay na sagot nito.
'Uy, dude. Anong problema natin?', ang tanong ni James.
'Ha?', ang nagulat na sabi ni Agapito sa biglang pag-aalala ni James.
'Kanina ka pa ganyan. Ano? Iniwan ka ba ng chick?', ang tanong ni James.
'James, alam mo kung anong date ngayon?', ang tanong ni Agapito.
Nag-isip sandali si James at nang maisip na niya ang date, wala naman siyang naalalang significant sa araw na ito.
'O, anong meron ngayon?', ang tanong ni James.
'Eksaktong isang buwan na since nawala si Papa.', ang malungkot na sabi niya.
Hindi na napigilan ni Agapito ang maluha. Muli niyang ibinalik ang kumot sa kanyang ulo. Ayaw niyang makita siya nang kahit sino man na umiiyak. Kahit ang ina niya hindi siya nakita na umiyak nang namaalam ang kanyang ama.
Parang naalarma naman si James sa nakita niyang kahinaan ng kaibigan at agad na umupo sa tabi nito.
'Dude. It's okay.', ang sabi ni James habang pilit na ibinababa ang kumot.
Ayaw naman itong payagan ni Agapito. Dumapa na siya at hinawakan ng mahigpit ang kumot para hindi mahila ni James. Hinayaan na lang siya ni James at patuloy na lang ito na nagsalita.
'JR, isang buwan nang wala si Tito Ag. Pero isipin mo na lang na nasa mabuting lugar na siya ngayon. Wala na siyang nararamdaman pang sakit. Maginhawa na siya. Malamang, nakikita ka niya ngayon. Paano siya magiging masaya para sa'yo kung ikaw mismo di mo magawang maging masaya?', ang sabi ni James.
'Ang dami ko pang hindi nasasabi sa kanya. Ang dami pa naming planong mag-ama. Tapos nawala na siya. Ang daya. Iniwan niya kami.', ang pag-iyak ni Agapito sa loob ng kumot.
'Mas mabuti na iyon kesa naman makita mo naman siya na nahihirapan diba? You just have to learn how to let go.', ang sabi ni James.
'It's too soon.', ang sabi ni Agapito.
Hindi na nakapagsalita pa si James dahil hindi niya alam ang sasabihin dito. Hindi niya gamay ang mga ganito. Pero nalulungkot siya dahil alam niya kung gaano naging close si Agapito sa ama nito.
'Dude! Bangon ka dyan! Dali!!', ang bigla niyang sabi dito.
Buong pwersa niyang hinigit ang kumot dito at nakita niya ang mga namamagang mata ni Agapito. Ayaw ni James ng malungkot dahil sa bahay nila ay tanging ito lang ang aura simula nang iwan sila ng kanyang ama. Hinila niya si Agapito upang bumangon ito at inutusan na magbihis.
'Basketball tayo nang mawala 'yang lungkot mo. Dali!', ang sabi ni James
'Gabing-gabi na. 11PM na kaya!!', ang inis na sabi ni Agapito.
'E ano naman? Wag ka na umarte! Dalian mo.', ang inis na sabi ni James.
Wala naman nang nagawa si Agapito kung hindi sundin ang sinabi ni James. Agad itong nagsuot ng basketball shorts pero hindi na ito nag-sapatos. Naalala ni Agapito na may court nga pala sina James sa backyard nito kaya malakas ang loob na magyaya maglaro kahit gabi na.
'O, shooting muna!', ang paghagis ni James ng bola kay Agapito.
Nawala naman kahit papano ang bigat ng nararamdaman ni Agapito nang simula itong pagpawisan. Lumalamang siya sa one-on-one nila ni James na madalang lang mangyari. Matapos ang halos kalahating minuto ng paglalaro at napansin niya na nagpapatalo si James upang gumaan ang pakiramdam niya ay bumalik na naman ang pakiramdam niya kanina.
'Dude, hindi ko talaga kaya.', ang sabi niya nang inupuan niya ang bola.
Yumuko na siya at hindi na napigilan ang sarili na muling maiyak. Si James naman ay agad na lumapit at tinapik siya sa likod.
'Sige lang, dude. Ilabas mo lang 'yan lahat.', ang sabi ni James.
Umupo na talaga sa sahig si Agapito at niyakap ang mga tuhod niya habang si James naman ay nasa tabi niya at hinahagod ang kanyang likod.
***
Halos nakainom na ang lahat at ang iba na nakarami ay medyo tipsy na. Nagpaalam na sina Lexie, Shane, Jeric at Coleen na kina Symon na matutulog. Wala pa ring tigil ang kanilang pagsasayaw hanggang sa in-announce ng DJ na last song na.
'Awwwww!', ang sabi ng mga tao na nag-eenjoy pa.
'Nahihilo na ako.', ang bulong ni Dana kay Darrel.
Hinawakan ni Darrel ang kamay ni Dana at umupo sa isang table malapit sa mini-bar. Dumaan sandali si Symon upang alamin kung okay lang ba sila.
'Uuwi na rin kami maya-maya ah.', ang sabi ni Darrel.
'Nag-enjoy po ba kayo?', ang tanong ni Symon.
'Oo naman. Thanks for inviting us.', ang sabi ni Darrel.
Nagpaalam na si Symon at sinamahang muli ang mga kaibigan. Masayang-masaya siya dahil kumpleto ang birthday niya. Hindi lang basta dumalo si Darrel, may regalo pa ito sa kanya.
'Dars, gusto ko ng water.', ang sabi ni Dana.
Humingi sila ng tubig sa waiter pero dahil nagliligpit na ang mga ito ay sinabihan sila na pumasok na lang sa kusina upang doon kumuha ng water. Agad naman nilang sinunod ang sinabi ng waiter.
Pagkapasok ay agad na kumuha si Darrel ng baso at pinuno ito ng tubig mula sa dispenser. Iniabot niya ito kay Dana upang makainom ito. Medyo hilo pa ito at halatang lasing dahil hindi na ito makapagsalita ng maayos.
'Sure ka bang hindi ka mapapagalitan kapag umuwi ka ng ganyan?', ang tanong ni Darrel.
'Alam mo, okay lang ako. Lalo na kasama kita.', ang sabi ni Dana.
Biglang pumulupot ang dalawang kamay nito sa leeg ni Darrel. Halata namang nalilito si Darrel sa ginagawa ng kaibigan.
'I've been meaning to tell you this.', ang sabi ni Dana.
Nakatitig lang si Darrel sa mga mata ng kaibigan. Tumatakbo sa isip niya na huwag naman sanang sabihin ni Dana ang naisip niyang pwede nitong sabihin.
'Thank you for being such a good friend, Darrel. Ikaw lang ang nag-iisang laging nandyan para sa akin kahit anong mangyari. I super love you. Thank you, friend!', ang sabi ni Dana.
Parang nakahinga naman ng maluwag si Darrel. Sa totoo lang, akala niya ay magko-confess ito sa kanya ng pagmamahal. Pero nagulat siya sa sumunod na nangyari. Biglang lumapit ang mukha ng kaibigan sa kanya at naglapat ang kanilang mga labi. Nakabukas ang mga mata ni Darrel nang dumampi ang labi ni Dana sa kanya. Pero napapikit din siya agad nang ituloy ni Dana ang ginagawa.
'Kuya...', ang pagpasok ni Symon sa eksena.
Naisipan ni Symon na sundan ang dalawa nang mapansin niyang pumasok ito sa kanilang bahay. Nakita niyang itinuro ng waiter ang kanilang kusina. Pumasok siya upang tingnan kung nakapunta ba sila sa tamang lugar. Pero hindi siya handa sa kanyang nakita. Magkayakap ang dalawa at magkadikit ang mga labi. Hindi siya narinig nina Dana at Darrel dahil agad siyang tumigil sa pagsasalita nang makita ang estado ng dalawa.
Namumuo ang mga luha ni Symon at agad na tumalikod at tumakbo paakyat sa kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sobra siyang nasaktan sa nakita. Kung ano ang isinaya niya ay gayon naman ang lungkot na bigla niyang nadama ngayon. Humagulgol siya sa loob ng kwarto at nagpasalamat siya sa malakas na tugtog dahil hindi siya rinig.
'I hate you! I hate you! I hate you!', ang sigaw ni Symon habang sinusuntok ang unan.
No comments:
Post a Comment