'Sy, pinapatawag tayo sa stage ni Ms. Ellie.', ang sabi ni Jeric kay Symon habang mahigpit pa rin itong nakayakap kay Darrel.
Wala na siyang pakialam kung ano ang iisipin ng ibang tao. Masyado nang mabigat ang nararamdaman ni Symon at gusto lang niya itong ilabas. Si Darrel ang nandyan para suportahan siya.
'O, go back there. Stop crying.', ang sabi ni Darrel habang pinupunasan ng mga kamay ang luha nito.
'Why?? You're the star tonight! Who would've thought na mangyayari iyon? Kung iba lang iyan na walang fighting spirit, hinayaan na lang nila na mawala ang moment nila sa stage. Pero ikaw hindi. Kaya bumalik ka sa stage at ipakita mo sa kanilang kinaya mo iyon.', ang sabi ni Darrel.
Nakatingin lang si Symon sa mga mata ni Darrel. Sincere naman si Darrel sa mga sinabi niya dahil totoong namangha siya sa ginawa ni Symon.
'Sige na. Dito lang ako. They're waiting for you out there.', ang sabi ni Darrel.
Naglakad na palayo si Symon at naiwan naman sa backstage si Darrel. Narinig ni Darrel na muling nagpalakpakan ang mga kaklase ni Symon na nasa stage nang lumabas ito.
***
Agad na niyakap ni Ms. Ellie si Symon nang lumabas ito sa stage. Si Lexie ay lumapit din, pati sina Coleen, Shane at Jeric.
'You surprised all of us! You did a very good job! I'm proud of you.', ang sabi ni Ms. Ellie.
'Thank you po.', ang sagot naman ni Symon na humihikbi pa rin mula sa paghagulgol kay Darrel.
'Stop crying. Everyone loved it!', ang sabi ni Shane.
Umalis sandali si Ms. Ellie. Si Symon naman ay kinausap ng mga kaibigan. May ilang kaklase na lumalapit at nagko-congratulate sa kanya.
'I'm sorry, Sy. I didn't hav a back-up plan.', ang malungkot na sabi ni Lexie.
'It's not your fault. Wag mong sisihin ang sarili mo.', ang sabi ni Symon.
Muli namang bumalik si Ms. Ellie sa kanila kasama ang dalawang kaibigan.
'Symon, this is Director Ramon Castro and...', ang pagpapakilala ni Ms. Ellie.
'Vince David! OMG.', ang sabi ni Shane na sobrang kinikilig.
'Yeah.', ang sabi ni Ms. Ellie.
'Hi, Symon. I was really astounded by your performance! Good job!', ang sabi ni Ramon.
'Thank you po!', ang sagot ni Symon.
Nakipagkamay siya dito bago magpakilala ng personal si Vince sa kanya.
'Hi. I'm Vince.', ang pakikipagkamay nito.
Laman ng local TV networks si Vince David dahil isa siya sa mga rising stars ngayon. 23 years old na ito at nagsimula ang kanyang career sa theater. Nakipagkilala din siya sa mga kaibigan ni Symon. Lalo namang kinilig si Shane nang nakipag-beso ito sa kanya.
'I honestly loved your voice. I didn't see it in you kaya I'm so surprised to hear it.', ang sabi ni Vince.
'Thank you po. Hindi po kasi ako sanay kumanta sa harap ng maraming tao.', ang sabi ni Symon.
'So, is this your first major performance?', ang tanong ni Vince.
'Actually, this is the first time I sang in front of a crowd. Kahit po family ko, first time akong narinig ngayon.', ang sabi ni Symon.
'Cool! You've got such a pure talent. I'd like to invite you sometime sa recording studio namin. Ipapakilala kita sa producer ko. Would that be okay?', ang imbita ni Vince.
Speechless naman si Symon sa sinabi ni Vince. Hindi na akalaing ganon ang magiging turn-out ng pagkawala ng audio ng kanyang piece.
'Sir, nahihiya po ako. I don't think magagawa ko ulit yun.', ang sabi ni Symon.
'You can do it! Sayang ang talent mo. I'll keep in touch through Ms. Ellie. Okay?', ang sabi ni Vince.
'Sige po. Thank you so much.', ang sabi ni Symon.
Matapos ang maikling conversation ay nagpa-picture muna sila sa batikang director at artista. Masaya ang lahat dahil tapos na ang production at naging successful naman ito. Bumaba si Symon ng stage at nilapitan ang pamilya na naghihintay sa kanya. Agad na yumakap sa kanya ang ina.
'You're so great!! I didn't know you can sing!', ang sabi ng ina.
'Thanks! You enjoyed it?', ang tanong ni Symon.
'Of course!! Stop crying na. You did well, anak.', ang sabi ni Grace.
Yumakap si Symon sa ina at nagpasalamat ito sa pagpunta. Matapos iyon ay agad siyang bumalik sa backstage upang puntahan si Darrel na naghihintay sa kanya.
***
'Good job.', ang bulong ni Gap sa kanya nang makasalubong niya ito sa backstage.
Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso. Agad siyang nagpumiglas at hinarap si Gap.
'Masaya ka na? Nakaganti ka na sa akin?', ang tanong ni Symon sa kanya.
'Oo. Ano? Tatapatan mo na naman?', ang galit at patanong na sagot ni Gap.
Tiningnan lang ni Symon si Gap dahil pagod na itong makipag-ungusan kay Gap. Ayaw na niyang may lumabas pa sa bibig niya na magiging mitsa na naman ng pag-aaway nila. Naalala niya ang sabi ni Darrel sa kanya na maging mabait na siya.
'Let's just stop this, okay?', ang sabi ni Symon.
Umalis na lang si Gap na puno pa rin ng galit kay Symon. Sobrang kahihiyan ang ibinigay nito sa kanya kaya naman tama lang na inilagay niya sa alanganin si Symon.
Pagkaliko ni Symon ay nakita niyang nakaupo sa may pinto ng kanyang room si Darrel at matiyagang naghihintay sa kanya.
'Kuya.', ang sabi ni Symon.
Agad namang tumayo si Darrel nang marinig ang boses ni Symon.
'Oh, okay ka na?', ang tanong ni Darrel.
Pumasok sila sa loob ng dressing room para makapagpalit na ng damit si Symon.
'Vince David invited me to meet his producer.', ang sabi ni Symon.
'Wow!! That's great! See, sabi ko naman sa'yo e. Magaling ka kumanta. Maganda ang ginawa mo kanina kaya there's no reason para umiyak ka.', ang sabi ni Darrel.
'Thank you, Kuya Darrel ha. Buti na lang nandyan ka.', ang sabi ni Symon.
'Syempre naman. Para saan pa't naging kuya mo ako?', ang sabi ni Darrel.
Lumapit ito kay Symon at binigyan siya ng mabilis pero mahigpit na yakap. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Jeric. Para namang nakuryente ang dalawa at agad na kumalas sa pagkakayakap.
'Oops. Sorry.', ang sabi ni Jeric.
Lalabas sana ulit ito pero pinigilan na siya ni Symon. Nagpaalam naman na si Darrel na mauuna na dahil kasama niya si Dana. Nag-promise naman ito na magtetext mamaya. Nang maiwan silang dalawa ay abot-tenga ang ngiti ni Jeric kay Symon.
'Haba ng hair mo, teh!! You already! Nakailang yakap ka kay Papa Darrel?', ang bakla-baklaang sabi ni Jeric.
'Stop it!', ang nahihiyang sabi ni Symon.
'Joke lang. Ang ganda talaga ng nangyari kanina. Kinilabutan ako sa'yo.', ang sabi ni Jeric.
'Seryoso ba? Nanginginig nga ako e.', ang sabi ni Symon.
'Tingnan mo na lang sa video. Sinabihan ko si Mommy na mag-record e.', ang sabi ni Jeric.
Pumasok ang mga designers na naglagay ng hair extensions sa kanila. Matiyaga nila itong muling tinanggal. Sobrang namamaga na ang mga mata ni Symon kakaiyak. Pero wala siyang ibang natatanggap kung hindi puro papuri.
***
Parang hinihila ng sariling kama si Symon kinabukasan habang nag-aaral para sa finals na magsisimula sa parating na Lunes. Tumayo siya mula sa kinauupuan sa tapat ng kanyang study table at naligo. Matapos makaligo ay nagsuot ito ng shorts at shirt. Isinilid sa isang backpack ang lahat ng mga libro at notebook na gagamitin sa pag-aaralan at lumabas ng kwarto. Tinungo niya ang kwarto ng ina at marahang kumatok sa pinto nito.
'Mom.', ang pagtawag niya.
'Yes?', ang pagbubukas ng pinto ni Grace.
'Can you drive me to PJ's please?', ang tanong ni Symon.
'Why?', ang tanong ni Grace.
'Can't study in my room. Inaantok ako.', ang sagot ni Symon.
'Why don't you just take a cab?', ang tanong ni Grace.
Hindi nag-hire ng driver si Grace dahil hindi siya kampante na magkaroon na kasambahay na lalaki.
'Uhm. Okay. Fetch me later?', ang tanong ni Symon.
'Let's see. Wag kag magpapagabi.', ang sabi ng ina.
'I won't.', ang sabi ni Symon.
'Ingat.', ang sabi ni Grace bago isara ang pinto.
Naglakad si Symon palabas ng subdivision. 2PM pa lang at medyo mataas pa ang sikat ng araw kaya naman pagkarating niya sa gate ay tagaktak na ang pawis nito. Agad naman siyang nakasakay ng cab papunta sa PJ's. Hindi siya sanay na bumiyahe mag-isa dahil lagi siyang nakasakay sa kotse. Bilang lang ang mga pagkakataon na nagta-taxi siya. Wala pang isang oras ay nasa harap na siya ng PJ's.
'Hey!', ang bati sa kanya ni Matt pagpasok niya ng coffee shop.
'What's up, Matt?', ang tanong ni Symon.
'I've heard you performed yesterday. Congrats.', ang sabi ni Matt.
'You did? Wow, hanggang dito pala umabot yun.', ang sabi ni Symon.
'Yeah. So, what brings you here on a Saturday?', ang tanong ni Matt.
'Ayaw mo ba? Joke lang. Finals week na. And inaantok ako sa bahay, hindi ako makapag-aral.', ang sabi ni Symon.
'Ah. Oo nga pala. Kami din e.', ang sabi ni Matt.
'E why are you on duty? Wala ka bang class ngayon? Or hindi mo ba kailangang mag-aral?', ang tanong ni Symon.
'Morning yung class ko kanina, 8AM. Kakasimula pa lang ng shift ko. I'll be off by 5PM pa.' I might stay pa to study here. Yun naman lagi ko ginagawa e.', ang sabi ni Matt.
'Really? Cool!', ang sabi ni Symon.
Ibinaba na ni Symon ang gamit sa isang table na nasa bandang dulo ng shop para hindi masyadong daanan ng tao. Matapos ito ay bumalik siya sa counter para um-order.
'Here's your drink.', ang sabi ni Matt.
Inabot agad ni Matt sa kanya ang usual niyang iniinom at hindi na nagpabayad. Konti lang ang tao sa shop dahil nga weekend. Malamang ay puro estudyante ito ng MSCA dahil puro nag-aaral ang mga nandito.
'No, no. Nakakahiya. Here.', ang sabi ni Symon habang inaabot ang bayad niya.
'It's on me. Na-punch ko na o.', ang sabi ni Matt habang pinapakita ang receipt sa kanya.
'Thanks! Uhm. Join me later?', ang yaya ni Symon.
'Matagal pa iyon. Are you gonna stay for that long?', ang tanong ni Matt.
'Why not? I'll be studying muna. And it's not against any business law or what naman diba?', ang tanong ni Symon.
'No. Off duty na naman ako nun.', ang sabi ni Matt.
'Alright. Thanks again. Later.', ang paalam ni Symon.
***
Ang mga kanta sa playlist ni Symon ay puro upbeat na mga kanta upang magising siya at ganahan mag-aral. Patong-patong ang mga libro sa kanyang table at isa-isa niya itong binabasa. Hindi pa masyadong umeepekto ang caffeine sa kanyang iniinom at medyo inaantok pa rin siya. Nag-stretch siya sandali at napansin niyang nakatingin sa kanya si Matt na nakatayo sa may counter. Nginitian niya ito at sinuklian din naman siya ni Matt ng ngiti.
Darrel: Nag-aaral ka na ba para sa finals?
Ang text na na-receive ni Symon mula kay Darrel habang nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ilang minuto matapos mag-stretch.
Symon: Yup. Am in PJ's now. Inaantok kasi ako sa bahay e.
Darrel: Talaga? On the way ako dyan ngayon.
Symon: Cool! See you then. Ingat, Kuya.
Halos isang oras ang lumipas nang pumasok sa PJ's si Darrel. Dumiretso na agad ito sa lugar kung saan nakaupo si Symon.
'Hello, bunso.', ang bati ni Darrel.
Sobrang laki ng ngiti ni Symon at binati niya si Darrel pagkatanggal niya sa kanyang headset. Agad din siyang napabaling sa counter at nakita si Matt na nakatingin pero nakasimangot na ito. Nagulat naman siya sa reaksyon nito lalo na nang bigla nitong inalis ang tingin sa kanya na hindi man lang ngumiti.
Nang makapagpahinga sandali si Darrel ay tumayo na ito at um-order. Tulad ng dati ay sinundan niya ito ng tingin. Pero para sa ibang dahilan na ngayon. Gusto niyang makita ang magiging transaction ni Darrel kay Matt.
'Hey, Matt!', ang nakangiting bati ni Darrel.
'What can I get you, Darrel?', ang tanong ni Matt na nakangiti naman pero halatang pilit.
'Cafe latte. And two cookies. For here.', ang order ni Darrel.
'Comin' up.', ang sabi ni Matt.
Wala pang dalawang minuto ay pabalik na si Darrel kay Symon. Iniabot nito sa kanya ang isang cookie.
'Thanks, kuya.', ang sabi ni Symon.
'Kanina ka pa dito?', ang tanong ni Darrel.
'Uhm. Close to two hours na siguro.', ang sagot ni Symon.
'Ah. O sige, aral muna tayo ha.', ang sabi ni Darrel.
Mukhang ginanahan naman si Symon na mag-aral. Nilabas niya ang kanyang notebook at isinulat doon ang lahat ng naaaral. Maya't maya ang sulyap niya kay Darrel na subsob din sa pag-aaral. Parehas silang naka-headset. Napaka-simple lang ni Darrel. Naka-polo shirt lang ito, shorts at flip flops. Maswerte rin siya na nakasabay niya ito na mag-aral dahil nakakuha siya ng tips sa mga tipo ng exams na binibigay ng mga prof na naging prof niya.
'Gusto mo ng water, kuya?', ang tanong ni Symon.
'Sige.', ang sagot nito.
Pumunta si Symon sa counter nang makita niyang less than an hour na lang bago matapos ang duty ni Matt.
'Yes?', ang nakangiting lapit ni Matt sa kanya sa counter.
Nakangiti ito pero iba. Parang pilit. Parang hindi totoo.
'Two cups of water.', ang sabi ni Symon.
Nang iabot sa kanya ni Matt ang dalawang baso ng tubig ay kinausap na ni Symon ito.
'Hey, you're joining us pagtapos ng shift mo ah.', ang sabi niya.
'Uhm. Might not.', ang sabi ni Matt.
'Why?? Come on! Ang ganda ng usapan natin kanina.', ang sabi ni Symon.
'Yeah. E baka nakakaistorbo ako sa inyo.', ang sabi ni Matt.
'Matt! Ano ka ba. Basta later ha?', ang sabi ni Symon.
'Let's see.', ang sabi ni Matt.
Habang naglalakad pabalik si Symon ay iba ang kanyang pakiramdam. Feeling niya ay na-disappoint niya si Matt. Hihintayin na lang niya ang pagtatapos ng shift nito para makasama na nila ito ni Darrel.
Nang tingnan muli ni Symon ang relo nang tumigil ito sa pagbabasa ay nakita niyang 5.13PM na. Tumingin agad siya sa counter at nakita niyang iba na ang tao sa counter.
'Uhm, nasaan na si Matt?', ang tanong ni Symon sa bagong barista.
'Kakaalis lang po.', ang sagot nito.
Lalo namang nagtaka si Symon sa biglang pag-alis ni Matt. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.
***
Lunes. Matapos ang dalawang exams ay tumambay muna ang magkakaibigan sa may park sa gilid ng building. 11AM pa lang ay tapos na ang kanilang exams at nagpasya silang magpahinga muna sa pagbabasa. Si Darrel naman ay magsisimula pa lang ang exam ng 11AM.
'Guys, alam niyo ba kung saan 'yung St. Pancratius University?', ang tanong ni Symon sa mga kaibigan.

'Yes! It's before MSCA kapag nasa left.', ang tanong ni Shane.
Napaisip naman si Symon sa sinabi ni Shane. Hindi pa siya nagagawi dito dahil kapag nasa tapat ng MSCA ay galing sa kanan lagi ang sasakyan at lumiliko na agad ito sa street ng PJ's.
'Hindi mo ba napapansin 'yung mga students na taga-don? Minsan nasa PJ's din sila.', ang sabi ni Coleen.
'Hindi e. Walking distance?', ang tanong ni Symon.
'Yeah. Diretso lang yun. If I'm not mistaken, after four streets yata. Why?', ang sabi ni Lexie.
'Wala naman.', ang sabi ni Symon.
'Pwede na tayong mag-lunch? Medyo nagugutom na kasi ako.', ang sabi ni Jeric.
'Tara.', ang sabi naman ni Shane bago tumayo.
'Caf?', ang tanong ni Lexie.
'Why? Where do you wanna eat?', ang tanong ni Coleen.
'Sa iba naman. May pasta place sa may tapat ng PJ's. You wanna try it out?', ang yaya ni Lexie.
Pumayag naman ang lahat sa imbita ni Lexie.
***
Nasa library si Gap at busy sa pag-aaral nang biglang malakas na nag-ring ang kanyang phone. Nag-panic siya at agad niya itong sinagot nang ang lahat ng estudyante ay nakatingin na sa kanya.
'Hello?', ang pagsagot ni Gap sa tawag.
'Dude, saan ka?', ang tanong ng nasa kabilang linya.
'Ganda rin ng timing mo. Nasa library ako. Bakit?', ang sagot ni Gap.
'Sorry naman. Hindi ko naman alam. Wala ka na bang klase?', ang tanong nito.
'Wala na. Bakit ba, James?', ang naiinis nang tanong ni Gap.
'E wala akong mga prof ngayon. Leche. Sana pala di na ako pumasok.', ang sabi ni James.
'Hindi niyo pa ba exams?', ang tanong ni Gap.
'Bukas pa. Ano, labas ka na dyan. Nagugutom na rin ako.', ang sabi ni James.
Lunch na at hindi pa rin kumakain si Gap kaya naman pumayag siya sa imbita ni James. Pinapunta niya ito sa MSCA.
'Try mong pumasok. Pag 'di ka sinita ng guard, diretso ka lang.', ang sabi ni Gap.
'Sige, dude.', ang paalam ni James.
***
Hindi naman nagsisi ang magkakaibigan nang sinubukan nila ang pagkain sa pasta place na ito sa tapat ng PJ's. Sobrang sulit at busog na busog silang lahat.
'Where are you guys heading out?', ang tanong ni Symon sa pagitan ng pag-inom ng iced tea.
'I'm going straight home. Inaantok ako.', ang sabi ni Shane.
'Wow! Buhay baboy lang?', ang natatawang sabi ni Coleen.
'Magla-library ako. Magsosoli ako ng libro.', ang sagot ni Lexie.
'Babe, saan tayo punta?', ang tanong ni Jeric.
'Uuwi. Gusto kong bumawi ng tulog.', ang sabi ni Coleen.
'Buhay baboy ka rin pala e.', ang tumatawang sabi ni Jeric.
'I'm staying at PJ's lang siguro.', ang sabi ni Symon.
'Nga pala, tatanggapin mo ba yung offer sa'yo ni Vince David?', ang tanong ni Shane.
'Hindi ko alam.', ang sabi ni Symon.
'Naku, Sy. Kapag tatanggapin mo, ako ang una mong sabihan ah. Isama mo na rin ako. Para maging friends kami ni Vince.', ang kinikilig na sabi ni Shane.
'Sure.', ang natatawang sabi ni Symon.
'Kinausap ka na ba ni Abby?', ang tanong ni Lexie.
'Oo. Kanina. Ayaw tumigil sa pagso-sorry at pag-iyak.', ang sabi ni Symon.
'E paano pa kung nakita mo nung Friday? Grabe.', ang sabi ni Lexie.
'Sinigawan mo kasi.', ang sabi ni Shane.
'E kasi naman. Bakit naman siya gagamit ng laptop ng walang battery?', ang galit na tanong ni Lexie.
'Sinigawan mo siya?', ang gulat na tanong ni Symon kay Lexie.
'Oo. E kasi tingnan mo nalagay ka tuloy sa alanganin.', ang sabi ni Lexie.
'Blessing in disguise naman kaya nung nangyari.', ang sabi ni Jeric.
'Oo nga. Pero paano kung hindi? Edi napahiya tayo.', ang sabi ni Lexie.
'Dapat di mo siya sinigawan. Hindi niya naman kasalanan e.', ang sabi ni Symon.
'Hay. Ewan! Nagtatanga-tangahan pa yun. Sabi niya, may battery naman daw. Pero nung nakita namin nasa bag naman niya.', ang sabi ni Lexie.
In-imagine ni Symon kung paano ginawa ni Gap ang pagganti sa kanya mula sa mga sinasabi ni Lexie. Tinanggal niya ang battery, ipinulupot ang wire sa katabing upuan. Pero paano niya nagawa iyon nang nandun si Abby?
'Wait. Lumabas ba siya nung nagsimula na 'yung show?', ang tanong ni Symon.
'Si Tina daw 'yung nasa labas. Pero umihi daw siya at pinagbantay niya si Gap sandali.', ang sabi ni Lexie.
Ayun! Doon na nabuo ang naging strategy ni Gap. Hindi malinis dahil maaari pa rin siyang masisi sa lahat. Mukha namang naintindihan ni Jeric ang nasa isip ni Symon pero hindi na lang ito nag-react para hindi na makagulo.
'Oh, no.', ang sabi ni Coleen.
'What? Why?', ang tanong ni Lexie.
'Do you think Gap did it? I mean diba hindi sila okay ni Sy?', ang tanong ni Coleen nang maipag-connect ang mga pangyayari.
Tumingin ang lahat kay Symon para alamin kung ano ang opinyon nito. Hindi naman siya makasagot agad.
'I don't know. C'mon, guys. Let go of it already. Tapos na iyon.', ang sabi ni Symon matapos ang ilang segundong pag-iisip.
Ayaw na niyang lumaki pa ang issue na ito at sila na namang dalawa ang involved.
'But, you should apologize to Abby.', ang sabi ni Symon kay Lexie.
***
'JR!', ang sigaw ni Darrel nang makita niya si Gap na naglalakad sa labas ng building.
'O, Kuya Darrel! Tapos na exam?', ang tanong ni Gap.
'Kakatapos pa lang nung isa. Meron pang isa mamayang 1PM. Kamusta exam? Saan ka galing?', ang sabi nito habang mabagal na naglalakad ang dalawa.
'Okay naman. Galing akong library. Nag-aral tsaka nagpalamig lang.', ang sagot ni Gap.
'Saan ka niyan ngayon? Uwi ka na?', ang tanong muli ni Darrel.
'Nope. Meet ko 'yung kabarkada ko, si James. Ikaw? Gusto mong sumama? Kakain kami.', ang sabi ni Gap.
'Nagugutom na nga ako. Ginutom ako sa exam.', ang sabi ni Darrel.
Nasa tapat na sila ng park na katabi ng cafeteria nang nag-ring ang phone ni Gap.
'O, dude? Saan ka na?', ang tanong ni Gap.
'Nakapasok ako! Nasalisihan ko 'yung guard.', ang tumatawang sabi ni James.
Katabi ng cafeteria ang office ng mga empleyado ng MSCA at ang nasa dulo nito ay ang gate. Bale ang dinadaanan nina Gap at Darrel ay ang sidewalk sa tabi ng mga dinadaanan ng mga kotseng pumapasok.
'Para kang tanga. Sobrang saya mo. Nakikita na kita.', ang sabi ni Gap nang makita ang kaibigan na tuwang tuwa na diretsong naglalakad sa walkway.
Nagpalinga-linga naman si James hanggang sa makita si Gap nasa ilang metro na lang ang layo.
'Uhm. JR. Next time na lang ako sasabay ha? Ah. Eh. May nalimutan lang ako. Eh. Magkikita pala kami ni Dana. Pasensya na ah. Sige.', ang halatang kinakabahang sabi ni Darrel.
'Ah. Sige.', ang tanging nasabi ng naguguluhang si Gap nang biglang umalis si Darrel.
***
Bumaba na si Symon mula sa PJ's ilang minuto ang nakalipas nang umalis ang mga kaibigan. Inilagay niya ang lahat ng gamit sa bag at walang itinira sa kanyang bulsa. Naglakad siya sa street ng PJ's. Dahil katapat nito ang MSCA ay kumanan siya papunta sa SPU. Palinga-linga siyang naglalakad at binibilang niya ang mga street na nadadaanan.
'One.', ang sabi niya sa sarili nang madaanan niya ang mga nagtitinda ng street food.
'Two.', ang bulong niya nang halos puro mga estudyante ng MSCA at SPU ang nakaharang sa kanya at nagyoyosi.
'Three.', ang sabi niya nang madaanan niya ang isang kilalang fastfood chain.
'Four.', ang sabi niya bago tumigil sa paglalakad.
Tiningnan niya muna ang road bago tumawid sa kabilang side kung saan naroon ang malaking gate ng St. Pancratius.
'Kuya, pwede magtanong?', ang tanong ni Symon sa guard.
'Ano yun, hijo?', ang baling sa kanya nito.
'Ito lang ba yung main gate niyo o may iba pang nilalabasan ang mga estudyante?', ang tanong ni Symon.
'Meron pa. Dyan pagliko mo sa sumunod na kanto, may gate diyan.', ang sagot ng guard.
'E saan po madalas lumalabas ang mga HRM students?', ang tanong ni Symon.
'Dito. Ayan ang building nila o.', ang turo ng guard sa mataas na building sa loob ng campus.
'Salamat po.', ang sabi ni Symon.
Tumayo lang si Symon sa gilid ng gate at tinitingnan niya ang bawat taong lumalabas at pumapasok. Tinitingnan din siya ng ilan sa mga ito dahil sa iba ang uniform na kanyang suot.
Kumikirot na ang paa niya at nauuhaw na siya dahil mag-iisang oras na siyang nakatayo at naghihintay.
'Matt, nasaan ka?', ang tanong niya sa sarili.
1 comment:
ano kaya ang magiging role ni Matt sa life ni Symon? :D exciting!
And magkakakilala kaya si James at Symon? haha :D
Great story :D
Post a Comment