BEST FRIDAY EVER!!!!! Ganyan katindi ang kasiyahan ni Symon habang papalapit na ang pagtatapos ng gabi. Hindi siya makatulog dahil pinapaulit-ulit niya ang mga pangyayari simula nang maiwan siya mag-isa sa PJ's hanggang sa makakwentuhan niya si Darrel.
'Okay ka lang ba?', ang naalala niyang tanong ni Darrel sa kanya nang mapansin nitong hindi ito komportable.
'Yeah. Uhm. Ah. Hmm.', ang hindi malaman na sasabihin ni Symon.
'Yes?', ang paghihintay ni Darrel sa gusto nitong sabihin.
'Nothing. I'll just go to the washroom.', ang paalam niya.
Agad naman siyang nagkulong panandalian sa CR at hinayaan ang sarili na makahinga. Parang feeling niya ay nasusuka siya na ewan.
'Dang it, Symon!! Ayusin mo sarili mo. Stay cool!', ang pagpapakalma ni Symon sa sarili.
'Are you sure you're okay?', ang medyo concerned na tanong ni Darrel pagkabalik ni Symon sa kanilang table.
Tumango naman si Symon at ngumiti ng pagkalaki-laki. Sinubukan niyang iwasang titigan ang lalaking nasa harap at umastang normal. Ayaw niyang ito ang maging huli. Naging smooth naman ang kwentuhan ng dalawa. Batuhan ng tanong at ng kung ano-ano pa.
'O, may girlfriend ka?', ang tanong ni Darrel.
Halos mabuga naman niya ang iniinom na iced coffee dahil sa biglaang tanong ni Darrel.
'Nako, wala po.', ang nakangisi niyang sagot.
'Maniwala ako sa'yo. Mukha ka ngang chickboy e.', ang puri ni Darrel.
Halos tumambling naman si Symon sa sinabi ni Darrel. Hindi niya maintindihan ang lubos na kasiyahang nararamdaman niya. Feeling niya namumula na naman ang mukha niya.
Mahigpit niyang yakap ang unan at hinahanapan niya nang mas malalim na kahulugan ang mga salita ni Darrel.
'Nung sinabi ba niya na mukha akong chickboy, ibig bang sabihin nun e tingin niya sa akin gwapo ako?', ang tanong niya sa sarili.
Alam naman niyang hindi masyadong angat ang kanyang looks compared sa iba pero napapalitaw ng kanyang persinality ang magagandang features niya tulad ng kanyang mga malamlam na mata at magandang ngiti.
***
'You're so hypnotizing
Could you be the devil?
Could you be an angel?
Your touch magnetizing
Feels like I am floating
Leaves my body glowing'
***
'You're so hypnotizing
Could you be the devil?
Could you be an angel?
Your touch magnetizing
Feels like I am floating
Leaves my body glowing'
Wanna be a victim
Ready for abduction
Boy, you're an alien
Your touch so foreign
It's supernatural
Extra-terrestrial'
Halos buong weekend itong pinapatugtog ni Symon habang iniisip ang maikling oras na magkasama sila ni Darrel sa PJ's. Sobrang tinamaan yata talaga siya dito. Wala siyang masabing kahit anong mali dito.
Ikalawang linggo na niya bilang freshman at halos tambak na siya ng mga babasahin at mga reports sa klase. Madalas silang magkasalubong ni Darrel sa hallway at nagngingitian naman sila. Gusto man ni Symon pero hindi naman ito tumitigil upang makipagkwentuhan. Hinihintay na lang niya ang text nito na nagpapatawag ng meeting.
Nangyari naman ang pinakahihintay niya Miyerkules ng umaga. Nagising siya na ang laman ng cellphone niya ay ang text ni Darrel.
'Hi, Volunteers! Team Building this Friday to Saturday. I'll drop by your class later. See you.', ang laman ng message ni Darrel.
Masayang pumasok sa MSCA si Symon at hindi na mahintay pa ang pagpunta ni Darrel sa room. Sakto pagkalabas ng terror na prof sa tanghali ay pumasok si Darrel sa loob ng class room dala ang ilang mga papel. Tinawag niya sina Symon, Lexie at Jeric.
'Hi! Na-receive nyo ba ang text ko kanina?', ang tanong ni Darrel.
Mukhang puyat ito dahil sa lalong sumingkit ang mata at medyo haggard ang hitsura. Pero para kaya Symon ay gwapo pa rin ito.
Tumango naman ang tatlo at nagsimula nang i-brief ni Darrel ang mga volunteers. Overnight ang team building at sa loob ito ng school gaganapin. 6PM ito magsisimula hanggang 3PM ng Sabado. Sinabi na rin ni Darrel ang mga kailangang dalhin at ibinigay nito ang waiver form bago nagpaalam agad sa tatlo upang bisitahin ang ibang klase.
Sakto namang paglabas ni Darrel ay pumasok ang Lit 101 professor nina Symon na si Ms. Ellie Dumlao. Cool itong professor. Hindi mahigpit pero marunong mag-handle ng klase.
'Settle down, guys. I have an announcement.', ang panimula nito.
Agad namang tumahimik ang lahat at ang mga mata ay itinuon sa kanya.
'As early as today, I am going to give you your final exam.', ang seryoso pa ring niyang sabi.
Nagsimula naman ang mga bulungan sa room. Tumalikod si Ellie at kinuha ang marker at malaking isinulat sa board ang mga salitang: DRESS UP!. Lalo namang lumakas ang mga usapan ng mga estudyante. Nagbibigay ng kani-kanilang hula sa kung ano ang exam.
'Hush, guys! You'll be presenting a musical with a twist! First, the story must be original. Second, you can sing any song you want as long as it's relevant to the story you are going to write.', ang paliwanag niya habang naglalakad sa aisle.
'Third, you'll be working as one group. And last, but not the least, male characters are going to be portrayed by females and female characters are going to be portrayed by males!', ang pagpapatuloy niya.
Lalong nagkagulo ang klase sa sinabi ni Ellie. Ipinaliwanag niya na upang maging isang mahusay na manunulat o di kaya ay aktor o di kaya ay direktor, dapat ay alam ng isang tao ang pakiramdam maging isang lalake, babae, tomboy o bakla.
'Preparations should start now. I will be giving you stories from our syllabus for inspiration, maybe.', ang sabi ni Ellie.
'Ma'am, pero may midterm exam pa rin po kami?', ang tanong ng isang estudyante.
'Your midterm exam will be the final story, the final characters and the final tasks of each of you. Understood?', ang sabi ni Ellie.
Nagsimula siyang magbigay ng hand outs at nag-discuss na siya ng unang storyang kanyang ipapaintindi sa mga estudyante.
***
Ang bilis ng pagdaan ng araw at Biyernes na. Dinala na ni Symon ang mga gamit umaga pa lang dahil hanggang 4.30PM pa ang klase niya at 5PM magsisimula ang team building. Halos tuliro si Symon buong araw dahil ang kanyang utak ay naka-set na sa activity na gagawin after class.
'Hello po.', ang bati ni Symon sa mga officers pagkapasok niya ng meeting room kung saan ay iiwan niya ang mga gamit.
May mangilan-ngilan nang mga volunteers ang nakapagpalit na ng damit at naghihintay na lang ng pagsisimula ng programa. Kasama ni Symon sina Jeric at Lexie na kasing excited ni Symon sa activity. Nagbihis na rin sila matapos ibaba ang mga gamit. Nagsuot lang ng plain white shirt at jogging pants si Symon habang si Jeric naman ay naka-shorts. Si Lexie naman ay naka-tights.
'AVR, guys!', ang utos ng isang officer sa kanila.
Halos puno na ang AVR pagkarating nila at halos nasa huling row na sila nakaupo. Pagala-gala ang mga mata ni Symon. Hinahanap niya si Darrel. Nakita naman niya ito pero nanlaki ang mata niya nang nakitang may kausap ito.
'Why is he here????!', ang sigaw ni Symon sa dalawang kasama.
'Sino?', ang tanong ni Jeric.
Sinundan nina Jeric at Lexie ang direksyon kung saan nakapako ang mga mata ni Symon. Nakita niyang nagtatawanan ang dalawa sa malayo at mukhang matagal nang magkakilala.
'Volunteer si Agapito???', ang tanong ni Lexie.
Walang sumagot dito. Mukhang naramdaman naman ni Darrel na may nakatingin sa kanya at automatic itong napatingin sa kinauupuan nina Symon. Agad namang ibinaling ni Symon ang tingin sa katabing si Lexie bago ibalik muli ang tingin kay Darrel. Tumango ito at ngumiti sa kanya.
'Ano kayang sinasabi nito ni Agapito kay Darrel? Bakit sila magkakilala?', ang mga tanong niya sa isip niya.
Imposibleng volunteer siya dahil last week pa closed ang registration. Wala siya sa meeting at hindi siya binigyan ng waiver form.
Imposibleng volunteer siya dahil last week pa closed ang registration. Wala siya sa meeting at hindi siya binigyan ng waiver form.
***
Nagsimula na ang program at in-assign na sila sa kani-kanilang mga rooms. Matapos maibaba ang mga gamit ay dumiretso na ang mga volunteers sa covered court kung saan ay may obstacle course silang haharapin. Hinati sila sa tatlong grupo na may limang miyembro kada isa.
'Seriously???!', ang sabi ni Symon kay Lexie na nasa kabilang grupo.
Naging ka-grupo ni Symon si Agapito sa activity na ito. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit tinanggap ito gayong tapos na ang registration nang sumali ito.
'Hi.', ang bati ni Agapito sa kanya at sa tatlo pang groupmates.
Tiningnan lang niya ito ng masama at wala nang sinabi pa. Nagsisimula nang sumenyas ang activity head. Pumila na sila at si Symon ay pang-apat at nasa likod niya si Agapito.
'Go!', ang sigaw ng isang officer.
Agad namang nagsimula ang ka-grupo nila kaya't nanguna agad sila. Kelangan nitong daanan ang obstacle course papunta sa kabilang side ng court at pabalik. Matapos i-tap ang sumunod na ka-grupo ay saka pa lang pwedeng gumalaw ang susunod. Mabilis na natapos ni Symon ang course at buong pwersang pinalo ang kamay ni Agapito upang makapagsimula na ito. Nakita niya pa na shine-shake nito ang kamay habang dinadaanan ang mga gulong. Napalakas yata talaga.
'Salamat ah!', ang sabi ni Agapito sa kanya nang makabalik ito.
'Congratulations to Symon's group! They won the first challenge!', ang sabi ni Sharmane.
Nagpalakpakan ang mga tao habang si Symon naman ay nakasimangot lang sa gilid. Tiningnan na lang niya si Darrel na nasa gilid lang at nagmamasid sa mga nangyayari. Sobrang kalmado ng mukha nito.
'...this will be your permanent group until tomorrow.', ang mga huling sinabi ni Sharmane na nakapukaw sa atensyon ni Symon.
'Whaaaaat?!', ang halos hangin lang niyang sabi.
Tinakbo niya ang maluwag na court papunta kay Darrel upang tanungin ito kung bakit kasama nila si Agapito.
'Kuya, e hindi naman po siya nag-register.', ang sabi ni Symon.
'Symon, nag-register siya nung last day.', ang kalmado na sabi ni Darrel.
'E bakit wala po siya nung meeting? Tsaka bakit hindi mo siya tinawag nung pumunta po kayo sa room?', ang mga tanong ni Symon.
'Honestly, he's a friend of mine. We were schoolmates nung high school. Member of the same club. That's why I really don't need to brief him about this stuff.', ang sabi ni Darrel.
Hindi na nakasagot si Symon sa kanyang nalaman. Biglang lumungkot ang mukha nito at nagpaalam na kay Darrel.
'Sige po. Salamat po.', ang malungkot na sabi ni Symon.
'Hey, Symon. Whatever's going on between the two of you, ayusin mo na yan. First year ka pa lang, mas okay kung friends mo ang lahat. Tsaka mabait naman yang si JR. Kaibiganin mo.', ang sabi ni Darrel bago i-flash ang magandang ngiti.
'JR?', ang tumatawa niyang sabi.
'Yeah. Pilyo ka ah.', ang sabi ni Darrel.
Bumalik na si Symon sa kanyang grupo at pasimpleng inasar si Agapito aka JR. Tatanungin niya ito ng mga nakakatangang mga tanong.
'So, schoolmates pala kayo ni Kuya Darrel, JR?', ang natatawa niyang tanong.
'Yeah. Why?', ang seryosong sagot ni Agapito.
'Wala naman, JR!', ang sabi muli ni Symon na may emphasis sa pangalan nito.
'Seriously, what is your problem with my name?!', ang naiinis niyang tanong.
'Nothing, JR!', ang sabi ni Symon bago unahan ito papunta sa room.
***
Nang matapos na ang lahat ng activity sa gabing iyon ay halos kakilala at kasundo na ni Symon ang lahat maliban na lang kay Agapito. Hindi niya maintindihan pero ang init ng dugo niya dito. Siguro dahil meron itong mga paraan na tinatapatan siya nito sa mga pang-aasar at pambu-bully niya.
'Thanks, guys! We'll wake you up at 6AM tomorrow! Good night!', ang paalam ni Sharmane.
Nagpatugtog sila sa buong auditorium habang naglalabasan ang mga volunteers. Magkakasama ang mga officers at masayang nagkekwentuhan. Si Sharmane ay nagsimulang sumayaw.
'Darrel! Darrel! Darrel!', ang kantyaw ng ibang mga officers.
Binagalan ni Symon ang paglabas upang makita kung magsasayaw nga ang crush. Hindi naman siya nabigo nang sabayan nito ang 'Teach Me How To Dougie' na malakas na tumutugtog sa auditorium.
'OH MY GOOOOOOOOOOODDD!!!!', ang sigaw ni Symon sa loob niya.
Halos panghinaan siya ng tuhod nang makita niya itong umindak. Lalo itong naging gwapo sa paningin niya. Wala na yata talagang kamalian kay Darrel para kay Symon.
'Uy! Tara na!', ang yaya sa kanya ni Jeric.
Para naman siyang nagulat nang marinig ang boses ng kaibigan. Agad siyang tumayo at sinundan ang kaibigan papunta sa room kung saan sila matutulog.
'Buti naman at hindi natin kasama 'yung isa dito sa room.', ang sabi ni Symon patungkol kay Agapito.
'Bakit ka ba galit na galit dun?', ang tanong ni Jeric habang nag-aayos ng kutson.
'Ewan ko ba. Gumaganti kasi.', ang sabi ni Symon.
'Ikaw naman kasi. Tigilan mo na.', ang sabi ni Jeric.
'Wala na akong ginagawa.', ang depensa ni Symon.
Napatingin sila sa pinto nang biglang may kumatok. Si Darrel ang niluwa nito at agad naman umupo si Symon nang makita niya ito. Naalala na naman niya ang pagsasayaw nito kanina.
'Hi. Favor naman. Ok lang ba kung lumipat si JR dito? Puno na kasi sa kabila.', ang sabi ni Darrel.
Sumulpot naman mula sa likod nito si Agapito na nakangisi. Kumaway ito sa ibang mga kasama. Agad namang pumayag ang majority nang nasa room kaya't wala nang nagawa si Symon.
'Be good, dude.', ang sabi ni Jeric sa kaibigan.
Hindi na niya ito pinansin. Humiga na siya at pumikit. Nakahiga siya pinakamalapit sa backdoor ng room. Katabi niya si Jeric. Si Agapito naman ay sa bandang harapan natulog. Nag-iwan siya ng konting space para hindi naman siya maapakan kapag may dumaan.
***
Ilang oras nang nakahiga si Symon pero hindi pa rin siya makatulog. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto nang makabangon ito upang magpahangin sa labas. Masyado nang malamig ang buga ng aircon sa loob ng room. Madilim na ang paligid kaya naman hindi niya napansin na meron pala siyang makakasalubong.
'Ay kabayo!', ang gulat niyang turan nang may isang madilim na pigura ng tao ang bumangga sa kanya.
'Tao naman ako.', ang sabi ng pamilyar na boses.
'Kuya Darrel.', ang pagkilala niya dito.
'Bakit ka nasa labas? Dapat tulog ka na ah.', ang sabi ni Darrel.
'Di po ako makatulog e. Kayo po?', ang tanong ni Symon.
'Eto nga, papunta na ako sa room niyo. Dyan na ako matutulog para bantayan kayo.', ang sabi ni Darrel.
'Wow. Grabe, sobrang bait nyo naman.', ang puri ni Symon.
'Responsibilidad namin kayo kaya dapat binabantayan kayo lagi.', ang sabi ni Darrel.
'Sabagay. Sige po, magpahinga na kayo.', ang sabi ni Symon.
'Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?', ang magalang na tanong ni Darrel.
In-analyze ni Symon ang sinabi ni Darrel at napagtanto niya na hindi ito pwedeng magpahinga kung nasa labas pa siya dahil kargo siya nito.
'Ay. Sorry naman, kuya. Eto na nga, papasok na e.', ang pabirong sabi ni Symon.
'Ikaw talaga.', ang natatawang sabi ni Darrel.
Pagkapasok ay agad na humiga si Symon habang si Darrel naman ay tiningnan muna isa-isa ang mga lalaking volunteers na natutulog. Sinigurado niya munang kumpleto ang mga ito bago magpahinga.
'Dito na lang ako para magising ako kapag may lalabas. Ni-lock ko yung pinto sa harap.', ang sabi ni Darrel habang inilatag ang manipis na foam sa tabi ni Symon.
'Diyos ko! Bakit mo siya laging nilalapit sa akin???!! Baka atakihin na ako!!!', ang sabi ni Symon sa sarili.
Buti na lang at madilim kaya't hindi halatang kinikilig siya.
'Sige po. Kuya, may kumot po ba kayo?', ang tanong ni Symon.
'Meron. Salamat. Pahinga ka na. Maaga pa tayo gigising mamaya.', ang sabi ni Darrel.
'Sige po.', ang huling sabi ni Symon.
_______________________________________________
All characters in this story are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
All embedded audio tracks are from GrooveShark.
1 comment:
AASSSTTTTIIIGGG!!!
yan lang masasabi ko!
Post a Comment