Saturday, October 15, 2011

Shufflin' 1.9



Tumango lang si Symon nang nakipagkamay sa kanya si Agapito. Sobrang off-guard moment ito pero hindi hahayaan ni Symon na mapahiya siya. Nakakaloko ang ngiti ni Agapito sa kanya na parang may binabalak ito kaya naman inunahan na niya ito.

'How small the world can be. Seriously! Mom, JR here is in my class. We're classmates.', ang anunsyo ni Symon.

'Wow!! That's great! So, you too get along well with each other, then?', ang sabi ni Grace.

'Oh, no. We're not friends. Seriously.', ang ganti ni Agapito kay Symon.

'We belong to different groups. But we're cool. We're cool.', ang sabi ni Symon bago tingnan ng masama si Agapito.

Nakaramdam yata si Grace ng tensyon kaya naman niyaya na nito ang lahat sa dining table upang magsalo sila sa inihandang pagkain.

'Dinner is ready. Let's go.', ang sabi ni Grace.

'Mom, akyat lang ako sandali. I'll be back in two minutes!', ang sabi ni Symon bago pasimpleng tumakbo sa kwarto.

Nanginginig na siya sa sobrang inis. Sa dinami-dami ng pwedeng maging anak ng papalit sa pwesto ng kanyang mommy, bakit ang nanay pa ni Agapito? Umupo siya sa kama, kinuha ang isang unan at itinaklob sa mukha.

'AAAAAAAAAAAAAAARRRRRGGGHHHH!!!!!', ang sigaw niya.

Matapos mailabas ang nararamdaman na inis ay nagbuntong-hininga siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Namumula ang kanyang mukha lalo na ang kanyang magkabilang pisngi. Maingat siyang naghilamos bago bumaba at saluhan ang pamilya at ang mga bisita sa hapunan. Magkaharap sila ni Agapito. Katabi niya ang nakababatang kapatid na si Hanna at ang bunso na si Maxine.

Kinakabahan si Symon dahil baka mapag-usapan ang nangyaring pakikipagsuntukan niya sa MSCA at malaman nilang sila ni Agapito iyon pero alam niyang hindi naman ito hahayaan ni Grace na mangyari. Nagsimula na silang kumain at puro papuri ang natanggap ni Grace sa kanyang inihanda.

'This is great food. You prepared it?', ang tanong ng asawa ni Mr. Samson.

'Yes. Thank you.', ang nakangiting sagot ni Grace.

'Sana ma-share mo naman ang recipe mo dito sa steak na 'to. This is really a gastronomical pleasure.', ang sabi muli nito.

'I will. Let me give you the recipe later.', ang sabi ni Grace.

Katahimikan ang nangibabaw at ang tunog ng mga kubyertos hanggang sa basagin ni Mr. Samson ang katahimikan.

'I hope you won't mind me asking, Nancy. But, how are you? How's the family coping with, uhm, the loss?', ang magalang na tanong ni Mr. Samson.

'No, no, not at all. It's been hard. Alam niyo na, tatlo lang kami sa pamilya at ngayong nabawasan na kami ng isa, para kaming napilayan. But we're doing good. JR's in college. I'm getting promoted. God has ways to make things better.', ang medyo naluluhang sagot ni Nancy.

'I'm sure everything will be okay. Agapito has been a good friend of mine. It's too soon, we all know that. But everything's gonna be fine. With that outlook in life, you'll never be lost.', ang sabi ni Mr. Samson.

'Thanks, thanks!', ang nakangiting sabi ni Nancy.

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Symon nang mapagtagpi-tagpi niya ang pinag-uusapan ng mga matatanda. Hirap siyang ngumuya at lumunok ng pagkain habang puno naman ang kanyang isip. Parang automatiko naman siyang napabaling sa kinauupuan ni Agapito. Napatingin ito sa kanya. Napansin niya ang mga mata nito na hindi puno ng galit o inis. Ang ekspresyon nito ngayon ay malungkot na para bang iiyak.

***

'Did you enjoy the movie?', ang tanong ni Jeric kay Coleen.

'Yeah. I did. I can't stop laughing! Thanks, Je.', ang sagot ni Coleen.

'Gutom na ako. Tara.', ang sabi ni Jeric bago kuhanin ang kamay ni Coleen at hawakan ito.

Nagulat man si Coleen sa ginawang ito ni Jeric, nagpaubaya na lang siya. Oo, hindi ang mga tulad ni Jeric ang type niya. Mas gusto niya ang mas brusko, mas malaki ang katawan, yung tipong parang basag-ulo. Pero wala na siyang mahihingi pa ngayon. Mabait si Jeric, sweet at mapagbigay. Hinayaan niyang magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa paseo ng mall.

Abot tenga naman ang ngiti ni Jeric. Dinala niya si Coleen sa isang American restaurant. Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain. Nagpasundo na si Jeric sa driver dahil may curfew si Coleen at ayaw naman niyang ma-bad shot siya sa pamilya nito.

'Kelan ako pwedeng bumisita sa inyo?', ang tanong ni Jeric habang naglalakad sila papunta sa driveway.

'Hindi ko pa alam. It's too soon, Je. I'll let you know. Di ka naman nagmamadali diba?', ang sabi ni Coleen.

'Hindi naman.', ang sagot ni Jeric.

Sumakay na sila sa sasakyan at inihatid na ni Jeric si Coleen. Marunong na namang mag-drive si Jeric pero hindi pa siya pinapayagan ng mga magulang dahil menor de edad pa ito. Tsaka mas gusto ni Jeric ang mag-commute. Mas challenging at mas natutuwa siya dito. Nahiya lang siya kay Coleen kaya nagpasundo ito sa driver. Wala naman masyadong traffic at wala pang alas-otso ay nasa tapat na ng gate nina Coleen ang sasakyan nina Jeric. Bumaba silang dalawa upang makapagpaalam.

'Thanks for the day, Je. I really enjoyed it.', ang sabi ni Coleen.

'Anytime. Thanks! I'll call you when I get home.', ang sabi ni Jeric.

Hinalikan ni Coleen si Jeric sa pisngi at pinisil ang kamay nito bago pumasok sa loob ng bahay. Lalo namang natuwa si Jeric at buong ngiting sumakay sa kotse.

Pagkapasok ni Coleen sa bahay ay sinalubong siya ng ama.

'Dalaga na talaga ang anak ko.', ang bungad nito sa kanya.

'Daddy!!!! When did you get home?', ang sigaw ni Coleen bago yumakap sa ama.

Ang daddy ni Coleen ay isang diplomat. Minsan lang ito pumirmi sa bahay. Madalas ay out of the country ito. Ang ina naman niya ay isang designer/business woman. Kakatayo pa lang ng sariling clothing line nito. May isa siyang nakakatandang kapatid na naka-base na sa Canada at may sarili ng pamilya.

'Barely half a day ago. You were outside all day! And who's that little guy? Huh?', ang masayang tanong nito.

Dahil nga sa lagi itong wala, hindi strikto ang ama ni Coleen sa kanya. May tiwala din sa kanya ang mga ito kaya naman okay lang na makipag-date siya.

'He's a classmate of mine. And we've been steadily going out for 2 months or so. Where are my pasalubongs?', ang sabi ni Coleen na ayaw umalis sa pagkakayakap sa ama.

'They're here! Your favorite chocolates, of course!', ang sabi ng ama habang inaabot sa kanya ang isang paper bag.

'Yey! Love you, Dad!!!', ang sabi ni Coleen.

'So when will I get to meet, what's his name?', ang tanong ng ama.

'Jeric. Soon, Dad. Wag ka magmadali. I wanted to make sure na he's the one na before I introduce him to you.', ang sabi ni Coleen.

'You're talking like someone older than your age. I'm in no rush! Enjoy and live your life. But.', ang sabi ng ama.

'Know my limitations.', ang pagtatapos ni Coleen sa laging litanya ng ama.

'Exactly. I missed you, baby girl.', ang pagyakap ng ama sa anak.

***

Matapos kumain ay nagpaalam na ang mga anak ni Mr. Samson na mauuna na dahil may mahalaga pa itong kailangang daanan. Nag-stay sa living room ang mag-asawang Samson, Grace at Nancy. Habang sina Hanna at Maxine naman ay busy na tumutulong sa pagpe-prepare ng dessert.


'Hey.', ang bati ni Symon kay Agapito nang makita niya itong nakatayo sa may garden.

'What?', ang malamig nitong sagot sa bati ni Symon.

'Look, I didn't know okay? I didn't expect na ganon pala yung situation mo. And...', ang hindi matapos na sasabihin ni Symon.

Humarap sa kanya si Agapito na naka-cross ang dalawang braso sa dibdib at nakataas ang noo.

'And what?', ang siga nitong tanong.

'Okay, fine! I'm sorry. I feel guilty about mocking you and your name. I didn't expect na lalalim ng ganito 'tong awayan natin. Natawa lang naman ako then you overreacted.', ang sabi ni Symon.

'Shhh!! Ang dami mong satsat!', ang reklamo ni Agapito.

'I'm sorry.', ang huling sinabi ni Symon bago itikom ang bibig.

'I'm just waiting for you to be sorry. Do you mean it?', ang sabi ni Agapito.

'Yes.', ang parang sunud-sunurang sagot ni Symon.

'You seriously mean it?', ang muling pagtatanong ni Agapito.

'YES!', ang sagot ni Symon.

Inilahad ni Agapito ang kanang kamay niya matapos niyang tingnan ang mga mata ni Symon. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito kaya naman official na niyang tinapos ang alitan sa pagitan nila.

'Okay lang ba mag-request?', ang tanong ni Symon habang nakikipagkamay kay Agapito.

'Ano yun?', ang sabi ni Agapito.

'Would you mind if I just call you, hmm, Gap? Para naman 'in' tsaka bagay sa looks mo. Masyadong pang-baby ang JR.', ang sabi ni Symon.

Natawa naman si Agapito sa sinabing ito ni Symon.

'Napaka-sosyal mo no? Would you mind if I just call you Gap?', ang sabi at panggagaya niya dito.

'Whatever! Come on, dude! Tsaka ang haba rin ng Agapito.', ang sabi ni Symon.

'I won't mind. Basta wag mo lang pagtatawanan at babastusin ulit ang pangalan ko kasi pangalan din iyon ng tatay ko.', ang seryosong sabi ni Gap.

'Okay, Gap! Doesn't that sound good?', ang sabi ni Symon.

Ngumiti lang si Gap. Tinawag na sila ni Grace dahil ready na ang dessert.

***

'Erwin, may hihingin akong isang malaking favor sayo.', ang sabi ni Lexie.

Lunes ng umaga nang lapitan ni Lexie si Erwin upang kausapin ito tungkol sa isang major change na gustong i-propose ni Lexie sa musical.

'Ano yun?', ang tanong ni Erwin.

'Let Symon do Emily's part.', ang diretsong sabi ni Lexie.

'Why?', ang tanong ni Erwin.

'You've got a lot on your plate. Director ka na. And since pumayag na siyang mag-understudy, let him do the part and focus na lang tayo sa directing.', ang sabi ni Lexie.

'Is that really the reason?', ang pagdududa ni Erwin.

'Yes! And besides, I think magaling naman siya. Tsaka no offense meant, mas magmumukha siyang babae sayo.', ang sabi ni Lexie.

'And?', ang paghahanap ni Erwin nang sasabihin pa ni Lexie.

'Yun lang.', ang sabi ni Lexie.

'Sure?', ang tanong ni Erwin na may nakakalokong ngiti.

'Erwin, tigilan mo ako. Issue ka!', ang sabi ni Lexie bago paluin sa braso ang kaklase.

'E bakit namumula ka?', ang nang-aasar na tanong ni Erwin.

'Shut up!! So ano? Payag ka na?', ang tanong ni Lexie.

'Okay. Kung iyon ba ang magiging daan para umusbong ang pagmama...', ang sabi ni Erwin na hindi natapos dahil pinagpapalo siya ni Lexie ng hawak na papel.

'Shut up, shut up!', ang sabi nito.

Naiinis na natatawa naman si Lexie habang naglalakad siya papalayo sa kaklase. Ganon ba kahalata ang pagka-crush niya kay Symon? Crush lang naman iyon e.

'Wow. Close na kayo?', ang tanong ni Shane kay Lexie pag-upo nito sa tabi niya.

'Unti-unti nang nagdaratingan ang mga kaklase nila. Nakaupo na si Agapito sa kanyang laging inuupuan at nakikipagkwentuhan sa mga katabi.

'Mabait naman si Erwin. Nasaan na si Symon?', ang sabi ni Lexie.

***

Wala pang pinagsabihan si Symon sa progress nila ni Agapito. Nasa sasakyan na siya at papasok na sa school. Linggo ng hapon nang gumawa siya ng playlist sa kanyang iPod ng mga kanya ni Emily sa musical. Masusi niyang pinag-aaralan ang mga ito.


'Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana'


Mine-memorize ni Symon ang kantang iyan habang naglalakad na papunta sa building nila. Masyado niyang na-absorb ang meaning ng kanta kaya naman wala na siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.


'Symon! Symon!!!', ang sigaw ni Darrel nang makita niya si Symon na dinaanan lang siya sa lobby ng building.

Pagkarating ni Symon sa room ay pinindot niya ang pause button sa headset. Agad siyang tinawag ni Lexie. Nagtinginan naman sina Jeric, Shane at Coleen kay Symon. Sakto sa pagbaling ng mga ito sa kanya ay ang pagtango at pagngiti niya kay Agapito. Natahimik at nagkatinginan ang apat na kaibigan ni Symon sa nasaksihan nila.

'What did just happen?', ang tanong ni Coleen kay Symon.

'What?', ang tanong ni Symon sa mga parang tualalng kaibigan.

'Friends na kayo?', ang tanong ni Shane.

'It's a long story but we're good.', ang sabi ni Symon.

Ang daming mga tanong ng apat at tumigil lang sila nang tinawag ni Symon si Agapito.

'Hey, Gap!', ang pagkuha ni Symon sa atensyon nito.

Sinenyasan niya na lumapit ito sa kanila na agad namang ginawa ni Gap. Isa-isa niyang ipinakilala ang mga kaibigan dito.

Over lunch ay hindi pa rin makapaniwala ang apat sa naging twist ng kwento nina Symon at Gap.

'In fairness!! Bagay sa kanya ang bago niyang nickname!', ang sabi ni Shane.

'Super small ng world niyo no?', ang sabi ni Coleen.

'Yeah. Baka sabi ng Diyos masyado na daw masama ang ugali ko kaya lagi niya kaming pinagtatapat.', ang sabi ni Symon bago kumagat ng malaki sa kinakaing sandwich.

Nagtawanan naman ang lahat sa komento ni Symon pero agad ring natigilan nang mapansin nilang parang na-paralyze si Symon at hindi makahinga.

'What's the problem?', ang tanong ni Lexie.

'Shoot!! I need to undo something!!', ang sabi ni Symon bago uminom ng maraming tubig at tumakbo ng mabilis papalabas ng cafeteria.

Mas mabilis pa sa kanyang takbo ang pagtibok ng puso niya sa sobrang kaba. Pero napigil ang kanyang pagtakbo sana paakyat ng hagdan nangharangin siya ni Darrel.

'Hep! Not so fast. I need to talk to you.', ang sabi ni Darrel.

'Kuya, not now! Nagmamadali po ako.', ang hingal na sabi ni Symon.

'This won't take long. Napansin ko lang na iwas ka at hindi mo ako pinapansin simula nung matapos ang party mo? May problema ba tayo, Symon?', ang mahinahon na tanong ni Darrel.

Hindi pa rin natatanggal kay Symon ang magic ng presence ni Darrel sa kanya. Panandaliang nawala ang urgent niyang kailangang puntahan nang magsalita ito.

'Kuya, wala po. May mga bagay lang na hindi ko kaya ipaliwanag sa inyo dahil hidni niyo maiintindihan. Thank you po sa pagpunta sa birthday ko.', ang sabi ni Symon.

'Talk to me. Baka matulungan kita. I'll try my best to understand.', ang sabi ni Darrel.

Umiiling si Symon. Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang bell. Nag-panic na si Symon.

'Sorry, Kuya Darrel. Let's jsut talk next time. May kailangan lang akong habulin.', ang sabi ni Symon bago takbuhin ang hagdan paakyat sa third floor. Pero huli na siya. Nangyari na ang di dapat mangyari.

'I'm sorry.', ang kagat-labi niyang sabi kay Gap.

1 comment:

Anonymous said...

what a great chapter it is!!!!
its good to know that "SY" and "GAP"
is in good terms now!
pero mukhang hindi pa magtatagal eh mukhang may gulo ulit na mangyayari,


kung bakit naman kasi tamang hadlang ng moment tong si darrel......
hehehehe im looking forward to the next story of yours
nice job......