Naging ordinaryo naman ang mga sumunod na dalawang araw. Dahil nga first year pa lang sila ay mas marami ang kanilang mga minor subjects at karamihan sa mga ito ay napag-aralan na niya noong high school pa lang. Si Coleen ang naging laging kasa-kasama ni Symon. Nakakilala na rin nila ang iba pang mga kaklase.
Alexis delos Reyes o Lexie, nakasama siya ni Coleen sa isang group work at nagkasundo naman agad sila. Kasama nito ang dalawang bagong kaibigan na sina Jeric Sy at Shane Villar. Tumingin muna si Coleen kay Symon upang tanungin ito kung gusto ba niya. Tumango ito sa kanya.
'Okay!', ang nakangiting sagot ni Coleen.
Ipinakilala ni Lexie sa kanila ni Symon ang dalawang kasama at ipinakilala rin ni Coleen si Symon sa kanila. Tahimik silang nagpunta sa cafeteria. Malamang ay nagkakailangan pa. Pagka-order ng pagkain at pagkaupo ay nagsimula na ang kwentuhan. Parehas ng unang tagpo nina Coleen at Symon, nagkaalaman muna kung saang school nanggaling at kung bakit sa MSCA nag-aral.
'Wait, ikaw 'yung natawa when Agapito introduced himself, right?', ang tanong ni Lexie.
'I didn't laugh!', ang depensa ni Symon.
'Oh, sure you did. Who wouldn't?', ang natatawang sabi ni Jeric.
'Ang bully niyo. He's cute.', ang sabi ni Shane.
May hitsura naman kasi si Agapito. 5'7 ang taas, moreno at makinis ang mukha. at mukhang laging nangungusap ang mga mata. Tahimik lang ito at minsan lang maki-halubilo sa iba.
'Yeah. Kaso bothered ako sa name.', ang sabi ni Coleen.
'Fine, fine! I did laugh at his name. Nakaganti na naman siya sa'kin. Binangga niya ako after class.', ang sabi ni Symon.
'Nag-sorry ka ba?', ang tanong ni Lexie.
'No.', ang sagot niya.
'Then, you deserved it.', ang sabi ni Lexie.
Nararamdaman ni Symon na makakasundo niya ang mga bagong kasama. Parang walang drama. Kung ayaw, ayaw. Kung gusto, gusto. Maraming mga komento sa iba't ibang bagay.
'You guys are so bitchy!', ang pagpuna ni Shane sa mga pinagsasabi ng mga kasama.
'Pero nakakainis naman kasi talaga 'yung mga ganong klase ng tao. Nakita na ngang ginagawa mo, itatanong pa kung ginagawa mo.', ang sabi ni Coleen.
'Here's the money, buy someone who you could bore.', ang sabi ni Symon.
Nagtawanan naman ang lahat sa inakto ni Symon. Matapos silang kumain ay magkakasama silang bumalik sa klase. Tatlong subjects pa bago mag-uwian. Pagkapasok sa room ay sa isang row na sila umupo. Sakto para sa kanilang lima. Si Lexie ang nakaupo malapit sa isle, katabi nito si Shane. Katabi ni Shane si Coleen. Si Symon naman ay napapagitnaan nina Coleen at Jeric.
'Say hi to your best friend.', ang bulong ni Coleen kay Symon.
'Shut up. Baka sapakin ako niyan.', ang sabi ni Symon.
Nasa kabilang row nakaupo si Agapito. May isang upuan ang nakapagitan sa kanya at sa isang grupong kakabuo pa lang din. Tahimik lang siyang nagbabasa ng isang novel. Natawa naman ang iba sa sinabi ni Symon. Mas malaking tao sa kanya si Agapito. Pasimple niya itong tiningnan. Nagulat siya nang tumingin din ito sa kanya. Agad niyang ibinaling sa iba ang atensyon.
'Seriously, kung nakakamatay lang ang tingin, patay na ako ngayon.', ang sabi niya.
'I saw it, dude.', ang sabi ni Jeric na tumukoy sa galit na tingin ni Agapito kay Symon.
***
'Dars! Guess what?', ang pagtawag ni Dana sa kaibigan pagkakita nito sa kanya sa lobby.
'Hmm.', ang sabi lang ni Darrel habang nakatingin ito sa kaibigan.
Abot tenga naman ang ngiti sa kanya ni Dana Viloria. Magkaklase sila simula first year college pa lang. At naging magkaibigan na, ever since. Maganda ito, maputi at maikli ang gupit ng buhok, kahawig ng kay Emma Watson.
'I got in sa PJ's!', ang tuwang-tuwa nitong balita sa kaibigan.
'What?! Seriously??!', ang hindi makapaniwalang sabi ni Darrel.
Ang PJ's o ang Peter and Joe's Bar na malapit lang sa school ang isang bar na puntahan ng mga estudyante ng MSCA para mag-aral o di kaya ay magsaya. Hati ito sa dalawang palapag. Ang baba nito ay ang bar mismo kung saan makikita mo ang mga estudyanteng nagsasaya habang kumakain o di kaya ay umiinom Pero dahil recognized ito ng paaralan na isang safe na gimikan, pili lang ang mga alak na pwede nitong ibenta. Ang ikalawang palapag naman ay isang tahimik na coffee shop kung saan ang mga estudyante ay nag-aaral. Hindi problema ang ingay sa baba dahil sound-proof naman ito.
'Yes! Every Tuesdays and Thursdays ang gig ko sa kanila. 8PM.', ang sabi ni Dana.
Sa bar ay may mga regular performers bukod sa monthly na open mic night. Karamihan nang mga nagpe-perform dito ay mga current o dating estduyante ng MSCA.
'Wow! Ang galing mo naman, Dans!! So kelan ka magsisimula?', ang excited na tanong ni Darrel.
'Later! You must be there!', ang sabi ni Dana.
'Of course! Hindi ko pwedeng ma-miss 'to.', ang sabi ni Darrel.
Madalas na makapagkamalang may relasyon ang dalawa dahil sa lagi silang magkasama. At isa pa, bagay silang dalawa. Pero magkaibigan lang talaga sila. Ni hindi sumagi sa isip nila ang magkaroon ng relasyon.
'Yey! Salamat!', ang sabi ni Dana sa kaibigan.
***
'You're early.', ang bungad niya sa ina.
'Yes. Susunduin pa natin si Maxine.', ang sabi ni Grace sa anak.
'Mom, you're playing Alicia Keys! Wow!', ang pagpansin ni Symon sa musika na pumapailanlang sa sasakyan.
'Yeah. I love her! Bakit ba?', ang sabi ng ina.
Hindi na sumagot si Symon at sinabayan na lang ang nagpe-play na kanta.
'People keep talking
They can say what they like
But all I know is
Everything's gonna be alright
And no one, no one, no one
Can get in the way of what I'm feeling
No one, no one, no one
Can get in the way of what I feel for you'
Sinabayan na rin siya ng kanyang ina sa pagkanta sa chorus. Ang saya nilang mag-ina. Nang matapos ang kanta ay nagtawanan sila.
'Mom, you ruined it! Ang ganda na ng pagkanta ko e.', ang sabi ni Symon.
'Kaya nga ako sumabay sa'yo kasi mali ang tono mo.', ang depensa naman ng ina.
Nagtawanan na naman sila. Ilang minuto lang ang lumipas at ilang pasikot-sikot lang upang makaiwas sa traffic ay narating na nila ang school ni Maxine. Naghihintay na ito sa may driveway at agad na nagpaalam sa mga kaibigan nang makita ang sasakyan.
'Hi!', ang bati ng ina sa bunsong anak.
'Hey. O, kuya. Why're you here?', ang sabi ng kapatid nang makita si Symon sa passenger seat.
'Why? Don't you want to see me?', ang tanong ni Symon.
Umirap lang si Maxine dito. Madalas silang hindi magkasundo. Ang mga trip nila ay laging magkaiba.
'Can you call your Ate? Let's dine out na lang since nandito na naman kayo.', ang sabi ng ina.
'Max, call Ate.', ang utos ni Symon.
'Why me? Ikaw kaya sinabihan ni Mommy!', ang inis na sabi ni Maxine kay Symon.
'Ikaw kaya.', ang pang-iinis ni Symon.
'Ikaw na!', ang inis na sabi ni Maxine.
'Symon, call your Ate.', ang utos ni Grace sa anak na lalaki.
Agad naman siyang sinunod ni Symon at kinausap ang kapatid sa phone. Sinabi nito na magkita sila sa isang mall sa Makati at doon na sila magdi-dinner.
'Give her an hour daw.', ang sabi ni Symon matapos kausapin si Hanna.
'Okay. So how was your day, my lovely babies?', ang paglalambing ng ina habang na-stuck sila sa traffic.
Nagbuntong-hininga si Symon sa sinabi ng ina. Masyado na siyang malaki para tawagin pang lovely baby. Pero ang kapatid na si Maxine ay eager na eager sa pagkukwento sa nangyari sa kanya sa school. Halos wala namang naintindihan si Symon sa sinabi ng kapatid dahil ayaw niya itong intindihin.
'How 'bout you, college boy? Made any friends yet?', ang tanong ng ina.
'Yep! I have four friends na. I eat with them.', ang sabi ni Symon.
'And... how are they?', ang tanong ni Grace.
Medyo na-weird-uhan naman si Symon sa tono ng ina. Tuwing ganito ito magtanong, ang gusto nitong malamn ay ang status at lifestyle ng mga kaibigan niya.
'Oh. Coleen, the first one I met, graduated from an international school. Diplomat yata daddy niya, not sure but I think, she mentioned it once.', ang sabi ni Symon.
'What about the others?', ang tanong ni Grace.
'I don't know. We just met kanina. But, I think they're ok naman. We clicked.', ang sabi ni Symon.
Ayaw niya sa ganitong ugali ng ina dahil masyado niyang pinahahalagahan ang estado sa buhay ng mga nakakasama ko. Dapat ganito. Dapat ganyan. Wag sasama sa ganito. Blah. Blah. Pero alam naman niyang concern lang ito sa kapakanan niya kaya hinahayaan na lang niya.
'Okay. Where'd you wanna eat?', ang tanong nito.
Magkaiba ang sinabing restaurant nina Symon at Maxine kaya't nagsimula na namang magtalo ang dalawa. Natigil lang si Symon nang may magtext sa kanya.
***
Nang matapos ang klase ni Darrel ng 5PM ay pumunta muna ito sa org room upang asikasuhin ang mga papel ng mga bagong volunteers. Bukas na ang unang meeting niya kasama sila. 8PM pa naman ang gig ni Dana kaya't sa office muna siya nag-stay. Kinuha niya ang registration matapos niyang makagawa ng isang text template na nag-aannounce ng kanilang meeting bukas ng alas-sais ng gabi.
Gumawa na rin siya ng outline ng agenda na kanyang idi-discuss bukas para hindi na siya mahirapan.
'Hey, Darrel.', ang bati ni Sharmane na kagagaling lang sa class.
'Hi, Ate Sharm. Kamusta?', ang bati nito.
'Okay lang. Ikaw?', ang sabi nito habang ibinababa ang gamit sa sariling table.
'Eto, nag-aayos ng agenda. Magpapa-meeting na ako bukas sa mga bagong volunteers.', ang sabi ni Darrel.
'Cool. Madami ba?', ang tanong nito.
'Yes. More than what we expected. Gagamitin namin yung meeting room.', ang sabi ni Darrel.
'Okay. Alam na ni Boss?', ang tanong ni Sharmane tumutukoy sa kanilang presidente.
'Hmm. Hindi pa nga. Little help, Ate Sharm?', ang nakangisi niyang sabi.
'Sure. Ako na bahala.', ang sabi nito.
'Thanks!!', ang sabi ni Darrel.
Isinend na ni Darrel ang text message para sa mga new volunteers. Si Sharmane naman ay busy sa pag-review ng mga proposals galing sa ibang organizations within and outside MSCA.
'Di ka pa uuwi?', ang tanong ni Sharmane kay Darrel nang matapos ito sa mga ginagawa,
'Hindi pa. First gig ni Dana mamayang 8PM sa PJ's.', ang sabi ni Darrel na may tono ng pagmamalaki.
'Wow!! Supportive boyfriend! Ang galing naman ni Dana.', ang sabi ni Sharmane.
'Ate, hindi po kami.', ang pag-deny niya sa sinabi ng PRO ng org.
'That's what you always say.', ang nakangisi na sabi nito.
'Totoo naman po kasi.', ang sabi ni Darrel.
'Bakit kasi di mo pa ligawan? Bagay na bagay kaya kayo?', ang medyo kinikilig na tanong ni Sharmane.
'Magkaibigan lang po talaga kami.', ang sabi ni Darrel.
'O siya. Una na ako, Darrel ha?', ang paalam ni Sharmane.
'Sige po, ingat Ate!', ang paalam ni Darrel.
***
Unregistered number ang nakita ni Symon nang tingnan ang phone matapos itong mag-ring. Binuksan niya ito at binasa ang message.
'Hi, new volunteers! This is Darrel Uy, VP Internals. I'd like to invite you to our first meeting tomorrow at 6pm in the SC's meeting room. Please be there! Thanks!', ang text ni Darrel.
Para namang bolang dini-dribble ng isang basketball player ang pagtibok ng puso ni Symon. Nagtext sa kanya si Darrel. Well, hindi personally sa kanya pero nagtext pa rin sa kanya! Ang gulo! Basta, alam na niya ang number nito. Ang saya-saya niya!
'Hi, Kuya Darrel! I'll be there. Thanks!! - Symon', ang reply ni Symon.
Ilang minuto lang ang lumipas ay tumunog ulit ito at madali niyang binuksan ang message.
'Coleen here!', ang nabasa niya.
Ibang number na ang nagtext sa kanya. Na-disappoint siya nang mabasa ang text ng kaibigan kaya hindi niya ito ni-reply-an.
'Mom, I joined this volunteer thing sa school. I think it won't get in the way naman with my studies. We have a meeting tomorrow at 6PM. So fetch me later than my dismissal time. Please?', ang paalam niya sa ina habang pumapasok sila sa parking ng mall.
'Sure. Just make sure you'll prioritize your studies pa rin.', ang pagpayag ng ina.
'Of course. Thanks, Mommy. Love ya.', ang sabi nito.
Nag-ikot muna sila sa mall habang hinihintay ang pangnay na si Hanna. Makalipas lang ang tatlumpung minuto ay kasama na nila ito.
'Hanna, ikaw na ang pumili kung saan tayo kakain. Parang aso't pusa na naman itong mga kapatid mo.', ang sabi ni Grace.
***
Pagpatak ng 7.30PM ay naghanda na si Darrel papunta sa PJ's. Ibinaba niya ng konti ang kanyang tie at tinanggal ang pinakataas na butones. Humarap siya sa salamin at itinupi niya ang sleeves ng kanyang polo. Kinuha na niya ang maliit na backpack at naglakad na papuntang PJ's. Nasa dulo ng katapat na street ng MSCA ang bar and coffee shop na ito at mga sampung minutong lakaran lang.
Pagkarating niya sa PJ's ay halos puno na ang unang palapag nito. Agad niyang iginala ang mga mata upang maghanap ng bakanteng table.
'Darrel!!', ang sigaw ng isang babae.
Tiningnan niya agad ang tumawag sa kanya at nakitang isang grupo ito ng mga kaklase niya. Agad niya silang nilapitan.
'Hi!', ang bati ni Darrel sa kanila.
'Dito ka na. Let's all watch Dana!', ang sabi ng isa niyang kaklase.
Umupo naman siya. Tatlong table ang layo nila sa stage pero okay naman ang view. Madilim pa ang bahagi ng stage at acoustic sounds pa lang ang pinapatugtog sa buong bar. Um-order si Darrel ng sandwich at bottomless iced tea. Kumain muna siya bago magsimula ang performance ng kaibigan.
'Good evening!! Welcome to PJ's! Tonight is a very special night!', ang sabi ng host.
'Whooo!', ang sigaw ng isa pa nilang kaklase sa sobrang excitement.
'We welcome the new member of the family! Pleas give a hand to Ms. Dana Viloria!', ang pag-present ng host na nagngangalang Tony Valdez, na isang bartender kung hindi nagho-host.
Lumabas si Dana mula sa kaliwang bahagi ng stage. Simple lang siya. Nakasuot lang siya ng silky stop, black jeans at high heels. Hindi halata ang make-up sa kanyang mukha kaya't sobrang fresh ng dating nito.
'Go, Dana!!', ang halos sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga kaklase.
'Thanks!', ang nakangiti niyang sabi.
Nagsimula nang tumugtog ang gitara nang isang lalaki na nasa kanyang kanan. Pamilyar ang kanta pero iba ang atake ni Dana dahil acoustic ito.
'Eye to eye, cheek to cheek
Side by side, you were sleeping next to me
Arm in arm, dusk to dawn with the curtains drawn
And a little last night on these sheets
So how come when I reach out my fingers
It seems like more than distance between us?
In this California king bed
We're ten thousand miles apart
I've been California wishing on these stars
For your heart on me, my California king'
Narinig na niyang kumanta dati ang kaibigan pero feeling ni Darrel ngayon ay first time niyang marinig si Dana kumanta. Sa isang set ay nakaapat siyang kanta. At talagang pinapalakpakan siya sa kada tapos niya ng kanta.
'Thank you!', ang pagtanggap niya sa palakpak ng mga taong nanood.
'Let's give another round of applause to Dana Viloria. Remember, folks! She's with us every Tuesdays and Thursdays! Thank you, Dana! Okay, it's the monthly open mic night! The mic is now available to....', ang sabi ng host.
Pagkababa ni Dana sa stage ay agad itong pumunta sa table nila Darrel. Yumakap ito ng mahigpit sa kaibigan.
'You're great! Wow!!', ang komento ni Darrel.
Halos hindi na sila magkaintindihan dahil panay ang papuri ng ibang kaklase kay Dana.
***
Kinabukasan ay sobrang excited si Symon na matapos na ang lahat ng klase at um-attend sa meeting kasama si Darrel. Pero maaga pa. Meron pa siyang 30 minutes bago magsimula ang unang klase. Minabuti niyang magpunta muna sa cafeteria at bumili ng kape.
'Hi, Ate. Cafe Latte po.', ang pagbili ni Symon.
Agad namang ginawa ng tindera ang order niya.
'One latte po.', ang sabi ng isang pamilyar na boses sa tabi niya.
Sa kinadami-dami ng pwedeng makasabay na bumili ng kape, si Agapito pa ang nakasabay niya. Hindi na lang niya ito pinansin pero naiilang siya. Buti na lang ay naunang ibinigay sa kanya ang cup niya kaya agad na siyang umalis.
'Whew.', ang sabi niya sa sarili.
Palabas na siya ng cafeteria nang unahan siya ni Agapito sa pinto at tinabig niya. Natapon ng konti ang kanyang iniinom at napaso ang kanyang kamay.
'Aw!', ang daing niya.
'Oops!', ang nakangising sabi ni Agapito.
_______________________________________________
All characters in this story are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
All song lyrics are obtained from Metro Lyrics.
All embedded audio tracks are from GrooveShark.
1 comment:
:) nice one again...
suggest ko lang na bawasan na lang ang mga details na parang nakakahaba ng story, i mean i compressed yung mga ideas.
Post a Comment