Nakita kong muli ang lugar na iyon, makalipas ang ilang buwan ng hindi pagbisita.
The sun seemed to be even more vivid than the last time I went here. I smiled.
Pumasok ako sa kahel na tarangkahan. Sumalubong sa akin ang isang matandang lalaki. Banaag sa mukha nito ang edad dahil na rin sa mga pinong linya nito sa mukha pero hindi mo ito kakikitaan ng pagod sa kanyang trabaho. He must have loved his job very much. Nagtama ang aming mga mata at nakita kong marahang lumubog ang biloy sa kanyang kaliwang pisngi. I smiled.
Lumakad ako patungo sa kanyang direksyon.
“Ang tagal mong di napadpad dito, Boss!”
“Busy eh.”
“Oo nga po. Parang lalo ka atang gumagwapo ah!” pabiro nitong sabi
“Ikaw talaga Manong.”
“Sige na po, pasok na kayo, may nauna na din sa inyo sa loob. Malamang kaibigan nyo din po pareho.”
Nagtataka man, ngumiti nalang ako at nagpasyang pumasok na sa loob.
Nakakabingi ang katahimikan. Rinig ko ang pagpalo ng takong ng aking sapatos na balat sa makintab na marmol ng lugar na iyon. Patuloy ang pagtagos ng nagmumurang sinag ng haring araw sa Pilkington K Roof glass na nagbibigay liwanag sa kahabaan ng pasilyong aking tinatahak.
Lumiko ako sa kanan at nakita ang iyong pwesto.
Ako ay nagbuntong-hininga.
Lumapit ako sa iyong kinalalagyan. Ako ay ngumiti.
“Kamusta ka na?”
Rinig ko ang pagawit ng mga maya sa labas.
“Happy Birthday ha?”
“Pasensya ka na nga pala kung hindi ako masyadong nakakadalaw sayo dito. Medyo ginagawa kong busy ang sarili ko para makalimot na rin.”
Sumalampak ako sa sahig. Umupo na parang bata. Humarap ako sa iyong pangalang nakaukit sa itim na marmol.
“Kamusta ka na kaya ngayon? Nasaan ka na kaya? Honestly, naramdaman ko okay na ako. I still miss you at times. Whenever I get that feeling, I sleep, kasi alam kong iiyak na naman ako. Seriously, nakakangiti na ako ng maluwag ngayon, I mean, yung walang halong kaplastikan? Salamat, at dahil somehow, alam kong tinutulungan mo akong matanggap na wala ka na nga talaga.”
Naramdaman kong dumampi ang aking mainit na luha sa aking pisngi.
Ako'y napangiti.
“Pinapaiyak mo na naman akong mokong ka. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala ka na, pakiramdam ko nandyan ka pa rin? Tapos yung mga maliit na bagay na nagpapaalala sakin sayo, sa t'wing nakikita ko, nakangiti na ako. Hindi na ako umiiyak. Then okay na siguro ako. Sa tingin mo?”
Napatingin ako sa aking relo.
“Aalis na ako in 5 minutes ha? Alam mo namang may trabaho pa ako. Birthday ko kahapon, namiss ko lang yung pagcelebrate natin na magkasama. Pero promise, di na talaga ako malungkot. Tanggap ko na.”
Nakarinig ako ng mahihinang mga yabag. Siguro yung tagalinis o kaya yung pamilya ng ibang nakaratay rito.
“Happy Birthday ulit ha? Masaya ako dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko. Alam mong mahal na mahal kita.”
I smiled.
Kumuha ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumayo ako at inayos ang lukot ng aking pulang polo.
Tumitig ako muli sa iyong huling hantungan. Huminto ako, ngumiti. My mind is at peace for I know, you're always here with me, here in my heart.
Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad papalayo.
Lumiko ako pakaliwa para makalabas. Napahinto ako sa nakita.
“Kamusta?”
Nakita ko syang nakangiti sa akin. Wala ng galit sa kanyang mga mata, hindi tulad noon. Sa hindi malamang dahilan, sinagot ko din sya ng isang ngiti.
“Ayos naman.” tipid kong sagot.
“Si-sige, mauna na ako ha?” pagpapaalam ko.
“Ingat ka ha?” sabi nito sa akin
“Sa-salamat.”
Lumakad na ako ng marahan. Hindi makapaniwalang nakita ko ang lalaking iniwanan mo para sa akin. He was once your bestfriend turned partner. Marahil ay napatawad na nya tayo. Marahil ay nakalimot na sya. It has been years. 5 long years.
“Hey!” sigaw nito sa akin.
Napabalikwas ako at nakita ko syang nakatitig sa akin. Nagtama ang aming mga mata.
“I just want to greet you, belated Happy Birthday.” may ngiti sa kanyang mga labi
Napangiti ako. Naramdaman ko ang pagpapatawad.
“Salamat.”
Muli, ako ay tumalikod.
Ngayong ating kaarawan, natanggap nating pareho ang isang napakagandang regalo, ang pagpapatawad, mula sa isang taong ating nasaktan dahil sa ating pagmamahalan.
W A K A S
No comments:
Post a Comment