Wednesday, October 5, 2011

Shufflin' 1.3



'Chill!', ang pag-awat ni Coleen sa pagkainis ni Symon sa tagpo nila ni Agapito umaga bago magsimula ang klase.

'He's so... Ugh!!', ang pikon na sabi ni Symon.

'Come on! Let it go!', ang sabi ni Coleen.

'What's up?', ang bati ni Lexie pagkarating nito.

Napansin nito ang hindi maipintang mukha ni Symon. In-explain ni Coleen kung ano ang nangyari. Hindi naman naiwasan ni Lexie ang matawa. Nang dumating sina Shane at Jeric, napansin din nila ang hindi magandang mood ni Symon at si Lexie na ang nagkwento ng dahilan.

'Just ignore him, dude!', ang sabi ni Jeric.

Nakikita naman ni Agapito ang pagkainis ni Symon sa ginawa niya. Hindi niya maiwasan ang tumawa sa loob niya dahil nakaganti na siya sa pagtawa nito sa pangalan niya. Math of Finance ang una nilang klase ngayong araw at alphabetical ang arrangement nila kaya naman hindi magkakatabi ang magkakabarkada. Dumating na ang professor pagkalipas ng ilang minuto at umupo na sila sa kani-kanilang assigned seats. Agad itong nag-attendance.

'How's your friend?', ang tanong ni Agapito kay Lexie na kanyang katabi.

'He's really pissed off. Said you ruined his day.', ang pagsasabi ni Lexie ng totoo.

'Tama lang sa kanya 'yan.', ang nakangisi niyang sabi.

'Okay. Both of you need to stop this petty thing. We're not in high school anymore. And come on, both of you are guys! You fight like girls!', ang walang prenong sabi ni Lexie.

Parang natauhan naman si Agapito sa sinabi ng katabi at natahimik na lang sa kanyang kinauupuan.

'Makikipagbati ka ba sa kanya?', ang tanong ni Lexie.

'Okay. But I won't be the one na lalapit.', ang sabi ni Agapito.

'We'll see. I'll talk to him.', ang nakangiting sabi ni Lexie.

Ipinakuha na ng professor ang kanilang mga workbook at sinagutan na nila ang assignment na ibinigay nito. Nagtawag ito ng magbibigay ng final answer. Kapag mali ang isinagot ay saka ito tatanggap ng volunteers.

Nasa ikalawa sa huli nang tanong ng tinawag si Agapito upang sumagot.

'What's the value of the interest?', ang tanong ng professor.

'Uhm. It's P3, 489.26.', ang sagot ni Agapito.

'Wrong.', ang mabilis na sabi ng prof at agad itong naglagay ng grade kay Agapito.

'Any takers?', ang tanong nito sa klase.

Agad na itinaas ni Symon ang kanyang kamay at naunahan ang lahat.
'Yes, Mr. Gonzales?', ang pagtawag sa kanya ng prof.

'After CAREFUL computation, the value of the interest is P4, 156.96.', ang sagot ni Symon.

Pagkabanggit niya ng salitang 'careful' ay tiningnan niya si Agapito. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya ng masama.

'Correct. Sit down.', ang sabi ng prof at hindi pagpansin sa pahaging nitong banat kay Agapito.

Lalo namang sumama ang tingin ni Agapito kay Symon. Pangalawang beses na niya itong napahiya sa klase. Si Symon naman ay gumanda ang pakiramdam dahil nakabawi na siya sa ginawa ni Agapito sa kanya sa cafeteria.

'That's the second time!', ang gigil na bulong ni Agapito.

'Hey. Don't make it personal.', ang sabi ni Lexie.

'Oh, shut up.', ang inis na baling ni Agapito kay Lexie.

***

Kung makakahanap ng pagkakataon ay nagpapaangasan sina Symon at Agapito sa klase. Habang wala namang pakialam ang mga kaklase maliban sa mga kaibigan ni Symon.

'This seriously has to stop.', ang sabi ni Coleen habang patungo sila ni Symon sa elevator.

Naiwan ang ibang kasama sa room dahil may pinag-uusapan pa sila about sa isang group report.

'What? He doesn't give up! So I won't too.', ang sabi ni Symon.
'Mag-sorry ka na lang. Tutal, ikaw naman nagsimula nito.', ang sabi ni Coleen.

'Okay. When he starts being nice.', ang kundisyon ni Symon.

Pagdating nila sa lobby ay kumaliwa si Symon papunta sa SC meeting room. Ang akala niya ay kasama si Coleen.

'Where are you heading?', ang tanong ni Coleen.

'Sa meeting. Didn't you sign up to be a new volunteer?', ang tanong ni Symon.

'No. I really don't have a thing for that.', ang sagot ni Coleen.

'Oh. I thought you signed up. So, are you heading home?', ang tanong ni Symon.

'I guess. Was planning on inviting you to eat merienda sana. And wait for Lexie and the rest.', ang sabi ni Coleen.

'Actually, meeting don't start til 6pm. Tara.', ang sabi ni Symon.

Nauna na itong naglakad palabas ng building. Naguluhan naman si Coleen sa kanya at agad ring sumunod dito.

'What? 6PM pa yung meeting mo and you're going there an hour and a half earlier. Dude! That's weird! Super dedicated ka naman.', ang sabi ni Coleen habang papunta sila ng cafeteria.

'I was hoping to see Darrel. Baka maaga siya. Then makakapag-usap kami.', ang nasa isip ni Symon na gusto sana niyang isagot kay Coleen.

'E, akala ko kasama ka so I thought we'd be waiting there til 6PM.', ang sabi ni Symon.

'Papunta na rin daw sina Lexie sa caf.', ang sabi ni Coleen na parang di narinig ang sinabi ni Symon.

Um-order lang si Symon ng pasta habang si Coleen naman ay sandwich. Nagkakwentuhan ang baong magkakabarkada. Nalaman ni Symon na kasama sa meeting sina Jeric at Lexie.

'Anong committee ka?', ang tanong ni Symon sa dalawa.

'Externals ako.', ang sabi ni Lexie.

'Ako sa Dance.', ang sagot ni Jeric.

'Media.', ang sagot ni Symon ng tinanong naman siya.

Sina Coleen at Shane ay hindi mahilig maging involved sa extra-curricular activities. Gusto lang daw nilang maging ordinaryong mga estudyante.

'It's Friday! What are your plans?', ang tanong ni Lexie.

'Wala. I might go home na lang.', ang sabi ni Coleen.

'You're so conyo talaga!', ang pang-aasar sa kanya ni Jeric.

'Shut up, Jeric!', ang sabi ni Coleen.

Inasar ng tatlo ang dalawa dahil sa asaran nila. Simula nang nagkasama-sama sila ay hilig ni Jeric na asarin si Coleen.

'I heard of this place called PJ's from the higher years. Yun yata yung gimikan nila dito. Walking distance lang yata. I'm not sure.', ang sabi ni Shane.

'PJ's? Hmm. We'll ask later since may higher years kaming kasama.', ang sabi ni Lexie.

Quarter to five na at nagpaalam na ang tatlo kina Shane at Coleen. Babalik na sila ng building para um-attend sa kanilang kauna-unahang meeting. Halos gusto nang lumipad ni Symon papuntang meeting room para makita si Darrel.

'Uuwi ka na ba? Or dyou wanna hang and wait for them?', ang tanong ni Shane kay Coleen.

'I don't know. You wanna wait for them ba?', ang tanong ni Coleen habang inuubos niya ang sandwich.

'Sakto lang. Tinatamad pa kasi akong umuwi.', ang sabi ni Shane.

'Alright.', ang pagpayag ni Coleen na mag-stay muna.

Nagkwentuhan ang dalawa sa cafeteria hanggang sa itanong ni Shane ang pinakagusto niyang itanong kanina pa.

'So, what's the real deal between you and Jeric?', ang tanong ni Shane.

'Nothing. We're friends.', ang nakangiting sagot ni Coleen.

'You like him?', ang tanong ni Shane.

'I don't know. He's good looking, yeah. But he's not my type e. I mean, the nerdy kind is not my thing.', ang sabi ni Coleen.

Gwapo si Jeric. Hindi katangkaran pero slim naman ang katawan. Moreno ang kulay at nakasalamin.

'We talked through text and he's kinda into you.', ang kinikilig na sabi ni Shane.

'Oh. Really?', ang namumulang reaksyon ni Coleen.

'Uyyy! You're blushing!', ang pagpansin ni Shane sa namumulang cheeks ni Coleen.

'I'm just flattered. But I think we're better off as friends. Tsaka we just met.', ang sabi ni Coleen.

'Well, ano bang masasabi ko? Basta, wag ka na lang magsalita ng tapos.', ang sabi ni Shane.

'What?? You want me to keep talking and talking til like forever?', ang naguguluhang sabi ni Coleen nang i-interpret niya literally ang sinabi ng kaibigan.

'No! Ibig sabihin, wag mong sabihing hanggang friends lang kayo kasi we don't know what might happen in the future.', ang sabi ni Shane.

'Oh. Okay. Got it!', ang sabi ni Coleen.

***

Magkakatabi sina Jeric, Lexie at Symon sa meeting room. May isang mahabang table at maraming upuan ang nakapalibot dito. Halos puno na ang mga ito. Sa isang dulo ng table ay matatagpuan ang isang white board at sa taas nito ang isang projector. Palinga-linga si Symon. Hindi niya makita si Darrel. Tuwing magbubukas ang pinto ay agad siyang titingin pero laging ibang tao ang pumapasok. Malakas ang musika sa loob ng meeting room para hindi mainip ang mga estudyanteng naghihintay.

'Party rock is in the house tonight  
Everybody just have a good time 
And we gonna make you lose your mind 
Everybody just have a good time'

'Hay.', ang malungkot niyang buntong-hininga sa gitna nang dance tune.


'Party rock is in the house tonight  
Everybody just have a good time 
And we gonna make you lose your mind
We just wanna see ya shake that'

Bumalik lang ang sigla ni Symon nang sa huling pagbukas ng pinto ay si Darrel na ang pumasok mula dito.

'Everyday I'm shufflin''



Nagsimula na ang meeting at si Jeremy, isang junior volunteer ang nagsasalita. Ipinakilala nito si Darrel at hindi na pinakawalan ni Symon ang tingin dito.

'Hello! Kamusta kayo?', ang nakangiting bati ni Darrel na halos hindi na makita ang kanyang mga mata.

Halos wala namang sumagot sa kanya dahil siguro ay nahihiya pa ang mga nakaupo. Buong atensyon ang ibinigay ni Symon habang nagpapaliwanag si Darrel. Para siyang nanaginip at halos hindi na siya kumukurap. Ilang minuto ring nag-discuss si Darrel hanggang sa ipakilala na niya ang iba't ibang committee heads.

'And for the Media Committee, I'll be your committee head.', ang sabi niya.

May ilang mga bulungan mula sa mga kapwa freshmen ang narinig ni Symon. Puno ito ng panghihinayang. Siguro ay hindi lang siya ang naakit sa charm ni Darrel.

'You can now go to your respective committees.', ang utos ni Darrel.

Nagkanya-kanya na ang mga estudyante sa pagpunta sa kani-kanilang mga committee. Nagkahiwalay na sina Symon, Jeric at Lexie. Lumapit agad si Symon sa kinatatayuan ni Darrel. May ilan nang nauna sa kanya at magiliw na nakikipag-usap si Darrel sa mga ito. Agad naman siyang napansin nang sumama na siya sa grupo.

'Media?', ang tanong ni Darrel.

'Yes.', ang nahihiyang sagot ni Symon.

Feeling niya ay namumula siya. Parang ang init ng pakiramdam ng kanyang mukha. Hindi niya maiwasang titigan si Darrel ng malapitan. Ang kinis ng mukha nito at napakaganda ng mga singkit na mata. Nang sumagot siyang 'yes' ay ngumiti ito at lumabas ang kanyang mga pantay na ngipin.

'Keep it cool, Symon.', ang sabi niya sa sarili.

'Welcome, uhm?', ang sabi ni Darrel sa kanya pero hindi nito alam ang pangalan niya.

'Symon.', ang pakilala niya muli.

'Right! Sorry. Ang dami niyo kasi. Ikaw 'yung unang nag-sign up.', ang naalala ni Darrel.

Muli nitong inilahad sa kanya ang palad upang magpakilala ng pormal. Agad namang nakipagkamay si Symon at muli na naman niyang nahawakan ang malambot na kamay ng crush.

Nagpakilala sila isa-isa. May dalawang member na kaklase ni Symon at doon lang niya ito nakilala. Sila ay sina Paulo at Aika. Pito silang freshmen. 3 mula sa F-CA1, 1 sa F-CA2 at 3 galing sa F-CA3. Matapos magkakilanlan ay muling nagpaliwanag si Darrel ng mga responsibilidad ng kanilang committee. Inilahad din nito ang schedule nila sa buong sem.

'Photo and video coverage, news and features report, editing. Ayan ang mga assignments natin. And by next Friday, we'll have our team building activity dito sa campus. Overnight activity iyon. The first part will be with the whole team. So kasama yung ibang mga committees then the latter part will be dedicated sa committee lang. So here's the letter and the waiver form.', ang sabi ni Darrel.

Halos gusto namang tumalon ni Symon sa tuwa dahil mukhang madalas niyang makikita si Darrel dahil sa sunud-sunod na activities. After ng team building ay may General Assembly na silang aasikasuhin sa sumunod na linggo pagkatapos ay ang weekly news and features reporting na ifa-flash sa buong building ang kanilang trabaho.

'I'll be honest with you, guys. This committee is the most demanding one. We might go home late. Or minsan nga hindi na talaga nakakauwi. Pero if we will work together, mas magiging lighter yung load diba? So sana maging okay tayong lahat.', ang sabi ni Darrel.

Ni-wrap up na agad ni Darrel ang lahat ng kanyang mga sasabihin para hindi na magtagal ang meeting nila.

'Alam ko Friday ngayon and baka may gimik kayo, so that's all for now. You'll be receiving messages from me na lang for further instructions.', ang sabi niya.

Nang sinabi ni Darrel ang gimik ay naalala ni Symon ang PJ's na binanggit ni Shane bago sila pumunta sa meeting. Nagsialisan na agad ang mga kasama at tumalikod na si Darrel.

'Uhm. Kuya?', ang nahihiya niyang pagtawag dito.

'Yes, Symon?', ang nakangiting baling sa kanya ni Darrel.

'Uhm. May gusto po sana akong itanong.', ang sabi niya habang feeling niya ay namumula na naman siya.

'Shoot.', ang sabi ni Darrel.

'Saan po yung PJ's?', ang tanong ni Symon.

'Ah. You heard about it already? Cool! Dyan lang 'yun sa tapat ng campus. Diba may street pagtawid mo, diretsuhin mo lang 'yun. Nasa pinakadulo siya.', ang turo ni Darrel.

'Okay. Thanks po!', ang parang bata na sabi ni Symon.

'Sure. Anytime!', ang nakangiting sabi ni Darrel.

Lagi na lang nakangiti si Darrel! Kaya naman hindi maiwasan ni Symon na lalong ma-attract dito. Parang ang gaan lang sa kanya nang lahat kahit na ang dami niyang ginagawa. Tumalikod na siya at hinanap na ang mga kasama na sina Jeric at Lexie. Ang saya-saya niya kasi iyon ang unang conversation nila ni Darrel na hindi tungkol sa org.

'Ay, Symon!', ang pagtawag muli ni Darrel.

'Yes po?', ang mabilis na pagharap muli niya.

'Ilang taon ka na?', ang tanong ni Darrel.

Kinabahan naman si Symon sa tanong ni Darrel. Bakit niya gustong malaman? Ano kaya ang ibig sabihin nito? Okay, ang OA ni Symon para isipin na may laman ang tanong ni Darrel.

'16 po.', ang sagot niya.

'Oh. Hindi ka pa pwede pumasok sa bar ng PJ's. Sa coffee shop pwede. Kasi yung PJ's, 2 floors siya. Bar and resto sa baba. Tapos coffee shop sa taas. Hindi pwede pumasok ang mga naka-black tie sa baba.', ang sabi ni Darrel.

'Ay, ganon po ba? Sige po. Thanks for the info, Kuya!', ang sabi ni Symon.

'Anytime!', ang sabi ni Darrel bago umalis.

***

'When you see my face 
Hope it gives you hell, hope it gives you hell 
When you walk my way 
Hope it gives you hell, hope it gives you hell'


'Yang chorus part lang ng kanta ang sintunadong sinasabayan ni Agapito habang mag-isa sa kwarto. Ni isang tono yata ay walang sumakto pero wala siyang pakialam.

'Hindi mo naman masyadong feel yung kanta, JR?', ang bungad ng kaibigan at kapitbahay na si James nang buksan nito ang pinto ng kwarto. Itinigil ni Agapito o JR, dahil siya ay junior, ang kanta.


'You know the act of knocking?', ang tanong nito.


'Di na 'to nasanay. Anong atin?', ang sabi ni James habang isinalampak ang sarili sa malambot na kama ni Agapito.


'Wala naman.', ang maikling sagot nito.


'Prang may pinaghuhugutan 'tong kanta mo ah.', ang pasimpleng asar ni James sa kaibigan.


'Sakto lang. Meron kasi akong kaklase na unang araw pa lang ng klase e di na maganda ang timpla sa'kin! Tawanan ba naman ang pangalan ko sa harap ng buong klase!', ang halos parang sumbong na sabi ni Agapito sa kaibigan.


'O? Anong bago dun? Ikaw, nag-college lang tayo, parang di ka na sanay sa mga bagay na nangyayari na naman dati.', ang walang emosyong sabi ni James.


'Iba ngayon kasi, Je! Simula nung nawala si Papa, alam mo na.', ang medyo lumungkot niyang sabi.


'Yeah. Sorry.', ang mahinang sabi ni James.


'Bakit ka pala nandito?', ang tanong ni Agapito.


'Oo nga pala. Tara, ball!', ang yaya ni James.


'O sige. 'Yung bola mo na lang, nabutas yung sa'kin e. Di ko pa napapahanginan.', ang sabi ni Agapito.


'O sige. Kunin ko muna. Sa baba na lang.', ang paalam ni James.


Gabi na pero wala namang klase kinabukasan kaya't okay lang maglaro ng basketball. Ito na rin naman ang kinagisnan na gawin ni Agapito. Mag-isa man o kasama si James. Kinuha na niya ang rubber shoes sa shoe rack at isinuot ito. Dahil sa hilig maglaro ng basketball ay nakakailang palit na ito ng salamin dahil madalas itong matanggal at maapakan. Pero iyon talaga ang passion niya kaya naman walang kaso sa kanya ang pagpapalit.


***


Binalikan ng tatlo sina Shane at Coleen sa cafeteria nang ma-receive ni Symon ang text ng huli na doon sila naghihintay. Maikling ikinwento nila ang nangyari sa meeting dahil alam naman nilang hindi sila ganoon kainteresado dito. Ang nakapukaw lang ng kanilang atensyon ay nang ipaliwanag ni Symon kung ano ang PJ's.


'Tara. Kahit sa coffee shop lang!', ang pilit ni Shane sa apat na kaibigan.


Ginatungan naman ito agad ni Coleen. Agad namang um-oo si Jeric nang nalamang go si Coleen. Wala na ring nagawa sina Symon at Lexie kung hindi ang sumama. Besides, ito ang una nilang gimik sa labas ng school.


Nang makapasok sila sa loob ng ikalawang palapag ng PJ's ay hindi maiwasan ng lahat ang mamangha.


'Hello, new breed of MSCAns!', ang bati ng barista.


Oo nga pala. Halatang first time nila dito dahil sa tie na suot at sa mga bibig na nakanganga sa mangha. Agad namang kumaway si Shane sa barista na bumati sa kanila. Nagpasabay na lang ng order si Coleen kay Symon habang si Shane ang um-order para kina Lexie at Jeric.


'Crush ko 'yung barista! Cute ng ngiti!', ang kinikilig na sabi nito kay Lexie.

'Uhm, kuya?', ang pagtawag ni Lexie sa barista na agad naman tumingin sa kanila na nakangiti.

'Uhhh. Nothing.', ang pagbawi ni Lexie sabay bigay ng isang awkward na ngiti.


Mukha namang sanay na ang barista sa ganito kaya naman ngumiti lang ito ng todo at lalo namang kinilig si Shane.


'Shane! Oh, my!!', ang mahinang tili ni Lexie na mukhang nabitag din ng ngiti ng barista.


'Stop it, guys!', ang pagpapatigil sa kanila ni Coleen.


'Wag kang KJ! Di porke't taken ka na!', ang sabi ni Shane sabay galaw ng mata papunta kay Jeric.


'Hindi no! Grabe ka!', ang todo react ni Coleen.


'Sana pala ako na lang ang um-order, di na si Symon!', ang panghihinayang ni Lexie.


'Tara!, ang paghatak ni Shane sa kaibigan papunta sa bar.


***


Halos isang oras ding nagkwentuhan ang bagong magkakaibigan hanggang sa nauna nang umalis si Coleen dahil may sundo na ito. Sumunod na umalis si Jeric at Shane dahil magko-commute pa sila pauwi. Sina Symon at Lexie na lang ang naiwan dahil naghihintay pa sila ng kani-kanilang sundo. Halos kalahating oras na simula nang nagtext si Symon sa kanyang mommy pero wala pa rin itong reply. 


'Uy, Symon. Malapit na raw si Mang Doms. Gusto mo sumabay ka na lang?', ang yaya ni Lexie kay Symon makalipas ang sampung minuto pagkaalis nina Jeric at Shane.


'Ay. Wag na. Susunduin din naman ako.', ang pagtanggi ni Symon.


'E maiiwan ka mag-isa dito. Tara na.', ang pagpupumilit ni Lexie.


'Okay lang. Baka malapit na rin si mommy.', ang sabi ni Symon.


'O sige. Pero alam mo, ang strange lang na hindi ka pa nakapag-commute ever and sinusundo ka pa. Ayaw mo mag-drive?', ang sabi ni Lexie.


'I'm dying to have my own car! Ayaw lang ni mommy kasi I'm too young pa daw.', ang sabi ni Symon.


Nag-usap na sila tungkol sa iba't ibang models ng kotse. Parehas pala silang mahilig sa mga ganito. Hanggang sa nagpaalam na si Lexie dahil dumating na ang driver. Naiwan mag-isa si Symon sa table. Agad niyang tinawagan ang ina pero binabaan siya ng phone.


'I'm still in a meeting. 30 more mins. Sorry.', ang text ng ina.


Dati kasi ay may driver sila pero natakot na ang mommy niya simula nang mahuli niyang sinisilipan nito ang mga anak na babae habang naliligo. Wala nang magawa si Symon kung hindi ang maghintay. Naisip niya na sana pala ay nakapagdala siya ng libro para naman ay may mabasa siya. Ipinasak na lang niya ang headset sa tenga at inaliw ang sarili habang nagpapatugtog sa iPod.


Ilang kanta na ang natapos. Sa bawat pagitan ay wala siyang ibang naririnig kung hindi ang kwentuhan ng ibang mga customer na nag-aaral pati na ang jazz music na pinapatugtog sa loob ng shop.


'I'm puttin' on my shades to cover up my eyes 
I'm jumpin' in my ride, I'm headin' out tonight 
I'm solo, I'm ridin' solo 
I'm ridin' solo, I'm ridin' solo, solo'



'I'm feelin' like a star, you can't stop my shine 

I'm lovin' cloud nine, my head's in the sky 
I'm solo, I'm ridin' solo 
I'm ridin' solo, I'm ridin' solo, solo'

Pagkatapos ng kantang ito ay narinig niya na tinawag ng barista ang isang pamilyar na pangalan.

'Hey, Darrel! What's up?', ang masayang bati nito sa kadarating lang na customer.

Nakita niyang nag-fist bump ang dalawa. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa kahit na tinanggal na niya ang headset sa kanyang tenga. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos. Babatiin niya ba? Tatawagin? Kakawayan? Ano??? Hindi alam ni Symon. Hindi pa siya nagkaganito sa iba. Hindi siya mapakali. Kinuha niya ang iPod sa bulsa at walang kwentang nag-browse ng mga apps.

'Hey.', ang sabi ni Darrel sa kanya.

Feeling ni Symon ay sobrang lapit ni Darrel sa kanya. Pero nang nag-angat siya ng mukha ay nakapagitan naman sa kanila ang round table kung saan nakapataong ang mga ubos na inumin ng mga umalis na kasama at ang kanyang order.

'Hey... Ha.. Hello, Kuya Darrel!', ang nauutal na bati ni Symon.

Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nagbubutil-butil ang pawis niya sa mukhasa sobrang kaba.

'O, bakit mag-isa ka? Don't tell me, naubos mo lahat 'to?', ang tanong ni Darrel.

'Sana nga naubos ko na lang sila para maintindihan ko kung bakit ganito ako kabahan.', ang sagot ni Symon sa isip pero iba ang kanyang binigkas.

'Kakaalis lang po ng mga kaibigan ko. Kayo po?', ang sabi ni Symon.

'Ah. E bakit naiwan ka?', ang tanong nito.


'Para makita ka.', ang sabi ng kanyang isip.


'Inaantay ko po yung sundo ko.', ang sagot ni Symon.


'Ah. Ako eto magpapalipas lang ng oras. Nakakapagod 'yung week e.', ang sabi ni Darrel.


'Oo nga po. Mukhang ang dami niyong ginagawa. Upo po kayo?', ang yaya ni Symon na saluhan siya ni Darrel sa mesa.


'Did I just do that?!! I'm dead!!!! Lalabas na talaga puso ko!! Sasaluhin niya kaya??', ang corny na sabi ni Symon sa sarili.


'Sure? Okay lang ba sa'yo?', ang nag-aalangang sabi ni Darrel.


'Sure!', ang sabi niya at labas ang lahat ng ngipin na ngumiti.


Sumisigaw na ang loob ni Symon. Ang saya-saya niya! Sinong mag-aakala na sa loob ng limang araw, hindi naging mailap sa kanya ang tadhana. Pero paano siya magsasalita? Gusto niya magpa-impress pero paano niya gagawin na hindi naman halata??


'HEEEEEELLLLPP!!!', ang sigaw ng kanyang isip habang naghahalo ang saya, kilig at pag-aalinlangan.


_______________________________________________
All characters in this story are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.

All song lyrics are obtained from Metro Lyrics.

All embedded audio tracks are from GrooveShark.


1 comment:

JhayCie said...

help i am fallin for this!!
I like it!!