Tuesday, April 12, 2011

"Unbroken 10"

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
“Unbroken 10”
3.1:Anybody's Heart
“The heart that you broke,it wasn't just anybody's heart.”
-Katharine Mcphee,Anybody's Heart.


Kakaibang intensity ang aking naramdaman nang muling magtama ang labi namin ni Daniel. Ibang-iba ito. Muli kong naramdaman ang lambot ng mga labi nya. Muli kong nalasahan ang tamis ng kanyang laway at bango ng kanyang hininga.. Muli kong nasaksihan ang kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama. Hindi ko mawari kung anong dapat kong maging reaction sa nangyayari. Basta ang alam ko,sobrang kakaiba ang nararamdaman ko ng muli kong nalasap ang mga halik ni Daniel.


Patuloy ang pagtutungali ng aming mga labi. Masiglang nanunuod ang buwan at ang mga bituin. Kitang kita nila ang nagaalab naming mga emosyon kasabay na rin ang pagdampi ng malamig at mapanuksong hangin sa aming mga balat. Kumalas si Daniel mula sa pagkakahinang ng aming mga
labi at tumitig sa akin. Gustong kong matunaw sa mga titig nya. Alam ko sa sarili ko na hindi din magiging okay. Mali na ito. Makakasakit ako ng tao. Ayokong masaktan ulit. Ayoko masaktan si Carlos.


Carlos. Naalala ko si Carlos. Ang lalaking nagtiyaga sa akin mula ng binasura ako ni Daniel. Si Carlos na hindi man lang ako iniwan kahit minsan. Si Carlos na naging tapat at nagparamdam sa akin na mahalaga pa rin ako after ako iwanan ng lalaking pinahalagahan ko. Si Carlos na mabait.
Si Carlos na mahal na mahal ako. Tila malakas ang naging impact sa akin ng pagpasok ni Carlos sa isip ko. Naalala ko na kung gaano nya ako minahal ay ganun naman ako binasura ng lalaking nasa harap ko para sa babaeng binuntis nya. Mula sa tuwa,unti-unti akong binalot ng galit.


“FR. Happy Birthday.” Malambing na sabi ni Daniel.


“Salamat.” walang emosyon kung tugon.


Tumitig sya sa aking mga mata. Aminado kong maganda ang mga ito,pero dahil sa mga matang iyon
ako ay nahulog sa bitag. Naalala ko kung paano ako inabandona. Iniwang durog. Ngayon nagsink in na sa akin. Dahan dahang umakyat sa litid ko ang galit na nahukay pa sa nakaraan. Ang kaninang di mapaliwanag na FR ay wala na. Marahil ay tama nga si Pixel. Mahal ko pa si Daniel pero hindi na tama. Kailangan kong gumanti.


“FR,I missed you so much.” sagot nito na puno ng passion.


“Really? Namiss mo ba mga halik ko?” sagot ko. Sarkastiko.


“Oo. FR. I missed it so much. I missed you hon.” sagot nito.


Sinubukan nyang hawakan ang aking mga kamay pero agad akong umiwas. Pinaramdam ko sa kanya na wala na syang babalikan sa akin. Galit ako. Galit ako. Galit ako.


“You missed me? Really?” sarkastiko kong tugon.


“Oo FR. I missed you so bad.”


“Then why did you leave me?Bakit mo ko pinagpalit kay Ivy?” sagot ko.


Natahimik sya. Halatang nabigla. Naguumpisa na. Ipaparamdam ko na kung ano ang impyernong ginawa nya sa akin. Matitikman nya kung anong klaseng tao ang iniwan nya. Sisiguraduhin kong
magsisisi sya sa pangiiwan nya sa akin. Nagpakawala ako ng isang ngiti. Isang ngiting puno ng poot
at pagnanasang makaganti.


“See you can't even answer me? Bakit Daniel? Umurong na ba dila mo?” nangaasar kong tugon.


“FR. Let me explain oh. I have my reasons.” sabi nito.


“You have your reasons and I don't care. Ang mabuti pa,umalis ka na dito!” sigaw ko.


“FR. You don't understand me. Kung sasama ka sa akin ngayon I swear maayos natin to.” pagsusumamo nito.


“Ako? Sasama sa'yo? Bakit? Everything's clear. Hayop ka! After 3 years natin ipagpapalit mo ko?
Gago ka ba? Hindi mo ba alam kung ano mga sinakripisyo ko para sa'yo?” sagot ko. Malakas. Nagmamatapang. Nagmamaganda.


“Aayusin natin to. Magiging okay tayo. Please FR. Please naman oh!” sabi nito.


“No Daniel! Hindi na natin maaayos to! Hinding hindi!” sigaw ko.


Pagkahiyaw ko noon ay mabilis na tumulo ang aking mga luha na tila gripo. Nanatiling nakatayo si Daniel sa kanyang kinalalagyan nang mabanaag ko sa kanyang mukha ang labis na pagsisisi. Alam ko at ramdam ko ang kanyang kalungkutan pero hindi na. Hindi na ako kailan man magmamahal ng isang tulad nya. Bakit pa? Naiwan na akong minsan,I'm sure na kaya pa rin nya akong iwanan ulit.
Isa pa,hindi ko pinangarap na manira ng pamilya. May anak na sila ni Ivy kaya dun na sya. Hindi ko maintindihan kung bakit pa nya ko pinuntahan ngayon. Bakit pa nya ko ginugulo,bakit pa sinusubukang bawiin ako sa kung saang estado man ako.


Nakarinig ako ng pagsara ng pinto mula sa aming bahay. May paparating. Pumasok sa aking tenga ang tunog ng mga yabag. Seconds after,lumabas si Pixel sa gate,nakapantulog at halatang nagulat nang tumama ang kanyang mga mata kay Daniel. Hindi agad ito makapagsalita. Agad itong tumakbo papalapit sa akin,nakita na naman nyang sugatan ang kanyang matalik na kaibigan. Sinubukan nya akong aluin sa pagtapik tapik nya sa aking balikat. Nakaramdam ako ng sense of direction. Tumingin ito kay Daniel at ngumiti.


“Kamusta ka na Daniel?” sabi nito. Formal. Ngumiti.


“Okay naman ako Pixel.” sagot ni Daniel.


“Long time no see.” matipid nitong sagot.


“Oo nga eh. Sana makasama ko kayo minsan.” sabi nito kay Pixel.


“Hindi na mangyayari yun kahit kailan Daniel! Hinding-hindi na!”sabat ko.


“Best,chill.”sabi ni Pixel habang kinocomfort ako.


“FR,you can't deny na mahal mo pa rin ako. Alam ko at ramdam ko. Sa mga halik mo kanina. I know I still have a place in your heart. Mahal mo pa ako FR!” sabi nito.


“Ang kapal mo din? After 3 years? Iisipin mo pa din na mahal kita? Well,I've moved on! After 3 years,iisipin mo na I'm still the same FR? You're wrong! After 3 years,tingin mo magiging ganun
kadali mong maayos lahat? You're definitely wrong Daniel!” sigaw ko.


“I'm sure you still love me . And I'm going to pull you back.” sabi nito.


“I don't love you anymore Daniel! I don't love you anymore! Akala mo kung sino ka ha? Hindi na kita mahal! Nakamove on na ako! At may bf na ako! Hindi na kita mahal! Dun ka na sa asawa mo at sa anak nyo. Ayoko sirain ang pamilya mo. Umayos ka na tigilan mo na ko!”sabi kong gigil na gigil na naiiyak.

“Stop convincing yourself na hindi mo na ko mahal FR!” sagot ni Daniel


Tahimik.


Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Pixel. Alam nya kung anong pinagdadaanan ko. Alam nya kung anong hirap ang dinadala ko lalo pa ngayon na bumalik na out of the blue si Daniel. Nararamdaman ko na naiintindihan lahat ni Pixel ang galit na nararamdaman ko. Naiintindihan nya ang gigil ko sa lahat ng nangyayari. Higit sa lahat,nararamdaman nya ang ginagawa kong pagtanggi na mahal ko pa si Daniel. Alam ni Pixel lahat. Lahat ng nararamdaman ko. Lahat-lahat.


“You have a boyfriend?” naiiyak na tanong ni Daniel.


“Yes. I do. Tatlong taon na din Daniel mula ng iwanan mo ako. I think deserve to be happy.” sagot kong nagmamatigas.


Nagulat si Pixel sa narinig. Ako may boyfriend? At sino ang tinutukoy ko? Alam kong yan ang mga tanong na nabubuo sa isip ko ngayon. Tumitig ito sa akin ng may halong malaking pagtataka. Nilakihan ko sya ng mata at mula don ay nagets nya ang ibig kong sabihin:PIXEL,MAKISAKAY KA!


Parang manikang nalagyan ng baterya,agad umayos si Pixel para sa isang palabas. Tumitig ito kay Daniel at nagwika..


“Daniel,tama na. I think my bestfriend already had his fair share sa lahat ng namagitan sa inyo. Anong purpose mo para bumalik pa? Para manggulo? We'll I think honey,you're a bit late. FR's madly inlove with Carlos. Right FR?” sabay tingin sa akin.


“Oo. Tama si Pixel. I have a boyfriend. His name is Carlos. A very special guy. Gwapo at mayaman.
What can I say more?” pagmamayabang ko. Mapait.


“Carlos what?” tanong ni Daniel.


“Wait there's more. Carlos is a darling. Gustong-gusto sya ng parents ni FR.”sabat ni Pixel.


“Really?”sagot ni Daniel. Talunan.


“Oo. Kaya umalis ka na. At wala ka nang babalikan sa akin. Wala na.” sagot ko.


Nakaramdam ako ng kakaiba. Ang sarap ng pakiramdam. Nakita ko ang reaction sa mukha ni Daniel. Halatang nasaktan. Halatang talunan. Naramdaman ko ang kiliti ng tagumpay sa aking katawan. Sa wakas,kahit papaano,nakaganti ako. Kahit papaano,nasaktan ko sya. Pero kulang pa,he deserves more. Daniel deserves more.


“Siguro nga wala ng pagasa. Pero I will still try to win you back FR. Seryoso.”


“Wala na talaga.” sagot ko.


“Bukas,magkita tayo sa Coffee Bean along Emerald Avenue 7PM. Isama mo ang bf mo. I want to see him.”


Tumalikod na si Daniel. Hindi na nagpasabi ng paalam at dali dali itong sumakay sa dala nyang itim na Ford Lynx. Naiwan kami ni Pixel na nakatayo sa labas ng gate ng bahay. Walang gustong magsalita. Ang huling kataga ni Daniel na iyon ay paulit ulit na umaandar sa isip ko. Bakit kailangan pa nyang makita si Carlos? At bakit sinasabi nya na babawiin nya ko? Ano ba? Matapos kang iwanan at ipagpalit ngayon eh babalik na parang walang nangyari? Gago ba sya?


Walang gustong magsalita sa amin ni Pixel. Tumingin siya sa akin at nagbuntong-hininga. Tapos na nga ang palabas,naging magaling sa pagarte si Pixel. Masasabi natin na naging consistent sya sa character na ginampanan nya. Ako? Kamusta naman kaya ang naging acting ko? Ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.


“Best,are you happy with your performance?”tanong ni Pixel.


“Ewan ko. I don't actually know what to feel.”sagot ko. Blanko.


“That means hindi ka masaya sa ginawa mo.” sagot nito.


“Anong bang mas okay? Maging tama ako o gawin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin?”
tanong ko.


“Hindi ko alam best. Pero ako siguro,pipiliin ko yung tama. Hindi ako magiging masaya pag alam ko na may nasasaktan ako.” sabi ni Pixel.


“Carlos has been a good bf material for you best. Isipin mo nalang,he wouldn't have given you a lot of effort if he sees you as a friend lang. It's pretty obvious na he wants more. It's obvious that he wants to take care of you.”sabi ni Pixel. Serious ang tono.


“I know best. Mahirap pero ginagawa ko naman best. Sana madali. Sana madali lang turuan tong sarili ko na si Carlos nalang. Sana madali lang ding kalimutan si Daniel. Sana madali lahat.” sagot kong umiiyak.


“Kung hindi mo ibubukas ang kakarampot mong utak sa katotohanang wala na kayo ni Daniel,hindi ka makakamove-on. Alam mo naman na pinakamahalaga ang acceptance best diba? Hindi na kayo.
Para saan pa? Bakit di mo bigyan ng chance ang sarili mo na maging masaya kay Carlos? Isa pa may pamilya na si Daniel. Ano ka best? Kabit?”


“Eh bakit pa sya pupunta punta dito tapos manggugulo at sasabihing mahal pa nya ko at he wants to pull me back?”sagot ko, Tuliro.


“Sana alam ko sagot dyan best. Kaso hindi eh. Hayaan nalang nating mangyari lahat ng dapat. Basta pagisipan mo ang mga sinabi ko. Malay mo si Carlos na talaga pala.”sabi nito.


“Best,para saan pa? Diba gusto nga din nya makita si Carlos bukas? Ano gagawin ko? Puntahan ko ba? Ano ba?” Lito kong tanong.


“Wag na. Bakit pa? Magmall nalang tayo bukas. Day off mo diba?” sagot nito.


“Problemado na nga ako mall pa din ang nasa isip mo?”sabi ko.


“Best,shopping is a therapy. Kaya magshopping tayo bukas.”


“Fine.”


Isang malalim na buntong hininga.


Eto nga yun. Ganito ang tamang pagbati sa akin ng tadhana. Regalo mula kay Carlos. Masayang dinner kasama ng aking pamilya. Mga payo ni Pixel. Ang pagbabalik ni Daniel. FUCK.
“Happy Birthday FR.”


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Maaga kaming gumising ni Pixel. Katulad ng napagusapan kagabi,magsashopping kami. Ang tagal ko na ding hindi nakapamili o nakapunta man lang ng mall. Maybe it's a really good time to unwind.
Kahit na alam ko na sobrang bothered ako sa nararamdaman ko kay Carlos at kay Daniel. Nagbreakfast. Naligo at nagbihis. Naging mabilis ang aming pagkilos dahil na rin sa excited na ako makapagmall kasama si Pixel. We haven't done it for a long time.


“Best,ready ka na?”


“Wait lang friendship. Nagaayos pa ko.” sagot nito.


“Gising na tayo ng 9am. 11 na ngayon,di ka pa din ayos?” sagot ko.


“Ano ka ba? Kakain na din naman tayo dito diba? Para tipid na sa mall. Mukhang shoot na naman ang luto ni mudak mo eh.” sagot nito.


“Ganon? Eh di sana pala nakatulog pa ako ng mas mahaba haba? Atat ka masyado eh. Ginising mo pa ako.”inis kong sabi.


“Ano ka ba? Keri lang. Para pagkakain natin go na agad tayo sa mall no.”


“Hay. Eat and run ka talaga. Kapal.” sagot ko.


“Eto naman. Nakikikain na nga lang yung tao.” banat nito.


“Oo na. Oo na.”


1 PM.


“Best. Magtaxi nalang kaya tayo?”


“Oo nga. Magtatataxi nga tayo. Tirik na tirik ang araw eh.”sagot ko.


“Go. Go. Basta sagot mo ang pamasahe. Go.”


“Kupal ka talaga. Buraot.”


“Gago. Go na.”


2PM. Megamall mode.


Overwhelmed ako sa tao. Sobrang dami. Infairness,warm welcome ang pinagkaloob sa akin ng megamall. Sobrang crowded ng mall,animo'y divisoria. Yun nga lang,mas okay ang aircon dito kesa sa divi. Mahigit ilang oras din kaming nagpaikot ikot ni Pixel sa mall. Nakabili naman kami ng isang libro mula sa National bookstore,isang jacket sa “Mental”,isang pares ng couple's shirt sa department store at isang bag sa isang specialty store.


“Best. Hunger strike na ako. Saan tayo kakain?” sabi ni Pixel.


“KFC?”


“Wit ko bet. Box-office best eh.” sagot nito.


“Okay. Hanap tayo ng hindi matao.”sagot ko.


“Inasal?”dugtong ko.


“Di ko pa din bet. Dami pa din tao oh.” sagot nito.


“Best. Weekend malamang no? Kaya siguro box-office lahat ng fastfood chain no? Tonta.”sagot ko.


“Ouch naman non. Pukibels ka. Hanap tayo ng fine dining best sa taas.” sambit nito.


“Fine dining? May pera ka best? Di ka ba natatakot sa sinasabi mo? OMG! Hahaha.” sagot ko.


“Wag kang ganyan. Porket di ako gumagastos at humaharbat ako sa inyo eh wala na agad ako pera? Grabe ka naman best! Napakajudgmental mo!”sabi nito sa malungkot na tono.


“Ayyy may ganung emote? Tigilan mo ako ha? Gutom na ako.” sabi ko.


“Hunger strike na ko. Magtake out nalang tayo sa Mcdo, Tapos eat natin habang naglalakad.”


“Tamang trip ka ha? Pero pwede din.”


Pumila kami ng pagkahaba haba sa Mcdo para lang magtake out ng Fries,Float,Sundae at Big Mac.
Agad na tinungo ang foodcourt sa baba at humanap ng upuan. Nakahanap ng pagkakainan ng maayos at kumain na parang wala ng bukas. Isabay mo pa ang masayang kwentuhan. Pansamantalang nakalimutan ang mga agam-agam na bumabalot sa aking kamalayan.


Tumayo na kami ni Pixel at nagayos. Tumayo na mula sa upuan ng foodcourt at lumakad na palabas ng Megamall. Pagtingin ko sa relo ko ay 6:30 na pala. Di maiwasang magflash back ang mga huling sinabi ni Daniel.


“Bukas,magkita tayo sa Coffee Bean along Emerald Avenue 7PM. Isama mo ang bf mo. I want to see him.”


Bakit pa ba nya ko gustong makita? Bakit kailangan pa nya makita si Carlos? Ano ba talagang gusto nya? Buntong hininga. Mula sa happy times,bumalik na naman na ang parang sirang plakang emosyon. CONFUSION.


“Best. If bothered ka dun sa sinabi ni Daniel kagabi,kaw ang bahala. Do you still want to see him?”tanong ni Pixel.


“Best,I really don't know. Nalilito ako talaga. Di ko alam kung ano pa ba dapat kong gawin.” sagot ko.


“Ganito nalang,follow your instinct. Ano ba sa tingin mo ang dapat mong gawin?”


“I definitely have no clue.” sagot ko.


“Okay. Umuwi nalang tayo.”sagot ni Pixel.


Lumakad na kami papunta sa labasan ng Megamall. Ang exit na tinahak namin ay malapit na sa may mga bus bay ng Building B. Medyo kumakagat na ang dilim ng lumabas kami ng Mall. Ramdam ko ang lamig na dala ng hangin sa labas. Pero di pa din maitatanggi na mas malamig ang hanging dala ng aircon sa loob. Whew. Parang gusto ko uling bumalik sa loob ng mall. Ilang hakbang ang nasa baba na ako.


Kasalukuyan kaming naglalakad ng biglang huminto si Pixel. Nanatiling syang nakatayo at tila may inaaninag sa di kalayuan. Marahil ay may nakitang kakilala o dating kaibigan. Katulad nya,napahinto na rin ako sa pagkilos. Pareho kaming nahinto sa paglakad.


“Best? May GF ba si Carlos?” tanong nito.


“Ha? Wala yung GF. Tagal na din naming magkakilala wala naman syang nababanggit eh. Bakit?” tanong ko.


“Ehhh,paano kung may GF si Carlos?” tanong nito.


“Siguro malulungkot ako. Pero ano bang karapatan ko? Hindi ko naman BF yung tao. So walang lokohan na naganap. Sinayang lang nya panahon nya sa akin. Ganun din ako sa kanya.” sagot ko.


“Okay Okay. Fine.”


“Best? Bakit mo natanong? Ano ba nangyayari? Naadik ka na naman?”tanong ko.


“Wala best. Wala naman.” sagot ni Pixel habang nakatitig pa rin sa spot na kanina pa inoobserbahan ng kanyang mga mata.


“Best,ano ba yang tinitignan mo?”sagot ko.


Dahil na rin sa hindi ako mapakali sa kung sino o ano mang tinititigan ni Pixel. Napagpasyahan kong sundan ng tingin ang pinagmamasdan nya. Hindi ko masyado maaninag dahil na nga rin sa mata ko at medyo may kadiliman na din. Basta ang alam ko ay mayroong isang lalaki at babae na bumaba sa kotse. Seconds after,binuksan ng babae ang pinto sa likod ng sasakyan at kinuha ang isang batang lalaki na siguro ay nasa tatlong taong gulang. Nasa gitna ang bata at hawak nito ang kamay ng lalaki at babae. Naglalakad na sila papasok ng Megamall.


“Best. Tara pasok tayo ulit sa mall.” sabi ni Pixel habang patuloy pa rin ang sunod ng tingin sa pamilyang bumaba sa kotse.


“Best,sila ba? Di ko maaninag masyado eh. Sino ba yun? Barkada mo? Happy Family sila best.” sagot ko. Namamangha.


“Tignan natin kung ano masasabi mo pag nakita natin sila ng husto.”sagot ni Pixel. Tensyonado.


“Ha? What do you mean?” nalilito kong tanong.


Nakita ko nang papasok ng mall ang maganak. Agad akong hinatak at nagmadali para makapasok sa mall. Muling sumambulat ang liwanag ng mall sa aking mga mata na nagpadali upang makita ko ang kanina pa pinagmamasdan ni Pixel. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Nagitla ako.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Hindi magkamayaw ang aking mga emosyon. Binabalot ako ng kakaibang pakiramdam. Ni hindi ako makapaniwala at makapagsalita.


“Nakikita mo na ba ang kanina ko pa nakita?” sagot ni Pixel. Nagtataka.


“Oo. Maliwanag na maliwanag.” sabi ko. Gumagaralgal ang boses. Naluluha.


“Oh? Bakit ka naluluha? Kala ko ba okay lang?” tanong ni Pixel.


“Hindi ko alam. Hindi ko alam best.”sagot ko.


“Nasasaktan ka?”


“Ewan.”


“Pati ba naman si Carlos nakabuntis din at may pamilya na?” takang tanong ni Pixel.


“Hindi ko alam best. Hindi ko alam naguguluhan ako.”


At pumatak ang mainit at maalat na butil ng luha sa aking kaliwang mata. Hirap ako huminga.
Pakiramdam ko masakit ang bawat paglabas masok ng gases sa aking sistema. Bumabagal at nagiging mas kumplikado bawat hinga. Hindi ko na alam.


“Oh? Bakit ka natulala dyan? Ano? Hindi ba man lang natin wawarlahin? Hindi ka man lang ba magtatanong kung “Da Who?” si Gurlash at anakchiwa ba nya si Babybells?” tanong ni Pixel.


“Wala na kong idea best. Ayoko na. Let's go home. I've had enough. Nasaktan ako. May pamilya na din si Carlos. Ayoko na.” sabi ko. Umiiyak.


“No!”sigaw nito. “Hindi tayo uuwi! Hindi tayo aalis ng Megamall hanggang di ko nakakalbo ang lalaking iyan.” sabat ni Pixel.


“Best. Hayaan na natin. Naging mabuti si Carlos sa akin. Kaya hayaan na natin.” sabi ko. Umiiyak.


“Gago ka ba? Kaya ka naiiputan sa ulo eh. Hindi ka marunong lumaban pag pagmamahal na ang usapan. Tignan mo,kay Daniel,hinayaan mong iwanan ka. Malamang kung drinamahan mo yun,nagstay sana. Hahayaan mo bang mangyari ulit? This time kay Carlos naman? Kung kailan nakakakuha ka ng bangus papakawalan mo pa? Ano gusto mo? Galunggong? Puki ka.” iritang sermon nito.


“Isipin mo nalang yung bata. Paano na yung bata ha?” tanong ko.


Natahimik si Pixel. Malamang narealize nya ang punto ko. Kahit kailan man ay di ko pinangarap na makasira ng pamilya. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng ama dahil naghiwalay noon si mama at papa. Yun nga lang ay nagkabalikan sila. Pero alam ko pa din na hindi ganun kadali na walang ama ang isang bata. Kailangan nito ng ama na gagabay sa paglaki nya. Isa pang malalim na buntong-hininga.


“Best. Naiintindihan kita. Pero paano natin malalaman kung hindi mo sya ikoconfront?”tanong nya.


“Ewan ko. Wala na ako sa wisyo. Wala na kong bait.” sagot ko.


Patuloy kami sa pagsunod sa kanila. Sa buong pagsunod namin sa kanila ay bihira o hindi ko man lang nasipat ang mukha ng babae. Pero sa tayo nito ay mukhang maganda. Maputi din ito at makinis. Yun marahil ang dahilan kung bakit sya nagustuhan ni Carlos. Kung sakaling sya nga ang GF o Asawa nya.


Napagod kami sa kakasunod. Nakita ko nalang na pumasok sila sa isang fine-dining restaurant kung saan sila kakain. Mababakas mo sa mukha nila na masaya sila at sabik silang makita ang isa't isa.
Mula sa pagkakatayo ay natanaw ko ang babae. Kita ko na ang kanyang mukha. Maamo pa rin ito. Para pa ding anghel. At hawig pa din nya si Carla Abellana. Muling bumalik sa akin ang mga gunita ng nakaraan. Naalala ko ang aming naunang engkwentro.


“May inaantay ka?”

“May inaabangan lang.”

“Wag ka na maging sad po. Magiging okay din yan problema mo. Btw,ako si Ivy.”

“Ahh nice name. I'm FR.”


Muli,inusok ang utak ko. Nakaramdam ako ng matinding galit. Nakaramdam ng matinding panginginig sa aking kalamnan. Galit ako.Galit na galit.Tama. Si Ivy nga ang nakita ko. Pero bakit?
Di ko maipaliwanag. Bakit kasama nya si Carlos? Anong koneksyon nya kay Carlos? At bakit kilala nya si Carlos? Teka. Hindi na maproseso ng utak ko lahat. Hindi ako makahinga.


“Best. May ichura yung babae.” sabi ni Pixel.


“Hayop.”


“Ako?”Sabat nito.


“Hayop sila.” sabi ko. Gigil na gigil.


“Bakit best? Ano ba? Kilala mo ba ung babae?”


“Si Ivy.” gigil kong sagot.


“Ivy who?”


“Si Ivy. Siya yung nabuntis ni Daniel dati. Sya yung babaeng umahas kay Daniel. Ngayon naman pati si Carlos.”


At muling pumatak ang aking luhang puno ng pait at galit. Di ko na din alam ang gagawin ko.
Nakita ako ni Pixel na galit na galit. Sobrang galit. Ang bilis na ng aking paghinga. Naramdaman
ko nalang na biglang lumakad ang aking mga paa papasok ng restaurant. Kaba at takot at galit ang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Hindi ko alam. Naghalo halo na lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman. Ang alam ko,kailangan kong malaman lahat. Lahat-lahat. Mananagot si Ivy. Hindi ko sya mapapatawad.


Nakapasok na ako ng restaurant at handa na akong sumugod sa kanila. Nasa likod ko si Pixel at halatang back up ko talaga. Mabilis akong nakalapit sa kanila. Ngayon ay nasa harap na nila ako at laking gulat ni Carlos ng makita ako sa harapan nilang umiiyak na parang basahan. Nagkatinginan kami ni Ivy at puminta sa kanyang mukha ang malaking pagtataka at pagkabigla. Hindi ako mapakali. Mabigat ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ingudngod si Ivy sa mesa ng table pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin.


Lumingon ako kay Carlos na humahangos. Lumuluhang parang batang inagawan ng ice cream. Gusto kong sabihin na iwanan na nya si Ivy. Gusto kong bawiin sya. Gusto kong ako lang ang nasa puso nya. Ako lang. Hindi si Ivy. Hindi sa kung kanino man.


“Carlos,can we talk?” sagot ko. Nanginginig.


“FR. Ahh. Sure.” Nangangatal na sagot nito.


“Ivy. Can you excuse us for a while?” sarkastiko kong tanong. Naiiyak.


“Huh? Sure Fr. Sure.” mahinang sagot nito. Nagtataka.


Patayo na sana si Carlos mula sa kanyang kinauupuan nya ng biglang..


“Uy,late na ba ko?” masiglang bati ng lalaking nagsalita.


Inangat ko ang aking ulo. Tinignan kung sino ang nagsalita. Tumama ang aking mata at lubos akong nanghilakbot sa nakita. Si Daniel. Shit! Ano to? Reunion? Si Carlos,Si Ivy,Si Daniel,Si Pixel at ako.
Isama mo pa ang anak ni Daniel at Ivy. Putang ina talaga. Sabi nga nila lightning strikes,pero di ko alam na sobrang hagupit pala ang itatama nito.


Mula sa scenariong ito. Napagtagpi tagpi ko na ang mga nangyari. Iniwan ako ni Daniel. Dumating Si Carlos. Umeksena si Ivy. Buntis at lumipad papunta ng Amerika kasama si Daniel. Bumalik sila at nakita kong magkakasama. Isa itong Malaking SET UP! Di ko maiwasan di maawa sa sarili ko.
Sa loob pala ng tatlong taon ay naging magaling na aktor si Carlos. Nandito silang lahat para guluhin ako. Para pahirapan ako. Mga hayop sila.


Tumingin ako sa kanilang lahat. Nararamdaman ko ang tensyon dahil sa pagtitig ng mga tao sa amin na tila drama sa TV. Naramdaman kong pumatak ang aking luha. Talunan. Nasetup. Ginago. Lumapit si Pixel to the rescue.


“Best,tara na uwi na tayo.” sagot nito. Pinapakalma ako.


Hindi ko sya pinansin.


“Mga hayop kayo. Ano bang ginawa ko sa inyo? Bakit nyo ko ginago? Bakit nyo ko ginago?
Daniel! I loved you! Anong ginawa kong mali! Faithful ako! Wala akong iba! Iniwan mo ko!
Pinagpalit mo ko kay Ivy. Ngayon isesetup nyo ko sa palabas nyo?Papaibigin ako ni Carlos tapos iiwan din? Hayop! Mga wala kayong puso! Hayop kayo! Mamatay kayo!” sigaw ko.


Nakatutok sa amin ang mga mata ng mga tao. Gumawa kami ng eksena. Agad akong lumabas. Tumatakbo. Luhaan. Hindi na ko nagsawa sa kakaiyak.


Isa itong malaking set-up.


FUCK.


ITUTULOY...

4 comments:

Mars said...

Hi po!...

Na post na po ba ang ending nito? 'Bat parang nabasa ko na to?... I think alam ko na ung ending... hehehhe panaginip lng ba un? hehehe...

D bale na... maganda naman ang story eh hehehhe...

-mars

unbroken said...

mars! hahaha! Unang novel ko to kaya nilagay ko dito sa blog ko. Wag ka nalang maingay. Hehehe

Salamat sa pagbisita sa blog ko Yehey

Mars said...

Ayyiiieee! kaya nmn pla hahahha... Pasenxa po dko po naalala... Pero promise maganda po ung mga stories nyo.Dko nga makalimutan eh... dko ko lang matandaan ung mga title, sa dami ba nmn ng mga kwento dito sa blogspot hehhee, pero yung kwento po alam ko kng nabasa ko na o d pa hehehe...

Ang galing po ng pagkakagawa... very emotional c FR hehehe... may mga ideas na dko ko pa mashadong matanggap pero ganun talaga eh... kelangan yun sa kwento pra makulay... Galing po!

unbroken said...

MARS! Salamat sa comments. Yep. Ang dami nga talagang stories sa blogspot.

:)