Saturday, November 30, 2013

Less Than Three- Part 40

AUTHOR'S NOTE:


Guys salamat po sa mga comments ninyo.. kahit anong comments po ay welcome... sorry kung talagang hindi ko naasiakaso.. hinihintay ko lang po matapos yung term na to. sorry po talaga... hope you'll undertsand....


Sorry for the flaws.... sorry po.. pasensya na po...


.................................



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 40

(On the fire...)


Wednesday, November 27, 2013

Unbroken 2.0 Prologue

This is a Re-Run of Unbroken 2.0. Please feel free to still read as we finish to story of Daniel and FR. Nakapagsulat na ako ng next chapters so tuloy-tuloy na to. :)


* * *


P R O L O G U E

Nanatiling nakahiga si Daniel sa mga bisig ni FR. Patuloy ang pagtangis ng huli dahil sa pagkawala ng minamahal. Naging saksi ang mga langay-langayan na malayang bumabagtas sa payapa at umaawit na langit sa mga hiyaw at panaghoy ni FR. He then remembered that it was Christmas day. Tumingala sya sa langit, pumasok sa isip nya na sisihin ang Diyos sa nangyari, sya ay lumuha.

Salamat sa binigay nyong pagkakataon na makasama ko pa si Daniel kahit sa mga huling araw nya dito sa lupa. Maraming salamat sa pagkakataon na binigay nyo sa amin para maiyos ang lahat. Salamat sa lahat lahat. Ngayong kasama nyo na sya sa langit,ako naman po ang gabayan nyo. Nabuhay ako dati, hindi ko sya kilala. Pinagtagpo nyo kami at pinaramdam nyo samin kung paano ba talaga magmahal ng walang hinihinging kapalit.Ngayon hindi ko po alam kung paano ako magsisimula ulit. Masakit,pero alam kong gagabayan nyo ako. Tulungan nyo po ako, Tulungan nyo po ako.

He felt the morning wind hugging him. Even the ripples were there to kiss his feet. He felt nostalgia. At muling lumuha si FR.

Parang mga asong nakakita ng buto,agad na nagtakbuhan ang mga personnel ng beach resort nang marinig ang iyak ni FR. Tumawag ng ambulansya,agad na sinakay ang dalawa,pinaharurot. Umaasang marerevive pa ang wala na.

Agad tinawagan ni FR ang mga tao sa kanilang bahay.

“Ma,wala na po si Daniel.”

Narinig nalang nya ang pagluha ng ina sa kabilang linya.

“Best,nasaan ka? Wala na si Daniel.”

“Puki mong may granules. Oh my Jesus! Nasaan kayo? Lilipad ako.” si Pixel.

“Sa pinakamalapit na ospital sa Subic. Hindi ko alam.”

She heard Pixel sigh. A sigh that has no exasperation,a sigh that has a lot of sympathy.

“Antayin mo ako. Pagdating ko pwede ka ng umiyak. Hold it.”

He wiped the tears with his checkered hanky. Nagmamadali pa din ang driver ng ambulansya.

“Ivy. Wala na ang kuya mo.”

Di na sumagot si Ivy. Panay iyak nalang ang narinig sa kabilang linya.

The number you dialled is unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Nasaan si Carlos? Ngayon sya kailangan ni FR. FR put his phone inside his pocket. He then saw mists all over the ambulance. He felt his eyes were being cloudy again. For the nth time,umiyak na naman sya.




Madaling narating ang hospital. Agad na sinugod sa E.R si Daniel. Nanatiling nakaupo si FR sa isa sa mga bench doon sa ospital. Isang oras ang nakalipas dumating si Pixel na nakacocktail dress. Kahit ospital dapat nakagayak pa ang talipandas. Tumakbo itong parang trumpong kangkarot papalapit kay FR. Inangat ni FR ang kanyang ulo,banaag ang luha sa mga mata,Pixel gave her a tight hug. That was what he needed that time.

Lumabas si Carlos sa E.R. Rumehistro ang gulat sa mukha ni FR at Pixel. Kita ang malaking disappointment sa mukha ni Carlos. Dahan-dahan itong lumapit sa dalawa. Nanatiling tahimik ang magbestfriend. Tumitig si Carlos kay FR,mata sa mata,pinahid ni Carlos ang mga luha dito.

Ilang segundo pa ay umiling si Carlos. Di na nakapagpigil si Pixel,umiyak na parang walang bukas. Niyakap ni Carlos ng mahigpit si FR. Slowly,kinain na ng dilim ang lalaking nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal.



Huling gabi na ng lamay ni Daniel. Nanatili pa ring tahimik si FR. Di masyadong makausap at ngingiti lang ng malungkot sa bawat makikiramay. Dumating ang mga kaibigan,kaklase,colleagues at kung sino pang related sa pamilya at sa kanilang dalawa. Nagmistulang malaking reunion, nagkaroon muli ng communication ang mga dating wala na. Masaya ang lahat sa mini-reunion na naganap pero batid sa lahat ang panghihinayang at kalungkutan sa pagkawala ni John Daniel Madrid.

Kumatok si Pixel sa kwartong tinutuluyan ni FR sa mansion ng mga Madrid. Walang sagot,naisipan na nyang pumasok sa loob. Madilim ang kwarto,liwanag lang ng laptop ang makikita. Parang humihikbing bata si FR sa isang blog na binabasa. Lumapit si Pixel.

“Ano yang binabasa mo?”

“Online Diary ni Daniel.”

“Bongga.”

“Nakadetalye dito lahat ng nangyayari samin. Naiiyak ako twing binabasa ko. Nararamdaman ko kung gaano nya ako minahal.”

“Alam naman ng lahat na mahal ka ni Daniel.”

“Oo nga.”

“Iiwan na muna kita para asikasuhin yung mga batchmates nating ginawang restaurant ang lamay. Magprepare ka na. In an hour,start na ng sharing at ng final mass.”

“Okay.”

Pixel hugged FR.



Nakalipas ang isang oras at dumating na ang paring magbibigay ng huling basbas sa labi ni Daniel. The mass went on at umabot na sa punto ng sharing. Ang mga magulang ni Daniel ang nauna,sinundan ng mga kapatid nitong lalaki. Sumunod si Ivy.

“Si Kuya Daniel ang isa sa mga taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.”

“Nung kinakailangan ko ng karamay sa lahat-lahat,nandyan sya. Kahit na nung mga panahong hirap na hirap na sya sa chemotherapy eh inuuna pa nya ako dahil buntis nga ako. Naaalala ko yung pagtitimpla nya ng gatas para sa akin everynight. Naalala ko yung mga panahon na sasamahan nya ako sa OB ko tapos pagkakamalan kaming magasawa ng mga tao. Naalala ko kung paano sya tumawa sa t'wing pinapahawak ko ang tyan ko sa kanya pag sumisipa ang baby ko. The simplest thoughts count. Kung nasaan ka man ngayon Kuya Daniel.tandaan mo na naging napakasaya ko para makasama ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamabuting kapatid na meron ako. Mahal na mahal kita Kuya.”

Tumingin si Ivy sa crowd at nakita nya ang mga namumugtong mga mata nito. Nagpakawala sya ng isang buntong-hininga,pinahid ang mga luha,ngumiti. Bumaba ng platform at nakatanggap ng yakap mula kay Pixel.

Oras na ng babaeng bakla para magsalita. Tinantya nito ang crowd at nagbuntong-hininga.

“Akala ko nga nung una straight yang bwisit na yan.” banat nito.

Nangingiti ang mga tao sa mga pinagsasabi ng babaeng bakla.

“Pero kiki mong may granules. Lalaki pala ang gusto. Naloka ako. Akala ko talaga nung una, ako ang type nya. Pero malalaman laman ko nalang na kaya pala nya ko kinoclose dahil kay FR. Imagine? Inisip ko talaga nung High School pa ako na magkakaroon kami ng mga cute na anak ni Daniel, ang ganda ko ba naman eh.” kitang kita dito ang pagpipigil ng luha,dinadaan sa joke ang gustong iparating.

Kita ang ngiti sa mga labi ng mga tao.

“Daniel is really a sweetheart.” naging seryoso ang tono nito.

“Lagi syang may something new to offer. Di ka mabobore. Si Daniel yung taong akala mo ampao,pero pag nakausap mo buchi pala. May laman ang utak,di puro hangin. Si Daniel yung taong akala mo sa una maldito,oo nga may pagkamaldito pero napakabuting tao nya sa lahat ng mga kaibigan nya.”

Lumuha ang babaeng bakla.

“Sorry kung umiiyak ako. Di ko lang talaga matake na makita sya dyan sa kabaong na yan. Pero infairness nga palong-palo ang kabaong ha? Gold in fairness. Tae naman oh. Naiiyak ako. Wala na akong masabing matino. Daniel,kung naririnig mo ako,muntik na kitang minahal okay? Mamimiss kita. Mamimiss kita ng sobra.”

Bumaba si Pixel sa platform. Si FR na ang susunod. Nagyakap ang dalawa.

“Best.”

Tumingin lang si FR bilang sagot.

“Big girls don't cry.”

Ngiti ang sinagot nito.

Tinantya ni FR ang tao sa mansion. Madami din. Inadjust nya ang mic ng naayon sa pwesto nya. Bago sya magsalita,nagpakawal sya ng isang buntong-hininga. Tilang may anghel na dumaan, natahimik lahat ng tao. Tumingin lahat kay FR at napalunok ito.

“Una sa lahat,gusto kong magpasalamat sa inyo sa pagpunta at pakikiramay sa akin maging sa pamilya ni Daniel. Ang laking suporta nyan para sa amin na iniwan. Maraming salamat sa inyong lahat.”

Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga.

“Daniel,mamimiss kita.”

Paunang statement palang ay nakaramdam na ng kakaiba ang mga nakikinig. Nakaramdam sila ng kilabot,ramdam na ramdam ang sinseridad. Isang malaking katahimikan.

“Mamimiss ko yung mga bagay na walang kwentang lagi nating ginagawa at pinagaawayan. Mamimiss ko kung paano natin pinagtatalunan kung paano kunin ang sagot sa mga Math problems about quadratic equations. Mamimiss ko yung mga tawag mo twing alanganing oras ng gabi. Mamimiss ko yung mga surprise visits mo sa bahay. Mamimiss ko yung pagbuhos mo sakin ng juice as a wake up call. Mamimiss ko lahat ng mga simpleng bagay na ginagawa natin. Mahal na mahal kita.”

May mangilan-ngilan ng napapahikbi.

“Daniel,alam kong kasama ka na ng Diyos ngayon sa langit. Alam kong masaya ka na dyan. Favor naman oh? Pwede bang tulungan mo din kaming tanggapin na wala ka na? Pwede ba yun? I have more favors to ask actually, Would you mind? Daniel,pwede bang wag mo kong kalimutan? Wag mo kong kakalimutan kasi di ko alam kung makakalimutan kita. Pwede ba minsan pag payagan ka dalawin mo naman ako? Para lang makita kita? The thought of thinking you're gone is killing me. Please. Wag mo kong kakalimutan. Mahal na mahal kita.”

Rinig ang crack sa boses ni FR. Umiiyak na ang ilang sa mga malalapit nilang kaibigan.

“Daniel. Mahal kita at di ako magsasawang sabihin yan sa kanila. Mula sa dulong strand ng buhok ko hanggang sa dulong kuko ko sa paa,ramdam ko sa puso ko na ikaw lang ang laman nito. Mula pa noon,noong una kitang nakita,hanggang ngayon,ikaw pa rin ang nagiisa dito.Mahirap,masakit at nakakapanibago,pero asahan mong kakayanin ko para sayo.Makakaasa ka na magiging okay ako kahit parang pakiramdam ko ayaw ko ng maging okay. Makakaasa ka na patuloy akong magdadasal para magkita tayo ulit. Makakaasa kang di kita kakalimutan. Makakaasa kang mamahalin kita kahit wala ka na. At kung mabibigyan ng pangalawang pagkakataon, kahit sa ating ikalawang buhay, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.”

Kitang-kita ng mga tao sa lamay kung paano humugot ng isang malalim na buntong hininga si FR. They saw how FR wiped the tears coming from his left eye. They all symphatized with him. Muli, he sighed.


“Pero siguro di pa talaga tayo magkikita ulit. Alam ng Diyos na marami pa akong dapat ayusin. Sana pag napadpad ako sa langit,kung sa langit nga ako mapunta makita kita. At sana tanda mo pa ako noon,sana pwede nating ituloy ang kabaklaan natin sa langit, Sana pwede tayong magmahalan dun gaya ng pagmamahalan natin dito sa lupa. Aasahan kong hihintayin mo ako dyan,kung nasaan ka man. Ayokong maging malungkot lalo kaya di ako nagsasabi ng kung anu-ano. Daniel ayoko na baka umiyak ako. Daniel please? Daniel? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita.”

Tumahimik ang mga mata. Waring may dumaang anghel sa kanilang mga harapan.

Ngumiti si FR. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Bumaba sya ng platform at agad na dumeretso sa kwarto. Sinara nya ang pinto at agad na umiyak na parang bata. Nakaramdam ng yakap si FR mula sa dilim. Pamilyar ang amoy na yon,ang init ng kanyang katawan . Ramdam nya ang yakap ni Carlos mula sa kadiliman ng kwarto.

Then there's a deafening silence.

Nilamon na ng dilim si FR. Pahigpit ng pahigpit ang mga yakap ni Carlos.




Tuesday, November 26, 2013

Final requirement 05




A/N: Salamat po sa pagbabasa ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.  

Natawa po ako dun sa Nagcomment ng pagka Scroll Down itutuloy na daw agad hahaha XD


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words. 

Sa mga silent readers LEAVE your comment atleast naririnig ko ang mga reaction niyo :)


Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook

1st Story ko ito sana suportahan niyo :)


Final requirement 05

Siya si Andrei Boyfriend ng kapatid mo” < --- Dad Sam

“What Richard Bakla ka?!”

“Cut it out kuya hahaha para kang ewan eh!” < --- Chard

“Ahahaha hello Andrei ako si Adam kuya neto ni Chard, sabihin mo lang sa akin kapag sinaktan ka neto ah, bugbugin natin”

“Sige po kuya Adam” < --- Ako

“Ah by the way this is Simon anak ko” < --- Kuya Adam

“Hello there Baby Simon, ang cute naman neto hihihi” < --- Ako

“Mas cute ako jan!” < --- Chard

“Di ah, mas cute si Baby Simon” < --- Ako

“Ok! Siya na lang Boyfriend mo hmmmp!” < --- Chard

Ahahaha kulet talaga neto ni babe.

“Pwede po ba Tito tita?” < --- Ako

“hahahaha!” ayun napuno ng tawanan ang Dinning area nila Chard

Pinagpatuloy namin ang pagkain, ang sarap magluto ng kasambahay nila Richard grabe. Ang cute cute talaga ni Baby Simon, selos na selos naman ang Isa hahaha katuwa eh…

Matapos naming kumain ay nakipagkwentuhan pa ako kila Tito at Tita, ang saya talaga ng araw na ito kwela ang pamilya ni Chard, hinde ko naramdaman ang pagtutol sa aming relasyon ni Chard at higit sa lahat masaya sila para sa amin.

“Alam mo Andrei iho masaya ako na ikaw ang naging boyfriend ng anak ko mabait na nagawa mo pang paamuhin yang anak namin” < --- Tito

“Tama alam mob a Tol ng napaka ligalig nang kapatid ko but simula nung umuwi yan sa amin nung isang araw nung galing kayong Tagaytay aba naging anghel” < --- Kuya Adam  

”Ah.. ganun po ba hayaan niyo patitinuuin pa po natin” < --- Ako

“Glad to hear that I’m so happy that my son loved a very handsome and kind man like you Andrei” < --- Tita

Maya maya bumaba si Chard may dalang gamit.

“Saan ka pupunta?” < --- Ako

“Sa inyo Babe doon ako matutulog ngayon, mom dad, papayagan niyo naman ako diba?” < --- Chard

“Kung ok lang naman kay Andrei eh Walang problema” < --- Tito Sam

“Ah ok lang naman po” < --- Ako

“Yehey! Hahaha makaka-puntos na ako sa Babe ko!” < --- Chard

“Oo, makukutusan kita!” < --- Ako

“hahaha!” < --- Tita, Kuya Adam

“I Still can’t figure out kung paano kayo nagkasundong dalawa” < --- Tito Sam

“But they look so cute when they quarrel like that” < --- Tita Lydia

“Yeah Chard finally met his match” < --- Kuya Adam


. . .

Habang papunta sa amin, ayun tampo tampo, keso daw, mas cute daw siya kay baby Simon, bakit daw si baby Simon sinusubuan ko, siya daw hindi, hahaha parang timang eh . . . pagselosan ba yung bata?

“Mahal naman kita kaya tumigil ka sa pag-seselos mo muka kang timang eh” < --- Ako

“I love you too Babe” < --- Chard

Sabay kiss sa akin . . . hay kasarap

“Abuso ka ha kiss ka ng kiss” < --- Ako

“Gusto mo naman babe wag ka na umangal” < --- Chard

“Ako naman pa kiss nga” < --- Ako

“Ayoko nga” < --- Chard

“Di wag! Hmm!” < --- Ako

“Aysus ang cute talaga magtampo ng babe ko hahaha” < --- Chard


>>> Sa Bahay >>>

“Bunso ginagabi ka ata? paano na lang kung marape ka jan sa labas?” < --- Kuya Kian

“Utot mo! Kaya ko silang bugbugin” < ---  Ako

“Oh ayan na pala yung Boyfriend mo pasok ka” < --- Kuya Kian

“Salamat po” < --- Chard

“Ah, Bunso may regalo pala ako sayo” < --- Kuya

“Eh?! Talaga akin na dali!” < --- Ako

“Oh”

“Anu to?”

“Barbie”

“Hahahaha!” < --- Chard

“Gago… anu nga! At ikaw? Bakit ka natawa?! buseet” < --- Ako

“hahaha mukang magkakasundo kami nito ni Richard ah” < --- Kuya

“Oo naman kuya” < --- Chard

Binuksan ko yung regalo ni kuya, Yes! May bago na ako cellphone! Ayun nagpasalamat ako kay kuya, tapos Barbie daw ang theme neto, hay ang sarap hambalusen eh, lintek. Dahil tulog na si mama hindi ko pa naipakilala si Chard. Pumayag naman si kuya na dito matulog si Chard, at sabi pa ay, wag daw masyado maingay baka makabulahaw ng kapitbahay, ayun pinagbabato ko ng unan, buuset talaga.

“Babe ligo lang ako” < --- Ako

“Sabay na tayo!” < --- Chard

“Ayoko” < --- Ako

Kaya ayun pumasok na ako sa banyo at naghubad, derecho sa shower. Habang dinadama ko yung tubig na galing sa shower ay biglang bumukas ang pinto, buti na lang at may kurtina bago mag-shower

Biglang pumasok si Chard sa may shower nakahubad at nakishower na din buset talaga to hai.

“Oi sabi ko sayo mamaya ka na ah!” < --- Ako

“Wow ang sexy ng Babe ko ah, may abs” < --- Chard

“Ikaw din naman ah, tingnan mo nga may balahibo pa” < --- Ako

Aw, ang ganda ng katawan nitong gagong to, may balahibo pa sa may parteng abs pababa, kapang-init.

“Ang sexy ko no?” < --- Chard

“Parang hindi naman”

At niyakap niya ako mula sa likod

“Babe sabunan kita sa likod” < --- Chard

“Korny mo” < --- Ako

“Sweet nga eh” < --- Chard

Sinimulan na niyasabunin ang aking likod pababa pero bigla niya lang akong hinalikan sa batok.

“Alvarez ang sabi mo sasabunin hindi hihimurin” < --- ako

“Please?” < --- Chard

“Ayoko pa Chard hindi pa ako handa” < --- Ako

“Hmmm sige na nga pero sa susunod wala ka nang magagawa rarapin na kita” < --- Chard

“Bugbog ka naman sa akin” < --- Ako

“Hmmmm! Pakiss pa nga hahaha!” < --- Chard

Pinaghahampas ko masyado mahalay eh.

“Babe tamana hahaha eto naman kiss lang eh” < --- Chard

“Iih di pa nga ako sanay sa ganito” < --- Ako

“Oo na ligo na lang tayo, pero pa kiss ulet mwuah! hahaha” < --- Chard

Pinagpatuloy niya ang pagsasabon sa akin, Ewan parang timang kasi lahat ng ka-cornihan alam . . . pero dahil doon ay lalo ka siyang minahal. Syempre ako naman ang nagsabon sa likod niya, ay grabe ang kinis nitong lalaking ito parang hindi nagpapasikat sa araw kutis artista eh.

Nagbabanlaw na kami pagkatapos at habang nagbabanlaw ay sadya niyang binubunggo ang pagkalalaki niya sa likod ko kaya lalo akong naalibadbaran kaya binilisan ko ang pagbabanlaw, di pa kasi ako handa. Oo na pakipot na!
. . .
Pagkalabas ko ay agad akong nagpunas ng aking katawan upang makapagbihis na agad.

“Sexy! Kakagigil” < --- Chard

“Baliw! Magbihis ka na din inaantok na ako” < --- Ako

“Di pwede gagawa ng tayo ng mga anak natin” < --- Chard

“Ok sa sahig ka matutulog” < --- Ako

“Joke lang babe!” < --- Chard

Humiga kami sa kama ko, pareho lang kami na nakaboxer nakaunan ako sa braso niya, pareho kaming nakayakap sa isa’t isa, never akong mag-sasawa sa posisyon na ito.

Kinuha ko yung Netbook ko at nagpicture gamit yung webcam.

Click!

Click!

Binuksan niya ang facebook niya a siya na ang nag-upload.

Chard Alvarez: Quality Time with my soon to be <3 – Feeling loved with Andrei de Dios

(Tapos yung picture namin)

After 5 minutes 324 likes na agad

“Bakit ang sikat mo? Dami mo likers oh” < --- Ako

“Ganyan talaga babe kapag gwapo” < --- Chard

“ang hangin kapit tayo” < --- Ako

“katotohanan yan” < --- Chard

“hindi babe KA YA BA NGAN” < --- Ako

Binasa namin ang mga comments

***
Ronie Khul: Wow ah dumada moves kana lover boy

Kath Aguilar: Ang gwapo talaga ni Andrei :)

Dylan Ko: Wow cute :3


Chard Alvarez: hahaha dyan muna kayo gagawa muna kami baby kailangan na   naming magpakarami nauubos na ang gwapo sa lupa.

Andrei de Dios: Wag kayo maniniwala jan :D

Ronie Khul: Wahaaha Andrei ingat ka jan

Chard Alvarez: Gagew haha

Andrei de Dios: Salamat sa paalala XD


. . .
“Babe inom tayo” < --- Chard

“Sige, matagal na din ako hindi nakakainom” < --- Ako

Bumili siya ng Alak at kutkutin sa 7’11 at ako naman ay nagluto ng sisig, at syempre ng French fries, nagtimpla na din ako ng Juice para handa na ang lahat pagdating niya.

Pagkadating niya ay yumakap siya sa likod ko

“Hmmm ang bango naman nan babe, pakakasalan talaga kita” < --- Chard at sinabi niya yun ng seryosong tono ng boses niya

“Gago, pero salamat Babe, never ko inexpect na ganyan ka kaseryoso sa akin” < --- Ako

“Oo naman babe, promise pakakasalan kita” < --- Chard

Ewan ang saya isipin ng mga sinabi niya at hinalikan ko na lang siya, upang maparamdam ko sa kanya na masaya ako.

Doon kami nag-inuman sa Terrace ng kwarto ko, malamig ang simoy ng hangin dahil malapit nang mag-pasko . . .  tamang kwentuhan lang kami, inalam ang sekreto ng isa’t isa, ang kwento ng mga buhay namin, dating nakarelasyon. Mas maganda kasi na alam niyo ang baho ng isa’t isa para mas maging maganda ang takbo ng relasyon.

“Ha? so wala kang naging girlfriend oh boyfriend manlang? Sa ako pala ang una” < --- Chard

“Oo ikaw nga” < --- Ako

“Ang saya ko kasi ako ang una at huling lalaking mamahalin mo” < --- Chard

Matapos naming inumin ang isang bote ay nag-yaya na akong matulog kasi di naman ako ganoon kalakas uminom kaya maaga akong nalasing.
“Babe tulog na tayo hindi ko na kaya” < --- Ako

“Ha?! isang bote bangenge ka na?” < --- Chard

“Yabang mo! Ikaw na” < --- Ako

Pagtayo ko ay biglang umikot ang paningin ko,

“Babe?! Ok ka lang hahaha tara na” < --- Chard

Binuhat niya ako sa papuntang kama ko, oo alam ko pa ang nang-yayari kaya kung may mangyari man sa aming dalawa ngayon ay di ko siya kakayaning pigilan dahil hilong hilo na ako. Lalake din ako, nakakaramdam ng libog, dahil sa alak alam ko na ganito din ang nararamdaman ni Chard.

Bago ako makatulog ay may binulong siya,

“Babe, kaya kong mag-pigil, iintayin ko ang time na pumayag ka, di naman yun ang habol ko sayo, ganoon kita kamahal sana habang buhay na tayo babe, di ko alam kung kaya ko pang mabuhay na wala ka ” < --- Chard

“Salamat Babe, mahal na mahal kita salamat sa pag-intindi” < --- Ako

Yumakap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Ngayon masasabi kong napakaswerte ko kay Chard, at dahil dito, alam kong wala na akong pag-dududa pa sa kanya at handa na akong gawin namin ang bagay na nais niyang mangyari.


. . .

Kinabukasan ay masakit ang ulo ko, at lalo pa akong nasusot ng wala sa tabi ko si Chard, di man lang nagpaalam kakainis, kaya ayun busangot ang muka ko pag-baba pero . . .

“Morning Babe! Ang aga mo naman nagising di pa ako tapos magluto”

“Ah, nandito ka pa pala”

“Oo naman sige wait lang babe tatapusin ko lang to” < --- Chard

Yumakap ako sa kanya

“Babe, sarapan mo huh, masakit ang ulo ko eh” < --- Ako

“Opo babe akyat ka na” < --- Chard

Umakyat ulit ako sa kwarto ko . . .

After 15 minutes

“Kain na tayo babe” < --- Chard

“Anung niluto mo babe?” < --- Ako

“Ummm… fried bacon, ham and hotdogs, eto ang Juice para mawala ang sakit ng ulo mo” < --- Chard

“Wow, sige kain na tayo babe tara” < --- Ako

Ayun kumain na kami ni Chard, ang saya kasi, yung alam mong concern siya sayo. Ayun sinusubuan ako parang ewan eh, pero ganun din ang ginawa ko hahaha
Pagkatapos kumain ayun nag-paalam na siya sa akin . . . ok lang naman kasi syempre Undas ngayon kaya punta sa kanya kanyang puntod.

Pag-kaalis ni Chard dumating si mama, at kuya Kian, dala ang kakainin namin sa puntod mamaya, kasi for sure nandun nanaman ang mga pinsan ko at iba pa naming kamag-anak

“Anak! Nasaan ang Bacon?! Bakit nabawasan ang Ham at Hotdog?! Naku naman oh . . .” < --- Mama

HUMANDA KA SA AKIN MAMAYA RICHARD ALVAREZ MAKIKITA MO . . . AKO TULOY ANG NAPAGALITAN

Tinulungan ko magluto si mama at si kuya Kian para pangbawi doon sa Bacon, Hotdog at Ham na kinain naming ni Chard, ilalahok kasi yun sa lulutuin ni mama na ulam para mamaya.

. . .

Hapon na kung magpunta kami sa puntod, as expected nandoon ang aking mga pinsan, at iba pang kamag-anak, kaya ayon tamang kwentuhan, tapos ako ang naging sentro ng usapan, anu daw ang nangyari sa akin, nabagok ba daw ako, may nakain na panis at bakit daw ako naging ganito, actually wala naman nagbago sa akin maliban sa may boyfriend ako, ay hindi pa nga pala kami.

“Good evening po anjan na po ba si Andrei?”

“Andrei! Nandito si Chard!” < --- Kuya Kian

“Oh paano mo nalaman to?” < --- Ako

“Sa kuya mo, tinanong ko kaninang umaga” < --- Chard

“Aaaaah . . . ok”

“Tita, hiramin ko po muna si Andrei” < --- Chard

“Ok sige anak, ingat kayo” < --- Nanay

Pumunta kami sa puntod nila, wow ang ganda din museleyo na may maliit na garden sa harap, doon na din kami pumuwesto ni Chard naglatag siya ng kumot, kasama si Baby Simon na soooobrang cute

“Anu ba yan, bakit si Baby Simon lang binibigyan mo ng Chips” < --- Chard

“Hala nag-selos ang baby Richard” < --- Ako

“Eh.. kasi bakuugggggh” < --- Chard, nilagyan ko ng chips ang bibig hahaha

“Masarap babe? Hahaha” < --- Ako

“Lagi ka na lang ganyan hmp” < --- Chard

Hala nagtampo ang loko, kaya ayun binalik ko muna si Baby Simon kay kuya Adam, tapos bumalik ako sa kanya eh kaso wala siya doon

Nasaan naman kaya yun?




Itutuloy >>>

Saturday, November 23, 2013

Final requirements 04





A/N: Salamat po sa pagbabasa ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.  


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.


Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook

1st Story ko ito sana suportahan niyo :)





Final requirements 04

Instant vacation ako eh, pero pagkapasok ko sa loob ng bahay may nakita akong

“booooooosgh!”

“AW!” < --- ako 

tamaan ka ba naman ng tabong lumilipad

“Bakit ngayon ka lang?” < --- Kuya Kian

Hindi nga pala ako nakapagpaalam hai tanga mo talaga Andrei

“Kuya kasi, ayun niyaya ako ng kaibigan ko eh, biglaan kaya hindi ako nakapagpaalam” < --- Ako

“Walang cellphone?” < --- Kuya Kian

“Wala akong Load” < --- Ako (Di ako papatalo aba! Masakit yung tabo)

“Wala bang cellphone yung kasama mo” 

Oo nga naman =___=

“Hai di talaga ako mananalo sayo, ok sorry nakalimutan ko, di na mauulit kuya” < --- Ako

“Dapat lang, kung hindi itatali kita ng patiwarik” 

“Kaya mo kuya?”

“Gusto mo try natin?”

“Wag! Hahaha eto naman highblood….. sige akyat muna ako kuya”

“sige sige”

Pagka-akyat ko ayun nakita ko yung kama ko higa ulet pero hindi ako matutulog. Gusto ko lang alalahanin ang nangyari . . .

“Toooot!” < ---- Cellphone (Message)

Abala naman to oh!

Richard: Nakauwi na ako babe, kamusta?

Andrei: Eto sinalubong na lumilipad na tabo, hindi kasi ako nakapagpaalam

Richard: Sorry babe :(

Andrei: Ok lang babe, ikaw ba?

Richard: Ayun sabi ko may Boyfriend na ako :) at hindi ako binato ng tabo 
nakapagpaalam ako eh :P

Andrei: Hoy di pa naman ako pumapayag na maging tayo ah

Richard: Hahahaha akin ka lang naman di ba?

Andrei: Naman :) pero di pa tayo, eh teka buti di sila nagalit?

Richard: Alam nila ang tungkol sa akin :D

Andrei: Buti ka pa sa amin hindi pa eh pero sasabihin ko din naghahanap lang ako ng tyempo, oh siya babe kakain lang kami ah… sige sige

Richard: Lab u babe <3

Andrei: Laab din kita <3

Bumaba ako kasi kakain na kami ng hapunan at dumating na sin kasi si Nanay
“masaya ka ngayon ah” < --- Kuya Kian

“Ha? eh kasi tapos ng yung manuscript namin” < --- Ako

“Aba mabuti naman kung ganoon anak” < --- Nanay

“Pero may proposal kami this week kaya ayun hindi pa sin tapos kalbaryo naming” < --- Ako

“Naku anak kaya mo yan, alam ko mahirap ang college pero alam kong matalino ka anak kaya mo yan” < --- Nanay

“Parang hinde naman nanay hahaha!” < --- Ako

“Magaling lang yan kapag gagala tapos hindi magpapaalam” < --- Kuya Kian

“Grabe naman ngayon lang ako hindi nakapagpaalaam oh” <--- Ako 

“Sino yung kasama mo kanina bunso? Ayun ba yung kasama mo sa Tagaytay?” < --- Kuya Kian

“Ah oo kuya, si Richard yun, kaibigan ko” < --- Ako

“Ah ok” < --- Kuya Kian

Pero parang may mali . . . yung mga titig ni kuya may laman . . . parang may gusto siyang malaman. May mali ba akong nagawa? Ginawa?

Nung naghuhugas ako ng plato

“Nakita ko kayo kanina” < --- Kuya Kian

“Ah oo hinatid niya ako kuya”

“So kapag hinahatid may kiss?”

. . .
 “Bakit di ka makasagot?”

“ku—kuya” < --- Ako

“Usap tayo sa kwarto mamaya” < --- Kuya

Sheeeet of paper! Nakita pala ni kuya, iba pa yung tono ng boses niya, END OF THE WORLD NA!!!! anu sasabihin ko? Wala eh. . . . huhuhu Lord tulungan niyo po ako!!! Baka itakwil na nila ako saan ako pupunta? Hala hindi pa ako tapos s pag-aaral.
Pagkapasok ko sa kwarto ni kuya >>>

Tahimik ayokong maunang magsalita kasi hindi ko alam ang sasabihin ko

“Ano?” < -- Kuya

“Sorry” < --- Ako

“Bakit? Ano ba kayo na lalaking yon?” < --- Kuya

“Ah eh, magkaibigan kami kuya pero nanliligaw siya sa akin”

“kailan mo balak sabihin sa amin to?”

“kanina sana kuya eh, kaso parang di ko pa kaya, kailan ko lang natuklasan na ganito ako” < --- Ako 

“kailan lang?”

“Kahapon”

“mahirap nga”

“sorry kuya” < --- Ako naiyak na

“sssshhhhh… ok na, at ok lang pasok ka na nanay” < --- Kuya

“Nanay?”

“Ok lang anak, nakwento na sa akin kanina ng kapatid mo. wala naman problema sa amin ng kapatid mo basta maging masaya ka lang at wag mo pababayaan ang pag-aaral mo ha” < ---- nanay

“Opo, makakaasa po kayo” < --- ako

“Bunso, may mga kaibigan ako na tulad mo, kaya mag-ingat ka ha, mahirap ang ganyang relasyon, madaming mang huhusga, di lahat tanggap ang tulad niyo” < --- Kuya Kian

“opo kuya, inay, maramin salamat po” < --- Ako

Lumabas na si inay ng kwarto ni kuya pero ako hindi pa, nakahiga ako sa hita ni kuya sa kasalukuyan

“Ayan may kapatid na akong Girl, gusto mo ng Barbie?” < --- Kuya Kian

“Gago ka kuya! Hahaha lintek” < --- Ako

“Sa kilos mo naman at pananalita parang hindi naman kasi kaya nabigla ako” < --- Kuya Kian

“Ako din naman kuya eh… pero wala eh . . . .” < --- Ako

“Baka pinagnanasaan mo na ako ah” < --- Kuya

“Ungas! Ewan ko sayo kuya”

“Haahaha joke lang bunso pero ok lang talaga sa akin” 

“Salamat, kanina lang problema ko ito, pero ngayon hinde na” < --- Ako

“kalian mo ipapakilala sa amin?”

“Di ko pa alam kuya, di pa naman kami eh” < --- Ako

“Wow ah pakipot ka bunso” < --- Kuya Kian

“Gagew, sige tulog na ako kuya antok na ako eh…” < --- Ako

“Sige bunso good night” < --- Kuya Kian


Bago ako matulog

Andrei: Babe ok na din dito sa amin, gusto ka nila makilala

Aw …. Nalowbat ang Cellphone ko pero nag-send

Kaya natulog na lang ako dahil kailangan namin mag-handa sa Proposal defense. Dito ay maari din kami bumagsak kapag hindi naming napretektehan ang ginawa naming thesis.

Kinabukasan inayos ko na yung powerpoint presentation namin at naicharge ko na din ang Cellphone ko

Pagkabukas ko (3 messages recieved)

Richard: Talaga?! Wow naman ang swerte natin :)

Richard: Good morning Drei ko maraming salamat sa chance na binigay sa akin :) I love you I love you e love you!!!

Jet: Par punta ka na Dito

Aw… oo nga pala may usapan kami ngayon, pupunta kami sa Bahay ni Jet para ayusin at hatiin ang presentation. Kaya ayun agad agad naligo ako at pumunta kila Jet.
 Ang ganda talaga ng bahay sa Gilid ng Bahay nila Jet siguro lalo na sa loob.

. . .

 “Wow par ayos ah ayos ang pag-construct mo ng presentation natin” < --- Jet

“Papa Drei parang masaya ka ngayon?” < --- Alexa

“Di naman, kayo talaga, oh ako na sa Chapter 1, ikaw par sa 2, at 3 ang kay Alexa ” < --- Ako

“Tooot tooooot” (Calling Richard)

“Hello Chard bakit?” 

“Nasaan ka?”
 
“Ummm sa bahay ng classmate ko, nag-aayos ng presentation”

“Ah ok, saan ka ba ngayon?”

“Sa HQ Subdivision” < --- Ako

“Ha?! nandito din ako, dito kami nakatira eh saan ka ba?” < ---- Chard

“Kila Jet? Kilala mo?” < --- Ako

“Jet hmmm bigay mo nga sa kanya” < --- Chard

“Par kakausapin ka daw” < --- Ako

“Hello?” < --- Jet

“Jet pinsan?” < --- Chard

“Oh pinsan? Bakit?” < ---- Jet

. . .

 “Ha? magpinsan kayo ni Richard?” < --- Ako

“Yep” < --- Jet

Ding dong!

“Ayan na siya” < --- Jet

“huh?! Ang bilis naman” < --- Ako

“Sila yung nakatira jan sa tabi ng bahay namin” < --- Jet

“insan!” < --- Chard

“Uy! Hahaha bakit kayo magkakilala ni Andrei? Eto pala si Alexa isa pa naming group mate” < --- Jet

“Hi Alexa” < --- Chard

“Hi papa ang gwapo din may gad!” < -- Alexa

“Ikaw babe hindi mo sinabing dito ka pupunta ah” < --- Chard

“Nagtanong ka ba? At malay ko ba mag-pinsan kayo” < --- Ako

“Ha? Babe?” < --- Jet

“Ah eh . . . kas..”< --- Ako

“Insan siya pala yung Boyfriend ko na sinasabi ko sayo si Drei” < --- Chard

“Ha?!” (Alexa at Jet)

“Kailan pa?” < --- Jet

“Naku par wag ka maniwala dyan di ko pa yan sinasagot” < --- Ako

“I mean, akala ko straight ka” < -- Jet

“Well Insan sa gwapo ko ba namang to lahat nababading sa akin hahaha!” < --- Chard

“Kapal ng muka sarap ihampas sa dingding eh tsk” < --- Ako

“Baka masarap halikan” < --- Chard

“Hindi rin . . .” < --- Ako

“Hahaha, oh siya good luck sa inyo dalawa ha sana magtagal kayo ni insan, Drei medyo makulet yan kaya pagtyagaan mo na lang” < --- Jet

“Oo nga par eh ubod ng kulet nan grabe” < --- Ako

“Mahal mo naman” < --- Chard

“Aysus . . . ewan” < --- Ako

“Pa kiss nga sa babe ko” < --- Chard

“Nakikita mo tong kamao ko?” < --- Ako

“Damot mo Babe” < --- Chard

“Hahaha kakatuwa, ngayon lang ako naka-encounter ng ganito Goodluck sa inyo ah, sayang crush pa naman kita papa Drei” < --- Alexa

“Haha salamat at tanggap niyo ako” < --- Ako

“Naman par, walang issue sa akin yan” < --- Jet

“Sa akin din Drei, ang cute niyong dalawa eh hahaha” < --- Alexa

Masaya ako na tanggap ako ng mga kaibigan ko kahit bakas sa kanila ang pagkagulat lalo na kay Jet. Dahil sa mabilis naming natapos ang presentation pumunta kami sa Bahay nila Chard, ay grabe kung maganda na sa labas mas maganda sa loob, ito yung Ideal house ko kapag magpapagawa ako eh asawahin ko na lang si Chard para may Instant House ako hahaha joke!

Doon kami pinaupo sa kanilang living room, wow talaga yung 80 inch flat screen ang sarap mag-movie marathon dito. Sarap mag-inom ng Alak lahat! Hahaha
. . .
May dumating na babaeng nasa late 30’s, maganda at sigurado ako na ito ang nanay ni Chard.

“Mom si Alexa kagrupo ni Insan Jet at si Andrei po” < --- Chard

“So your Andrei” < --- Tita Lydia

“Ah eh hi po maa’m” < --- Ako

“Tita na lang iho” < --- Tita Lydia

“Ah ok po tita” < --- Ako

“You are so Handsome Andrei, no Wonder nainlove sayo anak ko” < --- Tita Lydia

“Ah eh hahaha salamat po” < --- Ako

Anu ba ito, nakakahiya hai . . . Alam ko na Legal kami ni Chard pero hindi ko 
maiwasan na mailang kaya lumabas muna ako sa may Terrace nila, nagpahangin aba naman ikaw ba ipakilala ng hindi ka manlang naiform?!

“Babe ok ka lang” < --- Chard

“Ok lang, medyo kinabahan lang ng konti” < --- Ako

“Anu ka ba wag ka kabahan” < --- Chard

“Eh masisisi mo ba ako?” < --- Ako

“Pero babe mukang pasado ka na kay Mommy” < --- Chard

“Ha? paano mo naman nasabi?” < --- Ako

“Kasi nagwapuhan sayo” < --- Chard

“Eh mas gwapo naman ako sayo eh” < --- Ako

“Ha Ikaw babe? Saang banda?” < --- Chard

“Dyan sa Puso mo alam ko ako ang pinaka gwapo dyan” < --- Ako

“Aba, bumabanat hahaha pero Oo ikaw ang pinakagwapo dito sa puso ko” < --- Chard

“Andrei Iho, Chard kakain na tayo” < --- Tita Lydia

Tinawag kami upang kumain ng hapunan ni tita, di pa din palagay ang loob ko ewan ko ba kung bakit, kasi siguro bago sa akin ang lahat.
Nag-paalam si Jet at Alexa nauuwi na daw sila kaya ang ending ako na lang tss. Itong dalawang to kahit kalian.

“Iho kamusta naman kayo nitong anak ko” < --- Tita Lydia

“Ah, ayun po ubod ng kulit, tapos maligalig po ng sobra” < --- Ako

“Tama ka jan iho napaka kulet nga nan” < --- Tita Lydia

“Hahaha your right iho, katuwa, pareho kayong lalaki mag-salita at kumilos” < ---- Tito Sam

“Grabe kayo bakit kayo ganyan sa akin anak niyo kaya ako” < --- Chard

“Hahaha Anak si Andrei na ang nagsabi” < --- Tita Lydia

“At Anak maligalig ka naman talaga” < --- Tito Sam

“Hahaha” < --- Ako

Naging masaya naman ang kwentuhan naming sa hapag kainan nila Chard, at nagsisimula na akong maging komportable sa kanila.

May dumating 

“Were home!” 

“Kuya Adam! Hello there Baby Simon!” < --- Chard

“Eyow Tito Chad!”

“Sino siya dad?” < --- Si kuya Adam sabay turo sa akin

“Siya si Andrei Boyfriend ng kapatid mo” < --- Tito Sam

“What Richard bakla ka?!”


Itutuloy >>>