Wednesday, November 20, 2013

Final requirements 03




A/N: Salamat po sa pagbabasa ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.  

Natawa po ako dun sa Nagcomment ng pagka Scroll Down itutuloy na daw agad hahaha XD


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.

Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook

1st Story ko ito sana suportahan niyo :)

Final requirements 03

Babe mo muka mo gusto mo ihulog kita jan?” < -- Ako

Nabigla na lang ako sa ginawa niya,
Niyakap niya ako.
Dala ng pagkabigla hindi ako nakapag-salita, gusto ko ang nangyayari pero mali, maraming tao ang “Judgemental”, puro mali ang nakikita. Magkadikit ang aming katawan mainit, parang ayoko matapos ang sandaling ito . . . hindi ko alam kung bakit ako umiyak. Kasiyahan? Siguro.

R i c h a r d - - - >>>

Ako si Richard Alvarez, “campus crush” ang bansag sa akin pero alam ng lahat na hindi ako straight ganun pa man ay madami pa din ang babaeng lapit ng lapit sa akin. Simula second Year College may isa akong lalaking napansin, di naman siya ganun kagwapo pero napaka-amo ng mga mata niya, si Andrei, oo na stalker na ako, pero mula noon ay lihim ko nang sinubaybayan ang bawat kilos niya alam ko na hindi ito nan-liligaw, alam ko hindi siya straight parang ako lang, halos lahat ng paraan sinubukan ko upang makasama siya, sa mga events, dahil madalas siyang pakantahin sa stage, kasing amo ng mata niya ang boses niya. Pero kahit anung pagpupumilit ko wala lagi akong bigo.


4th year college, malapit na ang huling sem kaya nawalan na ako ng pag-asa noon, pero isang nung gabi nakita ko siya sa 7 11 kaya todo ngiti ako sa kanya, ngumiti din siya sa akin pero hindi ko siya nakausap mukang nagmamadali.
Kinabukasan nagkasabay kami printing shop, at nang mapansin ko na nahulog ang mga dala niya, syempre tinulungan ko siya at doon ko nakuha ang number niya, at base sa pagkakatulala niya ay napatunayan ko na may paghanga siya sa akin.
Nang alam kong naipasa na niya ang manuscript nila ay niyaya ko siya sa SM at pinakita ko ang tunay kong ugali, ang pagiging makulet. Alam kong pareho kami ng mga trip sa buhay pero magkasalugat ang aming ugali. Sana magustuhan niya ako.


Hinatid ko siya sa bahay nila, alam ko talaga kung saan siya nakatira, kasi nga stalker ako hahaha. Nung mapansin kong tulog siya, napansin ko ang labi niya parang ang sarap halikan? Binalak kong halikan siya sa labi pero nagising siya ang awkward tuloy ng pakiramdam, pansin ko din ang pagiging uneasy niya.
Pag-kauwi ko ay agad ko na hinanap ang facebook account niya at in-add, at pinalitan ko ang profile picture ko na magkasama kami, huli na nang narealize ko na hindi niya pala alam ang aking pagkatao kaya icacancel ko na sana ang friend request ko pero huli na ang lahat.
Ngayon natupad ang isang pangarap ko para sa aming dalawa, ang masolo at mahalin siya ng walang alinlangan. Kasalukayan kaming nasa pool sa isang hotel dito sa Tagaytay at nakayakap ako sa kanya. . . tahimik . . . ramdam ko ang pag-kabog ang kanyang dibdib.
Kaya binasag ko ang katahimikan

“Babe?” < --- Ako

“Gago” < --- Andrei

“Mahal kita”

“Wag”

“Bakit?”

“Pareho tayong lalaki” < --- Andrei

“Anu naman? Wala namang masama doon kapag nagmamahal ka walang kasarian, ang tao lang naman ang naglagay ng batas na babae at lalaki ang dapat magmahalan”

Umiyak siya

“Kasi hindi ko alam eh! Alam mo ba ngayon ko lang kinuwestiyon ang pagkatao ko? Ang hirap kasi .. kasi… ngayon mahal na rin kitang gago ka! Ang hirap lang kasing tanggapin na hanito pala ako, kasalanan mo to eh!” < -- Andrei

“Eh mahal mo naman pala ako eh, mahal din naman kita so anung problema?” < --- Ako

“Natatakot ako Chard?” < --- Andrei

“Wag ka matakot, nandito ako oh, hindi kita pababayaan mahal na mahal kita Andrei, please? Bigyan mo ako ng pagkakataon patunayan sayo ang lahat, oo alam ko mabilis pero matuturuan mo ba ang puso?” < --- Ako

“Hindi ko alam ang isasagot Chard, bago sa akin ang lahat ng ito” < --- Andrei

“Hindi mo kailangan sumagot sa ngayon basta hayaan mo akong mahalin ka” < --- Ako

“Bakit mo ako mahal?” < --- Andrei na patuloy pa din ang pag-iyak

“Kailangan ba may dahilan, alam mo kapag umiibig walang dahilan, dahil kung may dahilan yan, hindi yan malalim” < --- Ako

“Hi-hindi ko talaga alam ang isasagot” < --- Andrei

“Sabi ko nga hayaan mo lang akong mahalin ka, alam ko may pagmamahal ka din sa akin Andrei” <--- Ako

Panay iyak lang ang sinagot niya, niyakap kosiya upang maparamdam ko na tuna yang nararamdaman ko para sa kanya, niyakap niya ako senyales na pumapayag siya at hindi siya humahadlang.

Ito ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Sa araw na magkasama kami pinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya, kahit minsan alam kong naalibadbaran siya sa ginagawa ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglangoy sa pool parang walang aminan na nangyari pero ngayon may halong pagmamahal ang pinapakita ko yung tipong kapag nahabol ko siya sa pool yayakapin ko tapos sisimple ng kiss. Kita ko sa maamo niyang mga mata ang saya, kahit minsan ay halata kong nahihiya siya kasi kita ko ang pamumula niya hahaha sobrang cute talaga.

A n d r e i - - - >>>


Pumasok kami ni Richard sa kwarto nang parang walang nangyari, pero halata mo ang pagiging mas sweet nito sa akin at ako naman ay ito kilig na kilig.
Nauna akong maligo, kasi alam kong may balak siyang sumabay eh hindi ako sanay ng may kasabay maligo.

“Babe sabay tayo!” < --- Chard

“Ayaw, at pwede ba, wag mo akong tawaging babe?!” < --- Ako

“Masanay ka na Babe na ang lagi kong itatawag sayo” < --- Chard

Lumabas ako ng nakatapi ang towel sa bewang ko. Ngayon hindi ako mapalagay sa mga tingin ni Chard parang may binabalak na masama? Sa isang iglap ay nagbihis agad ako at siya naman ang pumasok sa banyo.
Lumabas siya ng nakatapis din.

“Babe?”  < --- Chard
“Babe your face” < --- Ako

“Bakit ang sunget mo? Meron ka ba ngayon babe?”

“Ewan gago bahala ka jan matutulog na ako”

“Wag muna babe” < --- Chard

“bakit naman?”

“Gagawa tayong baby”

“Gago ka, wag kang tatabi sa akin! Pipisain ko yan” < --- Ako

“Ahaha eto naman, pikon mo alam mo yon” < --- Chard

“Ewan, sige matutulog na ako”

Matapos niyang magbihis, tumabi siya sa akin, hai ang gagong ito . . . nakakainis pero mahal ko na ata kasi kahit ubod ng kulet hindi ko magawang magalit, kinikilig pa nga ako minsan.

. . .

Kanina pa ako hindi makatulog sa totoo lang paikot ikot si Chard sa tabi ko tss. Tapos eto pa kung matulog ay boxer lang ang suot hai . . . parang nang-aakit.

“Anu ba babe? Eh este Chard natatae ka ba?! Doon ang CR oh! Bakit ba paikot ikot ka jan?” < --- Ako

F*ck natawag ko siyang babe :3

“Ang sarap naman nung babe” < --- Chard

“Ewan . . . tulog ka na please” < --- Ako

“Isang Request na lang”

“anu yon?”

“Dito ka higa sa braso ko” < --- Chard sabay pout

“ok” < --- Ako ( di ko alam kung bakit ako um-oo eh)

Ayun na nga humiga ako sa Braso niya, at kusang kumilos ang kamay ko at yumakap sa kanya, ganun din siya. Ramdam ko ang pintig ng puso niya, ang init ng katawan niya, ang sarap sa pakiramdam, ganito siguro kapag nagmamahal 
  
 *Kiss* (lintek hinalikan ako sa lips, di ako nakapalag natulala lang ako tss)

“I love you Drei ko” < --- Chard

“Iih makahalik naman to oh! Tulog ka na nga” < --- Ako

“Walang I love you?” < --- Chard

“Wala muna sa ngayon” < --- Ako

Ayun! Nakatulog kami ng ayos, isang gabi na may ngiti sa labi, masaya ang puso at panatag ang kalooban at higit sa lahat MAHABA ANG TULOG!

Sa sobrang haba ng tulog namin ay 10 am na ako nagising wahahaha
Si Chard? Ayun tulog nakanganga at nakayakap sa akin hahaha hanggang pagtulog ang kulet pa din ee tapos ang dugyot pa kasi tulo laway hahaha eeew
Pero  may tumutusok sa hita ko kaya ginising ko na siya, hahaha

“Babe? Eh este Chard gising na” < --- ako

“hmmm? Good morning babe” < --- Chard

“Gutom na ako Chard”   (Palagi ako gutom)

“Hindi tayo kakain hangga’t Hindi babe ang tawag mo sa akin” < --- Chard

Gago to ah …. Hai sabagay wala namang problema maliban sa naalibadbaran ako at HINDI ako sanay . . . nasaan ang hustisya?

“Ok ok, babe kain na tayo, gusto mo ba na nagugutom ang babe mo?”

Bumulong siya sa akin “Babe gusto mo unahin mo yung akin?” he said it with a sexy voice

Kaya ayun “Boooogsh” tinulak ko siya gago eh umagang tapat kung anu anu ang nasa isip.

“Aray! Babe naman eh” < --- Chard

“Ahahaha sorry babe, ikaw kasi eh” < --- ako napakamot na lang ako sa ulo

“hmmm… katampo ka babe saglit lang tawag lang ako para makakain tayo”

Hala nagtampo ang loko, well kasalanan ko naman eh… pagkatapos niya tumawag umupo siya sa gilid ng kama di niya ako pinapansin.

Yumakap ako sa likod niya

“Sorry babe, ayoko kasi ng ganoong biro, bago lang ang lahat sa akin”

Di pa din diya sumagot

“Babe naman eh, sorry na”

Not responding =___=

Wala na akong nagawa, eto na lang ang paraan, pumunta ako sa harap niya at hinalikan ko siya labi niya.

Alam ko nabigla siya, pero wala akong pakialam, naramdaman ko na niyakap na din niya ako at tumutugon na siya sa halik ko.

“tooooot” < --- Doorbell

Natawa na lang kami, ayun kinuha niya yung order namin.

“Babe bati na tayo ah” < --- Ako

“Di naman ako nagalit babe niloloko lang kita hahaha” < --- Chard

Gago talaga

“Kulet mo talaga ano?” < --- Ako

“Mahal mo naman” < --- Chard

“Hahaha bakit ako di mo mahal?”

“Aysus… Mahal na mahal kita babe”

“keso mo eh kain na lang tayo” < --- Ako

Pagkatapos naming kumaen ay pumunta kami ulit sa Tagaytay at tumambay sa Picnic Grove sa gilid ng malaking puno. Pareho kaming nakaupo sa malaking ugat ng puno nahilig ang ulo ko sa balikat niya.

“Sarap na Simoy ng hangin” < --- Chard

"Ang init kaya" < --- Ako

"Ramdam mo yung init? Ganyan kainit ang pagmamahal ko sayo Babe mainit man pero hindi nakakapaso" < --- Chard

"Daming alam eh hahaha" < --- Ako

"Syempre babe, Gwapo na matalino pa, saan ka pa?" < --- Chard

"Lakas ng hangin" < --- Ako


"Haha, double meaning?" < --- Chard

"Haha! Pero alam mo Chard, eh este Babe, masaya ako ngayon kasi alam kong sa hinaharap may makakasama ako sa pagsubok na tatahakin ko" < --- Ako

"At ako yun, hindi kita iiwan Andrei ko I love you" < --- Chard

"Mahal na din ata kita Chard? Haha di biro lang, mahal na talaga kita" < --- Ako

"Sarap naman nun Babe paulit naman" < --- Chard

"Ayoko may bayad" < --- Ako

"Sasabihin mo oh hahalikan kita dito" < --- Chard

"Kaya mo?" < --- Ako

"Oo naman, bakit naman kita ikakahiya? Mahal na mahal kaya kita" < --- Chard

"Shet ang sweet eh kinilig ako dun" < --- Ako

"Oh sabihin mo na, daya mo eh" < --- Chard

"Ayaw" < --- Ako

"Gusto mo lang mahalikan kaya ayaw mo sabihin eh" < --- Chard

"Utot mo! Feeler ka masyado" < --- Ako

"Alam mo ang pagibig ko sayo parang ibang room" < --- Chard

"Bakit?" < --- Ako

"Ibang klase" < --- Chard

"Corny! Eh anung anung pinagkaiba namin ni Rizal?"

"Anu?" < --- Chard

"Siya tinamaan sa likod, eh ako tinamaan sayo" < --- Ako

"Aba bumabanat ang Babe ko Sabihin mo na kasi" < --- Chard

"I love you Richard Alvarez" < --- Ako

Walang sabi sabi ay yinakap niya ako, ramdam ko ang katawan niya kasabay nito ang pintig ng kanyang puso.

umuwi na din kami agad pagkatapos.

As usual nakatulog ako sa byahe, habit ko na hahaha

Nagising ako sa kiss niya

“Babe dito na tayo sa inyo” < --- Chard

“Pasok ka muna?” < --- Ako

“Next time na lang babe”

“ok ikaw bahala, ingat ka ah. . .”

“Opo salamat babe”

*kiss

Instant vacation ako eh, pero pagkapasok ko sa loob ng bahay may nakita akong . . .
“booooooosgh!”



Itutuloy >>>