Monday, November 18, 2013

Final requirements 02



Final requirements 02

A/N: Salamat po sa pagbabasa ng 1st chapter ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.  
You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.

Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook

1st Story ko ito sana suportahan niyo :)




1 friend request: Chard Alvarez

Accept >>>

Natulala ako sa bumulaga sa Account niya

Bakit naman kaya yung picture namin ang ginawa niyang Profile picture?

Pero ang cute namin dalawa dito pareho kaming naka gwapo sign

256 people like this (Wow ang dami likes)

Ayun may comment.

Kath Aguilar: Ang gwapo naman ng kasama mo Chard <3

Chard Alvarez: hahaha mas gwapo ako jan :P

(wow ang yabang naman)

Kath Aguilar: Parang hinde naman hahaha XD

Ronie Khul: Siya ba pare?

Chard Alvarez: haha <3

Ronie Khul: Aba pumupuso ang gago

Chard Alvarez: Akin yan wag nyu aagawin :P

Nik Alcarde: Si lover boy oh kasama yung batikang singer sa School

Chard Alvarez: <3

Sumabat na ako

Andrei de Dios: Utot mo Chard anu nanamang kabalbalan to?

Ronie Khul: Aw basted </3

Nik Alcarde: Ahahaha :D

Magcocoment na sana ulet ako ng ….

“toink” nag-pm si Richard

Chard Alvarez: wag mo pansinin yung mga yun mga ulaga lang yun eh hahaha :D

Andrei de Dios: Aysus wala yon sige sige tulog na din ako napagod ako sa ginawa natin kanina eh

Chard Alvarez: Nyt Babe XD

Andrei de Dios: Utot mo!

(Turn off chat XD)

Maya maya nag-status ang mokong . . .

Chard Alvarez: Epic day, just found a new friend :) and I like him to be my BF

(Best Friend? O Boy Friend?)

Baliw talaga to . . . Logout!!!!

Pagkatapos nun ay nakatulog naman ako agad . . . at dahil sa pagod napahaba ang tulog ko, actually wala pala akong tulog.

Time Check: 1 PM

Sembreak namin ngayon kaya ok lang matulog ng matulog alam naman ni Nanay at kuya ang pinagdadaanan namin. Dapat pala nung highschool pa lang ako natulog na ako nang natulog, kasi ngayong college kulang na kulang.
Naalala ko nanaman ang kabaliwan nung Richard kagabi anu kayang trip nun?

“Too toot” < --- Cellphone ko

Chard: Drei tara gala tayo :)

Ako: Ayoko :P

Chard: Babe naman eh :(

Ako: Utot mo babe ka jan bugbog you like?

Chard: hahaha tara na kasi

Ako: Saan ba pupunta? Ang gala mong tao eh hindi ba uso sayo ang pagod?

Chard: Tagaytay bilis!

Ako: Wow ah… Tayong dalawa lang?

Chard: Yep :)

Ako: ok ok tara :D kita na lang tayo sa School pasalamat ka bored ako dito sa amin eh

Chard: Ok see you Babe <3

Ako: Gagew!

Chard: Love you too :))

Hai gago talaga to pero bakit ganun, parang kinikilig ako? Hai mali to makaligo na lang . . . Siguro nga isa akong Bisexual, hindi ko lang napapansin, pero bakit ngayon lang? si Richard ba ang naglabas nito sa akin, kung mahal niya ako . . . ibig sabihin ganito din siya? Hmmmmm anu ba itong iniisip ko? Mamaya malakas lang talaga ang trip nun tss.
Pagkatapos ko maligo at magbihis ng damit, sumakay na ako ng jeep papuntang school.
. . .
Ayun nandun na siya, nakashades naka fitted V-neck shirt black, at nakasandal sa kotse niya . . . grabe . . . di ko maimagine na . . . nevermind

“Gwapo ah” < --- Ako

“Di mo na yan kailangan ipaalala” < --- Chard

“Nakakabakla pare hahaha!” < --- Ako

“Sanay na ako sa ganyan” < --- Chard

“Lakas ng hangin oh … wew!” < --- Ako

“Bakit wala kang dalang gamit?” < --- Chard

“Ha? wala ka naman sinabi eh, at bakit kailangan ng gamit?” < -- Ako

“Di ko ba nasabi sayo? Hanggang bukas tayo doon?”

“Wala eh” < --- Ako

“Tingnan mo cellphone mo” < --- Chard

(1 new message from Chard) Di ko na binuksan

“Ah oo nga ano? Hahaha paano yan?” < --- Ako

“Hmmm, pahiramin na lang kita madami naman ako dalang damit” < --- Chard

“Yun naman pala eh tara na!”
“Excited ang babe ko ah” pang aasar ni Chard

(Gaguhan ang gusto mo ah)

“Oo naman babe” < --- Ako

Nabigla siya , natulala hahaha

“Huy!” < --- Ako
“Ah eh tara na” < --- Chard

Pagkapasok namin sa Kotse

“Babe nagugutom ako di pa ako nakain” < --- Ako at itutuloy ko ang pang aasar sa kanya

“Eto muna kainin mo babe” < -- Chard

Tinuro niya yung bukol sa pantalon niya

“Gagew!” < --- Ako

“Ahahaha akala mo ah, masususot mo ako, pero nagugutom ka nga?” < --- Chard

“oo nga, kulet unli ka eh tss…” < --- Ako

“Aysus mainit ang ulo ni Babe ko saglit hahanap tayo ng drive through”

“Ewan wag mo nga ako tawaging babe” < --- Ako

“Hahaha pikon naman neto oh . . . oh ayan na may drive through” < --- Chard

Ayun umorder siya ng 4 na Large Fries, Sundae at Burger at syempre drinks.
Habang enjoy na enjoy ako kakakain siya naman ay nakasimangot.

“Oh? Bakit ka nakasimangot?” < --- Ako

“Ayaw mo kasi ako subuan, kita mo na nag-ddrive ako hindi ako makakain” < -- Chard

“Anu ka Chicks?” pang-aasar ko

“Hmp. . . “

“Aysus tampo tampo hahaha!”

“Ganyan ka naman palib..mmmmm”

“Ayan! Masarap ba babe?” < --- Ako hahaha sinapalan ko ng burger

“May ga’luluuh”

“Ayan pa . . . “ < --- Ako wahahaha

“Lagouuuug”

“Fries oh babe hahaha!”

“humanda ka sakin mamaya babe”

“lulululu Babe daw. . . utot mo”

“humanda ka talaga sa akin mamaya hahaha” < -- Chard

“Wahahaha” < --- ako

While OTW to Tagaytay nakutulog pala ako tss… pagod kaya ako dahil sa Thesis namin . . . Pero habit ko talagang matulog kapag nasa biyahe.

“Oi Andrei gising”

“Ay, sorry nakatulog pala ako”

“sus ok lang yon kagabi tinulugan mo din kaya ako”

Pagdating naming doon ay kung anu-anu lang ulet ginawa namin picture picture ang kapal nga eh, nung nagpicture daw kami nag-nakaw ng halik sa pisngi ng gagong to tapos biglang tumakbo, pero imbis na magalit ako bakit ako natutuwa? Tama ba na matuwa ako? Anu ba itong pinapasok ko mamaya trip lang ako nito.
Nahulog na nga ako sa kanya alam kong mali at mabilis pero matuturuan mo ba ang puso? Hindi naman diba, kaya sinulit ko na lang itong Tagaytay adventure namin.

Matapos non ay sumakay kami sa anu nga bang tawag doon? Yung parang mahabang swing na may harness… basta yun na yon! Tapos sumakay din kami sa kabayo, tapos roadtrip hai the best experience ever!
 Nung mag-gabi nag-check in kami sa Hotel doon, grabe ang ganda . . . wala ako masabi tapos ayun couple room ang kinuha niya.

“You look cute together” < -- Attendant

“Ah sorry hin….” < -- Ako tinakpan ni Richard bibig ko
“Salamat po” < --- Richard

“Gago ka talaga alam mo yon?” < -- Ako
“Bakit naman?” < -- Richard

“Ah wala tara kain tayo nagugutom ako eh”

“Alam mo lagi kang gutom hahaha” < --- Richard

Kumain kami sa loob ng Hotel and I must say na masarap ang pagkain dito at dahil doon busog na busog ako, paano ba naman parang nagresearch tong si Chard inorder lahat ng favorite kong putahe, at may fries pa yum yum yum!
Nagpahinga muna kami sa loob ng Couple room na kinuha niya.

“Bakit Couple room kinuha mo? Mahal kaya to” < --- Ako

“Sus ok lang yon minsan lang naman eh, at para komportable kasi yung ibang room hindi ganoon kaganda” < --- Chard

“Ah.. ganun ba?” < --- Ako

“Doon ka pala matutulog sa Sofa ako sa kama ha” < --- Chard

“Daya naman amf!” < --- Ako

“Joke lang tabi tayo no” < --- Chard

“Ayoko baka may pagnanasa ka sa akin” < --- Ako

“Wow ha, sa ating dalawa ako ang mas gwapo kaya dapat ako ang dapat mag-ingat sayo “ < --- Chard

“Ang yabang naman” < --- Ako

“Hahaha!” < --- Chard

Maya maya nag-yaya siya mag-swimming.

“Wala akong dalang damit ikaw na lang” < --- Ako

“Anu ka ba may dala ako oh” < --- Chard

“Ah oo nga pala tara! Hahaha”

“Alam mo ang weird mo minsan” < --- Chard

“Eh ikaw madalas hahaha” < --- Ako

“Aba… humanda ka sa akin mamaya” < --- Chard

“Sabi na may pagnanasa ka sa akin” < --- Ako

“Oo, kaya rarapin kita mamaya” < --- Chard

“Gagew dami mong alam” < --- Ako

“Love you too” < --- Chard

Bumaba kami sa pool, grabe yung isang side niya gawa sa glass at ang ganda kasi mountain side siya. Napaka tahimik ng paligid at tanging kuliglig lang ang maingay.

Hinahabol niya ako sa pool eh dahil sa magaling ako lumangoy . . . nahabol niya ako . . . magaling din siyang lumangoy buuset.

“Alam mo masaya ako ngayon” < --- Chard

“Ako din, minsan ko lang maexperience ang ganito hindi naman kasi kami mayaman” < --- Ako

“Ako first time ko lang pumunta dito ng kasama ang taong mahal ko” < --- Chard

Natulala ako, mahal niya ako? Ganun ganun lang? kahapon lang nagkakilala mahal agad? Pero bakit sa isang banda ng pagkatao ko ang saya ko nung narinig ko na mahal niya ako? Pero parang ang bilis ng lahat. Kahit ako nalilito na din sa nararamdaman ko, mahal ko na din ba siya?

“Andrei?”

“oh?”

“Babe?”

“Babe mo muka mo gusto mo ihulog kita jan?” < -- Ako

Nabigla na lang ako sa ginawa niya.

Niyakap niya ako.

Itutuloy >>>