Tuesday, May 3, 2011

Thank you!

Ayun oh! Hi sa mga readers ko. Salamat sa mga nagbabasa ng aking mga mumunting mga obra. Yung mga e-mails na narereceive ko at yung mga comments na nababasa ko ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin akong nagsusulat. Kaya po sana,wag kayong magsasawa na suportahan ang blogelya ko. :)


May mga plano din po ako sa blog ko. Ito ay ilan lamang:

1.Dear Koya Rovi,


Natutuwa lang din ako kasi may mga e-mails akong narereceive na humihingi sila ng advise about sa mga bagay-bagay. Naitanong ko sa kanila kung okay lang ba na i-post ko dito sa blog ko para maging interactive at makapagcomment din ang mga readers. Pumayag naman sila. So Ayun na po, aayusin ko lang ang ilang mga bagay at ipopost ko na po ang ilan sa mga situations ng ilan nating kablogelya na nanghihingi ng payo. Sana po ay makiisa tayong lahat sa simpleng kalokohang ito. You may not know,baka problema mo na pala ang paguusapan natin. Sana maging okay ang turn out nito para mas maging masaya ang ating blogelya. Maraming salamat!

2. Upcoming Novels

Ito ay ilan sa mga natapos ko ng mumunting mga akda.
1.Unbroken
2.MRT
3.Terrified (on-going)
4. More than 10 short stories

Actually,nahihiligan ko rin ang paggawa ng short stories,kaso lang may mga naglalambing na readers na sana may bago akong series. So pagbibigyan ang mga bata. May mga upcoming novelettes po ako. Sana rin po,kung gaano kainit ang pagmamahal nyo sa Unbroken at MRT,ganun din ang maging pagtanggap nyo sa mga Terrified at sa iba pang mga bago.


Eto sila actually.

1. Ang Mangaagaw



Ito ay isang poster na gawa ng aking dear na si Michael Santos. Salamat dear sa poster. Hihihi. Abangan po natin. Sa totoo lang po may mga chapters na ito, ayoko lang ipost dahil ayoko mapressure. Gusto kong ipost pag tapos na para wala ng pressure sa pagsusulat.



2. Unbroken 2



Salamat kay Enso na akin ding dear sa poster na ito. Salamat kasi isang sabi ko lang ayan na. Hihihihi. Ngayong wala na si Daniel paano na si FR? Abangan po natin yan mga dear.


3. The Letters (No Poster Available)

Ito po ay isang collaboration with a good friend Dhenxo. It's about an unrequited love. Yun lang po muna ang iispluk ko ngayon. Abangan nyo nalang din po. Marami ng chapters to. Hihihi.


4. Cookies of Jar Mischief (No Poster Available)

Kasama ko naman po ang nagiisang si Dalisay Diaz sa serye na ito. Abangan nyo po kung paano namin papasabugin ang aming mga writing styles dito sa obra na ito.


at ang huli po..


5. The One That Got Away (No Poster Available)

Nasa isip ko na po ang takbo nitong novel na to. Abangan nyo nalang din po. :)



Yun lang po muna as of the moment.


BTW,gusto ko lang pong magpasalamat sa mga contributors ng blogelya kong ito. Isa sila sa mga nagdadagdag variety sa mga kwentong nakalahad dito. Salamat ng marami.



TY!

Till next time,
Rovi.

No comments: