Tuesday, May 31, 2011

Isang Paumanhin

Hi Guys! Sorry po at medyo inactive ang ating blog ngayon. May mga bagay lang po akong inaayos at medyo busy lang po. Sana po maintindihan nyo. Pero I think may update ako ng Terrified tomorrow. Sorry din di ako masyado nakakagawa ng mga short stories, I have some na may parts na pero di ko pa natatapos due sa dami ng ginagawa sa trabaho.


Sana po di kayo magsawang magbasa sa blog ko.

Mahal ko kayo.


:)

Monday, May 30, 2011

The Red Rose


The moon was at its fullest, bloody. Midnight and I could see the heavens lighted. Before the skies would signal the coming of the dawn, I would be born again, be reincarnated. Not as a different creature, but the same as what I was at the moment and nine hundred and ninety-nine years ago – a bloodsucker, but with a different identity. I must reincarnate, or be denied of immortality. I would die, and would become a wilted thorny rose. I would never want that. All I need was a beating heart, a human heart, to remain an immortal.

I did search for mortals, and I met twelve of them. I needed just one, and I chose…

I felt thirst… Human bloods were just around. Liters of them. So long had I not drunk a volume. We were prohibited to, for a few centuries now, and I did not know why. I should not really be tempted. I got an aim, and I just couldn’t give up my eternity. I must slay a human before it was full moon.

Of the millions of places in the world, I found my beloved gorgeous physique standing, studying every human present in a kingdom found amid the faraway wild hills.

Right from where I was, I saw her glow. She was so beautiful. I could smell and hear her heart, perfect for my need, for my reincarnation. “Princess Arlyn!” called someone in a formal suit. He was Gentleman Jhay, I could saw it on his name plate. “I thought you’re with Prince Ian. I heard he’s here, looking for you,” he added. He was of a good built, feminine. I could see sense his nervous heart beat. His heart could also be perfect for my need. But, no. He was frail. He would want to be the prince for her, but he got the most coward heart.

“We haven’t been together, for quite a long time now. I decided not to see him, or at least not to find ways to see him. I realized I am tired. Please don’t mention anything about him, I beg. I need to make the best of my face tonight. It’s my sister’s wedding.” She smiled the sweetest, but her shoulders fell. She could not pretend. Yet, insensible, she had not felt the gentleman’s love, for her.

I sensed three aortas coming near. They were Mardy’s, Richel’s and Philip’s, the never complaining confidants. They were blameless, na├»ve, demure and tamed. They were unfamiliar. They could be my last options, but could also be the first.

Here came Princess Geraldine and Jennifer. They were overfamiliar. Refined. One of them could be the mortal I needed. “How lucky Princess Mihara is. She got the most loving Queen. And she, now, would be marrying Prince Arturo. I wonder how much of love do they share. What do you think Jennifer? Will I also find my most true love?” Hopeful romantic, she had a longing heart.

“You won’t find him Geraldine. He will find you. Who knows? He may be around tonight. Wou will bump on him. You will fall, and he’ll catch you. Then there will be no slow motion, but a motion stop. And, boom! There comes your most true love.” She was her stimulant, the filler. She would always want everyone to grin.

I shifted eyes, got multiple choices, got short way to go before midnight. I should have just randomly grabbed one, and never opted.

“Sheila, am I on the right track?” She combed her now shoulder-length brown hair. “I have to do this for the Queen. For a couple of times, I disappointed her. Now, I have to marry a man I don’t love at all.” Her pretty face, upset, gloomy as her velvety red long robe. She could have the heart I was looking for. She was perfect.

“If Fribel is here, she would be telling you not to. She sees love a treasure, and should not be wasted. But she’s forever gone. So, listen to me. You’re clever than I. Even stronger. It had been your toughest decision. You’ve had more than this torture, Princess Mihara. I know the prince can make you happy, at least.” She’s the littlest, the sincerest. She had the softest heart, suicidal. She valued not her life, she could be the best one I should kill, but she was loved. Not her heart.

The ceremony had to start. The groom stood in frantic ease. He was unnoticeably troubled. At the end of the crimson carpet, his bride started to march. She stunned him. She was flawlessly beautiful. She was near, just a few steps and they would touch. I could hear both hearts throbbing fast. Both were genuinely in love, but not for each other.

“Prince Arturo!” shouted a voice from where the bride had stood before, at the far end of the crimson carpet. “I can’t just see you exchanging vows with the woman I know you don’t love! My love for you brought me here! I know death awaits me for taking this courage, but I’d rather die than see you one with her! I beg you not to marry her!”

“Geed…” His voice was calm. He turned to get back his stare to his bride. “Princess Mihara, I fear I might cause you pain after this. You are the most beautiful woman I ever met, but my heart simply doesn’t beat for you.” In a very low voice, he told her.

“You are the most gentleman Prince Arturo. You can’t hurt me, ‘cause not my heart belongs to you. Go, get him before he’ll be punished to death.” The bride smiled at him. He kissed her hand, left and got lost with Prince Geed. Everyone around was in awe, speechless.

“You are freed. You are unmarried. You are meant to be mine, Princess Mihara. I’m so sorry, I had been so afraid to fight for us. Not this time. Not again. The heavens gave me chance. Now give me chance to mend your heart.” He was Karl, the kingdom’s head knight, Princess Mihara’s love. He was changed, for love.

Humans, they were born to live for a few years, and love. Now I know why we were, for centuries now, deprived to kill humans. They were valuable. I made a fist, tight. It was sixty tic-tacs more before midnight. I needed to slay a human and get his beating heart. I was in turmoil on who would I kill. I again looked up the bloody full moon. I closed my eyes, readied myself to kill, to reincarnate. One more tic-tac.

Tic-tac.

I guided my hands to my chest, gained vigour, gained more vigour. I buried my claws deep down my ice-cold flesh, and took out my heart. I killed myself.

I was Syndy, nine hundred and ninety-nine years ago. Now, I reincarnated, into a wilted thorny red rose.
-----------------
Happy May Flower!

Friday, May 27, 2011

Changes

Whenever I look at the calendar
I can see days pass by
Everyday is a yesterday
Tomorrow is just a history

Why do we have to say hello
when goodbye is at the end
Why do we have to stay forever
when changes are always there

I always smile with my eyes and heart
but I also smile with my lips only
I used to laugh from my stomach
Now I learned just to bare fangs

It saddens me and I'm afraid
Everytime I hear the ticking of the clock
I want to shake hands with fingers only
but I need to shake hands with open palm

Colors of every hue fade away
Bouquet of flowers will bloom
No matter how I try to find a new one
Still, it will be etched as an old memory

Wednesday, May 25, 2011

Terrified 9





Rinig ko na naman ang parang tigreng pagwawala ni Jared sa loob ng kanyang kwarto. Nagiiyak na naman si Jared sa kwarto. Patuloy ang pagsigaw nya at hinahanap si Raf. Sino ba si Raf?

“Jared!”

“Jared!”

Patuloy ako sa pagkatok sa pintuan. Biglang namayani ang katahimikan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Jared sa loob. Hindi ko alam. At hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Binabalot ako ng matinding kaba at ramdam ko ang panglalambot ng aking tuhod.

“Hubby! Buksan mo to! Buksan mo to! Ako to! Si Kath!”

“Kath?” sabi nito mula sa loob

“Oo. Ako to, buksan mo ang pinto.”

Nanatili akong nakatayo sa harap ng pintuan. Lumipas ang ilang segundo, nanahimik ang kwarto.

“Buksan mo naman oh, mag-usap na tayo. Ayusin natin to.” nagpapakahinahon kong sagot

“Ayoko na Kath. Please? Hayaan mo nalang ako!”

“Jared. Wag naman ganyan. Pagusapan natin. Bakit ayaw mo na? Ano bang ginawa ko?”

Pinipigil kong wag maging emosyonal sa pagkakataong ito pero hindi ko kinaya. The moment I heard him say “Hayaan mo nalang ako” made me cry. Bakit ganoon? Sa dinami-dami ba ng mga ala-alang pinagsamahan namin ganoon kadali nya nalang akong bibitawan? Bakit?

At nagsimula ng magcrack ang aking boses.

“Jared please!”

“Kath sorry. Leave me alone!”

“Paano naman ako Jared? After all? Leave me alone lang ang maririnig ko?”

“Jared paano naman ako?”

Tahimik lang si Jared. Hindi ko alam kung bakit nagagawa nya akong tiisin.

“Jared ano ba? Bakit nagagawa mo na akong tiisin ngayon? Ano ba? Bakit ayaw mo na sa akin?”

Hindi pa rin nya nakuhang sumagot. I don't know what to do next. Hindi ko na alam kung aalis na ba ako or aantayin ko pang buksan nya ako ng pinto. Parang gusto kong isipin na wala na talaga to, pero may nagsasabi sa akin hindi ako dapat bumitiw. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Jared at gaano ko pinagtyagaan lahat ng mga kalokohan nya, mula sa pagaadik nya hanggang sa tumino syang ulit. Alam ng Diyos kung gaano ko sya kailangan sa buhay ko.

“Jared paano naman ako? Paano ako? Akala ko ba magpapakasal na tayo?”

“Jared! Ibukas mo ang pinto! Kausapin mo ako!”

“Kath. Ayoko na. Intindihin mo nalang ako please. Ayoko na magpakasal.”

“Ganoon nalang yun Jared? Ganoon nalang yon? Wala man lang paliwanag?”

Patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Walang katapusan. Parang ulang hindi na titigil.

Narinig ko ang tunog ng pagpihit ng doorknob mula sa kwarto ni Jared. Ilang segundo pa, tumambad sakin ang isang patang-pata na Jared. Tumingin ito sa akin at kita ko ang lungkot sa mga nito. Nakahubad si Jared, tanging ang kanyang boxers shorts lang ang tumatakip sa kanyang kabuuan.

“Jared. Anong nangyari?”

“Wa-wala.”

Sinuri ko ang kanyang katawan. Hindi ko mawari kung tila bakit parang tuyot ito. Kita ko rin ang mga marka sa kanyang katawan. Tila ba kalmot ang mga ito. May mga hickey din sya sa braso.

“A-ano y-yan Jared?” sabi ko sabay turo sa mga kalmot sa kanyamg katawan.

Tumingin lang si Jared sa akin. His eyes looked lifeless. I didn't know why pero alam kong parang patay ang kanyang mga mata. Kita ko din ang mga butil ng pawis na nakadikit sa kanyang katawan. Hindi ito tama.

“Wala yan.” he said, at last.

“Sinong kumalmot sayo?”

“Wala nga.”

Nakita ko ang pagiba ng ekspresyon ng mukha ni Jared.

Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang kanyang pagluha.

“Alam mo Kath, ayokong gawin to pero kailangan.”

“Ha? Ano Jared? Di kita maintindihan.”

“Basta.”

“Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi na tuloy ang kasal natin?”

“Ayoko na.”

“Jared? Anong ayaw mo na? Bakit?”

“Kasi basta. Di ko pwedeng sabihin eh.”

“Ano nga?”

Completely, my world shattered. Patuloy sa pagbagsak ang aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Todo-asa ako sa kasalan. Pero wala rin naman pala. Tumahimik si Jared at tumitig lang ito sa akin gamit ang kanyang lifeless eyes. Hindi ko alam ang gagawin. Awkward. Sa tagal naming magkarelasyon ay ngayon lang nagkaroon ng ganitong ilangan sa amin. Patuloy ako sa pagiyak habang si Jared naman ay nanatiling nakatitig sa kawalan. Kahit ilang pulgada lang ang pagitan namin, ramdam na ramdam ko ang distance ng kanyang puso sa akin. Hindi ko alam.

Tumalikod akong humihikbi. Akmang lalabas. Honestly, hinihintay ko ang pagpigil sa akin ni Jared like he used to. Sinadya kong binagalan ang paglakad, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, pero hindi nya ako tinawag.

Narating ko ng matiwasay ang pinto ng bahay. Uuwi nalang ako.

Pinihit ko ang doorknob. Palabas na ako ng narinig ko ang malakas na galabog sa taas ng kanilang bahay. Agad-agad akong pumasok sa loob. Mabilis na tumakbo pabalik kay Jared. Andun nga sya, nakahandusay sa sahig at walang malay.

“Tulong!”

“Tulong!”

“Tulungan nyo ako!”

“Tulungan nyo kami!”


I T U T U L O Y . . . .

Tuesday, May 24, 2011

My Sweet Tragedy

Tears.
Eerie chortle laid in the air of bewilderment,
Emblazoned in mockery fashioned with wonderment;
Sing the unsung lullaby – Rejoice!
Haven of mending hearts,
Save me from falling – ‘Tis the promise of an angel.
Held me close into your arms;
Heal the scars of my broken heart,
Shield my spirit from reprisal.
Touch me.
Deciphered the unwritten poem of love,
Let loneliness be eschewed;
Descend happiness out of solitude.
Save the last dance for me,
For my damned soul be enlightened amidst obscurity.
Love me.
Kiss me.
Trapped my soul in your arms;
Burgeoned of red roses rapt in disdain,
Be an angel – Save me!
Still in the running waters of love.
Help me.
‘Cause I was jailed in the asylum of melancholy;
Save me from this sweet tragedy,
Search for the love,
I am.
I will.
Eternally.

Wednesday, May 18, 2011

Dear Virgin:Ang sagot sa iyong kaartihan

Eto po ang liham ng naguguluhang baklang si Virgin na napost ko last week sa ating blogelya. Sa mga hindi po nakabasa, eto po yun.



Dear Kuya Rovi,

Isa po akong masugid na tagahanga ng inyong blogelya. Nabasa ko kung bakit umiyak ang mga bakla sa Unbroken, at ngayon naman, kung paano nagiging high si Jared sa Terrified. Nakakatuwa din po ang mga banat nyo sa chatbox ng MSOB at naaaliw ako sa mga payong binibigay nyo.


Eto na po yun. May problema po ako.

Ganito.


Si GUY A may gusto kay GUY B na may gusto kay GUY C. GUY B turned GUY A down but still wants the friendship to remain. Hindi makapagmove on si GUY A dahil palaging nandyan si GUY B. Anong dapat gawin ni GUY B?



Nagmamahal,
Virgin,



Ayan! Yan ang situation ni Virgin last week mga kablogelya.

Nakakatouch naman at kahit papaano ay may mga nageffort na tumulong sa ating nagiinarteng si Virgin. Salamat sa mga nagshare ng kanilang 2 cents sa situation. Sana wag kayong magsawa sa pagsuporta sa ating blogelya.

Salamat.




Eto na. Eto lang naman ang comment ko sa situation mo Virgin.




Dear Virgin, (saan?)

Honestly speaking, B doesn't have to do anything. Si A ang may problema.
The thing is, bakit mo pa ipipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo?
Bakit mo pipiliting ipilit ang mga bagay na di naman dapat on the first place?
Parang sapatos lang yan eh, Let's assume na nasa department store ka at nakita mo yung isang pares ng sapatos, ayun na yun eh, sinuot mo, di kasya, sobrang sikip. Nagtanong ka ng iba pang stock pero unfortunately wala na. Ano ang gagawin mo? Magaantay ka ng bagong stock? Paano kung next year pa dumating? Eh di tengga galore ka? Neng, wag kang tanga. Humanap ka ng ibang sapatos, kahit hindi mo masyadong trip kasya naman sayo. Please lang. Bakla na nga tanga pa. Ayun na-carried away ako. Ayun nga dear, maraming isda sa dagat, hanap ka ng clown fish. Pag patuloy mong ipilit ang sarili mo kay B, ay te goodluck! Bihira ang nabibiyayaan. Pero malay mo.


B. Ikaw naman. I feel na concerned ka sa friendship. May tanong ako? Bakit na-fall si A? Baka naman sweet ka at medyo pahaging ang kalandian? If you are, sorry, no offense meant but please, stop it. Kaya siguro na-fall si A kasi malandi sya, malandi ka, malandi kayong dalawa. Ang maipapayo ko lang, kung kaibigan from the start, kaibigan lang. Pero kung hindi makamove-on si A. Then ang isasuggest ko lang eh give yourselves a break. Stop communicationg for a while para na rin makapagisip kayo kung anong gagaiwn nyong next move. Remind A na kaibigan lang. Please do. Pag ayaw makinig, sabihin mo pakilala sya sakin. Kokotongan ko. On a serious note, The moving on thing must come from A. Yun lang.



Lastly, C. Ikaw? Alam mo wala kang ginawa sa kwentong ito kaya ang comment ko lang? ANG GANDA MO TE!




Love,
Kuya Rovi


Sa mga gustong mafeature ang kanilang kaartihan sa blogelya ko. Send me an e-mail. Rovi.yuno@gmail.com Salamat!

Terrified 8

NOTE:Sa inyong lahat, maraming salamat.





Para akong nabuhusan ng sinampal sa narinig. Ayaw na magpakasal ni Jared sa akin? At bakit? Ano bang ginawa ko? Ano bang mali o offensive na nagawa ko para maging ganyan sya sa akin? Bakit naging ganito? Nung nakaraan okay na okay kami, tapos all of a sudden aayaw sya? Saan ba ako nagkulang?

Wala ng tigil ang pagtulo ng aking mga luha.

Napuna ito ng aking ina at agad itong lumapit sa akin.

“Anak? Bakit ka umiiyak? What's wrong?”

Nagtama ang aming mga mata, dama ko ang laking pagtataka at concerned sa kanyang mga galaw. Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba, sa oras na malaman ni Mama ang dahilan ay tiyak magiging malaking eskandalo to. Ayoko namang madamay pa sila Tita Stella at Tito Victor.

Ako ay nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Humarap ako sa aking ina at pinilit na ngumiti.

“Anak, bakit ka umiiyak? Sabihin mo sakin. Sino ba yung tumawag? Si Jared yun diba? Bakit ano bang problema? May problema ba?” Parang rifle na sabi nito

Kahit ang sakit-sakit, pinilit kong ngumiti sa aking ina. Dapat hindi nya malaman ang mga bagay na ito.

Tumingin ako sa kanya at pinahid ang aking mga luha.

“Ma. Wa-wala pong problema.” pagsisinungaling ko

“Ha? Anong wala? Iiyak ka ba ng ganyan kung walang problema Kath?”she said in disbelief

“Ma,ang saya-saya ko lang po.”

Napaisip ako kung ano ang idadahilan ko. Alam kong mahirap magsinungaling pero gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko ng mag-isa. Di dapat malaman ng kung sino man hangga't di ko nakakausap si Jared sa mga bagay-bagay.

“Masaya po ako ka-kasi, sinabihan ako ni Jared na mahal nya ako.”

Kasinungalingan.

Napataas ang kilay ng aking ina.

“Anak? Ganoon kababaw? Impossible yan.”

“Ma. Kung alam mo lang. Mula ng malabas si Jared sa rehab naging madalang na syang magsabi ng 'Mahal kita' sa akin. Kaya ang saya-saya ko lang.” pagtatakip ko pa.

“Okay Kath. Siguraduhin mo.”

Bakas ang pagbabanta sa boses ng aking ina.

“Opo Mama.”

“Ano tara na? Alis na tayo. Kanina pa nagaantay ang driver.”

Halos makalimutan ko na may lakad pala talaga kami ngayon. Pero hindi ko naman matitiis na hindi makausap si Jared tungkol sa bagay na ito.

“Mama. Kayo nalang muna ang makipagusap don sa restaurant. Basta Oriental ang gusto namin.”

“Ha? Eh akala ko ba kasama ka sa food tasting?”

“Ma,urgent eh. Kailangan kong pumunta kay Jared. Nagtatampo kasi di ako nakasabay sa breakfast nila kahapon. Naglalambing Ma eh.”

Nakita ko ang pagbuntong-hiniga ng aking ina.

“Oh Sya. Sige. Kukunin ko nalang yung isang kotse at sumakay ka na dyan. See you later.”

Agad akong humalik sa aking ina at mabilis akong lumabas ng bahay para sumakay sa nakapark na kotse sa garahe.

“Manong derecho tayo kala Jared.”

Tumango ang driver.

Inantay kong makalabas ang kotse ng bahay. Muli na namang bumuhos ang mga luho ng sakit na kanina ko pa tinatago. Alam kong di tama ang magsinungaling pero ginawa ko ito for the better.

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

Ang bigat ng pakiramdam ko. Alam mo yun? Parang ang sakit-sakit lang in a sense na kinakana ka ng guilt dahil sa mga bagay na di mo inaasahang mangyari? Malungkot ako noon, pakiramdam ko lagi ay may kulang. Nagdrugs ako dahil sa mga bagay na hindi ko pa maaaring sabihin sa ngayon. Sa loob ng ilang taon, even during my darkest hours, never akong iniwan ni Kath. Naging mabuting nobya sya at naramdaman ko ang unconditional love na kanyang binigay sa akin. Pero hindi ko alam kung anong dahilan at madali akong natakot na mawala si Raf sa akin. Alam kong mali ang ginawa ko at alam kong masasaktan ko sya, pero hindi ko alam kung bakit ko pa rin ginawa. Ibig sabihin lang ba nito ay kaya kong baliwalain lahat para kay Raf? Ganoon ba ako kagago? Ganoon ba ako kabakla?

Buntong-hininga. Isang malalim na buntong-hininga.

Bigla kong binagsak ang aking katawan sa kama. Ang lambot nito ay pansamantalang nagdala sa akin sa langit. Naramdaman ko ang pagtakbo ng aking mga luha. Waves of confusion have been hitting my mind, my complicated mind. The next thing I know is, kinain na ako ng kadiliman.





Naramdaman ko ang bigat sa aking mga braso. Parang pinipisil na dinadaganan. Ramdam ko na may nakapatong sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko mabuksan ang aking mga mata. Mabigat ito. Mainit. Parang uling na nagdidingas, nakakapaso, nakakalapnos.

Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pagtama ng aming mga labi. Hindi ko maaaring magkamali. Labi ni Raf ang mga ito. Naging mas mapusok ang kanyang mga halik. Iba ito sa una naming pagniniig kagabi makalipas ang ilang taon. Ramdam ko ang paggalugad ng kanyang dila sa aking bibig. Iba ang sensasyong dala nito.

Mas naramdaman ko ang pagdiin ni Raf sa aking braso. This time ay ramdam ko ang dahan-dahang pagbaon ng kanyang kuko sa aking balat. Naramdaman ko ang marahan nyang pag-ulos. Pinagtatama nya ang aming mga kaselanan na nasa loob pa rin ng aming mga shorts. Dry sex. Iba ang sensasyong dala noon. Masakit yung pisil ng kuko nya sa aking braso pero tunay namang nakakalibog ang pagtama ng aming mga maselang parte.

Muli kong naramdaman ang kanyang mga labi,ngayon naman at dumampi ito sa aking leeg. Ramdam ko ang marahang pagsipsip nito. Ako ay nakaramdam ng ibayong kiliti.

“Ohhh.”

He gave me little kisses on my neck that extremely made me feel heaven. Para syang bampirang sumisipsip ng dugo, ang kaibahan nga lang ay hindi ako nasasaktan, sa bawat dampi ng kanyang labi at sa bawat sayad ng kanyang dila, nararating ko ang isang lugar na hindi ko pa napuntahan.

“Ohhh.”

Patuloy ako sa pag-ungol. Ramdam ko pa rin ang bigat ng aking mata.

Hindi ko magawang ibukas ang mga ito.

“Ohhhhhhh.”

Naging mas mapangahas ang kanyang mga galaw. Naging mas mabilis ang kanyang mga kilos. Naging mas mabilis ang galaw ng kanyang dila sa t'wing tumatama ito sa aking leeg.
Hindi pa sya nakuntento, maging ang tenga ko ay hindi nya pinalampas.

Pinatulis nya ang kanyang dila at pinasok ito sa aking kanang tenga. Kahit anong kilos ko ara kumawala sa kanyang yapos ay hindi ko magawa. Masyado syang malakas. Nagmistulan akong isang patay na hayop na pinagpapasasaan ng isang walang-bwitre. Iba ang kiliting dala nun. Ramdam ko ang lalong pagtigas ng aking alaga. Ramdam ko din ang pamamasa ng ulo nito.

“Ooohhhhhhhhh.”

Naging mas malikot ang kamay ni Raf. Habang patuloy sya sa ginagawa ang aking tainga, parang pirata namang nyang pinagala ang kanyang mga kamay. Ang bawat pagdampi nito sa aking balat ay nagduduloy ng kuryente na nakakapagpanginig sa akin.

“Ohhhhh.”

Mabilis ang mga sumunod na nangyari.

Mabilis naibaba ni Raf ang aking shorts. Halu-halo na ang aking nararamdaman. Nalilibugan, naeexcite, nasasarap, nag-iinit. Hindi ko pa rin magawang buksan ang aking mga mata. Mabigat pa rin ito. Ipapaubaya ko nalang ang lahat kay Raf.

“Oooohhhhhhh..”

Biglang sinunggaban ni Raf ang aking kaliwang utong. Kanan, kaliwa, pasalit-salit, nakakaulol.

“Oooohhhhhhhhhhh.”

“Ahhhh.”

“Oohhh.”

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Ang alam ko lang ay naramdaman kong nagtataas-baba na ang mainit na bibig ni Raf sa aking maselang bahagi. Ibang-iba yun sa lahat ng natikman ko. Hindi ko alam kung meron pang hihigit sa ginagawa nya.

“Ohhh.”

“Aahhhhh!”

“Raaaaff!”

“Ayaannn..”

“Raafff!”

“Ayyyaaaannn nnaaa aakooooo...”

At muli ko na namang narating ang ikapitong glorya.

Hingal-kabayo ako pagkatapos. Ramdam ko din ang pagpatak ng butil-butil kong pawis. Unti-unti, naramdaman ko ang paghupa ng aking sistema.

Ramdam ko pa din ang maliliit na haplos ni Raf sa aking katawan.

Nanatili kaming tahimik. Gumaan ang aura ng kwarto. Maliwanag.

Ginawaran ako ng halik ni Raf. Dahan-dahan nyang niluwagan ang pagkakahawak sa aking braso. Unti-unti syang umangat at tumabi sya sa akin. Nawala ang pagbigat ng aking mga mata. Gumaan ang aking pakiramdam. Ako ay napangiti.

Minulat ko ang aking mata. Nakita ko ang liwanag ng kwarto. Iginala ang aking paningin. Wala ni anino ni Raf. Napatayo ako sa sobrang pagkabigla. Nakita ko ang aking sariling repleksyon sa harap ng salamin, kita ko ang mga pulang marka ng kalmot. Nakakapagtaka kung paano ito nangyari? Akala ko nandito si Raf sa loob. Kung wala sya? Bakit ako may mga kalmot? As in kalmot? Bakit? Paano?

Kung wala si Raf bakit may mga kissmark ako sa leeg? Bakit mamasa-masa ang aking alaga? Bakit? Sino? Paano?

Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang oo sa hindi. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung anong nangyari.

Nakakapagtaka. Nakakapanghina. Nakakapangilabot.

Agad kong nilapitan ang pinto ng aking kwarto. To my surprise, it was locked. Hindi ako makapaniwala. Alam kong si Raf yong kanina. Alam kong si Raf yun at di ako pwede magkamali! At bakit ako may mga kalmot? Ano to? Putangina!

“Raaaffffff!”


“Raaaffff??? Nasaan ka? Wag ka na magtago! Lumabas ka!”

“Raaaaaaaaaafffffff!!!!!!”

Nagiging hysterical na ako. Nasaan si Raf?

“Nasaaaan kaaaa??”

“RAAFFF!!”

Halos maubos na ang boses ko kakasigaw. Walang Raf na lumabas. Umupo ako sa sahig ng kwarto. Pilit na sinasagot ang mga tanong na parang wala namang kasagutan.

“Tok-Tok-Tok”

Nagulat ako ng marinig ko ang pagkatok sa pinto ng aking kwarto.

“Sino yan?”

Walang sumasagot.

TOK! TOK! TOK!

“Sinoooo yannn!”

“Putang-ina! Sinoooo yan??” pasigaw kong sabi.

“Wag mo akong sasaktan! Sino ka?”

“RAAAFFFFF!!!!”

“Raffff!”

“Nasaan ka na Raf?”

“Raaaaaaaafffffffffffff??!!!!!”

I T U T U L O Y . . .

Tuesday, May 17, 2011

FAULTLINE

NOTE:BOL entry ko to. Napili naman sya in fairness. For those who want to have a copy of the BOL book, kindly tell Zach ng BOL. Comments are highly appreciated.









“FAULTLINE”
-Unbroken-


“Pagsisihan mo ang ginawa mong kasalanan. Papatawarin ka ng ating Panginoon.”


* * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Kakatapos lang ng isang mainit na aksyon na yumugyog sa kama ng magara at may kalakihan na kwarto. Ramdam ko ang pagsubside ng init na aming nararamdaman. Rinig ng apat na sulok ng kwarto ang mga hiningang pilit naming hinahabol. Sa hindi mabilang na pagkakataon sa gabing iyon,muling nagtama ang aming mga labi. Dahan dahan naming nilatag ang namin mga katawan sa lukot-lukot na bedsheet.

“Whew,ang hot nun ah?” sabi ni Bene

“Yep. Hot nga. I want to do it again and again and again.” pabiro kong wika.

“Grabe ka talaga,ibang level.” sagot nito sa akin.

Ngiti ang sinagot ko sa kasama. Ilang segundo pa,nilatag ko ang aking ulo sa matipunong dibdib ng kapareha,tila pinapakinggan ang bawat pagkabog ng puso nito. Ang isa naman ay hinihimas ang aking buhok.

“Sana laging ganito.” mahina at maiksi nyang tugon sabay halik sa akin.

“Ganito alin?” sabi ko habang nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib.

“Ganito tayo,I mean,laging magkasama.” sabi nito habang nilalaro ang aking buhok.

“Oo naman. Ikaw lang naman ang laging busy.” sabi ko.

“Hindi naman no. Adik. Syempre dapat ayusin ko muna yung mga gagawin ko sa school bago yung mga ganitong activities. At ikaw dapat unahin mo muna yung work mo.” sagot nito.

“Alam mo namang okay lang ako sa work diba? Fixed ang off ko so walang problema sa akin. Ikaw lang ang lagi kong hinihintay.” sabi ko.

“Oo. Sorry na. Alam mo naman diba? Alam mo situation ko.” mahina nitong sabi.

“Oo. Alam ko na may BF ka,di mo na kailangan pang sabihin sakin all the time. There's no sense stating the obvious.” sabi kong pabiro

“Wow. Gumaganun? Nagseselos ka ba best?” sabi nito.

Natameme ako sa narinig. Nakaramdam ng kaunting kurot sa aking dibdib pero di ko pinakita. Hindi maaring malaman ni Bene ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahirap umamin,mahirap din matanggap na nahuhulog ako sa ganitong set up. Kasalanan ko lahat,alam ko from the start na talo ako pero wala na akong magagawa,mahal ko na sya.

“Selos?” pangungulit nito.

“Selos mo your face.” sabi ko

“Uyyy nagseselos ah?” naglalambing nitong sabi.

“Di ah.” malamig kong sabi.

Gumalaw sya at inayos ang sarili. Sinandal ang likod sa headboard ng kama. Inadjust ko rin ang aking katawan gaya ng kanyang ginawa. Pareho kami ngayong nakasandal sa headboard ng kama habang nakatitig sa kawalan. Naramdaman ko nalang ang pagkuha ng kanyang kanang kamay sa aking kaliwa. Hinawakan nya ito at nilock. Nakaramdam ako ng kakaiba.

“Umamin ka nga sakin.” sabi nito.

“Umamin ng?” painosente kong tanong.

“Gusto mo ba ko?” tanong nito sa akin.

Napatulala ako sa narinig. Parang kinalawang ang utak ko. Parang taeng matigas,kailangan pang iire para lumabas.

“Ha?” nauutal kong tanong.

“I mean gusto mo ba ako?”

“As what?” sabi ko. Nagpipigil sa kung ano mang maaring mangyari.

“As someone.” mahina nitong sabi.

Nakaramdam ako ng init sa narinig. As someone daw,anong ibig nyang sabihin? Bakit nya ko tinatanong? Gusto nya din ba ako kagaya ng pagkagusto ko sa kanya?

“Umamin ka nga sakin Rob.” sabi nitong nangungulit.

“Para saan pa ba? Di ba ikaw na din nagsabi sa akin na hindi naman magiging tayo in case?” sabi ko.

“Gusto ko lang malaman.” sabi nito.

“No need for you to know it naman po. At ano naman kung gusto kita? Marereciprocate mo ba in case? Hindi. Kasi may BF ka.” mahaba kong sabi.

“Atleast nalaman ko diba?”

“Unfair yun for me.” giit ko.

“At bakit nagin unfair” sabi nya.

“Basta unfair.” sabi ko.

Tahimik. Nanatili kaming nakasandal sa headboard ng kama. Walang nagsasalita. Parang wala atang gustong bumasag sa nakakaburat na katahimikan. Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung tama.
Gusto kong umamin pero lalabas na kawawa naman ako pag nagkataon. Hindi ko maintindihan lahat.

Gusto ko ng alak. Kailangan ko ng alak. Gusto kong lumakas ang loob ko para sa confrontationg aking hinahangad.

“Gusto ko uminom Bene.” sabi ko.

“Ha? Bakit?” nagtatakang tanong nito.

“Wala lang.”

“Ahh okay,sige,lalasingin kita para magkwento ka.” sabi nito sabay tawa.

Tahimik.

Ilang segundo pa,dahan dahan nya ng tinawagan ang front desk para umorder ng beer at pulutan. Wala kaming kibuan,alam nya na nasasaktan ako sa set-up namin. Teka? Alam ba nya? Hindi ko alam. Ewan ko. Blanko.

Dumating na ang inaasahang bellhob, kinuha ni Bene ang inorder na mga alak at pulutan,umalis ang bellhob at nilock nya ang pinto ng kwarto.

Now,we're back to business.

Binukas ni Bene ang dalawang bote ng Red Horse,kinuha ang isa at inabot sa akin. Ilang Segundo pa ay nakita ko na rin na lumalaklak sya nito. Tahimik sa umpisa, patuloy kami sa ganoong set up, inabot nya sa akin ang chicharong bulaklak na alam nyang paborito ko.

“Rob, favourite mo.” Sabi nitong naglalambing.

“Oo nga. Favorite ko to.” Sabi ko sabay ngiti.

Makalipas ang ilan pang bote, nakaramdam na ako ng kakaiba. Dala marahil ng gutom ako nang uminom ng alak o sadya lang talagang mahina ang tolerance ko dito. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Nahihilo ako pero conscious pa rin naman ako sa mga nangyayari. Pareho kaming nakaupo ni Bene sa kama. Dahan-dahan nyang inangkla ang kanyang mga braso sa aking balikat. Nakaramdam ako ng siguridad. Sa kabila ng masayang pakiramdam na ito ay ang mga tanong na walang katapusang nagjojogging sa utak ko.

Mahal ba nya ko? Sino ba ang mas matimbang? Bakit ganito? Possible ba na mahal nya rin ako kahit may BF sya? Possible ba na higit pa sa kaibigan ang tingin nya sa akin? Possible ba na mahal na nya rin ako at hindi nya lang maamin sa sarili nya dahil nakatali sya sa isang relasyon?

Kalokohan. I am tipsy. I need to drink more.

“Give me more Bene. I want more.”

“Rob,last one nalang to. Enough na po.” Sinsero sabi nito

“I want more Bene!” napasigaw kong sagot.

Nagulat si Bene sa inasal ko,para akong batang inagawan ng lollipop. Kita mo sa kanyang mukha ang laking pagkagulat at pagaalala dahil nakikita nyang medyo lasing na ako. Agad nitong nilayo sa akin ang natitirang bote ng beer at hiniga ako sa kama na parang sanggol. Bumalik sya pagkatapos isalansan ang mga bote, tinabihan ako na parang isang asawang nagaantay ng kalabit. Umayos sya ng pwesto, hiniga ako sa kanyang dibdib habang niyayakap ako. Sa ganitong set up,mas lalo akong nalilito.

“Ano mo ba talaga ako?” tanong ko sa kanya.

“Ha?” bruskong sabi nito.

“Di mo ba ko mahal?”

“Rob,lasing ka na.” sabi nito.

“I'm not drunk Bene,mahirap ba yung tanong ko? Di mo ba ako mahal?” naiiyak kong sabi.

“Ano ba yang tanong mo,syempre mahal.” he answered.

“Mahal as ano?” nalilito kong tanong.

“Bakit kailangan may label pa?” naaalangan nitong sabi.

“Para alam ko kung saan ako lulugar sayo.” mahina kong sagot.

“Ha? Bakit? Ano ba? Di ba malinaw kung ano tayo from the start?” sagot nito.

“Alam ko.” malamig kong sagot.

“Anong problema ba? May dapat ba kong malaman?” tanong nito.

“Wala naman.” giit ko.

“Sabihin mo na.” pangungulit nya.

“Wala. Di naman importante.” inarte ko.

“Sabihin mo na,para maging okay na yang dinaramdam mo.”

“Mahal kita.”

“As a friend?” tanong nito.

“Tanga ka ba? Mahal kita. Mahal na kita.” sabi kong nagpipigil ng luha.

“Ha? Paano? Bakit? Paano?” naguguluhan nitong tanong.

“Paano? Di ko alam. Bakit? Di ko din alam.”

“Hindi ko alam ang sasabihin ko.”

Tahimik. Then there's an awkward silence.

Parang teargas na nakapagpaluha sa akin ang mga katagang aking binitawan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganitong punto. Ako at si Bene,ako na bestfriend ni Dennis,si Dennis na boyfriend ni Bene. From the start,talo ako. Bene's there for Dennis. Dennis's there for Bene. Who's there for me? Alam kong mali,pero nagustuhan ko. Alam kong mali,pero itinuloy ko. Alam kong mali,kahit alam kong masasaktan ako. At eto na yung oras na yun.

“Rob,I can't.”

“Alam ko.”

“Sorry.”

“Ang sakit sakit lang Bene. Kung alam mo lang.”

“Di ko alam ang sasabihin ko. Sorry Rob.”

“Bene ang sakit lang. Mahal kita Bene.”

“Sorry Rob. I can't reciprocate your feelings.” mahina nitong sabi.

“Mahal ko si Dennis.” dugtong pa nito.

At tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha.

“Mahal mo si Dennis? Pero nasaan ba sya? Wala. Ako,nandito naman ako. Ayaw mo lang.” sabi ko.

“Magiging unfair ako sayo. Ano gusto mo? Mahal ko si Dennis pero tayong dalawa? Ayoko naman ng ganun. Hindi fair yun para sayo mas lalong di yun fair para sakin. Hindi kita mahal.” sabi nito sa akin.

“Hindi mo ako mahal?” umiiyak kong tanong.

“Mahal kita bilang kaibigan.”

“Sabihin mong mahal mo din ako. Parang awa mo na Bene. Mahal mo naman ako diba?” sabi ko.

“Hindi kita mahal. Mahal ko si Dennis Rob. Sorry talaga.”

“Di mo ako mahal? Pero bakit iba pinaparamdam mo sa akin sa tuwing nagsesex tayo? Ano ba talaga tingin mo sa akin?”

“Lasing ka lang Rob. Please itulog na natin to.” giit nya.

“Sagutin mo ako. Sagutin mo ako Bene!” sigaw ko sa kanya.

“Fine! Hindi kita mahal. Kaibigan ang tingin ko sayo. No more.no less.” sigaw nito sa akin.

“Rob,kaya nga tayo FUBU diba? Fucking Buddies? Diba? Fucking buddies Rob! Hindi tayo! Sex lang! Wala nang kung ano pa.” sabi nito habang nakatitig sa aking lumuluhang mga mata.

Tila natameme ako sa narinig. Nasaktan ng sobra. Luhaan na parang wala ng kalalagyang matino.

I am completely out of my mind.

“Why don't you love me? I'll change for you,I'll play the part. I can give more. Please Bene, wala si Dennis,wala sya para sayo. Nandito ako! Bigyan mo ako ng chance para mahalin ka. Yun lang naman hinihingi ko.” biglang kong nausal.

“Hindi talaga. Wag na natin ipilit. Please Rob? Nahihirapan ako sa nangyayari.” sagot nitong naiiyak na rin.

“Mahirap ba kong mahalin? Mahirap ba? Bakit di mo hiwalayan si Dennis tutal wala ka namang halaga sa kanya.” sabi ko dito.

Nakita ko ang nagpupuyos na galit na nagapoy sa mga mata ni Bene.

“Mahal ako ni Dennis! How dare you! Busy lang talaga sya kaya wala syang panahon sa akin.” sigaw nito sa akin.

“Bakit? Nagtext ba sya sayo ngayon?”

“Hindi.”

“Bakit? Tinawagan ka ba nya?”

“Hindi.”

“Bakit? Nageemail ba sya sayo? Ha?” Galit kong sabi.

“Hindi! At bakit ba? Busy si Dennis sa trabaho,kaya hindi nya ako natatawagan,natetext at naeemail. Ano bang mali don?” sigaw nya sakin.

“Anong mali? Lahat! Bakit? Wala ba syang break sa trabaho para di ka nya matext o matawagan? Kalokohan na yun,isaksak mo sa isip mo na walang taong busy ng 24 hours.” sabi ko sa kanya na napataas ang boses habang umiiyak.

Natahimik si Bene sa narinig. Tama naman ako. Kung sinasabi ni Dennis na mahal nya si Bene bakit wala syang panahon dito? Napakaimportante ng panahon sa isang relasyon. Bakit hindi man lang sya makapagukol kahit papaano? Sorry pero kahit bestfriend ko sya,mas matimbang ang nararamdaman ko para kay Bene.

“Rob. Lasing ka lang. Hindi mo alam sinasabi mo.”

“Hindi nga ako lasing!” bulyaw ko sa kanya.

“Maliligo na ako at uuwi na tayo. Tapos na kung ano man ang namagitan sa atin.”

“What? Hindi pwede!” sigaw ko sa kanya.

“My decision is final. Rob sorry,it has to end like this. Pero hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo.” matigas nyang sabi.

“What?” muli,lumuluha kong sabi.

“We've been doing this thing for a while now. Aminado akong nageenjoy ako everytime we do it,pero I just can't give you what you want. We have sex like there's no tomorrow. Alam kong mali din ako for putting you sa set up na to,kaya I'm saying sorry. Sorry sa lahat lahat. Mahalaga ka saking kaibigan pero hindi kita kayang mahalin.” mahabang sabi nito.

Durog na durog ang aking puso.

“Hindi ba talaga? Hindi mo ba talaga ko kayang mahalin? Magaantay ako.” sabi ko, nagmamakaawa.

“Hindi Rob. Sorry.”

“I can't make you love me.” sabi ko.

“Oo. You can't. Sorry.”

Pumasok si Bene sa loob ng CR at narinig kong bumukas ang shower. Nanlambot ang aking mga tuhod. Lumakad ako papunta sa kung saan man nakalagay ang beer. Di ko sinasadyang masagi ang isang boteng nasa mesa,nalaglag ito at nabasag. Ilang segundo akong nakatitig sa basag na bote nang biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko matanggap kung bakit di nya ko mahal. Dinampot ko ang bote,hinawakan ko ang nguso nito gamit ang aking kanang kamay.

Hindi nya ako kayang mahalin? Binebalewala na sya ni Dennis pero mahal pa rin nya? Bakit ganoon? Saan ba ko kulang? Ano ba?

Bakit di nya ko kayang mahalin?

Ano ba?

Sasabog na ang utak ko sa depresyon.

Hindi nya ba talaga ko kayang gustuhin? Magaantay ako.

Patuloy na tumatakbo ang mga salitang dumurog sa aking umaasang puso. Nahihilo ako dala ng alak. Hawak ko ang basag na bote. Paano na ako?

Wala ng makikinabang sayo.

Di mo ko kayang mahalin ha?

Parang awa mo na.

Di ko kaya ng wala ka.

Mahalin mo ko Bene. Mahalin mo ako.

Bumukas ang pinto ng banyo at nakita ko si Bene na palabas. Nagtama ang aming mga mata. Rumehistro sa kanyang mukha ang takot ng makita ang basag na bote ng Red Horse sa lapag. Kita ko ang kanyang basa at hubad na katawan. Ang katawang umangkin sa akin,ang katawang sinamba ko ng paulit ulit.

Lumakad ako papalapit sa kanya,iniwasan ang mga bubog. Mababanaag mo sa kanyang mukha ang malaking takot at pagtataka. Hawak ko pa rin ang basag na bote ng alak. Nanatili syang nakatayo habang tumutulo ang tubig sa kanyang basang katawan. Tumitig ako sa kanyang perpektong mukha.

“Anong gagawin mo?” nauutal nyang tanong.

“Bene,tandaan mong mahal na mahal kita kahit di mo ko mahal. Mamahalin kita.” sabi ko.

Tumulo ang aking luha.

Dahan dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Hinalikan ko sya sa huling pagkakataon.

Isa. Dalawa. Tatlong segundo.

Tumitig ako sa kanya sabay ang ngiting blanko.

“Anong gagawin mo?” sigaw nya sa takot.

“Wag! Wag! Wag!”

“Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!”.



* * * * * * * * * * * * * *


“Father, magkukumpisal po ako.”

“Sige anak,sabihin mo sa akin ang iyong mga pagkakasala.”

“Masama po bang magmahal ng sobra?”

“Hindi masamang magmahal ng sobra,basta dapat mas mahal mo ang Diyos.”

“Father,lalaki po ang mahal ko. Magagalit po ba ang Diyos sa akin?”

“Anak,ang lalaki ay ginawa para sa babae,ang babae ay ginawa para sa lalaki.”

“Father,masama po ba magmahal?”

“Hindi anak. Ngayon anak.sabihin mo kung ano ang nagawa mong mali.”

“Father. Ayaw nya sa akin.”

“Sino anak?”

“Yung lalaking mahal ko po.”

“Ayos lang yan anak.may babaeng dadating para sayo. Magantay ka lang. Naghahanda ang Diyos para sayo.”

“Father,ang laki po ng kasalanan ko.”

“Ano bang nagawa mo? Nakikinig ako anak.”

“Father,pinatay ko po sya.” Pinatay ko ang lalaking mahal na mahal ko.”

“Pagsisihan mo ang ginawa mong kasalanan. Papatawarin ka ng ating Panginoon.”


W A K A S

Sore

Scattered all over were lilacs and beads
Ribbons swayed, laces curled
Faces with smiles glowed side by side the aisle.

Wedding bells, rings, veil and chord
Motioned in rhythm, all attuned in one
Infecting the air was the song long gone.

Right over there, down the altar
He stood so proud, I heard his heart
Pounding so loud, so fast, so glad.

Those lips I used to kiss, hands I used to hold
Stares I used to own, body I used to touch
At the foot of the church, I stood, I craved.

Long white sparkling gown here came
Took his view away from me
Marched in cadence towards him.

Trade of vows and I dos
My tears screamed I was the bride! I was his bride!
I should have been his bride!

If he never let go of me…
Only if…
But he did.

Monday, May 16, 2011

Adele: Isang Kaekekang Review Kuno




Naisipan ko lang gumawa ng Review sa Album ng aking Kumareng si Adele ang 21.

The said album was released last January 19, 2011. In fairness naman sa album nya, shoot sa banga, mabenta. The songs in the album are all good. Mostly, they talk about relationships. Kitang-kita, rather, rinig na rinig natin, if nakabili na kayo or naDL nyo na ang 21 kung gaano kagigil si Adele sa mga past relationships nya. Masyado pa syang bata para makapagsulat ng ganito kalalalim na mga kanta at masyado pa din syang bata para mabitter sa pag-ibig. She write songs well. Maganda ang wordings, even the symbolisms ay shoot na shoot. If may pinagdadaanan ka ngayon, I recommend na pakinggan mo ang mga songs sa kanyang album na 21.


Eto yung ilan sa mga songs na medyo tumatak sa akin at nangurot sa aking puso.


1.Someone Like You


"Nevermind I'll find someone like you. I wish nothing but the best for you too. Don't forget me, I beg. I remember you say "Sometimes it lasts in love, sometimes it hurts instead."


-Oh diba? Kamusta naman ang lyrics? Diba? Nakakaloka lang! Hahaha! Sa mga kakagaling lang ng break-up dyan at tipong in denial pa na in pain sila at "I am okay and happy" ang drama. Subukan mong pakinggan ang kantang ito, i-loop mode mo. Tignan natin kung di ka kantutin ng kalungkutan.! POK!

Ayy In fairness. Parang nakakarelate ako dito. Rather, nakarelate ako dito.



2.Rolling in the Deep

"The scars of your love remind me of us,
They keep me thinking that we almost had it all,
The scars of your love, they leave me breathless,
I can't help feeling"


I wonder bakit bigla kong naging feel ang Rolling in the deep ni Ate Adele.
In all fairness, Rolling in the deep is one of the tracks sa eve-angsty sophomore album ni Mareng Adele na "21". Ang angas ng dating ng kanta.
If you're going to sing bitterness, this is how will it sound. Nabasa ko sa net na this song is a "fuck you" song sa kanyang exbf. Oh diba? Shala! Pag ako nabitter,wish ko lang na makasulat ako ng ganito kagandang kanta.

Pero Adele dear, bitterness kills. Move on. chos!



3. Don't you remember?

When was the last time you thought of me?
Or have you completely erased me from your memory?
I often think about where I went wrong,
The more I do, the less I know,


Eto na yung kanta para sa mga nagrereminisce ng isang relationship na natapos. Yung tipo bang nagising ka nalang tapos wala na? Yung tipo bang bigla nalang nawala? Yung tipo bang akala mo bukas pag nagkita kayo sweet pa rin? Putangina masakit eh. chos! Nakakatuwa ang kantang ito in a sense na parang ito yung song ni Adele wherein naglolong sya dun sa kanyang ex na kinabibitteran nya. Uyyy aminin natin mga bakla, dumadating tayo sa punto na kahit gaano tayo kabitter sa isang tao, umaamin tayo na kailangan pa rin natin sila. Yung tipo bang "ako nalang ulit! Ako nalang ulit!" Chos!


Lastly.


4.Turning Tables


"I won't let you close enough to hurt me."


Ang bigat nitong kantang ito. It's about someone who wants to get out of something that started wonderful tapos in the middle naging disaster yung relationship? Well, it's a very hard song. Ang sakit kung iaanalyze natin mga dear. So wag nalang. Sa mga di pa nakakapakinig nito, I'm sure pag narinig mo sya may kurot sya at mapapabuntong-hininga ka pag naintindihan mo yung lyrics.

Sabagay, as they always say, stay if you're happy, leave if you're not.

Oh sya,till next time. :)

Jed, I Love You

by Jayson Patalinghug
Blog: www.jaysoncnu.blogspot.com

Note: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Alin mang pagkakahawig sa totoong buhay o tao o pangyayari ay hindi po sinasadya ng may akda. Naglalaman din po ito ng sensitibong eksina sa pagitan ng dalawang lalaki. Kung hindi po kayo komportable sa ganitong kwento ay maari po lamang na lisanin ninyo kaagad ang blog na ito.

Nais ko din pasalamatan si Jethro Patalinghug sa pagpayag niyang maging model sa mga posters ng aking mga kwento. Sana ay magustuhan ninyo it at magsilbi itong inspirasyon sa inyong mga buhay. 

Labis ko pong ikakatuwa kong mag-iiwan kayo ng commento matapos ninyong basahin ang kwentong ito.

-Admin Jayson
*****************************************

Ano ba itong nasa isip ko? Ang isiping pwede kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman at sasabihin din niya sa akin na mahal niya ako pagkatapos ay magyayakapan kami at maghahalikan ay isang kahibangan. Si Jed na yata ang pinaka perpektong lalaki para sa akin. Masarap sana kung totoo ang lahat ng aking mga agam-agam. Kailan pa ba ako matututo? masakit ang katotohanan.

“Pasensya ka na Jay… pero alam mo namang babae ang gusto ko.” Malinaw pa ang mga katagang iyon sa aking ala-ala. Para itong isang sibat na tumusok sa aking puso… napakasakit…walang kasing sakit. Hindi iyon ang inaasahan kong mangyari pagkatapos ko siyang mahalin ng lubos-lubos sa loob ng dalawang taon. Siya lang ang lahat para sa akin na kahit ang tumingin man lang sa ibang gwapong lalaki ay isang malaking kasalanan na para sa akin. Sabi ko sa aking sarili na matatanggap ko kung isang araw, sasabihin niyang magkaibigan lang talaga kami, pangako ko sa sarli ko na magiging matatag ako kapag sinabi niya sa akin na hindi lalaki na tulad ko ang type niya. Ngunit tila may sariling utak yata ang aking puso, ginagawa nito ang gusto nitong gawin, at ang katotohananang mawalan ka ng taong sobrang mahal mo ay nagdudulot ng sakit na di mo makokontrol. Napaka tanga ko talaga nang maniwala ako sa aking sarili na kaya kong ihandle ang mareject ng taong mahal ko. At ngayon, ang sakit ay tila walang katapusang batis na nagdudulot ng matinding paghihinagpis.

Marahil ay gawa-gawa ko lang ang lahat. Ang aming relasyon…ang aming samahan. Ang bawat dampi ng kanyang mga kamay sa aking katawan, ang mga bulungan, tawanan, at ang mga makahulugang titig. Sobrang mahal ko siya na niloloko ko na ang aking sarili, pilit na kinikombense na totoo ang lahat ng mga iyon. Pinaniwala ko ang aking sarili na gwapo ako, sexy at maari ding balang araw ay magkakagusto din siya sa akin. Haaay…kahit kailan di niya ako minahal, ang lahat ay pawang pangarap lamang na kahit ang pinaka simpleng bagay na ginagawa niya ay binibigyan ko ng kahulugan. Yung parang baka mahal din niya ako ngunit nahihiya lang siyang umamin. Pero mali ako. Naiinis ako sa katotohanang babae ang gusto niya. Walang babae ang magmamahal sa kanya ng gaya ng pagmamahal ko. Walang babae ang makakapagpatawa sa kanya gaya ng ginagawa ko, walang babae ang nakaka alam ng kanyang mga problem at mga sekreto, o makapagbibigay sa kanya ng kanyang mga kailangan gaya ng pwde kong ibigay.  Wala. Pero, hindi pa rin ba iyan sapat? Isinilang lang ako sa maling katawan.



Si Rhon, ang kaisa-isa kong kaibigan na nakaka alam ng sekreto ko. Hindi siya bakla pero naiintindihan niya ako. Hindi niya ako hinuhusgahan. Alam niyang mahal ko si Jed, alam niyang para akong matutunaw sa bawat titig nito sa akin at nawawala ako sa katinuan kapag inaakbayang ako ni Jed.

“Sabihin mo na kasi sa kanya.” Sabi ni Rhon sa akin. Paano ko ba sasabihin? “Hi Jed…ano…mahal kita.” Ganun?

Pumasok ako sa skwela nung araw na yun, di man lang ako nag ayos ng sarili, wala akong paki alam. Di ko na pinlantsa ang damit ko, di ako nagsuklay. Wala na akong makitang dahilan para gawin pa iyon. Ako na yata ang pinaka miserableng tao sa mundo. Ginagawa ko naman ang lahat upang magmukhang masaya. Nagkukunwaring okay lang ang lahat kahit hindi.

Natapos din ang apat na subjects ng tinablan ako sa isa sa aming lesons. Nasa kalagitnaan kami ng Physics class, pinag aaralan namin ang law of inertia. Kung paano patuloy na gumagalaw ang mga bagay na gumagalaw, kung bakit di ito humihinto sa pagalaw, kung gaano kahirap itong pigilan kapag nagsimula na. Ganyan na ganyan ang pagibig ko kay Jed. Hindi mapipigilan. Ang aking pag-ibig, pagnanasa at ang aking pagkahumaling sa kanya….sobrang hirap para sa akin na baguhin mula noong tinanggap ng puso ko ang pag ibig ko para sa kanya. Naalala ko noong nakatambay kami sa tabing ilog. Nag-inuman, kwentuhan. Naalala ko na bigla nalang  napasandal ang ulo ko sa kanyang balikat, ang akala ko ay magagalit siya ngunit hindi. Pinabayaan lang niya ako, nakaupo lamang kami pinagmamasdan ang mga ibong dumaan, dinama ang simoy ng hangin. Napakaganda ng pakiramdam. Ngunit, lalo itong nagpahirap sa aking kalooban.

Di ko na kaya, binalot ng kalungkotan ang aking puso, kaya nagpaalam akong pupunta lang sa CR. Napakahirap pigilan ng aking mga luha na kahit nasa hallway pa ako ay pumapatak na. Nang marating ko ang CR ay umiyak ako ng umiyak. Pinunasan ko ang aking mga mata upang bumalik na sa classroom ngunit bawat luhang napupunasan ko ay agad na napapalitan ng panibago. Kaya di nalang ako bumalik upang walang makahalata. Ewan ko ba may ibang lalaki naman. Mas gwapo at mas matalino kay Jed, pero hindi…..hindi sila si Jed…at kahit kailan hindi nila mapapalitan si Jed sa puso ko.

Nakita ko si Jed pagkatapos ng klase, gaya ng dati bakas sa kanyang mukha ang pagiging masayahin. Baliwala lang sa kanya ang issue ng pagiging sweet ko sa kanya. Sa tingin ko ay di niya naiintindihan, sa tingin ko ay wala siyang kakayahang makaintindi kung gaano ko siya ka mahal.

“Uy musta?” sabi ni Jed, sabay upo sa bench katabi ko.

“hi…” ako lang ba ang naiilang sa sitwasyung ito? Dapat ay makaramdam din siya. Alam kung wala siyang nararamdaman pero di ba dapat lang na maramdaman niya?

“Gusto ko sanang pumunta sa tabing ilog ngayong sabado, pahangin…tambay..alam mo na. Pupunta din ang iba nating kaklase kaya sa tingin ko ay masaya ito. So, sama ka?” sabi niya sabay ngiti. OMG….napakaganda ng kanyang ngiti.

“Um…” Gusto kong sabihing hindi. Gusto ko sanang dumestansya sa kanya at mag isip. Pero hindi iyon ang lumabas sa bibig ko “Sure..sige ba…sama ako.” Syet…alam kong dahil iyon sa ngiti niya. Alam niya kung gaano ako kahina kapag tinititigan niya ako sa mata at nginingitian.

“Magaling…at saka sa linggo baka pwede din tayong mag movie marathon sa bahay. Drop by nalang tayo sa SM para bumili ng mga DVDs.” Dagdag pa niya.

“Okay…sige!” sabi ko. Arrgghhh! Okay last na ito..pagkatapos ay titigil na ako. I will let go na talaga.

Ngunit hindi ganoon kadali ang lahat. Dumaan ang dalawang linggo at lalo siyang naging malapit sa akin….lalo ko siyang minahal. Hindi ko siya kayang bitawan, hindi ko siya kayang iwaksi sa aking isipan. Sa halip ay lalong tumitindi ang aking nararamdaman para sa kanya. Kahit na sa aking pagtulog ay nakikita ko ang kanyang mga ngiti. Napakaganda at naiinis ako. Nakakainis.

Sa ikatlong linggo, parang umabot na sa sukdulan. Nasa bus kami papunta sa probinsya. Masaya ako, actually mababaw lang naman ang aking kasiyahan. Ang makasama siya, katabi, nahahawakan ang mga kamay. Kontento na ako.Hanggang sa dumating ang tatlong malalandi. Naupo sila sa tapat ng aming upuan, tatlong babae na mukhang sa paaralan din namin nagaaral kasi naka PE uniform yung isa. Nakatitig sila kay Jed at nagtatawanan, yung tipong nagtatawag ng “come here”.

“Hi…ikaw si Ryl Jed Canlas, right? Sabi ng isang babae sabay ngiti. At doon na nagsimula. Una ay parang nakikipagkaibigan lang. Nagtatanong sila at sinasagot naman niya. Wala yung problema, palakaibigan naman talaga sa Jed. Isa sa mga katangiang minahal ko sa kanya. Ngunit kalaunan ay nakadama ako ng kakaibang feeling sa mga ngiti ng malanding babaeng iyon. Napadalas ang kanyang maharot na ngiti at parang nagiging close na sila. Doon nagsimula ang aking paninibugho. Para itong isang lason na lumukob sa aking pagkatao. Nagpatuloy iyon hanggang sa nauna ng bumaba ang mga malalanding babae.

“kakaiba ang mga babaeng iyon ah…di ko naman sila kilala. Hehehe! So anyway, sa susunod na sabado aalis ang mama at papa ko, dadalo ng kasal sa kabilang probinsya at baka mga dalawang araw sila mawawala. So kung gusto mo movie marathon ulit tayo para naman may kasama ako.” Sabi niya, hindi man lang niya napansin na naiinis ako. Hindi ako sumagot kaya tiningnan niya ako sa mata. “Sumagot ka naman!”

“Okay, fine. Whatever.” Sagot ko.

“Alright, so kitakits nalang.”

Alam ba niya kung gaano nagdurugo ang puso ko sa panahon iyon?
“Tayong dalawa lang ba? O kasama din sila?” sabi ko sa mahinang boses.

“Sila? Sinong sila?”

Isang parte ng aking sarili ang nagsasabing huwag ko nang gawing malaking issue ang mga nangyari. Feeling ko ay napakasama ko upang magalit sa inasal ni Jed na normal lang naman para sa isang gwapong binata na tulad niya. Ngunit may isang parte din na nagdurugo. Dahil pina ala-ala lang niya sa akin kung gaano ako kalayo sa kanyang puso. “Huwag mo nga akong niloloko. Kalimutan mo nalang yung tanong ko.” Sabi ko.

“Ano? Yung mga babae ba? Jay, diba sinabi ko naman sayo. Di ko nga sila kilala.” Ngumiti lang siya. Di pa rin niya alam kung gaano niya ako nasaktan.

“Parang kilala ka nila.”

“Maraming tao ang nakakakilala sa akin. Pero wala iyon. Besides, di naman sila kasama sa mga gimik natin.” Tapos nguniti ulit. “Come on…wag mo na silang isipin..ang papangit naman ng mga iyon para patulan ko.” Pangisi niyang sabi. Pagkatapos ay sabay kaming nagtawanan. Pagkatapos ay inakbayan niya ako “tawagan kita bukas okay? Gimik tayo.”

“Okay, sige..walang problema.” Pagkatapos ay bumaba na ako sa bus, maganda ang pakiramdam…ngunit parang may kulang.

Lumipas ang isang linggo, nakita ko na naman ang mga malalanding babae sa school. Nakikipagharutan sila kay Jed, tapos sumasabay sa lunch namin. Minsan nagyayang mag inuman at naging lantaran ang pang aakit nila kay Jed. Para akong natamaan ng sibat ng makita kong binigay ni Jed ang phone number niya sa isa sa mga babaeng iyon. Nanikip ang aking dib-dib at tila di na yata ako makahinga. Mukhang nagkakagustuhan na silang dalawa at di ito matanggap ng aking puso.

Masisisi ko ba ang mga babaeng iyon? Gwapo naman talaga si Jed at sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya. Normal lang ang ginawa ng mga haliparot na iyon. Sobra na ito. Ayoko namang makipag agawan ng attention o pagmamahal. Kaya nakapag decide na akong lumayo.

Pagkatapos ng class, deretso ako sa library upang di ako makita ni Jed. Di ko alam, feeling ko ay isa akong babae na nagpapahabol. Di ko alam ang ginagawa ko, tinuturuan ko ba siya ng leksyon? Di ko talaga alam. Basta ang alam ko ay hindi ako pwedeng magpakita sa kanya sa araw na iyon. Tingnan lang natin kung mapapalitan ng mga ngiti nga mga babaeng iyon ang mga jokes ko. Nag hintay ako ng naghintay nagbabakasakaling hanapin niya ako. Pero wala, hindi nya ako hinanap. Umuwi ako nang hapong iyon mag isa. Malungkot.

Nang maka uwi ako ng bahay, binuksan ko ang phone ko at gaya ng inasahan ko may mga text si Jed. “Hoy, saan ka ba nagsosoot at di kita nakita nitong hapon?” binura ko at binasa ang kasunod na text “tawagan mo ako kapag  nakarating ka na sa inyo.” Binura ko ulit iyon. “Hoy, bakit di ka nag rereply? Okay ka lang?” sunod na text niya sa akin. Malapit akong matuksong tawagan siya at gumawa ng dahilan para lang marinig ang boses niya. Pero hindi…dapat layuan ko na talaga siya.

Nang sumusod na mga araw, nakita ko siya sa hall way, tinanong niya ako kung anong nangyari, pero tahimik lang ako. Nanging limited ang mga sagot ko sa kanya. Pilit na iniiswasan at nilalayuan. Di rin ako sumabay ng lunch sa kanya. Hinayaan ko lang siya kasama ang mga haliparut niyang mga kaibigan. Alam kong katangahan ang ginawa ko pero mas mabuti na yung may distansya kami, baka isang araw ay makakapag move on din ako.

Pagkatapos ng klase, patungo na sana ako sa library pero nakita ako ni Jed at nilapitan. Alam kong di na ako makakalusot kaya huminto nalang ako. “Jay, ano bang pinagkaka abalahan mo lately at di ka na sumasabay sa akin.”

“May mga bagay lang akong dapat gawin” sagot ko.

“Gaya ng ano? Tanong niya ulit.

“Kahit ano…basta…sige mauna na ako.” Sabi ko sabay lakad palayo.

“Saglit, hintayin mo muna ako. Kukunin ko lang bag ko tapos sasabay na ako sayo!” sabi niya.

“Nagmamadali ako eh, bukas nalang siguro.” Nang sinabi ko iyon, biglang nag iba ang kanayang mga mata. Alam niyang may kakaiba sa mga kinikilos ko.

“May problem ka ba?” tanong niya nang mahabol niya ako.

“Wala naman…wala akong problem.” Sagot ko

“Alam kong may problema, hindi ka naman ganayan eh. Di mo sinasagot mga text at tawag ko, ayoko mo na akong kasama, lagi mo nalang akong iniiwasan. Ano ba talaga ang problema? I mean, may nagawa ba akong mali?” tanong niya sa akin. Hindi niya alam.

“Wala nga..sige… mauna na ako.” Lumayo na ako at iniwan ko siya.     

“Oh sige pero tawagan mo ako mamaya. Ok? Please?” pakiusap niya.

“O sige…tatawagan kita.” Pagsinungaling ko sa kanya. Unti unti na akong lumalayo sa kanya at hindi ko hahayaang magbago ito dahil lamang sa mga ngiti o titig niya. Neg text ulit siya nung gabing iyon, ngunit binura ko na bago ko pa mabasa. Desidedo na akong lumayao, kahit na masakit.

Nang sumunod na byernes, pareho lang din ang nangyari. Walang contacts, walang kibuan. Nakita ko siya sa may hallway at nagkasalubong ang mga mata namin. Di ako makapaniwala sa aking ginawa. Bakas sa mukha ni Jed ang kalungkutan.

Nang matapos ang klase ng hapong iyon, papauwi na ako ng harangin niya ako sa may hallway. “So ganito nalang ba? Di mo nalang ako kikibuin habang buhay? O baka naman kailangan ko lang maghintay, sabihin mo sa akin, kailan mo ba ako kakausapin muli para naman mamarkahan ko ang aking calendar?” sabi niya at bakas sa kanyang boses ang sincirity.

“Hindi mo naiintindahan Jed.” Sabi ko

“No! Hindi talaga….hindi ko talaga maintindihan!...come on  Jay…ano ba ang nagawa ko? Patawad na ok? Kung ano man iyon sanay patawarin mo na ako.” Sabi niya. Gusto kong mawala na ang nararamdaman ko sa kanya, pero di ko maitatago ang aking nadarama para sa kanya. “tol naman…kausapin mo ako. Akala ko ba ay magkaibigan tayo? Dagdag pa niya.

“Hindi…Hindi mo ako pwedeng maging kaibigan ngayon. Hindi sa ayaw kitang maging kaibigan pero magulo lang ang isip ko sa ngayon at kailangan kong mag isip.” Sagot ko sa kanya na ang boses ay naiiyak.

“At ano ang gusto mong gawin ko? Maghintay at magdusa habang ang aking matalik na kaibigan ay nagiisip at naghahanap ng kalutasan sa kanyang problema? Di ko maintindihan.. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo.”

Pagkatapos ng kanyang sinabi ay hinarap ko siya at tinitigan sa mga mata, “Alam mo kung ako ang nararamdaman ko.” Nagtitigan kami ng ilang minuto…ang aming mga mata ay tila nag uusap. Naintindihan niya ang gusto kong sabihin, nahiya din ako kaya, lumayo ako sa kanya.

Hinabol niya ako at hinawakan ang aking mga braso…hinila paharap sa kanya. “Bakit ayaw mong magsalita?” tanong niya.

“Ano ang sasabihin ko? Sabihin kong mahal kita at magpanggap na mahal mo rin ako?”

“Kahit ano, sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo imbes na tumahimik at ipadama sa akin kung gaano ako ka gago.” Sabi niya.

“Marahil ay bagay sayo ang pakiramdam ng isang gago. Alam mong mahal kita at alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin pero wala kang paki alam.” Sabi ko sabay kalas sa pagkakahawak niya sa aking mga braso.

“Hindi naman sa wala akong paki alam. Kundi…Jay….ano bang gusto mong sabihin ko?”

“Hindi mo ba naiintindihan? Ayokong may sabihin ka! Ang gusto ko ay iwanan mo na akong mag isa para makalimutan na kita.”

Mukhang nasaktan si Jed sa mga sinabi ko. “It is not fair Jay.” Sabi niya na parang naiiyak na rin.

“Maraming bagay sa mundo ang hindi fair Jed. Maniwala ka sa akin…naramdaman ko iyon… sayo!” sagot  ko sa kanya.

“Hindi mo ako pwedeng kamuhian dahil dito. Hindi…Huwag mo naman akong itulak palayo. Huwag mong sabihin sa akin na di na kita pwedeng maging best friend.” Naghihintay siya ng sagot, pero wala akong binigay. Tumulo na lang ang luha sa aking mga mata at malaya itong dumaloy sa aking mga pisngi. Yumuko nalang siya at pinabayaan ako…

Nagising nalang ako sabado ng umaga, namamaga pa ang aking mga mata sa kaiiyak. Ito na ang unang araw na mag isa nalang ako..wala na ang best friend ko na minahal ko ng lubos. I felt so empty. Di ko alam na ganito pala kasakit….di ko maintindihan.Totoo pala talaga ang sabi nila na hindi mo alam kung ano ang meron ka hanggang sa mawala ito sayo. Kinagabihan nag ring ang telepono at narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Jed. “Hey, Jay….makinig ka naman sa akin oh… kailangan natin mag usap, ok?”

“Um..ok” may ilang segundong katahimikan, pagkatapos ay nagsalita ako, “Go ahead…”

“Hindi, hindi dito sa phone. Makinig ka, makakapunta ka ba dito sa bahay ngayong gabi?”

Nalimutan ko, may usapang nga pala kaming mag movie marathon sa gabing iyon. “actually, sa tingin ko ay di ako makakapunta..” OMG…siya at ako…kami lang dalawa sa bahay nila…sa tingin ko ay hindi iyon makakatulong sa akin.

“Please? Mahalaga ito para sa akin. Nakikiusap ako bilang isang kaibigan. Give me a chance, ok?” sabi niya na nag crack ang boses. Sa tingin ko ay umiiyak din siya, di ako makapaniwala. Kaya pumayag ako at pumunta ako sa bahay nila.

Di ko maipaliwanag ang kanyang mukha noong makita ko siya sa pintuan ng bahay nila. “Halika pasok ka.” Anyaya niya.

Mukha siyang tense. Sinara niya ang pinto at inilock niya ito at pagkatapos ay tinanggal ang soot niyang shades. Nakatayo lang ako sa gitna ng sala ng nilapitan niya at pina andar ang TV. MTV ang pinalabas niya at naka full volume ito. Tumingin siya sa akin at nilapitan ako dahan dahan.

“Di ko maintindihan…ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.

“Ayokong mawala ka sa akin. Mahalaga ka sa buhay ko.” Sabi niya. Di ko siya maintindihan ngunit pinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat at nilapit ang mukha sa akin at bumulong, “Gusto kong makasama ka.” Pagkatapos ay tinitigan niya ako sa mata at hinalikan ako sa labi!
“sandali lang, di kita maintindihan…ano ba ang nagyayari dito? Para saan iyon?”  Tanong ko sabay kalas sa kanyang mga halik.

“sshhhh…halika.” Lumapit pa siya sa akin at nagdikit ang aming mga katawan, ngunit tinulak ko siya upang pigilan siya sa kanyang balak.

“Di mo kailangang gawin ito…..di naman ito ang gusto ko…” Ngunit niyakap niya ako at muling nagdikit ang aming mga katawan. Hinalikan niya ako sa leeg. Marahan…. “Jed…di mo kailangang gawin ito..”

Hindi siya nakinig sa akin, gumapang ang kanyang mga kamay sa aking likod at niyakap ako ng mahigpit habang muli niyang inangkin ang aking mga labi. Di ako makapaniwala..hindi ito dapat mangyari. Hindi ko pinlano na magkaganito. Ang gusto ko lang ay malaman niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero nawala na rin iyon sa aking isip at naalipin ako sa init na nararamdaman ko habang ang aking katawan ay nababalot sa bisig ng taong mahal ko. Parang may sariling isip ang aking mga kamay at gumapang ito sa katawan ni Jed at dahan dahan kong hinubad ang soot niyang T-shirt. Nag espadahan ang aming mga dila hanggang sa binaba ko ang aking mga halik sa kanyan leeg…dahan dahan hanggang sa marating ng aking mga dila ang kanyang mga utong. Sinipsip ko ito at ang tanging narinig ko lamang kay Jed ay ungol at halinghing. Ang aking kaliwang kamay ay naglakbay hanggang sa masapo nito ang kanyang alaga sa gitna ng kanyang mga hita. Lumakas ang kabog ng aking dib-dib at para itong sasabog. Bigla akong natauhan at itinulak siya palayo. Tumingin siya sa akin naguguluhan.

“Hindi ito pag ibig, hindi rin ito sex…..ang pakiramdam ko ay isa itong emotional rape na may willing participant” sabi ko sa kanya. “Hindi ito tama”

“Gusto mo ba na doon tayo sa kwarto?” tanong niya sa akin.

“No..hindi yan ang ibig kong sabihin.” Nakatayo ako sa kanyang harap habang nakatingin siya sa akin..naguguluhan. “Jed, makinig ka sa akin… MAHAL na MAHAL kita at alam kong di mo gusto ang ginagawa mo ngayon.”

“Im sorry. Sinusubukan ko lang…okay naman….masarap naman diba?”

Alam kong nagsisinungaling siya. “Hindi ito ang gusto ko. Hindi ganito.”

“Jay…ayokong mawala ka sa akin….ayoko bitiwan ang pagkakaibigan natin. Nagbabaka sakali akong kapag ginawa ko ito ay…hindi mo na ako iiwan at magiging magkaibigan ulit tayo.” Sabi niya.

“Alam ko at lalo kitang minahal sa pagiging sweet mo. Handa kang magpaubaya alang-alang sa pagkakaibigan natin, ginawa mo ang bagay na ayaw mong gawin para sa ating pagkakaibigan. Maisip ko lang iyon ay masaya na ako. Hindi ko alam kung ano nagawa ko to deserve a friend like you.” Sagot ko sa kanya.

Nagbuntong hininga siya at hinalikan ako sa pisngi. “Alam mo… Di man kita maaring mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin. Di ko man maibigay sayo ang pag ibig na nararapat sayo. Hindi ibig sabihin nun na wala akong paki alam sayo. Tandaan mo, nandito lang ako kapag kailangan mo ako. Kailangan kita sa buhay ko Jay. At sana ay alam mo na handa akong gawin ang kahit na ano just to save our friendship.”

Pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa aking mga pisngi at ngumiti..”Talaga?”

“At least tapusin mo naman ang pagtsupa sa akin..” sabay tawa….

“Tapusin mong mag isa mo! Ano ka hilo?” at sabay kaming nagtawanan. Finally, nainitindihan ko na, mas mahalaga ang aming pagkakaibigan at ito ang dapat kong alagaan. Ito ang kailangan ko kay Jed…ang aking matalik na kaibigan.

Hanggang ngayon…matibay parin ang aming pagkakaibigan at wala ni sino man ang pwedeng magwasak nito. Hindi ko na sinabi kay Rhon ang nangyari sa amin ni Jed nung gabing iyon. Ala-ala ko nalang iyon....ala-ala naming dalawa ni Jed na kahit kailan ay di ko makakalimutan.                                        

Wakas......