Saturday, May 7, 2011

KAHIT SANDALI: Part 6

Nagulat ako sa ginawang paghalik ni Eric.


Ramdam ko sa mga halik niya ang galit at selos. His kiss was overpowering. Marahas. Ngunit kahit ganoon ay hindi ko magawang kumawala. Instead, I liked the kiss. His lips were sweet. Napakasarap ng halik niya. It was undeniable that his kisses were defintely and absolutely irresistable.


It took all my strength to pull away from the kiss at nang makuha ang pagkakataon ay pinakawalan ko ang isang suntok. Napatumba naman si Eric sa center table kung saan nakapatong ang mga bote ng beer kung kaya't nagkalat ang mga ito sa sala. Nagulat naman si Eric at napatingin sa akin habang pinapahid ang dugong lumabas mula sa ilog nito dahil sa lakas ng pagsuntok.


Nang makabawi ay tumayo rin agad si Eric at tinungo ang pintuan. Ngunit bago pa man ito makalabas ay nagsalita ito.


"I'm sorry." iyon lang at tuluyan na itong lumabas.


Naiwan akong nakatayo sa sala na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko maiwaglit sa isip ko ang sensasyong dulot ng paghalik niya sa akin. But one thing is for sure. I have to avoid him. At dahil sa isiping ito, nagpasya akong umalis. I had to leave the island.


Sinimulan ko nang iligpit ang aking mga gamit. Nang matapos ay sinimulan ko na ring ipasok sa bag ang mga gamit ni Jake. We're gonna leave first thing in the morning.


Bago matulog ay naligo muna ako. Nang matapos ay tumabi na ako kay Jake, ginawaran ng halik sa noo at natulog.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------


Nagising ako kinabukasan nang alas kwatro ng umaga. Naisip kong magpahangin muna sa labas kung kaya't nagbihis ako ng isang body fit na black sando at nagsuot ng board shorts na medyo hapit rin sa katawan. Natawa ako nang mapansin ang bukol sa harap ng shorts ko.


Lumabas ako ng kwarto ngunit natigilan ako nang makit ko si Eric sa may sala na nakaupo at mukhang kararating lang. Minabuti ko nang huwag ito pansinin at tinungo ko na ang direksiyon ng pintuan ngunit bago ko pa man marating ang pinto ay nagsalita ito.


"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.


Hindi ako agad nakasagot.


"Please." pagmamakaawa niya.


Naisip ko naman na walang mawawala kung makikipag-usap ako sa kanya kaya pinagbigyan ko siya at umupo sa one seater sofa na nasa harapan ng inuupuan niya. Nang makaupo ako ay nanatili siyang tahimik. Kung kaya ako na rin ang bumasag ng katahimikan.


"If you wanna talk, talk." sabi ko.


"I'm sorry about what happened last night." pagihingi niya ng paumanhin. "Hindi ko alam kung ano nangyari sa akin at kung bakit ko ginawa yun. Hindi ko sinasadya."


Hindi ko naman mahagilap kung ano ang sasabihin kung kaya nanatili lang akong tahimik.


"Magsalita ka naman." sabi nito. Halata ang pagsisisi sa mukha.


"Anong gusto mong sabihin ko?!" medyo mataas ang boses kong sabi. "Na ok lang? Ganun nalang 'yon?" pagpapatuloy ko.


"Alam kong mali ako. Kaya nga humihingi ako ng tawad eh." sabi nito. Halata ang pagpapakumbaba sa tinig.


Naawa naman ako rito kung kaya nagdesisyon na rin akong patawarin ito. Bago magsalita ay huminga muna ako ng malalim.


"Forget what happened. I was just shocked, and you were drunked. Also, technically, it was my fault for kissing Gina. But I'll tell you, it was just a game of truth or dare and that was the consequence I had to pay for choosing to dare." sabi ko.



"Don't worry, I'll be out of your hair in a few hours." pagpapatuloy ko.


"Anong ibig mo sabihin?" takang tanong nito.


"I'm gonna leave the island together with Jake in a few hours." sagot ko naman.


"Bakit? Dahil ba sa akin?" tanong nito.


"No, I think it's better this way para makaiwas sa gulo." sabi ko naman. Pero ang totoo, iniiwasan ko siyang talaga. Dahil hindi ko pa rin makalimutan ang halik niya and the worst part is napanaginipan niya pa ito. "Isa pa, para makapag-isa naman kayo ni Gina."


Nagulat naman ako sa naging reaksiyon niya sa sinabi ko.


"Hindi si Gina ang may gusto sa'yo Al. It's me." sabi niya.


ITUTULOY...



_____________________________________________________________

by: JiJei

1 comment:

Anonymous said...

ano ba to? mula chapter 4 di ko na mabasa! ang ganda pa naman ng istorya pero pano to? pwede po bang ayusin yung kulang ng text para mabasa namin ng maayos?
Ben