Sunday, May 8, 2011

KAHIT SANDALI: Part 7

Natigilan ako sa ginawang pag-amin ni Eric. Tama ba ang narinig ko? Siya? May gusto sa akin?




"Alam mo, Eric, lasing ka lang eh. Mabuti pa, itulog mo nalang 'yan." nasabi ko nalang. Pero hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.




"No, listen to what I'm saying. Gusto kita. Ever since una kitang makita sa school, nagustuhan na kita." simula niya. "Nang nilapitan ka namin ni Gina pagkatapos ng school play nyo, ako ang gustong makipagkilala sa'yo noon. Kaya lang hindi ko alam kung paano sasabihin kung kaya si Gina nalang ang nakiharap sa'yo."




Nanatili lang akong tahimik sa kabila ng mga sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit o kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa mga nalaman.




"Remember the party?" pagpapatuloy niya. "Ako rin ang nag-organize noon. I did that para makita kita. After you left, sinundan kita hanggang sa bar, I was there pero kinailangan ako sa party kung kaya umalis ako, at nang makabalik ako sa bar, naabutan nalang kitang nakahandusay sa gilid ng kotse mo. Hindi mo lang alam kung gaano ko sinisi ang sarili ko na hindi kita nagawang protektahan noon. Kung kaya magdamag kitang binantayan sa ospital. Hinintay kong magising ka."




"Naalala mo ba, lagi kitang pinagmamasdan? I loved hearing you sing. I love looking at you when you're happy. Nang una kitang makitang tumawa sa ospital, saka ko lang narealize, hindi na basta pagkagusto lang ang nararamdaman ko sa'yo kaya dumistansya ako. Hindi ako nagparamdam ng ilang bwan hanggang magbakasyon, pero hindi ko kaya."



"Last night, I wasn't jealous at you. I was jealous of Gina."



Nanatili pa rin akong tahimik sa kabila ng lahat. I was trying to digest everything that he said. It was overwhelming but at the same time, it made my heart beat faster.



"Please say something." sabi nitong may pag-aalala sa mga mata.



Nang hindi ako magsalita ay tumayo ito at akmang aalis. Something inside me panicked. Kaya bago pa man siya makalabas ng pinto ay hinatak ko siya pabalik. Hindi ko maipaliwanag kung paano nangyari, pero hinalikan ko siya. Nagulat siya ngunit kalaunan ay gumanti naman siya ng halik. Unti-unting naging mapusok, naging maalab ang mga halik ni Eric. It made my body shiver in delight, hindi alintana ang natutulog pang si Jake sa kwarto.



Naramdaman kong unti-unting gumapang ang mga kamay ni Eric sa loob ng aking damit. Mula sa ibaba ay ipinasok niya ang kanyang mga kamay at unti-unti itong iniakyat hanggang tuluyan na nitong matanggal ang suot kong sando.



(TORRID PARTS will be available to thos na nagrequest.)




"What did just happen?" tanong kong habol pa rin ang hininga at nakaiga sa sofa katabi si Eric.



"Something amazing." sagot nitong nakangiti.



"This is really unexpected." nasabi ko naman at ginawaran ng halik sa labi si Eric.



Maya-maya pa ay tumayo na ako at naligo. Ngunit hindi pa ako nangangalati sa paliligo ay pumasok si Eric sa bathroom. At muli ay inangkin namin ang mundo.



Nang matapos kami sa paliligo ay nagbihis na ako, sakto namang nang matapos akong magbihis ay nagising na si Jake. And as expected, paliligo sa beach ang unang pumasok sa isip nito. Pinagbigyan ko naman siya at kasama si Eric, ay naligo nga kami sa dagat. Hinayaan kong mag-enjoy si Jake.



Ang buong araw na iyon ay isa sa pinakamasayang araw na naranasan ko. We officially declared our relationship sa mga kasamahan namin at tanggap naman nila kami. (Kasi pala, alam na nila na bisexual si Eric at may gusto nga sa akin.)



Nang bumalik kami sa Manila ay nag-iba na ang lahat. Lagi nang nasa bahay si Eric, naging masayahin rin si Jake dahil na rin kay Eric. He was spoiling my son. (Nga pala, Daddy Eric na rin ang tawag ni Jake sa kanya.) My whole life went from being great to better.



Masaya. I loved the feeling of being loved. Natutunan ko na ring mahalin si Eric at nasanay na akong lagi siyang nasa tabi ko. Hindi namin pinapansin ang pangungutya ng ibang tao. We had our fights pero hindi niya hinahayaang matapos ang gabi na hindi kami nagkakaayos. But one thing is for sure. I'm happy. Really happy.



Ganoon kami for two years, hanggang nawala si Eric sa buhay namin ni Jake.



ITUTULOY.....


_____________________________________________________

by: JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)

6 comments:

Anonymous said...

i request fo that torrid parts juzz_qat@yahoo.com

Anonymous said...

i request fo that torrid parts juzz_qat@yahoo.com

stephenseigfreid said...

please send me that part stephen_1229@yahoo.com...

Anonymous said...

Hi mr author! Pls send me the torrid part drewcastel1979@yahoo.com thanks

Anonymous said...

hi gud day,,,, pls... send to me the torrid part ramytardaguela@yahoo.com


thanks!

ramy from qatar

Anonymous said...

hey mr. Writer! Ur story was very great.. that's why i keep on reading it. But for me, the story will not be completed if i can't read the TORRID part. Hehehe. Pls send me the copy here (chanmuzhi@yahoo.com)

thanks & more power! =)